Chapter 23

2K 124 19
                                    

CHAPTER 23

Serenity


Halos alas-dos na noon nang makarinig ako ng kaluskos sa kwarto. Pasimple akong dumilat at agad kong nakita si Christoff na may kinukuha sa closet.

Pamaya-maya ay nakita ko siyang nagpipindot sa cell phone bago muling lumabas ng kwarto.

Bumangon ako at maingat na sinundan ito. Saglit itong tumambay sa sala at hawak pa rin ang cell phone. Parang may ka-text. Hindi pa man ay parang nagpupuyos na ang loob ko sa isiping kalaguyo nito ang kausap.

Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang pagbabadya ng luha. May pagkakataong ngumingiti pa ito habang nagbabasa ng text na galing kung kaninoman.

Hindi nagtagal ay nagmamadali itong tumayo at lumabas ng bahay. Pero gano'n na lang ang pagtataka ko nang walang marinig na tunog ng sasakyan. He is not leaving?

Marahan kong binagtas ang hagdan pababa at sumilip muna sa pinto bago tuluyang lumabas ng bahay. Wala siya sa sasakyan.

Saglit akong nagmasid sa madilim na paligid at naghanap. Nang makarinig ako ng kaluskos sa bandang likuran ng bahay ay marahan akong naglakad papunta sa pinagmumulan ng ingay.

Pero ganoon na lang ang mangha ko nang makita si Christoff na may kahalikang babae. Nakatalikod man siya sa akin ay kilalang-kilala ko ang asawa ko. Sigurado akong siya iyon!

Mariin kong kumuyom at tangka na sanang susugod nang magsalita ang babae.

"Toff, come on... Hindi tayo puwedeng magtagal dito... Baka magising si Thad..." bulong pa ng babae.

Saglit aking natigilan at agad na natulos sa kinatatayuan. He was talking about Thad... Does that mean?

Oh my God!

Agad na lumipad ang mga palad ko sa aking bibig.

Si Lauren ang babae niya?!

Saglit akong nagkubli para i-proseso ang nangyayari. Bumuhos ang luha ko at wala sa sariling tiningnan ang dalawa. Hindi ko lubos maisip na sa dami ng babae ay asawa pa talaga ni Thad ang pinatulan nito. Alam kong may babae si Christoff, pero hindi ko kailanman naisip na asawa pa mismo ni Thad iyon!

Asawa ng kapitbahay ko!

"I think we need to lie low... Nakakahalata na yata si Thad. I can't keep doing this..." bulong ni Lauren.

Kulang na lang ay mag-apoy ako sa sobrang galit. Paano'ng nagawa nila ito sa amin?! At si Lauren? How could she?!

"Hiwalayan mo na kasi. Tayo na ang magsama... Please?" sumamo pa ni Christoff.

Hindi ako makapaniwalang ganoon siya kasama!

"I can't... Hindi ko pa kaya..." iiling-iling na bulong ni Lauren.

"Come on, Low. We're wasting too much time. Hihiwalayan ko na si Eren, so we can be together."

Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang paghagulgol. Kahit sa paraan nang pagkasabi niya ay para bang ganoon lang talaga kadali ang iwan ako. Na para bang wala ako ni katiting na halaga sa kanya. 

Pero kasalanan ko. 

Kung sana nakinig ako sa sinabi niya noon pa man. Sana hindi ako umasa at nagbulag-bulagan. Kasalanan ko rin ang nangyari sa akin. Wala akong dapat na sisihin kundi ang sarili ko.

"Toff..."

"I love you, Low. Please. Magdesisyon ka na..."

I love you? Kahit na isang beses ay hindi niya sinabi ang mga salitang iyon sa akin! Pero kay Lauren? Nasabi niya ng ganoong kadali? Bakit?

HUSBAND AND WIFEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن