Chapter 42

2.1K 136 12
                                    

CHAPTER 42

Serenity

Tahimik kaming nakaupo ni Thad habang nakatitig sa amin si Papa at si Mama naman ay kabadong nakaupo malapit sa amin.

"Are you sure about this?" basag ni Papa sa katahimikan.

Halos sabay kaming nag-angat ng tingin ni Thad at saglit pang nagtinginan bago marahang tumango.

Humugot ito ng malalim na buntonghininga bago maupo sa tabi ni Mama. Para bang marami pa rin siyang pag-aalangan.

"This is giving me a headache..." aniya sabay hilot sa sentido. "Alam n'yo ba ang pinapasok ninyo?"

"Opo," magalang na sagot ni Thad.

Tumahimik si Papa at para bang tinatantiya ang sinseridad sa sagot nito.

"Ang bigat ng pinagdaanan ng anak ko sa dating asawa niya. Napakasakit sa aming mga magulang niya na wala kaming kaalam-alam sa mga nangyayari sa kanya. If I was being protective now, it's mainly because I don't want to see her hurting again. Gusto kong may magawa man lang kaming mabuti para sa kanya."

"Papa," naiiyak kong usal.

Ramdam ko ang labis na pag-aalala sa kanyang mga salita. Si Mama man ay mapait lang na ngumiti at tumango-tango. Kung ano'ng hirap ko noon ay ganoon din pala sila.

"I love Eren, sir. It was probably a bad timing, but I've been meaning to talk to you personally to formally ask for her hand in marriage."

Literal na tumigil ang mundo ko sa pag-ikot at marahil ay ganoon din ang naging reaksyon ng aking mga magulang. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya ang mga salitang iyon lalo pa sa ganitong pagkakataon.

"You're not wasting time, huh?" may parungit na himig pa ni Papa.

Seryosong tumango si Thad at diretsong tumitig dito. "Opo. Ayoko na lang din po aksayahin pa ang pagkakataon. Wala naman pong mababago sa nararamdaman ko."

"You want to marry my daughter?" manghang tanong ni Papa at wala pa sa sariling lumingon kay Mama na mapait lang na ngumiti. Base sa reaksyon niya ay para bang hindi na ito nagulat sa sinabi ni Thad.

Seryosong tumango si Thad sabay gagap sa kamay ko at malagkit na tumitig sa akin. "I wanted to do something romantic for you... I'm sorry that it had to be like this."

"Hindi yata kami ang dapat na tinatanong mo, hijo..." Bakas pa rin sa mukha ni Papa ang gulat na may halong pag-aalangan.

"I wanted to ask you first, sir. Para kung hindi man pumayag si Eren na magpakasal sa akin ngayon, makakagawa pa ako ng paraan sa mga susunod na araw. Hindi ako titigil hangga't hindi po siya pumapayag."

"Paano kung sa amin pa lang ay hindi na kami pumayag? May magagawa ka ba?" ani ni Papa sabay taas ng kilay. Para ba itong naghahamon.

"Idadamay ko na po kayo sa panliligaw ko, sir," nakangiwing aniya sabay kamot ng batok. "I'll do anything for her. I don't want to lose her." Malamlam ang ang mga mata niyang sumulyap sa akin. "She's the only one for me..."

Saglit na namagitan ang nakabibinging katahimikan. Para bang nawalan na rin ng mga salita si Papa.

"May kinalaman ka ba rito, Lilia?" tila nanenermong himig ni Papa kay Mama bago ito titigan gamit ang naniningkit na mga mata.

Ngumuso lang si Mama at umirap. "Gusto ko kasing maging masaya ang anak natin. Nakialam lang ako nang kaunti. Ang tigas din kasi ng ulo mo minsan. Ayaw mo makinig."

Pinaikot ni Papa ang kanyang mga mata. "Kung naghihigpit man ako, alam mong ginagawa ko iyon para sa anak natin. Ayaw ko na lang maulit pa ang nangyari sa kanya dati."

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now