Chapter 19

1.8K 92 9
                                    

CHAPTER 19

Serenity


Halos ilang gabi na hindi nag-uuwi si Christoff. Though, gawain na niya dati pa ay mas napadalas na nitong nakakaraan. At sa tuwing nagtatangka akong magtanong ay palagi siyang nagagalit at nawawala sa mood. At kapag ganoong nagagalit siya ay takot na ako. He got the tendency to hurt me both mentally and physically.

Namamasyal ako sa mall nang mamataan ang pamilyar na mukha. Pero agad din akong natigilan nang makita ang asawa ko kasama si Marie Antoinette... Agad akong nagkubli ng mukha at pasimpleng pinagmasdan ang mga ito.

Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon ko lang ulit nakita ang ganoong ngiti ni Christoff. He was laughing heartily and genuinely. Bagay na hindi ko nakita sa tagal naming magkasama. Nakikita ko man siyang ngumiti, iyon ay kapag gusto niya kaming magtabi sa kama. But it wasn't as sweet the way I see it now.

Hindi nagtagal ay may dalawang magkapareha rin ang naupo sa tabi nila.

Asawa ba iyon ni Thad?

Agad na nanlaki ang aking mga mata nang masiguro kung sino iyon. Kasama nito si Everett!

Muli akong nagkubli sa takot na makita. Sobrang saya nilang magkakasama. Hindi ko alam kung gaano na sila katagal magkakilala, pero base sa mga tawanan nila ay para bang matagal na.

Habang kumakain ay may kung ano'ng pinunasan si Christoff sa pisngi ni Marie Antoinette. He was smiling so sweetly that it almost kills me. Kinagat ko ang aking labi para sana pigilan ang pagbagsak ng aking luha. But it's useless. Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko, walang ampat ang pagbuhos ng luha ko.

Ayoko man sanang mag-isip ay hindi ko maiwasan. Iba siya kapag nasa bahay kasama ako. Iba siya kapag iba ang kasama. Iba ang trato niya kay Antoinette.

Ibang-iba.

Pero ganoon na lang ang gulat ko nang may biglang humila sa kamay ko at makita ang mukha ni Thad!

"Come on, Eren..." bulong niya sabay banayad na hila sa akin palayo.

Lalong bumuhos ang luha ko. Hindi ko maiwasang mas lalong maawa sa sarili dahil may naka-witness pang iba sa kalokohan ng asawa ko.

Hinila niya ako palayo sa mga tao. Dinala niya ako sa garden kung saan mas madalang ang mga tao.

Tahimik siyang naupo sa tabi ko at malungkot na tumitig sa aking mukha.

"Let's not get ahead of ourselves, hmm? It might just be an innocent get-together... you know?"

Hindi ko nagawang makakibo. Kung mayroon mang higit na nakakakilala sa asawa ko, ako iyon.

"Hey, stop crying..." aniya sabay hagod sa likod ko.

Mas lalo akong naiyak dahil sa galaw niyang iyon. Wala na akong naging kaibigan simula nang maging asawa ko si Christoff. Kaya naman sinasarili ko lahat simula umpisa. Wala akong pinagsasabihan. Pero hindi ko yata kayang hindi magsabi ngayon. Sobrang punong-puno na ako.

"He doesn't l-love me, T-thad..." panimula ko habang panay buhos ng luha ko. "H-he doesn't love m-me..."

"Hey... That's not true. He will not marry you if he doesn't love you."

"Y-you d-don't know a-anything, Thad... I forced him to marry me because I got p-pregnant... He didn't marry me because he loves me..."

Natahimik siya matapos kong sabihin iyon.

"Hindi naging maayos ang p-pagsasama n-namin. P-palagi niyang ipinapamukha sa akin na n-napuwersa lang siyang p-pakasalan ako dahil sa k-kagustuhan ng mga magulang n-namin..."

HUSBAND AND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon