Hopelessly Devoted to You

By greatfairy

1.3M 47.8K 8.7K

ZERO DEGREE SERIES 4: ELLIOT MADRIGAL Elliot Madrigal, a prominent pilot and business icon, and the fourth me... More

TEASER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
FINALE
SPECIAL CHAPTER
Gavin Santillan

CHAPTER 27

27.3K 1K 235
By greatfairy



CHAPTER 27

"BECAUSE I thought you're a t—transwoman."

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan dahil sa aking narinig mula sa kanya. He just said what? Maging ang tatlong baklang nakasunod sa aking likod ay napasinghap nang sabay-sabay. Tila bumara lahat ng laway ko sa aking lalamunan.

Shock was an understatement. Ni hindi kaagad naproseso ng utak ko ang kanyang sinabi. Ilang segundo akong napanganga.

"Babe, please forgive me—"

"Don't you dare touch me!" I flinched. Pakiramdam ko'y umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo. Nagsimulang manginig ang aking mga tuhod. Nanubig ang aking mga mata.

"Wow! Sa dinami-rami ng puwedeng maging dahilan, iyan pa talaga ang naisip mong dahilan sa panloloko mo sa 'kin?" I almost yelled at his face. He tried to hold me, but I flinched again.

"What a pathetic reason! You ditched me just because you thought I was a trans?"

Napayuko siya't napaiwas ng tingin.

"I know I was a jerk for not even confronting you before I jumped into conclusions. And I am fcking regretting it everyday." His voice cracked.

Tumingala ako para pakalmahin ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata. I suddenly felt Sophie's hand caressing my back.

Sino naman ang hindi magagalit na pagkatapos ng mahigit isang linggong pagmumukmok ko at pag-iyak sa kaiisip ng maaaring dahilan ng pang-iiwan niya sa 'kin ay gano'n lang pala ang maririnig ko mula sa kanya?

"You think I will buy that reason? Are you even for real?" hindi makapaniwalang tanong ko. Umilap ang kanyang mga mata at tila litong-lito.

"I don't know. The pills and the pictures. I was totally confused. Naunahan ako ng takot. Everything happened so fast, Safina. I didn't know what to do that night—"

Marahas kong pinahid ang luhang nakatakas sa aking mata.

"Paano kung sabihin kong totoo nga ang inakala mo? Paano kung sabihin kong trans ako? Magmamakaawa ka pa rin bang balikan kita? Ha?"

Gumaralgal ang aking boses. At parang tinarakan ng punyal ang aking dibdib nang makita ko ang biglang pag-iba ng timpla ng kanyang mukha. Naging matigas ito ngunit hindi makatingin sa akin ng diretso.

"Ano? Ha? Sumagot ka, Madrigal!"

Agad akong pinigilan ng tatlo nang akma kong susugurin ng sampal ang walang hiyang si Madrigal. Hindi ko mawari ang naglalaro sa kanyang isip. Yumuko lang siya't muling nagpahid ng kanyang luha.

"Hindi ka makasagot dahil ang babaw ng pagmamahal mo, 'di ba? Hindi ka makasagot dahil hindi mo ako totoong minahal!"

"That's not true, Safina!"

"Then, tell me!"

Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses.

"I don't know. You could have told me in the first place."

Natawa ako nang mapakla. I can't believe I'm hearing this from him. Hindi ako makapaniwalang iyon ang isasagot niya.

"Wrong answer, Madrigal. Dahil pinatunayan mo lang na wala kang kuwentang lalaki."

Marahas ko siyang itinulak para buksan ang pinto ng aking unit.

"Minahal mo ba ako bilang ako o minahal mo lang ako dahil babae ako sa paningin mo?" muling tanong ko. I saw different emotions in his eyes. Tila gulong-gulo siya sa kanyang sasabihin.

"S—Safina..." he startled.

Umiling ako at napangiti nang mapait.

"Tama nga ako. Bayag mo ang tumibok, hindi ang puso mo."

"You don't understand, Safina--"

"Umalis ka na, Madrigal dahil wala na akong ibang sasabihin sa 'yo kundi tangina ka!"

Marahas kong itinulak ang pinto pagkatapos ko itong buksan. I entered my unit with head up high.

"Tangina ka, times two!" I heard Marga's voice from behind, following me.

"Tangina ka, times three!" Rafael seconded.

"Tangina ka, sagad! Narinig mo 'yon? Lumayas ka na raw!" I heard Sophie's voice before she banged the door close.

Napasandal ako sa pader at napahagulgol. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Sissy, tama na. Ilang oras ka nang umiyak kanina sa sementeryo, 'di ba? Huwag mo naman gawan ng part 2." Marga caressed my arms. She hugged me from the side.

"Tama, huwag mo nang sayangin ang luha mo sa lalaking 'yon, Sissy. Tama na. Kasi napatunayan naman nating ang babaw lang pala ng feelings niya sa 'yo. Tangina, naniwala namang trans ka nga. Bobo ang hayop." It was Sophie. Mabuti na lamang at sinundan nila akong tatlo at sinamahan dito sa condo. Dahil hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko kung sakaling nadatnan kong mag-isa si Madrigal sa labas ng unit.

"S—salamat, mga bakla. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayong tatlo."

"Hay naku, ilang beses ba dapat namin sabihin na nandito lang kami para sa 'yo? Hinding-hindi ka namin pababayaan. Pero bakit ka naman pala nagsinungaling kay Elliot? Bakit mo sinabing trans ka?" usisa ni Marga habang inaalalayan akong maupo sa couch. Nagpaalam naman saglit si Sophie para kumuha ng tubig sa kusina.

I heaved out a sigh.

"Iyon lang ang paraan para tigilan niya na ako. Tingnan natin ngayon kung mag-e-effort pa siyang suyuin ako."

Naupo silang dalawa sa katapat kong sofa.

"Sabagay, may punto ka naman, Sissy. Alam mo hindi pa rin ako makapaniwala na gano'n lang kababaw ang dahilan niya para iwan ka sa mismong araw ng kasal n'yo. Alam mo sana pala tinadyakan mo 'yon para tinadyakan din namin," Rufa blurted out. Napangiti ako sa sobrang supportive nila.

"Ang siste minura mo lang kasi kaya minura na lang din namin para mura support," galaiti naman ni Marga.

Natawa ako nang mahina. Inabot ko ang tissue na biglang bumalandra sa harapan ko. Pinahid ko ang aking mga luha.

"O, eto. Inumin mo muna 'to para kumalma ka."

"Salamat, Sophie." Inabot ko mula sa kanya ang isang baso ng tubig. Umupo naman siya sa tabi nila Marga. I was sitting on a single sofa. Sa pahaba naman sila nakaupo.

"Pero, Sissy, seryosong tanong, wala ka na ba talagang balak patawarin si Madrigal? I mean, mukha naman siyang seryoso sa paghingi ng tawad sa 'yo. Kasi hindi naman 'yon mag-e-effort na hintayin ka rito sa condo mo kung wala na talaga siyang paki sa 'yo."

Saglit akong natahimik dahil sa tanong ni Marga. Ang totoo'y hindi ako ganitong tao. Mabilis akong magpatawad. Pero iba pala kung ang taong nanakit sa 'yo ay mahal na mahal mo. Kasi hindi ko maarok ang lalim ng sakit na idinulot niya.

"He's just doing that to feed his conscience, Marga. Kaya huwag na kayong umasang makikipag-ayos pa ako sa kanya. "

Nagkatinginan silang tatlo sabay buntonghininga.

Siguro noon pa man ay nakuikit na sa kapalaran kong hindi ako kailanman magiging maligaya sa pag-ibig. At dahil sa sobrang pamimilit kong magkalapit kami ng taong hindi naman talaga ako mahal ay nagkandaletse-letse ang buhay ko. I should have known better.

Kahit ano'ng gawin kong pangungumbinsi sa aking sarili ay hindi ko pa rin magawang kalimutan ang lahat. Everything about him is a fresh memory. Na kahit ano'ng baon ko'y naaalala pa rin ng aking puso.

Even that night I dreamed of him again.

"Damn it! You're so tight, babe! Ugh!"

"Take me all for yourself, Elliot. Take me all."

Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang aking ulo sa sobrang sarap ng sensasyong pinaparamdam niya sa 'kin. He continued rocking me while kneading my breast with his expert hand.

"What's your name, babe? I wanted to know your name."

I was panting hard that I could barely utter my name underneath his toned sweaty body.

"Saf—i---n—Ugh! Harder, Elliot!"

"Damn! You're so good!"

He's pounding me fast and hard that I could barely speak. My toes curled as he plunged deeper and deeper until we both came.

Marahas akong bumagon sa kama kinumagahan. I felt my face heated up when I realized what I just dreamt.

What a nightmare! Ipinilig ko ang aking ulo bago bumaba sa kama saka inayos ang pagkasalansan ng mga unan at bedsheet. Mukhang gising na ang tatlong bakla dahil ko na silang nagdadal-dalan sa kusina.

Pagkatapos ng breakfast ay sumabay na rin ako kina Marga. They dropped me at the office.

Bantay-sarado ako ng tatlo kahit na abala sila sa kanilang negosyo. Batid kong hands-on silang lahat pagdating sa kanilang boutique. At lahat ng mga natamo nila ngayon ay dahil na rin sa kanilang pagpupursige noon.

"Huwag ka nang mag-commute mamayang hapon, susunduin ka namin," bilin pa ni Sophie pagkababa ko. I just nodded in agreement. Kahit naman humindi ako ay bubulagain lamang nila akong tatlo mamaya.

"Bakit kasi ayaw mo pang magbakasyon talaga nang mahaba? 'Yong isang buwan para maiba naman ang environment mo. Kikita naman for sure ang flower shop kahit wala ka. May mga regular customers naman kayo. Puwede ka namang pumirma ng mga blank checks at post-dated checks para sa mga payables ninyo kung iyon ang inaalala mo."

Pinandilatan ko lang ang suhestiyon ni Marga. They're actually asking me na mag-out of town. Libre raw nilang tatlo basta sumama lang ako pero hindi ako makapag-decide. One week is too long for me, ang isang buwan pa kaya?

"Thanks sa offer pero hindi ko kayang malayo sa shop nang gano'n katagal. This has been my life for several years."

"Hay naku, kaya hindi ka makahanap-hanap ng preskang isda kasi hindi ka marunong maglayag ng lambat sa dagat. Walang isda sa dalampasigan, Sissy. Nasa laot lahat."

Natawa ako sa sinabi niya. Speaking of fishes. Natigilan ako nang maramdaman kong tumunog ang cellphone.

Dinukot ko iyon mula sa bag.

From: Gavin

How about a dinner tonight?

He's been texting and calling me these past few days. Mula noong nagkakilala kami sa bar ay gabi-gabi na niya akong tinatawagan. Hindi nga lang natuloy ang unang araw na niyaya niya ako. I immediately typed a reply.

Sure. See you then!

"O? Ano'ng nginingiti-ngiti mo? Sino 'yang ka-text mo? Si Gavin my loves 'yan, 'no?" kantiyaw ni Rafael. Inirapan ko siya.

"Paalala lang, Sissy. Siyempre, gusto naming maka-move on ka, pero huwag na huwag kang manggamit ng iba dahil higit sa lahat ikaw ang nakakaalam ng sakit kapag naloko ka."

Napangiwi ako sa sinabi ni Sophie. Ibinalik ko ang cellphone sa loob ng aking bag.

"He's just being nice to me, Sophie. He can be a good friend," I rebutted.

"Sus, walang lalaking mag-e-effort ng gano'n kung walang balak. Huwag ka ngang pa-ignorante," Marga debated. I just shrugged my shoulder.

"Pasok na ako. Huwag n'yo na akong sunduin mamaya. May pupuntahan ako," paalam ko.

Sabay-sabay silang umirap sa akin. I know they will just nag at me about seeing Gavin. Wala naman sigurong masama dahil nakikipagkaibigan lang iyong tao. I also wanted to go out of my circle.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka na ulit iiyak dahil baka makaputol ako ng kaligayan ng lalaki for the first time," pahabol pa ni Sophie. Napailing ako.

I waved at them goodbye before turning my back.

I glanced at the well-arranged flowers in front of the shop. Inaayos iyon ng mga florist. Kapag lumago pa ito lalo ay balak kong magpagawa ng second floor at doon na ilipat ang opisina ko. Binati nila ako kaya bumati rin ako pabalik.

I entered the shop while looking at my wristwatch. It's already 9:30 in the morning. Halos tinanghali ako ng gising dahil madaling araw na akong nakatulog.

"Good morning, Ma'am Safina."

"Good morning Jessa," I greeted back, forcing a smile.

"Ma'am Safina, may delivery po para sa inyo. Inilagay ko po sa ibabaw ng table n'yo."

Nagunot ako. "Hindi ba sabi ko huwag ka nang tumanggap ng kung ano mula kay Madrigal—"

"Ay, Ma'am, mukhang hindi galing sa kanya. Wala namang nakalagay kung kanino galing."

I just nodded in defeat before heading to the door of my office. Agad kong nakita ang puting box nakapatong sa ibabaw ng office table ko. May nakatali pang red ribbon doon.

Maingat kong ipinatong ang aking bag sa maliit na lamesa katabi ng office table. Hinila ko ang swivel saka naupo. I stared at the box, contemplating whether to open it or not, but I ended up untying the ribbon.

I slowly opened but I almost screamed when I saw what's inside. Napahawak ako sa aking dibdib. What the hell is this? I took almost a minute to calm myself.

I examined the box again to look for hints about the sender, but I didn't find anything. Muli kong tiningnan ang laman ng box. It's a doll holding a card. Pero ang nagpawindang sa isip ko'y ang nakasulat sa mismong card.

I know your secret.

Sinalakay ng matinding kaba ang aking dibdib. Sinong nagpadala nito?

©GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 27.4K 63
Sales clerk Lissie Cruzem wasn't expecting to catch the eye of Zach Monterro, the owner of the mall where she works. But their whirlwind romance and...
1.6M 23K 36
PUBLISHED UNDER LIB PHR Available in NBS Bookstores and thru online stores via shopee and lazada for as low as 199 pesos. Lahat na ata ng zone mapa-f...
3.7M 113K 39
ZERO DEGREE SERIES 2: SID DELA VEGA Sid's love for Serenity was beyond compare. Head over heels in love, he can move mountains for the one and only...
175K 3.4K 20
[Mature Content] James Francesco is known for being Mr. Nice Guy among his peers, Mr. Nice Guy to the women of the world, like he is God's gift to wo...