Chapter 31

2.4K 141 18
                                    

CHAPTER 31

Serenity

Kahit pa magkatabi kami ng suite ni Thad ay hindi na kami nagkita pa ulit matapos ang aksidenteng iyon ni Lauren. Hindi na rin naming nagawang mag-usap pa.

Hindi naman malala ang aksidente at tamang nabasag lang ang headlights ng sasakyan nito. Kung sabihin ay nahuli ng tapak sa preno si Lauren dahil sa biglaang paghinto ng sasakyan sa harap nito.

He came to her rescue like he was her knight in shining armor. Siguro nga ay mahal pa niya si Lauren. Or maybe, he felt guilty for somehow leading me on.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at mapaklang ngumiti sa harap ng salamin. Kung sa bagay, sino nga bang magseseryoso pa sa akin? Hiwalay ako sa asawa. Kung gugusto man siguro si Thad, hindi sa akin. Baka maghanap siya ng dalaga. At alam kong hindi malabo sa kanyang makahanap pa ng dalaga lalo pa at gwapo naman talaga siya.

Tamad kong isinuot ang aking high heels at isinukbit sa balikat ang aking bag. This will be my first day at work. Nasisiguro kong naghihintay na rin sa akin si Papa.

Lumabas ako at isasarado ko na lang sana ang pinto ko nang magbukas ang kabilang pinto.

Gulat na tumitig sa akin si Thad. Para bang nakakita ng multo. He looks so handsome and formal with his suit. Siguro ay may importanteng meeting na pupuntahan.

"Going to work?" basag pa niya sa katahimikang saglit na namagitan sa aming dalawa.

Tumango ako. "Yeah. Ikaw?"

"I'm meeting my boss."

"Boss?"

"Yeah. 'Yong kinukuhanan namin ng tahi."

"Oh... I see."

Kinabig ko na ang pinto pasara at ganoon din ang ginawa niya.

"Let's go," kayag pa niya at tanging tango ang naging sagot ko.

All of a sudden ay parang bigla kaming naging awkward sa isa't-isa. Tahimik kaming sumakay ng lift at bumaba sa floor kung saan naka-park ang aming sasakyan. Para bang parehas kaming nagpapakiramdaman.

"Are you free later?" tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin at tinitigan ang mukha niyang iyon. Hindi ko alam kung dapat pa nga ba kaming lumabas na magkasama. Natatakot akong umasa sa wala.

"I'm not sure. Baka kasi maraming ipagawa si Papa," iwas ko.

"Ah, gano'n ba?" tila dismayado niyang sabi sabay mapait na ngumiti. "Maybe sa ibang araw?"

"I'm not really sure, Thad. For sure magiging super busy ako sa company."

"Oh..."

"Sige na, Thad. Baka mainip na si Papa. Bye na," nagmamadali ko pang sabi sabay sakay sa sasakyan ko.

Malungkot lang siyang tumango at kumaway. Para bang may gustong sabihin, pero naunahan ng pag-aalangan.

Pero siguro nga ay mas ayos na umiwas na lang. Ayokong humadlang sa kaligayahan ni Thad. Ayokong makagulo pa sa isip niya.

What happened at the theatre made me realize that it was impossible for him to like me when he's still not over Lauren. Ayokong maging rebound girl.

Kaya naman mabilis kong pinaandar ang sasakyan at mula sa front mirror ay tanaw ko si Thad na nakatunghay lang sa pag-alis ko.

Halos buong maghapon akong nagbabad sa table ko kausap ang secretary ko. Sa totoo lang ay parang nanibago na naman ako sa pagpasok sa trabaho. Or siguro nasanay lang ako na puro foreigner dati ang kasama ko at walang pinoy.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now