Chapter 40

2.2K 134 10
                                    

CHAPTER 40

Serenity

Ang tanging naging paraan para makapag-usap kami ni Thad ay sa landline lang. Ilang araw akong hindi pinapasok ni Papa sa opisina sa isip na puntahan lang ako ni Thad doon. Kahit pa ano'ng paliwanag ko ay hindi niya pinapakinggan.

"Anak, kumain ka muna," sumamo ni Mama.

Ilang araw din akong walang gana kumain at paunti-unti lang ang kain ko.

"Ma, kausapin mo naman si Papa, please?"

Naaawa niya akong tinitigan bago banayad na hinaplos ang aking pisngi.

"Just give your Papa some time. Sa ngayon sarado pa talaga ang utak niya sa paliwanag. Nagagalit din sa akin kapag iginigiit ko ang katwiran mo."

Hindi ko nagawang makakibo dahil sa pagbuhos na naman ng luha. Ilang araw pa lang ang nakalilipas ay sobrang miss na miss ko na agad si Thad.

Naaawang niyakap ako ni Mama at hinagod-hagod ang aking buhok.

"Do you really love him?"

Tumango ako. "I do, Mama. I love him."

"Hindi ba dahil naiisip mong parehas kayo ng pinagdaanan kaya ka ganyan sa kanya?"

"No, Ma," umiiling na sagot ko. "Kung makikilala mo lang si Thad? He is such a good man. Christoff is not even half the man he is. He takes care of me and he loves me. I felt his sincerity, Ma. I've never been this happy, you know?"

Nagluluha siyang tumitig sa akin na para bang nauunawaan ang nararamdaman ko.

"I want you happy, sweetie... Really. Pero nagtatampo lang ako sa 'yo dahil hindi mo man lang sinabi sa akin."

"Ma... I'm so sorry..." malambing pang sabi ko sabay saglit na niyakap ito. "I wanted to tell you but I got scared. Isip ko, ganoon din ang magiging reaction mo kapag nalaman mong sa dami ng mga lalaki, asawa pa ng babaeng sumira sa amin ni Christoff ang minahal ko. Believe me, Ma. I'm scared to. Naisip ko rin ang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nila ang tungkol sa amin ni Thad. Pero nawala lang ang takot ko nang siya mismo ay hindi ipinaramdam ang alalahanin na iyon. He showed me that what really matters is our love. Balewala na ang iba."

Matamang tumitig sa akin si Mama at mapait na ngumiti.

"Help me, Ma. Help me convince Papa, please?"

Ilang sandali rin siyang tumitig sa akin bago marahang tumango. Umiiyak akong yumakap ulit sa kanya habang panay pa rin ang hagod niya sa likod ko.

"All right. I'll help you. I have a plan. But first... give me his number."

Mapait akong ngumiti bago tumango. Parang nabuhayan ako ng pag-asa sa sinabi niyang iyon.

Lumipas ang halos isang linggo na tinikis ako ni Papa. Kahit pa ano'ng pakiusap ay hindi siya nakinig sa akin. Pinanindigan niya ang paniniwalang hindi maganda ang intensyon ni Thad kung kaya ito nakipaglapit sa akin. Binalewala rin niya ang paliwanag ni Mama. Hindi ko tuloy malaman kung papaano pa kakausapin si Thad gayong natuklasan na rin ni Papa na nagkakausap kami gamit ang landline.

Nakahiga ako sa bed nang marinig ang mahihinang katok. Bumangon ako at tamad na binuksan iyon.

"O, Ma?"

Sumenyas siyang tumahimik ako at agad na ni-lock ang pinto. Nagtataka akong tumitig sa kanya, pero senyas pa rin ang naging sagot niya.

Naupo kami sa bed bago nito dukutin ang cell phone at ibinigay iyon sa akin.

"Answer it. Si Thad 'yan," pabulong pang aniya.

Sa sobrang excitement ay agad kong sinagot iyon at bahagyang dumistansya kay Mama.

HUSBAND AND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon