A Stranger's Heart[Completed]

By Queen_Stelle

204 38 1

Truth Pano kung ang katotohanan ang sisira sa inyong pagmamahalan, susugal ka pa rin ba? Mananatili ka pa ba... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 3O
CHAPTER 31
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

CHAPTER 32

2 0 0
By Queen_Stelle


ZACK'S POV

Hating-gabi na pero gising pa rin ako. Hindi kasi ako makatulog kaya napag-pasyahan kong bumangon mula sa pagkakahiga ko at binuksan ko ang sliding door window sa kwarto ko at habang nag-titingin tingin ako sa buong paligid ay napansin kong bukas ang mga ilaw sa bahay nila Elle.

Baba sana ako para silipin kung sino ang naroroon ngunit nakita ko si Elle sa loob na may KASAMA?

Bukod kasi sa mga magulang nya na kasama nya sa bahay ay hindi pamilyar sa akin ang mukha ng isang toh.

Mapuntahan nga. Ay wag na pala.

Bakit ko pa kasi sila pupuntahan noh?

Dito na lang ako tsaka tulog na rin sa baba sila mommy. Baka pag bumaba ako isipin pa nila na gumigimik ako kapag ganitong oras at hinihintay ko lang silang makatulog.

Sinarado ko na lang ang sliding door window ng kwarto ko at pabagsak na nahiga sa kama ko.

Hindi ko kasi maiwasang mag-isip. Pano ba naman kasi LALAKI yung kasama nya buti sana kung BABAE.

Eh ano naman ngayon Zack?

Wala lang, kasi kahit na pigilan ko ang sarili ko na hindi mag-alala para sa kanya ay hindi ko pa rin maiwasan hayss.

Oo nga pala sinabi nya na rin yon noon na wag akong mag-alala sa kanya. Eh kaibigan naman ako ah!

Si Thalia ngang bestfriend nyang nag-aalala sa kanya hindi nya pinag-babawalan. Eh bakit ako? Hindi pwede?

Arghh tama na nga. Nagiging-bading at isip bata na yata ako.

Tatanungin ko na lang sya bukas tutal dadalaw rin naman kami bukas sa kuya nya. Oo tama.

Pagkatapos kong kausapin ang sarili ko na hindi ko naman ginagawa dati ay natulog na ako dahil baka mabaliw lang ako kakaisip.

****

********

************

Pagkagising na pagkagising ko ay naligo agad ako at mabilis na nagbihis bago bumaba.

Pagbaba ko ay nakita kong abala sa paghahanda ng umagahan si mommy.

Dali-dali naman akong nag-lakad pababa ng hagdan kaya naman nilingon ako ni mommy.

"Oh anak, andyan ka na pala, maupo kana at mag-aagahan na tayo"...sabi ni mommy at uupo na sana ako ng may bigla akong naalala na naiwan ko sa kwarto ko.

"Mom balik lang ho ako sa taas, may kukunin lang po ako".....sabi ko at akmang tatayo na ako ng bigla akong pigilan ni mommy.

"Pakitawag na rin anak ang daddy mo sa taas para makapag-almusal na tayo"....sabi ni mommy at tumango naman ako.

Pag-dating ko sa taas ay nakasalubong ko naman si daddy na pababa na, mabuti na rin yon at hindi ko na sya kailangang puntahan pa.

"Oh anak"...tawag ni daddy at nilingon sya.

"Pinapababa na po kayo ni mom"...sabi ko at tumango naman sya sabay tapik sa aking balikat bago tuluyang naglakad pababa sa hagdan.

Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong tinaggal sa pagkaka-charge ang cellphone at binuksan ito.

Pagbukas ko ay andaming notification mula kay...

....SYDNEY??

Pinatay ko na lang ito dahil wala ako sa mood basahin lalo pa at naalala ko na naman ang pinag-gagawa nya noong nakaraang araw.

Bumaba na lang ako dahil alam kong pupuntahan na naman ako ni mommy dito kapag hindi pa ako bumaba.

Matapos naming mag-agahan ay nag-paalam na ako sa kanila para mauna, tumango na lang si mommy dahil may sarili naman akong sasakyan.

Habang nasa daan ako ay di ko pa rin maiwasang alalahanin yung mga nangyari kagabi.

Baka naman yung papa nya ang kasama nya kagabi?

Pero ang bata naman non kumpara sa tatay nya....

Sa aking matinding pag-iisip ay hindi ko namalayan na nandito na pala ako.

Bumaba na ako sa sasakyan at pumasok na agad sa loob ng hospital.

Agad naman akong nagtanong sa nurse kung saan ang kwarto ng kuya nya na si Ezekiel Dela Cruz.

Sinabi naman ng nurse ang room nya kaya agad ko rin itong pinuntahan pero ng akmang bubuksan ko na ang pinto ay may narinig akong pag-uusap sa loob kaya minabuti kong huwag na muna pumasok sa loob.

Hinintay ko na lang sila mommy at hindi naman ako nabigo dahil papalabas pa lang ako ng hospital ay saktong dumating ang sasakyan nila.

"Bakit andito ka anak?"...tanong naman ni mommy sa akin at nginitian ko lamang sya.

"Hinihintay ko lang po kayo"....sabi ko.

"Ay sus, tara na nga"...sabi ni mommy at naglakad na kami papunta doon habang nakasunod naman si daddy sa aming likuran.

Pagkabukas ni mommy ng pinto ay pumasok agad sya at sumunod naman ako.

"Oh Emily andito pala kayo"....masayang sabi ng mama ni Elle at nagyakapan pa silang dalawa. Well expected na sa mag-kumare.

"Oh Zack hijo"...ako naman ngayon ang binati ni tita Macey kaya ngumiti naman ako sa kanya.

"Pasok kayo at maupo muna kayo"...sabi naman ni tita at sumunod naman kami. Habang nakaupo kami ay hindi ko maiwasang hanapin si Elle ngunit wala sya rito.

"Ahm tita, N-nasaan po si E-elle?"...tanong ko.

"Ah si Elle ba kamo, Umuwi sya sa bahay namin kagabi hijo, pinagpahinga ko na rin muna sya at siguro ay babalik naman yon mamaya"....napatango naman ako at ngumiti kay tita.

"Mars sya nga pala, ito oh"...abot ni mommy sa mga prutas na dala nya at masayang inabot naman ito ni Tita.

"Salamat Emz"...tugon ni tita.

"Kumusta na ang panganay mo?"...muling tanong ni mommy at inilipat ko ang atensyon ko sa sasabihin ni tita dahil kahit papaano ay nag-aalala rin ako.

"Okay na sya Emz, pero hindi pa sya nagigising ngayon, isang araw na rin ang nakalipas, wag naman sanang abutin ng ilan pang araw. Binabawi rin kasi ng katawan nya ang lakas nya mula sa matinding pagkakasaksak at pagkakabugbog na natamo nya"...pagkatapos sabihin ni Tita iyon ay nagsimulang magsi-patakan ang mga luha nya at niyakap na lang sya ni mommy na ngayon ay nahawa na rin kay tita at umaagos na rin ang kaniyang mga luha.

Matapos yon ay nag-paalam na muna ako sa kanilang dalawa dahil gusto ko munang magpahangin sa labas.

Nasa garden ako ng hospital ng makarinig ako ng mga yapak mula sa likod ko.

Nilingon ko ito at nakita ang nakatayong si Elle habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng kanyang pantalon.

"Hi"....tanging nasabi ko at tumango naman sya sa akin at ngumiti.

Naupo kami sa isa sa mga bench doon at ramdam ko ang matamlay at malungkot nyang presensya.

"Magiging okay din ang kuya mo"...sabi ko at napatingin naman sya sa akin.

"Mmm"...tanging sagot nya.

"Huwag kang mag-alala magagaling naman ang mga doktor dito kaya sigurado akong mapapabilis din ang paggaling ng kuya mo"...sabi ko at tanging tango lang ang naisagot nya.

"Alam ko naman yun eh"...this time nag-crack na ang boses nya at nakita ko ang dahan dahang pag-patak ng kanyang mga luha kaya naman...hinawakan ko ang mukha nya at ini-angat ito upang mag-pantay ang mga paningin namin.

Dahan-dahan ko naman itong pinunasan at ngayon ay napatitug na lang ako sa kanyang maamong mukha.

"Ang pangit mo"...bigla ko namang inalis ang pagkakahawak ko sa mukha nya ng sinabi nya yon. At ano daw? Pangit? Ako? Itong mukhang to, na kinababaliwan ng mga babae, Pangit?

"Anong sabi mo?"....biglang anas ko at tumingin sa kanya.

"Sabi ko ang pangit---"...napatigil sya sa pagsasalita at tumingin sa akin..

".....kako ng itsura mo kanina"...sabi nya at natawa pa sya. Hindi naman talaga ako galit eh, masaya nga ako na sa simpleng yun ay napangiti ko sya.

Ramdam ko sya, kasi masakit ang makita mong malagay sa panganib ang kaptid mo lalo na kung ito ay wala na...

Tiningnan ko sy at hindi man nya sabihin alam kong kahit papaano ay napagaan ko ang mabigat na nararamdaman nya.

ELLE'S POV

Nakakatawa talaga yung pagmumukha nya kanina noong sinabi ko na pangit sya pero hindi ko man aminin talagang gumaan ang  mabigat na nararamdam ko kanina.

Maya-maya pa ay napansin ko ang pananahimik nya kaya itinigil ko na ang pag-tawa ko.

"M-may problema ba?"....ngunit hindi pa rin sya kumikibo. Hala baka nagalit nga sya. "Zack?"...muling tawag ko at napahinga naman ako ng tumugon sya sa aking tawag.

"Bakit?"...tanong nya sa akin. "May problema ba?"...muling tanong ko at umiling naman sya. "Ah wala, may iniisip lang ako"...sabi nya.

"Ahh, pwede ko bang malaman kung Ano?"...tanong ko at tumingin naman sya sa akin. "Iniisip ko s-si....Ate"...sabi nya at parang natuyo ang aking lalamunan sa aking narinig.

Wala akong masabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko lalo pa't..

..........ako ang dahilan ng kanyang pagluluksa.

"Tara na sa loob, baka hinahanap na tayo"...muling saad nya at nauna ng tumayo at naglakad papalabas.

Naiwan naman ako dito at nanatiling naka-upo.I feel guilty. Ni wala nga akong masabi para man lang pagaanin ang loob nya kanina.

Maya-maya ay sumunod na rin ako at nakita ko na lang sya sa loob ng kwarto ni kuya.

"Oh Elle"...bungad ni mommy sa akin at niyakap ako at niyakap ko naman si mommy pero ang paningin ko ay nanatili kay Zack na ngayon ay pinagmamasdan ang kalagayan ni kuya.

"Saan ka pa ba nanggling?"...alalang tanong ni mommy at napatingin naman ako sa kanya.

"Dyan lang po"....tanging nasagot ko.

"Kala ko kasi kung naano ka na, pinag-alala mo na naman ako anak ehh"...sabi ni mommy at hinawakan ko si mommy para kumalma sya.

"Ma,  sinabi ko na po sa inyo diba, kaya wag na ho kayong mag-alala"...sabi ko at kahit papaano ay tumango naman si mommy sa akin.

Umupo naman ako sa may tabi ni kuya at muling tiningnan ang kalagayan nya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si kuya.

Pagkatapos non ay muli kong ibinaling ang paningin ko kay Zack na ngayon ay nakatitig rin pala sa akin.

Bigla syang ngumiti. But a weak one. Ngunit kahit ganoon ay ngumiti na rin lang ako pabalik sa kanya at nag-iwas ng tingin.

"Mars..alis na kami hah dalaw na lang ulit kami"....sabi ni Tita (mommy ni Zack).

"Sige, salamat sa pag-dalaw"...sabi ni mommy at inihatid sila hanggang sa may labas ng pinto.

Pag-kaalis nila ay bumalik na si mommy at naupong muli sa sofa.

"Ma, sya nga po pala, yung mga gamit nyo po ni daddy nasa kotse ko pa po, Babalikan ko lang po"...sabi ko at tinanguan na lang ako ni mommy.

Paglabas ko ay hinitay ko munang makaalis sila Zack bago ko puntahan ang kotse ko.

Pag-kaalis nila ay tsaka ko nilapitan ang kotse ko at binuksan ang trunk nito para kunin ang mga gamit na dinala ko.

Pagkakuha ko nito ay isinara ko na ang trunk ng kotse ko at saka muling pumasok sa loob.

Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone ko.

                      Daddy Calling
               📞Answer   📞Decline

Sinagot ko naman agad ito

"Hello po Dad"

"Anak...."

"Ano pong nangyari Dad?"

"Ang kuya mo..."

"Ano pong namgyari sa kanya?"

"Gising na sya anak"

Halos manginig naman ang aking tuhod sa nararamdamang tuwa at napuluha na lang ako habang mag-isang nakasakay sa elevator.

To be continued.....

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...
10.7M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.