Chapter 43

2.2K 137 17
                                    

CHAPTER 43

Serenity

Kinabukasan ay maaga akong gumising at nakiramdam kay Papa. Matapos niyang kumain ng umagahan ay tahimik lang niyang inabot sa akin ang aking cell phone at tipid na ngumiti.

"You have a lot of work at the office," medyo seryoso pang aniya.

Dahil sa katuwaan ay agad ko siyang tinalon at niyakap. "Thank you so much, Papa..."

Niyakap niya ako pabalik at hinalik-halikan ang aking ulo. "I just want you to be happy, baby. I don't want to see you hurt anymore."

"I am happy, Papa. Thad is a good guy. I can assure you that."

Humugot ito ng malalim na buntonghininga bago kumalas sa yakap ko. "Just tell me when he hurts you. I will kill him."

Naiiling akong ngumiti. Though, I am pretty sure that he's serious with his warning. He would do anything for me.

"He loves me, Papa. You have nothing to worry about."

Hindi naman na siya kumontra sa sinabi ko at tumango na lang. Alam kong marami pa rin siyang agam-agam, pero naniniwala akong kapag nakilala niya nang husto si Thad ay mababago ang pananaw niya rito.

Halos katatapos ko lang gumayak nang tumawag si Thad. Sa sobrang excitement ko kahit pa isang ring pa lang iyon ay sinagot ko na agad.

{Hello, babe. Good morning} bungad niya.

Lalong lumapad ang ngiti ko sa pagkarinig pa lang sa boses niyang iyon. "Hey, good morning. Papasok ako sa office today."

{I heard. Kaya nandito ako sa labas.}

Agad na nanlaki ang aking mga mata. "Really? How did you know?"

{Your father called me.}

"Now, that's a surprise."

{Yeah. I didn't expect either.}

"Wait. I'll be right down."

{Okay.}

Mabilis kong pinutol ang tawag at saglit na umikot sa harap ng salamin bago dali-daling lumabas ng kwarto.

Sa pakiwari ko ay para ba akong teenager na first-time na in-love. Paglabas ko sa mansion ay agad kong nabungaran si Thad na sobrang gwapo sa suot nitong white long sleeve na nakatiklop hanggang siko at naka-tuck in sa soft black pants na binagayan pa ng leather belt.

He's so gorgeous. Wala na talagang duda roon.

"Hey, beautiful," malambing na bungad pa niya.

Para ba akong kinikiliti sa tiyan dahil doon.

"Hi. Sorry to keep you waiting."

"You're worth the wait." Ngumiti siya at agad na ibinuka ang mga braso.

Nakauunawa ko namang sinalubong ang yakap niya at ninamnam ang init ng katawan niyang iyon. I could live like this forever.

"I missed you so much..." bulong niya.

"Me too..."

Kung ilang saglit din kaming nanatiling ganoon bago maghiwalay. Malagkit niya akong tinitigan bago mabilis na gawaran ng halik ang aking labi.

"Tara na?"

Tumango ako at malapad na ngumiti. Sobrang ganda ng simula ng araw ko.

Lumipas ang buong maghapon na halos 'di ko namamalayan dahil sa dami ng mga trabaho. Pero ganoon pa man, si Thad ang nagsilbing clock ko para magpaalala sa mga oras na kailangan kong kumain at mag-merienda man lang.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now