Chapter 17

1.8K 91 6
                                    

CHAPTER 17

Thaddeus Art


"Close ba talaga kayo ng Eren na 'yon?" tanong ni Lauren nang papunta na kami sa restroom.

"I really can't say that we're close... but she's really nice."

Hindi naman na siya nagkomento. Pero base sa hitsura niya ay para ba siyang nagseselos.

"Are you jealous?" nangingiti kong tanong sabay silip sa kanyang magandang mukha.

Umirap lang siya at ngumuso. "She's so pretty. Who wouldn't be jealous?"

"There's nothing to be jealous of, hon. She's just a neighbor. At saka asawa siya ng client mo, 'di ba?"

Tumango siya pero hindi pa rin ngumingiti. "I just don't feel comfortable with the thoughts that you're being friends with her."

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at tumango-tango. I completely understand how she felt.

"She's very much in love with her husband like I am with you, so you have nothing to worry about."

Ngumuso siya at nagpipigil na ngumiti nang maluwag.

Yeah, she definitely liked hearing those words.

"Sige na nga. Sinabi mo, e," malambing pang aniya sabay mabilis na halik sa pisngi ko. "Ihing-ihi na talaga ako, hon," bulong niya sabay nagtatakbo papasok sa banyo.

Natatawa akong umiling at pumasok na rin muna sa restroom.

Paglabas ko sa restroom ay naabutan ko sina Everett at Christoff na magkausap di-kalayuan. Nakaakbay si Christoff sa isang magandang babae na hindi ko gaanong kita ang mukha. Para bang sobrang seryoso ng kanilang pinag-uusapan.

Hindi naman din nagtagal ay lumabas na si Lauren na agad din namang kumapit sa braso ko. Nang mapansin niya ang tatlo ay agad pa siyang kumaway sa mga ito.

"Hon, una ka na sa table. May sasabihin lang ako tungkol sa negosyo. Ayos lang ba?"

Wala akong nagawa kundi ang tumango. Hindi naman ako kailanman nakisali sa usapan nila basta pagdating sa negosyo.

"Who's the girl?" kuryoso kong tanong.

"Girl?"

"Yong kaakbay ng asawa ni Eren."

"Ah, si Marie Antoinette. She was his long-time friend. That's all I know..."

Hindi ko na sinundan ang tanong. Nag-aalala lang din akong makita iyon ni Eren at pagmulan ng away nilang mag-asawa.

Wala ako sa sariling umiling nang ma-realize ang naiisip. Hindi na ako dapat makialam sa kung anomang gulong gustong dalhin ni Christoff sa pagsasama nilang mag-asawa. Naaawa lang din talaga ako kay Eren. She deserves better.

Bumalik ako sa table namin at uminom na mag-isa. Higit na mas maraming kakilala si Lauren kaysa sa akin kung kaya wala rin akong masyadong makakuwentuhan. Bukod sa iilang kakilala sa negosyo ay halos 'di na pamilyar sa akin ang iba. Ang natitiyak ko lang, karamihan sa mga bisita ay puro may kaya sa lipunan.

Saglit akong nagmasid at nilibang ang sarili sa panonood sa ibang tao. Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko si Eren na nag-iisa at panay lang ang pindot sa cell phone nito. Gustuhin ko man siyang lapitan ay mas pinili ko na lang mag-text. Ayaw kong bigyan ng alalahanin ang asawa ko lalo pa't nakita kong medyo nagseselos nga siya.

Me: Busy?

Nang ngumiti si Eren at mag-angat ng tingin sa akin ay alam kong nabasa na niya ang text ko.

HUSBAND AND WIFEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt