Chapter 20

2K 106 11
                                    

CHAPTER 20

Thaddeus Art


Gabi nang makauwi si Lauren. Pinilit kong magpakakaswal kahit pa nagpupuyos ang damdamin ko.

"I am so sorry, hon. Hindi ko na narinig ang tawag at messages mo. Naka-silent kasi at may kausap akong mga client."

Tumango ako at mapait na ngumiti. Alam kong ang susunod kong tanong ay maaaring sumira sa tiwalang mayroon ako. Pero kailangan kong malaman kung sasagot nga ba siya ng totoo or hindi.

"Sino'ng kasama mo?"

"Um, si Everett... Sabi nga ni Joan nagpunta ka sa opisina. I'm sorry talaga, hon..."

Tumango ako. At least she didn't lie about who was with her. Though, I knew that there is a possibility na iyon ang sinagot ng secretary niya dahil iyon ang binilin niya.

"Saan ba kayo nakarating?"

"Sa tabi-tabi lang din. Hindi naman kami solong lumabas ni Everett. Mga client ang kasama namin."

"Kilala ko ba ang mga client na 'yan?"

Mabilis siyang umiling. "I don't think so..."

Kumunot ako. Kung hindi man siya ang nagtataksil, ibig bang sabihin ay pinagtatakpan niya ang affair nina Christoff at Marie Antoinette? Suportado niya ang mga iyon dahil kaibigan niya?

She must be fucking kidding me.

"Maghapon mo bang kasama ang mga kliyente mo?"

"Oo, e... Pero si Everett, nauna na siyang umuwi before lunch..."

Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa sagot niyang iyon. Ayos na sana ang nauna niyang sinagot kanina. Bakit bigla ay kailangan pang magsinungaling na hindi na niya kasama si Everett nang hapon? Para ba hindi ko sila pag-isipan?

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at pilit na kinalma ang sarili. Alam kong wala akong mapipiga sa kanya kung tatanungin ko siya ngayon. Possibleng ayaw lang niya ako magselos kaya sinabi niya ang bagay na iyon.

"Nag-dinner ka na?" malambing na tanong pa niya sabay kandong sa mga hita ko.

Umiling ako. Wala akong gana kumain.

"What do you want for dinner? Ipagluto kita?"

Umiling ako. Baka paboritong ulam na naman ng ibang tao ang maalala niya ay lalo lang akong madismaya.

"Kumain ka na ba?" balik tanong ko.

"Medyo busog pa nga rin ako sa merienda namin ng mga client kanina..."

Okay. Client. 

Kung sa bagay ay client naman talaga niya si Christoff dati. So, client na rin ba si Marie Antoinette? Hindi ko man personally kilala ang babaeng iyon, sa asta at kilos pa lang ay alam kong galing din sa mayamang pamilya.

I shouldn't jump into conclusion. Walang magagawang mabuti ang mga hinala ko.

Huminga ako nang malalim bago ipulupot ang aking mga kamay sa kanyang baywang. At kahit pa nag-aalangan ay ibinaon ko ang aking mukha sa  kanyang leeg. Nang maamoy ko ang kanyang pabango ay parang noon na lang ako nakahinga nang maluwag.

"I think we should go to bed..." malambing kong sabi habang pinapaliguan ng halik ang kanyang leeg.

"Hon, bad news... May dalaw ako..." nangingiti pa niyang bulong.

Yeah. Bad news nga. Shit.

"Matulog na lang tayo at pagod din ako. Tara na," aniya sabay alis sa kandungan ko.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now