Chapter 39

2.1K 131 12
                                    

CHAPTER 39

Thaddeus Art

Katatapos lang naming kumain ng hapunan nang biglang tumunog ang door bell. At ganoon na lang ang mangha namin nang makita sa monitor ang parents ni Eren.

Shit.

"Do you know they were coming?"

Tarantang umiling si Eren at takot pa ring lumapit sa pinto.

"There's no way out here, babe. We need to talk to your parents."

Ilang saglit din siyang natigilan bago tumango. Mahigpit kong hinawakan ang nanlalamig niyang kamay bago sabay kaming lumapit sa pinto.

Kaya naman nang buksan namin iyon at mabungaran kami ng parents niya ay ganoon na lang ang gulat sa mga mukha nito.

"What the hell is he doing here?!"

Tila kulog ang dating ng boses ng papa ni Eren habang nanlilisik ang mga mata sa pagtitig sa akin. Maging ang mama nito ay awang pa rin ang mga labi at nagluha na agad ang mga mata.

"Good evening po..." lakas-loob kong bati sabay yukod sa mga ito.

I completely understand their reaction. Natural lang naman iyon bilang mga magulang.

"Pumasok muna kayo, Pa, Ma..." kabadong sabi ni Eren.

Padabog na pumasok ang papa nito kasunod ang mama nitong tahimik pa rin at parang hindi maproseso ang nangyayari.

"Akala ko ay niloloko lang ako ni Christoff. Iyon pala ay totoo! Boyfriend mo ang dating asawa ng babaeng kinakasama niya!" asik pa nito dahilan para mapayuko si Eren.

"Sir, let me—"

"Hindi ikaw ang kinakausap ko!" sigaw pa nito sa akin.

"Pa, can you please calm down. Huwag mo naman kausapin si Thad nang ganyan," nagsusumamong pakiusap ni Eren.

"Are you completely out of your mind?! Ano'ng iisipin ng mga tao sa ginagawa mo?! Nagpalit lang kayo ng mga asa-asawa?! Wala na ba talagang natitirang kahihiyan sa 'yo?!"

"Augusto, stop it!" awat pa ng asawa nito. "Hintayin mo muna ang paliwanag ng anak mo!"

"Nababaliw na yata ang anak mo para pumatol pa sa lalaking 'yan! Hindi yata talaga nag-iisip!"

"I love Thad, Papa, and he loves me. Wala akong nakikitang mali roon," umiiyak na depensa ni Eren.

"Mali? Wala kang nakikitang mali? Hindi mo ba naisip na baka gusto lang ding maghiganti ng lalaking iyan sa dating asawa niya?!"

"He wasn't like that, Papa. Mabait at maalaga si Thad. Huwag mo siyang paratangan nang ganyan."

"Ganyan din naman si Christoff noon, 'di ba? Pero ano? Ano'ng nangyari? Saan ba nauwi ang pagsasama ninyong dalawa?"

"Please, don't compare him to that asshole! Magkaiba sila ni Thad! Christoff is not even half the man he is!"

"Oh, come on, Eren! Don't be a fool!"

"I love Eren, sir. Hindi ko po siya sasaktan," lakas-loob na singit ko.

Sarkastiko itong tumawa at umiling-iling. Halatang hindi kumbinsido sa sinabi ko.

"Huwag na tayong maglokohan dito. Hindi kita gusto para sa anak ko. Alam kong may hidden agenda ka, kaya sa dami ng mga babae, anak ko pa rin ang nilapitan mo!"

"No, sir. Malinis po ang intensyon ko kay Eren. Wala po akong balak na masama sa kanya. I just want to love her. Iyon lang po ang gusto ko."

Muli ay sarkastiko itong tumawa. "Do you expect me to believe that? Really? Or baka naman gusto mo lang ng yaman ng anak ko? Hindi ka pa kuntento sa yaman mo?"

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now