Chapter 9

1.8K 83 0
                                    

CHAPTER 9

Serenity


Nang sumunod na araw ay mas tumindi ang morning sickness ko. Unti-unti rin akong nawalan ng gana sa pagkain at palaging sumasama ang aking pakiramdam.

Pero kahit pa medyo nahihilo ay pinilit ko pa ring bumangon at gumalaw. Wala naman akong ibang puwedeng asahan sa paglilinis ng bahay lalo pa ang pagdidilig ng aking mga halaman sa harap.

Tamad kong binuksan ang gripo at hinawakan ang hose. Halos alas-siete pa lang noon, pero sobrang alinsangan na rin ng init ng araw.

Abala ako sa pagdidilig nang matanawan si Thad na mukhang nag-jogging. Nang magtagpo ang aming mga mata ay agad siyang kumaway at humihingal na huminto sa aking harapan.

"Morning, Eren."

"Good morning. Ang aga mo mag-exercise, a."

Tipid siyang tumango habang naghahabol pa rin ng hininga. "Mga isang oras na rin."

"Ang aga mo pala bumangon."

"Minsan. Kailangan din kasi. Parang nanghihina ako kapag hindi man lang ako nakapag-jog sa loob ng isang linggo."

"I see. Ayos nga iyan. Mabuti sa kalusugan mo."

Mataman siyang tumitig sa akin na para bang sinisipat nang husto ang aking mukha. Bigla tuloy akong na-concious.

"You look pale. Okay ka lang ba? Morning sickness pa rin?"

Marahan akong tumango. Hindi rin naman ako aware sa hitsura ng mukha ko. Pagkagising ko ay bahay agad ang inasikaso ko gaya nang nakagawian.

"Dapat yata hindi mo muna ginagawa 'yan. Siguro kumuha ka muna ng katuwang sa bahay."

Maagap akong umiling. "Naku, kaya ko naman. Itong bahay na nga lang ang inaatupag ko."

"I know that. But you need to take care of yourself and your baby. At saka dapat yata magpa-check up ka na muna, 'di ba?"

Hindi ko na nakuhang sumagot dahil sa biglaang pagkahilo. Mahigpit kong hinawakan ang hose pero unti-unting nagdidilim ang paningin ko.

"Eren, are you all right?"

"T-thad..."

"Shit."

Basta ang alam ko na lang ay bumagsak ako sa kinatatayuan ko at sinalo ako ni Thad.

Kahit pa parang inaantok ay pinilit kong dumilat.

"Eren, are you okay?"

Wala ako sa sariling tumango. Sobrang bigat ng pakiramdam ko.

"W-where am I?"

"Nasa GH tayo. Magpahinga ka na lang muna. Puwede ko bang malaman ang cell phone number ng husband mo para matawagan ko?"

Maagap akong umiling at mahigpit na hinawakan ang kamay nito.

"Hindi niya puwedeng malaman ang kalagayan ko, Thad. Please... Huwag muna..."

"But Eren—"

"Please, Thad. Please," pakiusap ko pa.

Kahit pa parang naguguluhan ay nakauunawa siyang tumango at humugot ng malalim na buntonghininga. "Okay, kung iyan ang gusto mo."

Kinagat ko ang aking labi at ilang beses na tumango bago bitiwan ang kamay niya. Hindi nagtagal ay pumasok ang babaeng doctor at nakangiti akong tinitigan.

"Ang pretty mo pala talaga. Bagay na bagay kayo ng husband mo," sabay sulyap kay Thad na maagap din namang umiling.

"I'm just her neighbor. Nasa abroad po ang husband niya," nangingiwi pang sagot nito at apologetic na sumulyap sa akin.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now