Hopelessly Devoted to You

By greatfairy

1.3M 47.8K 8.7K

ZERO DEGREE SERIES 4: ELLIOT MADRIGAL Elliot Madrigal, a prominent pilot and business icon, and the fourth me... More

TEASER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
FINALE
SPECIAL CHAPTER
Gavin Santillan

CHAPTER 24

29.2K 1.2K 218
By greatfairy

Hello! Thanks for you stars and comments! I truly appreciate your support po. :)

CHAPTER 24

"MARAMING SALAMAT po talaga, Ma'am! Ngayon lang ako nakatikim nang gano'n kamamahaling chocolates!"

Naibaba ko ang hawak kong fountain pen saka napaangat ng tingin kay Jessa. She's smiling from ear to ear. Maaliwalas din ang kanyang mukha kumpara noong nakaraang araw. Someone sent an expensive bouquet of flowers and a box of chocolates to my office early in the morning. Kahit walang nakasulat sa card kung sino ang nagpadala niyon ay wala namang pagdududang sa iisang nilalang lang nanggaling ang mga iyon.

Hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan siya o sadyang kinain na ng sistema ang kanyang utak. Kung sa akala niya ay madadala niya ako sa pa-bulaklak at pa-tsokolate niya, puwes nagsasayang lang siya ng pera niya. Wala nga akong balak na kausapin siya, ang tanggapin pa kaya ang mga suhol niya.

"Okay lang po kayo, Ma'am?"

Natigilan ako. Hindi ko napansing napatulala pala ako sa bitbit ni Jessa na bouquet. Umayos ako ng upo at pinagsalikop ang aking mga kamay sa ibabaw ng lamesa.

"Bakit mo pa ipinasok 'yan dito?"

Napatingin naman siya sa kanyang hawak. Hindi ko namang itinatangging maganda ang pagkaka-arrange ng mga bulaklak. Pero kahit gaano pa pala kaganda ang isang bagay kung galing ito sa taong kinamumuhian mo ay hindi mo wala itong halaga sa kahit anong sulok ng puso mo. I just can't bring myself to appreciate those petals.

"Eh, bagay po kasi ito sa vase ninyo rito sa office, Ma'am. 'Di ba paborito n'yo ang tulips?"

"Pakitapon ng mga 'yan, Jessa," mariing sabi ko. Natigilan siya't napangiwi.

"S—sigurado kayo, Ma'am?"

"Please do not make me repeat myself, Jessa. At susunod na magpapadala pa ulit ng kung anu-anong ang lalaking, pakidiretso sa basurahan o bahala ka kung ano'ng gawin mo. 'Yong chocolates sa 'yo na o ipamigay mo sa iba."

"M—masusunod ho, Ma'am Safi."

"Good."

I crossed my legs and laid my back on the swivel.

"Ah, Jessa..." I called out. Natigilan siya sa pagphit ng pinto ng aking opisina.

"Bakit po?" kinakabahang tanong niya. She hid the flowers behind her back which made me satisfied. Nakakairita kasing tingnan.

"Pasensya ka na sa inasal ko nitong mga nakaraang araw. I didn't mean to offend you. It's just that—"

I sighed and smiled at her weakly.

"Ayos lang ho iyon, Ma'am Safi. Naiintindihan ko naman po. Huwag po kayong mag-alala, hindi naman ho sumama ang loob ko sa inyo."

A sincere smile crept my lips. Nakahinga ako nang maluwag. Kahit papaano'y nabawasan ang dinadala kong mabigat sa dibdib. Mahalaga sa akin ang mga empleyado ko. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi lumago ang flower shop.

"Salamat, Jessa."

"Walang anuman ho, Ma'am Safi. Sige ho, babalik na ako sa trabaho ko."

I nodded at her in agreement. I watched her going out of the office, but I called her again when I remembered something.

"And, Jessa—"

"Ho?" Humarap naman siya kaagad.

"Kahit ano'ng mangyari, kahit takutin pa kayo o suhulan, huwag ninyo papasukin ang taong nagpapadadala ng mga bulaklak at tsokolate."

"Huwag ho kayong mag-alala, sa inyo ho ang loyalty ko."

Napangiti ako. "Thanks, Jessa."

Pumikit ako't isinandal ang aking ulo sa swivel pagkalabas ni Jessa ng aking opisina. Dalawang araw matapos ng insidenteng iyon sa bar ay lalong gumulo ang aking buhay. He sent me flowers the next morning in my condo unit. Nagtangka pa siyang sunduin ako at ihatid sa opisina pero nagmatigas ako. At ngayon nga'y pati sa opisina ko ay ginugulo niya ako. Mabuti na lang at tinulungan ako ng mga kaibigan ko.

I couldn't help but to blame myself as well. Kung hindi lang sana ako nagpakadesperada hindi sana ako magdudusa nang ganito. Sarili ko lang pala ang pinaniwala kong magbabago pa ng kulay ang uwak.

"Alam mo, Sis, hindi ka mapapansin no'n kung ganyan ka manamit! Look at yourself, ang boring mong tingnan! Malapit ka nang mag-twenty-five, mag-upgrade ka naman ng wardrobe!"

"Tama si Marga, Sissy! Kung gusto mo talagang mapansin ka ni Elliot, magpakinang ka. Alam mo, kahit gaano pa kakinang ang ginto kung nasa ilalim naman ng lupa, walang halaga," segunda ni Rufa.

Napangiwi ako. I can't imagine myself wearing those sexy clothes. Komportable ako sa mahabang palda at slacks.

"Pero hindi ko alam paano mamili ng damit na babagay sa 'kin."

Nagkatinginan sina Rufa at Marga.

"Kaming bahala sa 'yo!" sabay nilang bulalas.

Nagpatianod ako sa kanila papunta sa salon at pagkatapos ay dinala nila ako sa boutique. They're Sophie's friends. Bago pa man bumalik sa Thailand ang kakambal ko ay ibinilin niya ako sa dalawa.

Maraming damit ang isinukat nila sa akin. Halos hiningal ako nang sa wakas ay nakapili sila.

"Ayern! Perfect!"

Napatakip ako ng aking dibdib dahil kitang-kita na ang cleavage ko. Diyos ko! Hindi ko yata kaya. Baka imbes na mapansin ako ni Elliot ay mandiri pa siya sa 'kin at mapagkakamalan pa niya akong bayarang babae.

"Kailangan ba talagang ito ang susuotin ko? Sa Zero Degree lang naman tayo pupunta, 'di ba?"

Matagal ko nang pangarap na makapasok ng Zero Degree pero naduduwag ako. Elliot's my college crush. Ang akala ko nga noon ay simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero habang tumatagal ay lalong lumalalim ang pagtingin ko sa kanya. Pero kailanman ay hindi niya ako napansin. I do not exist in his world. Maraming mga babae ang nagkakandarapa sa kanya. At kung ikumpara ako sa mga babaeng iyon ay isa lamang akong monggo.

"Gaga, napaka-old style talaga ng taste mo sa pananamit. Gusto mo bang pagtitinginan ka ng mga tao roon dahil ikaw lang ang naiiba ng suot? 'Tsaka hindi naman gano'n ka-revealing ang suot mo. May pa-mysterious effect lang. Almost but not quite," Marga exclaimed.

"True-ness, Sissy! Kaya halika na!"

Napailing ako't wala nang nagawa nang hinila nila ako palabas. Isinakay sa kotse at saka dumiretso sa Zero Degree. Dati itong pangalan ng banda nina Elliot. Madalas pa silang kumakanta noon sa university. Pero noong nagsipagtapos na ay hindi na nila siguro nabibigyan ng panahon ang pagbabanda. At magandang ideya na nagtayo sila ng bar at ipinangalan iyon sa grupo nila. Naging matunog agad at dinadayo, lalo na ng mga mayayamang batchmates ko noon sa Micaller International University.

Sumalubong sa akin maingay na tugtog. May bandang kumakanta sa gitna. Napayakap ako sa aking sarili nang humaplos sa aking balat ang malamig na buga ng aircon. It feels like zero degree in the inside. Goodness! I'm just wearing a black satin halter dress. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa pakulo nina Marga at Rufa.

Tinawag ni Marga ang crew at um-order ng inumin namin. I roamed my eyes. Nandito kaya si Elliot? Siya lang naman ang ipinunta ko rito. Gusto ko siyang makita kahit sa mula man lang sa malayo.

"Here's your drink, Sissy."

Napatigil ako sa paglibot ng aking mga mata nang inabot sa akin ni Marga ang inumin. I hesitated but she almost rubbed it to my face.

"B—baka malasing ako nito, ha."

"Gaga, hindi ka malalasing niyan. Ladies' drink for you, of course."

Kahit nag-aalangan ay inabot ko iyon mula kay Marga saka uminom. Napapikit ako nang malasahan ko iyon. Maybe I need to charge myself some confidence even just for tonight. Para naman hindi ako magtatago sakaling makita ko si Elliot. Minsan lang akong mapunta sa ganitong lugar at hindi ko alam kung masusundan pa.

"Another glass, please..." I asked Marga. I felt achieved when I emptied my glass.

I asked for drink one after another. Tila bigla akong nawalan ng hiya sa sarili. I felt different.

"Sigurado ka bang kaya mo pa, Sissy? Magsasayaw pa tayo," Rufa interrupted but I shook my head.

"Kaya ko pa, come on!" I exclaimed confidently.

Nakakatayo pa naman talaga ako. Oo, medyo nahihilo pa pero kilala ko pa ang mga tao sa paligid ko.

I stood up from my seat when I felt the call of nature.

"Rest room lang ako," paalam ko.

"Wait, samahan na kita—"

"Huwag na, kaya ko pa!" pigil ko kay Rufa. Tumayo ako't tinanong ang bouncer kung nasaan ang rest room. Naiihi na talaga ako. Napadami na kasi yata ang nainom ko.

Dumiretso ako sa cubicle nang sa wakas ay natunton ko ang rest room. I felt relief when I finally got to seat on the bowl to release some water from my body. Medyo naiinitan na rin ako kahit na manipis lang ang suot kong damit.

Lumabas na ako nang sa wakas ay matapos. Ngunit napahawak ako sa pinto nang bigla akong nahilo. Shit.

Pumikit ako't huminga nang malalim bago binuksan ang pinto palabas ng rest room, ngunit muntik na akong matumba nang bigla akong may nabunggo.

"Ano ba—!"

"Sorry, I was just—"

Nanlaki ang aking mga mata nang makilala ko ang aking nabunggo.

Si Elliot.

Napasabunot ako sa aking buhok nang biglang sumagi sa aking isipan ang nakaraang pilit ko nang kinakalimutan. Nakaraang hanggang ngayo'y hindi ko mabatid sa sarili ko kung paano ko nagawa.

Hindi rin ako makapaniwalang pagkatapos ng masalimoot na nangyari sa akin mahigit isang taon na ang nakalipas ay muli ko na naman akong nagpadala sa tukso. Ang tanga ko na hinayaan ko ulit siyang makapasok sa sistema ko.

Pero iba na ngayon. Dahil sukdulan ang poot ko sa kanya. Natuto na ako. I laughed bitterly. Kailangan ko pa palang masaktan ng dalawang beses para lang maimulat ang aking sarili sa katotohanang ang isang kagaya niya ay hindi karapat-dapat mahalin. At gumapang siya ng ilang kilometro papunta sa akin ay hinding-hindi ko siya mapapatawad. I despise him a lot.

I sighed. Muli kong itinuon ang aking atensyon sa mga papeles dokumentong kailangan kong pirmahan. I don't want to waste my time thinking about useless creatures.

Napatigil ako nang may kumatok sa pinto ng aking opisina.

"Come in!" I said and put the pen down. Umayos ako ng upo.

"Ma'am Safi, may customer tayong naghahanap sa inyo. Kilala n'yo raw siya."

Napakunot ako. Wala naman akong ibang kaibigan maliban kina Marga. At kung may kailangan sila sa akin ay tatawag naman sila.

"Huwag po kayong mag-alala, hindi po si Sir Elliot ito kung iyon ang iniisip ninyo."

Napasimangot ako sa sinabi ni Jessa bago tumayo.

"Sino kung gano'n?" tanong ko sabay lakad palabas ng opisina. Jessa gave way.

Naglakad ako't tinanguan ang bago naming Florist na si Marsie.

"Good morning!"

Namilog ang aking mga mata nang sumalubong sa akin ang malapad na ngiti ng bisita.

"Gavin!"

Agad ko siyang nilapitan at nakipagbeso sa kanya. Hindi ko akalaing pupuntahan niya ako rito sa shop.

"Paano mo nalamang nandito ako?"

"Well, I asked help from your friends," nakangiti niyang tugon. May bitbit siyang bulaklak na mukhang dito niya binili.

"Matagal na akong bumibili ng bulaklak dito. I just didn't know that you were the owner. Good thing napadaan ako," aniya. Napangiti ako. Ang gaan niya kasi talagang kausap. At ngayon ko lang din lalo na-appreciate ang kagandahang-lalaki niya. He's wearing a business suit. Mukhang papasok ng opisina.

"For your girlfriend?" I queried, pointing the flowers with my lips. Umiling naman agad siya.

"Nah, for my Mom. It's her birthday today."

"I see. Napaka-sweet mo namang anak. Pakiabot na lang ng pagbati ko sa mommy mo," nakangiting tugon ko.

"Makakarating," aniya. He smiled widely showing his perfect set of white teeth.

"Anyway, I would like to invite you to a dinner on weekend. I hope you don't mind."

Napaisip ako. Wala naman akong gagawin sa weekend, maliban sa magmukmok sa condo o maghintay kung kailan ulit ako bibisitahin ng tatlo. At alam ko namang napakaabala nila ngayon sa kanilang boutique lalo na at lumalago na ang kanilang negosyo. Marami na silang customers.

"Sure, why not?" I gave him a sincere smile.

"Great! Thanks, Safina! You just made me very happy. Sana wala nang manununtok sa 'kin. Wala naman, 'di ba?"

Napangiwi ako at napaayos ng tayo.

"W—wala naman. Pasensya ka na sa nangyari noong isang araw. Hindi ko akalaing na—"

"No worries. Naintindihan ko. I might definitely go that far as well when someone's dancing the girl I like, you know," he said while staring at me intently.

Muli akong napangiwi. Ngumiti na lang ako para itago ang pagkailang sa aming usapan.

"S—sige. Salamat pala sa pagdalaw. Pasensya ka na kung hindi kita ma-entertain nang matagal, may trabaho kasing naghihintay sa akin sa loob ng opisina."

"I definitely understand, Safina. No worries. I'll see you on Saturday then?"

Tumango ako.

Inihatid ko siya hanggang sa labas ng flower shop. I made a mental note to ask the three culprits. Malamang marami na silang naikuwento kay Gavin tungkol sa akin.

"Saturday, okay?" Gavin reminded before opening his car.

"Sure, I'll see you!" I waved at him goodbye until he entered his car and drove away. Akma na akong papasok pabalik ng opisina nang bigla na lang may humaklit ng aking braso.

"You will not date that asshole, Safina! Never!"

His baritone voice sent shivers to my bones. Madilim ang kanyang mukha at tila papatay anumang oras. Sinubukan ko siyang itulak ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso.

"Bitiwan mo ako!" I almost yelled at his face. What the hell was he doing here? At bakit bigla-bigla na lang siyang sumusulpot?

"At sino ka para pagbawalan ako? I will date whoever the hell I want! Wala kang pakialam dahil buhay ko 'to! You're just my ex!" mariing sabi ko. My blood started to heat up.

Nginisihan niya lang ako ngunit mababanaag pa rin ang galit sa kanyang mukha.

"We never broke up, remember?" he said, with his lips almost fanning my face.

"Hindi pa tayo hiwalay, Safina. There was no official breakup between us. Kaya tayo pa rin."

Buong lakas kong hinila ang aking braso mula sa kanya saka ginawaran siya ng nag-aalab na sampal.

"Tell me, ilang sampal ba ang gusto mo para matauhan ka na isa kang putangina? Wala nang tayo, Elliot! Wala na. At kahit kailan wala nang magiging tayo dahil wala akong balak balikan ang isang demonyong katulad mo!"

I turned my back on him then walked straight to my office, banging the door close behind me.

He can never open the door to my life again. Never.

©GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 78.6K 59
Adrianna Monteverde did what every stubborn daughter forced to marry a stranger would have done--she ran away. But as she spun lies upon lies about h...
721K 25.8K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
Attention! By anamariess

General Fiction

3.3M 68.3K 69
[ Missions Series #1 ] [ Previously Titled "The Alphabet of Erotica #1: Attention" ] [ Published by LIB Creatives. Now available in pocketbook and di...