Chapter 38

2.3K 139 11
                                    

CHAPTER 38

Serenity

Nang idilat ko ang aking mga mata nang umagang iyon ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaba. Aaminin kong nandoon ang takot, pero nandoon din ang kagustuhan sa nangyari sa amin ni Thad. Sa matagal na panahong nahiwalay ako kay Christoff ay wala na akong nakatalik sa kama. At sa mga panahong iyon, nandoon din kasi ang trauma. Pakiramdam ko ay hindi ko na nga magagawa ang ganitong bagay.

Marahan akong gumalaw at maingat na sinilip ang nahihimbing na si Thad. Kinagat ko ang aking labi at wala sa sariling ngumiti nang maalala kung paano namin pinagsaluhan ang aming gabi.

He was so gentle and loving. Para ba akong mamahaling vase kung tratuhin niya sa kama kagabi. Ni hindi niya ipinaramdam sa akin na pangalawa lang ako kay Lauren. Sa pakiwari ko pa ay ako ang una niya.

Nang unti-unti siyang dumilat ay hindi ko naiwasan ang ma-concious. Hindi man ako nakaharap sa salamin, alam kong walang kasing pula ang aking mukha.

"Good morning, babe. How was your sleep?" malambing bang bungad niya sabay yakap sa aking hubad na katawan.

Ibig ko na namang ma-concious dahil doon. Nakalimutan kong parehas nga pala kaming walang saplot sa katawan.

"Um, a-ayos naman..." kabado kong sagot.

"Are you okay?" Saglit siyang humiwalay at mataman akong tinitigan sa mukha.

Bigla akong nag-alangan. May bahagi sa akin na biglang parang hindi na sigurado sa nangyari.

"Shit..." bulong ni Thad. "Look, babe, I am so sorry..." apologetic pang aniya at mabilis na lumayo.

Wala pa man akong sinasabi ay para bang basang-basa na niya ang tumatakbo sa isip ko.

"I shouldn't have let this happened. I am really sorry..." Tinutop niya ang kanyang batok at tarantang piniga iyon.

Mabilis siyang kumilos at agad na nagbihis.

Para naman akong tinulos na kandila sa bed at hindi malaman kung ano bang dapat na maging reaksyon.

"Thad..."

"It's all right, babe. It's my fault."

Ngumuso ako at umirap. Wala pa naman akong sinasabi ay inaako na agad niya ang kasalanan. Isang bagay na gustong-gusto ko sa personalidad niya. Sa ugali niyang iyon, alam ko at sigurado akong mabuti talaga siyang tao.

"Thad, I'm okay," kalmado kong sabi.

Tila nabunutan naman siya ng tinik sa sinabi kong iyon.

"Are you sure?" paniniguro pa niya.

Sigurado akong tumango-tango at tipid na ngumiti. Kung bigla man akong hindi naging sigurado sa nangyari sa amin, iyon marahil ay dala ng takot.

Mahal ko si Thad. Parehas na kaming malaya at wala kaming ibang sinasaktan. Iyon ang dapat na itanim ko sa utak ko para tuluyan ko nang maranasan ang maging masaya.

Humugot siya ng malalim na buntonghininga bago marahang lumapit ulit sa akin at ginawaran ako ng halik sa noo.

"Just tell me if you're uncomfortable, okay? Hindi naman ako nagmamadali."

Tumango ako. Inaasahan ko na ang ganoong mga salita mula sa kanya. Kahit pa noon, he was always so gentle and considerate.

"What do you want for breakfast? May special request ka ba?" malambing pang aniya habang titig na titig sa aking mukha.

Kahit pa malapitan, walang duda talaga ang taglay niyang kagwapuhan. Ganitong-ganito rin ako humanga noon kay Christoff. Pero ngayong nakasama ko na si Thad, sigurado akong mas gwapo talaga siya!

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now