25-III

4.6K 147 5
                                    

III

Wala si Crane, si Felix, at si Juno sa private suite ng Meta Haven. Tanging si Morris lamang at ang barista ang naabutan ni Leighton.

"Don't you think it's a bit lonely in here?" Komento ni Leighton sa kanyang kuya na mukhang nakakailan nang shot ng gin and tonic.

"Nasa ibang bansa na sina Crane at Felix—work. Si Juno naman, wala sa mood lumabas ng bahay these days."

"Okay." Nagkibit-balikat na lamang si Leighton at saka lumapit sa bar counter. Pagkaupong-pagkaupo niya sa stool, may inilagay si Morris na kung ano'ng maliit na bagay sa breast pocket ng unipormeng suot niya. It was a key when he took it out. A car key.

"Hindi mo sinasagot ang mga texts at tawag ko kaya naman ako na ang pumili ng make... at alam mo na siguro kung saan iyan naka-park."

"Eh, 'di sana doon mo na rin iniwan ang susi," Leighton retorted. Kapag naaalala niya ang ginawa sa kanya ni Morris, parang gustong kumulo ng dugo niya. Ngunit sa dinami-rami ng gusto niyang isumbat sa kanyang kuya, ang nasabi lang niya ay: "Humanda ka sa'kin kapag CEO na ako. I'll buy you out."

He realized he was not even in the mood to argue with Morris. To his surprise, Morris patted his head.

"Oh-hoh, I'm scared!" Ani Morris na may halong pang-aasar dahil natatawa ito. Agad din naman itong pumormal. "Mabuti naman at ganyan ka mag-isip, Leighton. The corporation's waiting for you. Wala na akong aasahang makakatulong sa pagpapatakbo ng family business kundi ikaw na lang. Alam mo namang may sariling mundo ang iba pa nating mga kapatid."

Marahang tumango si Leighton bago bumaling sa barista nila. "Gin and tonic."

Morris faced him, slightly amused. "You'll drink?"

"I can handle a glass or two and I assure you, hindi ako gigising sa hospital bed."

Nakangalumbabang pinanood ni Leighton ang paghahanda ng barista sa kanyang order nang muling nagsalita si Morris. "Siya nga pala, tinutulungan ko ang mga magulang mo sa isang adoption since last year pero hindi pa nila ipinaaalam sa iyo. Now I can't believe what your Mom said. You're the one who's suggesting."

"A younger sibling can be a help..." Leighton mumbled. What it will be like having another sibling?  Somehow, he was thrilled.

"There's another thing I think we need to discuss..." Seryoso ang tono ni Morris. Seryoso din itong tingnan.

"About?"

Sinenyasan ni Morris ang barista na iwan muna sila. Ibinaba muna niyon sa harap ni Leighton ang basong may gin and tonic bago tumungo ng pinto. May kinuha si Morris mula sa case nito at saka inilapag sa counter table.

Nanlaki ang mga mata ni Leighton pagkakita sa ilang mga candid pictures niya na kasama si Kay. Ang isa na nasa ibabaw ay kuha niya na ang isa niyang kamay ay nakahawak sa pisngi ni Kay.

"May iba pa na hindi ko na gustong makita mo. What's your relation to him?" Morris asked his little brother in full earnest.

Leighton guessed it can't be helped. Wala siyang maitatago kay Morris at anticipated na rin naman niya ang sitwasyong ito noon pa. Huminga muna siya nang malalim. "He's... mine."

Sa lahat ng unexpected ni Leighton sa kanyang kuya ay pumalakpak ito. "Wow, Leighton. Wow."

"What?" Natatangang tanong ni Leighton kay Morris.

Morris raised a brow. "You looked like you have no idea. Matinik siyang stock market analyst. Maraming nakikinabang sa predictions niya... at isa na ako doon kaya kilala ko siya. Though I doubt kung kilala niya ako. We don't talk about stocks like they're just some candies. You can say he's one of the rivers. He decides, we follow. Ang balita ko pa, ilang insurance companies na sa other third world countries ang ibinagsak niya. Having someone as good as that person by your side... you really are something, little brother."

No wonder Kay is really good in numbers... Ini-straight ni Leighton ang laman ng hawak niyang baso. Parang lalagnatin yata siya kay Morris. Una, pinakilala nito si Kay sa kanya sa ibang perspective. Pangalawa, ngayon lang siya nito tinawag na 'little brother'. Pangatlo, tila wala itong pakialam sa ibang side ng relasyon niya kay Kay.

****

Tada! Author's note!

As promised, ito po iyong 6-pages manga skit ng Fixation na ginawa ko. So sorry if it's too short since I am very busy.

http://cjdeestories.blogspot.com/2015/03/excerpt-from-chapter-141.html

Or just click the external link <3

Fixation (Boy x Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon