Chapter 7

1.9K 87 2
                                    

CHAPTER 7

Serenity


Sa pagluluto ko ng pagkain sa buong maghapon ay pasimpleng inaabutan ko rin si Thad. Hindi ko kasi maiwasan ang maawa sa kalagayan niya. Alam ko ang pakiramdam ng maysakit at walang nag-aalaga.

Nang dumating si Christoff nang hapon ay medyo matamlay pa rin siyang kumilos kung kaya sinamantala ko ang pagkakataong alagaan siya.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" malambing kong tanong.

Namamaluktot pa rin siya sa bed, pero kumpara kanina ay mas maganda na ang kulay niya.

"Dapat kasi hindi ka na muna pumasok sa opisina. Nabinat ka tuloy."

"I'm okay, hon," umuubong aniya. "I still want to get more sleep."

Tumango ako at mapait na ngumiti. Kuhang-kuha ko na ang ibig niyang sabihin. Ayaw niyang abalahin ko siya.

"Sige."

Kaya naman tahimik akong lumabas ng kwarto at dumiretso na lang sa kusina. Buti pa si Thad ay kinain ang pinaghirapan kong pagkain. Ito namang asawa ko, ni tikim ay 'di tinikman ang luto ko.

Inabala ko ang aking sarili sa kusina at naglinis na muna bago muling umakyat sa kwarto para matulog na rin.

Kinabukasan paggising ko ay wala na si Christoff sa bed. Pupungas-pungas akong bumangon at tinawag ito.

"Hon... Hon... Okay na ba ang pakiramdam mo?" Dumiretso ako sa banyo, pero pagbukas ko sa pinto ay wala ng tao roon. "Hon..." Sumilip din ako sa dressing room, pero wala na ring bakas ng asawa ko roon.

Kumunot ako at agad na sinulyapan ang relo sa night stand. Nakaalis na kaya siya?

Kaya naman nang masigurong wala ito sa kwarto ay dumiretso na ako sa sala at sumunod ay sa kusina pero wala na ring katao-tao roon.

Tamad kong pinindot ang aking cell phone pero wala ring bagong mensahe.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at agad na tinawagan ang numero nito. Nakailang ring pa lang naman iyon ay agad na rin niyang nasagot.

"Hey, hon... Ang aga mong umalis. Okay ka na ba? Hindi ka na ba nilalagnat?"

{I'm perfectly fine, hon. Maaga akong umalis at marami lang akong kailangang tapusing trabaho.}

"Ganoon ba? Baka mabinat ka na naman. Uminom ka ng gamot mo, ha."

{Yeah. I really need to go.}

"Okay. I—" Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil sa mabilis na pagputol niya sa tawag. "I love you, hon..." bulong ko sa sarili bago ibaba ang cell phone sa countertop.

Tamad akong naupo at tumingin sa kawalan. Sa araw-araw ay ganito ang trabaho ko. Madalas na gumising na walang asawa, magluto ng pagkain at kumain mag-isa, mag-maintain ng garden, at minsang matulog na mag-isa.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at mapait na ngumiti habang hinahaplos ang aking puson. Hindi magtatagal ay makaka-recover din ako sa pagkabagot ko. May makakasama na ako at aalagaan.

Pero hindi pa man ako nagtatagal sa pagmumuni-muni ay biglang nangasim ang aking sikmura. Ugh, I hate morning sickness!

Kahit pa walang laman ang sikmura ko ay nagduduwal pa rin ako. Naranasan ko na ito dati kung kaya alam kong ilang buwan ko ring iindahin ito.

Tulad nang dati, nagluto ako, naglinis at nagdilig ng mga halaman sa harap ng bahay. Wala ako sa sariling lumingon sa kabilang bahay sa pag-asang makita si Thad o kaya ay ang asawa nito. Pero matatapos na akong magdilig ay walang taong lumabas doon.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now