Chapter 1

3.3K 110 3
                                    

CHAPTER 1

Serenity


Halos isang oras na mahigit na akong naghihintay, pero wala kahit na ano'ng bakas ng asawa ko. Nakaalis na rin kanina pa ang lalaking hiniraman ko ng cell phone. Buti pa siya, sinundo nang asawa.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at nanlalatang itinulak ang mga bagahe ko palabas. Mukhang nakalimutan talaga niya na ngayon ang dating ko. Baka sobrang abala na naman sa trabaho.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa aming bahay na nasa isang exclusive subdivision. We both belonged to a wealthy family at parehas pang tagapagmana ng mga negosyo kung kaya madalang din kaming magkasama nang matagal. Though, ilang taon na rin akong hindi nagtatrabaho dahil na rin iyon ang gusto ni Christoff. Ito sana ang isa sa pagkakataon na makapagsolo kami pero mukhang mapupurnada pa.

Nang makarating ako sa bahay ay walang sasakyang nakaparada roon.

Wala pa rin siya.

Nang makapasok sa loob ay wala ako sa sariling nagmasid sa buong bahay. Hindi ko maintindihan kung bakit magkahalo ang pakiramdam ko. Kung masaya ba ako o malungkot? I missed travelling with him. No'ng honeymoon lang yata namin kami nakapag-abroad at matapos noon ay hindi na nasundan. At kahit pa gustuhin kong magtrabaho na lang ay hindi naman niya ako hinayaan. Inako niyang mag-isa ang pangangalaga ng kompanya. At kahit pa gustuhin kong kontrahin ang gusto niya ay hindi ko magawa. I wanted him to feel that I support him no matter what. I want our relationship to work. I would do anything just to make our relationship work.

Pagod akong naupo sa sofa at komportableng isinandal ang aking likod.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at ipinikit ang mga mata. Ni hindi ko namalayang nakatulugan ko ang ganoong posisyon hanggang sa maramdaman ko ang labing humahalik sa akin.

Wala ako sa sariling ngumiti at buong pagmamahal na tumugon.

"I'm sorry, hon... I totally forgot... Sobrang busy—"

Umiling ako at marahang dumilat. Noon na bumungad ang gwapong mukha ng aking asawa. Sobra ko siyang mahal para hindi mapatawad sa ganoong kaliit na pagkakamali.

"It's all right, hon. Tinatawagan kita kanina... Bakit hindi mo nga pala sinagot?"

"Nasa importanteng meeting ako, hon. I am really sorry..."

Tumango ako at muling kinabig ang kanyang batok para halikan. We shared wild and passionate kisses. Mahilig sa kama si Christoff, kung kaya alam ko ring may kauuwian ang simpleng halikan naming ito. Hindi rin naman ako nagrereklamo dahil sa totoo lang ay miss na miss ko kapag ganito siya kalambing. Though, I could smell alcohol in him, I chose to keep quiet about it. Baka masira ko lang ang mood kapag nagkataon.

Wala siyang inaksayang oras at agad na ibinaba ang aking panloob. Kinalas din niya ang sinturon ng kanyang pants bago tuluyang hubarin iyon. Hinubad din niya ang kanyang pang-itaas at walang itinirang saplot.

Inalalayan niya akong tumayo at ipinuwesto sa likuran ng sofa. Kinawit niya ang aking isang hita paitaas bago buong puwersang ipinasok ang kanya sa akin.

Halos mapapikit ako sa biglaang pagpasok niyang iyon. He's always rough during sex. May mga pagkakataong na-e-enjoy ko iyon pero mas madalas ay hindi, dahil nasasaktan ako sa puwersa niya. Pero hindi ako makadaing sa kanya sa tuwing nasasaktan ako dahil nababago nang husto ang kanyang mood. At iyon ang iniiwasan ko. Hindi ko siya gustong nagagalit. Mas gusto kong malambing siya dahil bihirang mangyari ang ganito.

Matapos ang ilang round ng sex sa paligid ng sofa ay parehas na kaming nakahiga sa semento at pawisan na sa sobrang pagod.

"I miss you so much, hon..." bulong ko sabay yakap dito.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now