A Stranger's Heart[Completed]

By Queen_Stelle

204 38 1

Truth Pano kung ang katotohanan ang sisira sa inyong pagmamahalan, susugal ka pa rin ba? Mananatili ka pa ba... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 3O
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

CHAPTER 42

1 0 0
By Queen_Stelle


ELLE'S POV

Ng umalis si Zack ay nagpaiwan ako.

How I wish I can tell him that I like him too..pero masyado akong nadadala ng takot ko.

Inalis ko na muna ang isiping yun at tumitig na lang ako sa kawalan.

'I Like you, Elle'

'I Like you, Elle'

'I Like you, Elle'

'I Like you Elle'

Paulit-ulit lang iyon sa isipan ko habang nakaupo ako sa bench dito sa park.

Hanggang sa bigla na namang bumibilis ang tibok ng puso ko kaya naman napahawak na lang ako sa dibdib ko. Huminga na lang ako ng malalim para ikalma ang aking sarili.

Maya-maya pa ay naisipan ko na ring umalis sa park at nagtungo pauwe.

Habang naglalakad ay bigla namang nag-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.

One New Message....
From: Mr. S
Nakauwi ka na ba?
5:15 pm

Compose message.....
To: Mr. S
Hindi pa.....
5:16 pm
Message sent

Hinintay ko syang magreply pero wala ng sumunod pa kaya naman pinatay ko na lang ang cellphone ko.

Akala ko gusto nya ako? Hindi ba sya nag-aalala sa akin? Yah! Elle, ano bang nangyayari sayo? Napailing na lang ako sa naisip ko at naglakad na lang.

Malapit na ako sa may bahay ng mag-vibrate ulit ang cellphone ko kaya naman tiningnan ko ito.

Sa messenger naman nagchat ngayon.

Zack
Active now

[Nakauwi ka na ba?]

[Malapit na sana kaso nagchat ka..]

[Ahh...buti naman, akala ko kasi nagstay ka pa sa park.]

[At bakit naman ako mag-iistay ng matagal sa park?]

[Ano kasi...yung kanina...]

[Alam ko, pero ano namang tungkol doon?]

[Wala lang...I know I shocked you]

[Oo, nakakagulat pero ano namang magagawa ko don]

[Nakangiti ka noh?]

[Hindi ah, tsaka bakit pa pinag-iinteresan mo yun?]

[Wala nase-sense ko lang...]

[So....You won't ask or say anything about..my...ah]

[Tungkol saan?]

[Yung confession ko kanina?]

[Hindi naman kita pinipigilan, tsaka normal lang naman yan eh]

[But...don't be excited.]

Ng hindi na sya sumagot ay tinawagan ko naman sya at nagtuloy na sa paglalakad pauwi ng bahay.

                      Calling Mr. S
                        Ringing...........

"Hey"

"Hi"

"Ba't napatawag ka?"

"Wala lang"

"Pwede ba yun?"

"Oo bakit bawal ba?"

"Hindi naman"

"Hindi pala eh"

"Anong ginagawa mo?"

"Wala naman, kakapasok ko pa lang sa bahay paakyat pa lang sa taas"

"Ah, sige na"

"Geh, bye"

Pagkatapos ng tawag ay nagderetso ako sa taas sa kwarto ko. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa kwarto ko ay di ko mapigilang mapangiti.

Hanggang sa makasalubong ko si kuya.

"Anong meron, bunso parang ang saya mo ngayon ah?"....sabi ni kuya sa akin, halatang mang-aasar pa ang loko.

"Wala lang kuya, masaya lang ako"....sagot ko. "Weh?"

"Sige mamaya sasabihin ko sayo"....alam kong hindi na naman ako titigilan ni kuya kapag hindi ko sinabi sa kanya eh. "Sige, alis muna ako"....nagtaka naman ako at ngayon ko lang napansin na bihis na bihis pala sya. "San ka naman pupunta?"....tanong ko.

"Dyan lang"....sagot nya. "Sige ka kuya! Isusumbong kita kay mama"....banta ko malihim kasi si kuya, tapos mamaya napahamak na pala sya, si kuya kasi sya yung tipong ayaw nyang may nag-aalala sa kanya.

"Dyan nga lang, tsaka saglit lang naman ako"....talagang ayaw nyang sabihin kung saan sya pupunta.

"Sige..." ..tanging nasabi ko at pumasok na sa kwarto.

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay bumaba ako at naabutan ko namang nag-hahanda si mommy ng hapunan.

"Ma!"....tawag ko at tuluyan ng bumaba. "Oh anak, ang kuya mo?"

"Umalis ho"....sagot ko at napatingin naman si mommy sa akin. "Saan daw?"

"Ewan ko nga po ma eh, dyan lang daw po"....tanging saad ko at naupo sa couch.

"Hay..naku! Yung batang yun talaga ang hilig mag-sikreto kung saan sya pumupunta, pati ikaw"...hala bakit pati ako nadamay?

"Ma, naman ayaw ko lang ho kayong mag-alala kaya ganon"...sabat ko.

"Kahit pa, kayo ng kuya mo, ayaw nyong sinsabi kong may pupuntahan kayo, kapag napapahamak kayo".....halatang nagtatampo naman na si mommy.

Kaya naman nilapitan ko sya at niyakap. "Oh bakit"

"Fine Ma, sa sunod ho magsasabi na kami"....sabi ko at tumango na lang sya.

"Sya nga pala anak, si Zack nagpunta rito kanina"

"Bakit daw ho?".....tanong ko.

"Tinatanong kung nakauwi ka na raw ba, Hindi ba kayo nagsabay?"

"Hindi ho eh, tsaka medyo nahuli po ako ng uwi dahil may inasikaso lang po ako"...sabi ko at tumango lang si mommy.

"You know what anak may napapansin ako"

Ano naman kayang napapansin ni mommy?

"Po?"

"Napapansin ko lang na simula ng maging mag-kaibigan kayo ni Zack, everytime na uwian nyo at hindi kayo magkasabay, palagi syang pumupunta rito para tanungin kung nakauwi ka na ba"...paliwanag ni mommy sa akin.

"Ah..baka naman nag-aalala lang ma, normal naman po kasi yun sa magkaibigan"...sabi ko..

"Well, oo tama ka naman"...madaldal pa naman itong si mommy.

"Sige ho akyat na po ako ma"...paalam ko at tuluyan na akong umakayat papataas.

Pagdating ko sa kwarto ko ay agad kong isinara ang pinto at sumandal sa likod nito.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ano ba yan para tuloy hinahabol ng kabayo sa bilis eh.

Naupo na lang ako sa kama habang nakahawak pa rin ako sa aking dibdib.











Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan.

One New message...
From: Mr. S
Elle...
6:10 pm

Composed message..
To: Mr. S
Oh?
message sent..
6:11 pm✔

Habang naghihintay ako ng reply ay tumunog na naman ang cellphone ko. Nakita kong may tumatawag at nakita ko sa screen ng cellphone ko ang pangalan ni Zack...

Sinagot ko naman agad ito at hinintay na magsalita sya sa kabilang linya.

"Elle"

"Oh?"

"Are you free tomorrow?"

"Hindi bakit?"

"Oh ok"

"Bakit nga?"

"Yayayain sana kita gumala?"

"Ah, sorry kasi may gagawin kasi ako bukas"

"It's ok, saka na lang siguro kapag free ka na"

"Ok sige"...paalam ko at pinatay na ang tawag.

Pagkatapos non ay bumaba na ako. Maghahapunan na kasi.

Kinabukasan........

"Saan ka pupunta anak?"...tanong ni mama. "May aasikasuhin lang ho ma"...sabi ko na lang. Alam ko kasing hindi ako papayagan ni mama kapag sinabi ko yung totoo. Paalis na rin kasi sila mamaya may inaayos lang si daddy kaya nasa bahay pa sila.

"Ok sige, basta mag-iingat ka"...bilin ulit ni mommy hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng bahay.

Pagkasakay ko sa aking kotse ay pinaandar ko agad ito.

____

Habang nasa byahe ay hindi ko pa rin maiwasang isipin yung tawag ni Zack kanina.

Hindi naman sa umiiwas ako sa kanya  nagkataon lang na may gagawin ako bukas kaya hindi ako pwede.

Kailangan ko kasing puntahan ang pinsan kong si Klinton.

Tama ang narinig nyo. Nagkita kami nung araw na nahospital si kuya.

Sya kasi ang aking kanang kamay. At sya ang nagma-manage ng gang kapalit ko.

Pagkarating ko ay pinarada ko ang sasakyan ko sa labas ng bahay nila at agad na bumaba.

Nag-doorbell muna ako bago pumasok gawa na rin ng kasapi sya ng aming gang ay naglagay na rin sila ng mga guard kung sa sakali mang may umatakeng kalaban.

Maya maya pa ay dumating ang isang guard at pinagbuksan ako ng gate.

Nagtuloy ako papasok.

"Hey couz"....bati ni Klinton at kumaway naman ako bilang pagtugon.

"Why the sudden visit?"....kinausap nya ako gamit ang foreign language.

"Nothing, just wanna share some information"...tugon ko at nagdiretso kami papaloob.

Binati ko naman sila tita at tito.

Pinsan ko kasi si Klinton sa father side.

"Hi po tita, tito"...bati ko at nginitian naman nila akong pareho. "Oh hija mabuti naman at napadalaw ka, ang tagal rin nating hindi nagkita, ang laki mo na at ang ganda pa"...puri ni tita.

Ngiti na lang ang isinagot ko. "Hey Mom, do you really find her beautiful?"...at ito namang si Klinton nang-asar pa.

"Don't mind her hija, enjoy your stay okay"...sabat naman ng daddy nya kaya tumango na lang ako.

Bago pa man kami umakyat ay tinitigan p ng masama ni tita si Klinton.

_____

Pagkarating namin sa taas ay nauna akong pumasok.

Inilatag ko ang mga black cards na natanggap ko.

Pagkatapos ko itong ilatag ay sya namang pumulot sya ng isa at binasa.

"Kelan ka pa nakatanggap ng ganito?"...tanong nya sa akin, in fairness tagalaog na..

"Nung bumalik akong America"...sagot ko at ibinaba na nya ang kanina'y hawak nya.

"Nakakatanggap ka pa ba?"

"Sa ngayon hindi pa, pero maaring sa sunod oo"..sabi ko at kumuha ng isa.

Ipinakita ko sa kanya ang hawak ko.

"Ito ang pinakang huli na natanggap ko"...sabi ko at ibinaba itong muli sa mesa.

"Sino naman kaya ang magpapadala ng mga ganito?"...sabi nya.

"Hindi ko rin alam, kaya nga kita nilapitan"...sabat ko at napatingin sya sa akin. "Bukod sa ibang gang na nakalaban natin nung nakaraan, niisa sa mga nagbigay ng ganitong card hindi itim ang kulay"...paliwang nya at totoo naman ang lahat ng ito.

Kaya nagtataka ako dahil sa lahat ng gang na nakalaban namin wala ni-isa sa kanila ang may ganitong kulay ng card.

"So ano ng gagawin natin?"...tanong nya sa akin, pero wala rin akong maisip.

"I don't know yet"...tanging nasabi ko ng wala sa sarili.

~*~

Pagkatapos ng usapan namin ay nagdiretso agada ako pauwi, pero habang nasa daan ako ay di ko maiwasang tingnan ang lumang eskinita kung saan nangyari ang lahat.

Muntik ko pa sanag mabangga ang likod ng kotse ng naaa unahan ko dahil doon buti na lang at nakapreno agad ako at lumihis ng direksyon.

Pagka-garahe ko ng sasakyan namin sa grage ay kinuha ko ang susi nito at nagdiretso papasok ng bahay.

Pagbukas ko ng pinto ay halos ihip ng hangin lang ang maririnig sa buong bahay dahil sa nakabukas ang bintana  kaya agad ko itong nilapitan para sana itali ngunit may biglang nalaglag kaya hinawi ko ang kustina para makita kung ano ito.

Hindi nga ako nagkakamali.

Isa na namang black card.

Agad ko itong binuklat at tiningnan kung ano ang nakasulat.

"No Matter How Hard You Try You'll Never Find Us"
 

                                 T.

Pagkabasa ko nito ay agad kong inilibot ang aking mga mata sa bawat sulok ng aming bahay upang tingnan kung may iba pang kakaiba pero wala na maliban na lang sa black card na natanggap ko.

Habang hawak ko ang black card ay naisipan ko itong ibulsa at isara ang mga bintana at nagtungo sa kwarto ko.

Inilagay ko ito sa isang box kung saan ko itinatago ang iba pa nitong mga kasamahan.

Pagkatapos non ay naupo ako sa kama at napaisip.

Iniisip ko ang mga sinabi ni lolo noon.

Na....

Hindi lang ako kundi may isa pa, dalawa kami pero sino yung isa.

Sa kakaisip ko ay di ko na namalayan na kanina pa pala tumutunog yung cellohone ko, may tumatawag.

Tiningnan ko kung sino ito at si Zack pala kaya sinagot ko ang tawag nya at nagtungo sa veranda ng kwarto ko.

"Hello"...bati nya

"Oh?"

"San ka?"

"Sa veranda ng kwarto ko ikaw"

"Ah, nasa labas ako"

"Hmmm"

"Hindi kana ba busy?"

"Bakit?"

"Ah...maaga pa kasi, gala tayo?"..pagkasabi nya non ay napatingin ako bigla sa orasan sa kwarto ko at bandang alas dos pa lamang...maaga nga.

"Saan?"

"Kahit saan"

"Sige,"

"Sige susunduin na lang kita"

"Sige"

Pagkatapos kong patayin ang tawag ay may kung ano sa aking paramdam na nagpangiti sa akin sa isiping iyon.

Nag-ayos muna ako kahit papaano bago bumaba. Nagpalit na rin ako ng damit.

Pagbaba ko ay nilock ko muna ang pinto bago tuluyang maglakad papalayo.

Hindi pa nagtatagal ay nakita ko na ang kotse ni Zack.

Lumabas sya ng nakangiti sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero ng masilayan ko ang mga ngiting yun bigla na lang akong napaatras at muling bumalik ang lahat ng alaala mula sa nakaraan.



Tama pa bang magustuhan din kita Zack?

To be continued........

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
340K 23.3K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...