Hopelessly Devoted to You

By greatfairy

1.3M 47.8K 8.7K

ZERO DEGREE SERIES 4: ELLIOT MADRIGAL Elliot Madrigal, a prominent pilot and business icon, and the fourth me... More

TEASER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
FINALE
SPECIAL CHAPTER
Gavin Santillan

CHAPTER 22

27.9K 1.2K 314
By greatfairy

CHAPTER 22

"WOAH! You look like a goddess, Sissy!" Sophie exclaimed as she examined me from top to toe.

I snorted. As if bago sa kanya ang ganitong get up. It's a deep V-neck red dress matched with a red stiletto. Marga curled my hair into big waves. I completed my look with a killer red lipstick and dangling gold earrings.

"What can you say about my creation?" Marga came in. Unlike Sophie, she's wearing a plain V-neck shirt paired with skinny jeans. Cross-dressing isn't really her thing.

"Perfection!" Sophie and Rufa replied in unison. Napailing ako sa kalokohan nila. Pumayag na lang din ako kasi gusto ko rin namang magliwaliw kahit saglit lang. Maybe I should start forgetting my dream to be with a man I ever dreamt to be with for the rest of my life. It will remain a dream forever, after what happened.

"So, ano, Sissy? Are you ready to crash a wild party?" Sophie queried naughtily.

"Saan ba kasi talaga tayo pupunta? Akala ko ba sabi n'yo magba-bar lang tayo?" I replied glaring at them. Parang hindi ko kasi gusto ang mga ngiti nila. Pakiramdam ko may gagawin silang kalokohan.

"You will know once we get there!" Rufa answered winking at me. Saglit tuloy akong kinabahan. Naku lang talaga kapag may ginawa silang kalokohan pagbubuhulin ko silang tatlo.

We used Marga's car again. Ayaw talaga nilang gumamit na lang ng kanya-kanyang kotse dahil baka ibang bar daw ang mapuntahan ko at baka raw magbago ang isip ko't umuwi na lang. Na hindi malayong mangyari.

"Siguraduhin n'yo lang na hindi kayo maglalasing. Ayokong magbuhat ng mga lasing mamaya. Ang bibigat n'yo pa naman," untag ko nang makasakay na kami sa kotse.

"Calm your heart, Sissy, kasi hindi naman tayo pupunta roon para maglasing. Ano ka ba! Pupunta tayo roon para magpalaway ng leon."

"Ano?!" hindi-makapaniwalang tanong ko kay Marga. Tumawa lang siya.

"Joke lang, Sissy! Ano ka ba, trust us! Hindi kami papayag na buburuhin mol ang sarili mo sa unit mo, 'no. You deserve to be happy, after all. Kaya chill ka lang diyan."

I just rolled my eyes at them. I just replied to Jessa's message when I read it. May na-hire na raw siya kaninang kapalit ng nag-resign naming staff. Buti naman dahil ayaw kong ma-delay ang mga purchase orders ng mga malalaking customers ng shop.

"We're here!" Marga announced as soon as she stepped on the gas.

Napanganga ako nang mag-park siya sa pamilyar na lugar. Halos nabato ako sa backseat, katabi ni Sophie.

"What the hell are we doing here?" I almost yelled at them, but they just grinned.

Sophie held my hand. "Sissy, we are helping you to move on. At magagawa mo lang 'yon kung haharapin mo ang multo ng iyong nakaraan. You need atleast a closure, haler?"

"Sophie's right, Safina. Confront him and ask him. Atleast kapag nalaman mo na kung ano'ng dahilan niya, puwede ka nang magsimula ulit ng buhay na wala siya. Paano ka niyan makaka-move on kung araw-araw mong tatanungin ang sarili mo kung bakit niya nagawa 'yon sa 'yo? You deserve atleast a decent explanation," Marga added.

I heaved out a sigh. Tiningnan ko sila isa-isa bago marahang tumango. Right, I've been asking myself the same question every night. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niyang effort para sa akin, paano niya ako nagawang talikuran sa mismong araw ng kasal namin?

"Pero puwede ko naman siyang kausapin sa ibang lugar, hindi ba? Puwede ko naman siyang puntahan sa opisina niya—"

"Ang tanong, kaya mo ba siyang puntahan?" Marga countered. Muli akong napabuntonghininga. May punto kasi siya.

"Kaya nga dito tayo pupunta, eh. Atleast hindi niya mahahalatang siya ang ipinunta natin dito. We're here to kill the night, 'no! At saka, tiyak akong nandito siya dahil kakabukas lang ulit ng Zero Degree after a month of renovation. Pinalaki kasi nila ang space dahil may idinagdag silang services. If I were you, prepare your killer smile. Para ipakita sa kanya na hindi ka talunan. Let him salivate for you. Tingnan natin kung hindi siya manghinayang na pinakawalan niya," dagdag pa ni Rufa.

Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay sunod-sunod akong tumango. "O—okay."

Nagliwanag ang mga mukha nilang tatlo. Marga opened the door at her side. Pinagbuksan niya ako sa backseat.

It's exactly 9PM when I checked my phone. Tama si Rufa, mukhang lumaki nga ang Zero Degree bar. The last time I went here, I earned a remembrance. Ayaw ko nang balikan pa ang araw na iyon kaya buhat nang mangyari iyon ay hindi na ako pumunta rito. This place has nothing to offer but a myriad of memories that I wanted to forget.

A band was playing when we entered the bar. Maraming nag-iinuman. May mga balloons pang naka-decorate sa ceiling. Marga presented her card. Mga members lang kasi ang nakakapasok dito. Dati rin akong may membership dito pero tinapon ko na ang card na iyon pagkatapos mawala ng pinakamahalagang tao sa buhay ko.

"They are with me," Marga said to the receptionist.

Lumawak ang space sa loob at may mini-fountain pa sa gitna na.

Naghanap kami ng puwesto. Marga called out a crew to order drinks for us.

"Just cocktail for me, please..." I said. Marga ordered for themselves.

The singer finished a rock song. Biglang tumahimik ang lahat nang may umakyat sa stage. It was Levi Micaller, one of the bar's owner.

"Zero Degree was just as small as a kitchen when we started it. We're glad that after few years, it emerged successful. And it's all because of you. So, just enjoy the unlimited drinks for tonight in celebration to this new milestone! Cheers!"

Itinaas ni Levi ang kanyang hawak na wine glass. Namataan ko rin ang mga kaibigan niya, sina Theo, Sid, at ang lalaking ayaw ko sanang makita. Bumilis ang tibok nang puso ko nang mapatingin si Levi sa aming kinaruruonan. Umiwas ako ng tingin.

Huminga ako nang malalim.

Nang muli ko siyang tiningnan ay may ibininulong ito sa kanyang katabi. Lumingon na rin sina Theo at Sid sa amin. Malamang ipinaalam na nito na nandito kami.

"Chill, Sissy. We got you!" Sophie whispered.

"Hay naku, walang chill-chill sa sawing nanggigigil," palatak ni Rufa.

Buti na lang dumating ang crew at nag-serve ng order namin. I crossed my legs and took a sip from my drink. Iniwas ko ang aking tingin at nagkunwaring wala akong nakita.

"Papalapit na sila," Marga announced. Umayos ako ng upo. Naghuhurumintado na ang aking puso dahil sa namumuong poot. Marahas akong lumunok.

"Marga! You're here!"

"Hi, Fafa Sid! Congrats sa business n'yo!"

Tumayo si Marga at nakipagkamayan sa mga bagong dating. Ang plastic, kainis. Ramdam ko ang mabibigat na titig mula sa taong kinasusuklaman ko. Ang kapal ng mukha niyang magpa-party pagkatapos ng ginawa niya. Parang wala lang nangyari, gano'n?

"Yeah, congrats!" Rafael smiled widely. She rolled her eyes secretly. Natawa ako nang mahina. Bitch.

"By the way, I'd like to introduce to you my friend." Mula sa pagkakayuko ay tumayo si Sophie. Busy kasi siya kadudutdot ng cellphone niya kanina.

"This is Sophie, Safina's twin."

Parang tinuklaw silang apat ng ahas. Saglit silang napatulala. Lalo na iyong lalaking kinamumuhian ko. Hindi siya nakapagsalita.

"I didn't know you have a twin, Safina..." Levi said when he recovered from a sudden shock.

"Yes. She just came back from Thailand," I answered lightly. Ayaw kong iparamdam sa kanila ang panginginig ng kalamnan ko sa galit.

"T—Thailand?" Sid asked. Nakakunot ang kanyang noo saka binalingan ang kaibigan nitong si Theo. Pati ang lalaking ayaw kong banggitin ang pangalan dahil nasusuklam ako.

"Yes," I answered.

"N—nice meeting you, Miss Sophie." Levi extended his hand.

"Nice meeting you, too!" Sophie answered that shocked everyone. Hindi siguro nila akalaing ang napakagandang babaeng nasa harap nila ay boses-lalaki.

"Wait—are you? I mean, no offense, but are you transitioning to—"

"Yes, bakit? May problema ba?" nakataas-kilay na tugon ni Sophie. Namimilog naman ang mga mata ni Levi at Sid. Theo just shook his head while the guy beside him was still in shock. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang reaksyon nila. Hindi naman siguro ito ang first time nilang makakilala ng transwoman.

"N—nothing. We're just amazed. You look exactly like your twin," Sid answered and stared at me. Tiningnan niya rin nang makahulugan ang kaibigan niya.

"Thanks for coming tonight. We hope you enjoy," nasabi ni Levi.

I felt the heavy stares from a stranger. Sinalubong ko ang kanyang tingin. Bumuka ang kanyang mga bibig ngunit agad niya rin itong itinikom. I pretended not to be affected by his mere presence.

"Talagang mag-e-enjoy kami. Ang daming pogi sa paligid, eh," tili ni Marga. Nakarinig ako ng lumagataok na kamay. Nang tiningnan ko ang hudas ay nakaigting ang kanyang panga.

"Excuse me, powder room lang ako," paalam ko bago tumayo. Kailangan kong makalayo muna sa kanila dahil parang sasabog na ang dibdib ko sa halu-halong emosyon na aking nararamdaman.

Halos takbuhin ko ang powder room para lang makatakas. My eyes were getting heavy. At alam kong anumang segundo ay bibigay na ang aking mga luha.

I entered the powder room. Lumaki na rin ito kumpara noon. Pumasok ako sa cubicle at pinakawalan ang hikbing kanina ko pa pinipigilan. I wiped my tears a took a very long breath before getting out.

Pagkalabas ko'y bumungad sa akin ang pamilyar na babae. She stared at me through the mirror adjacent to the sink. She's fixing her makeup. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay mukhang sinusundan niya pa rin si— I sighed. Hindi ko kayang banggitin ang kanyang pangalan. Basta magsama sila.

I opened my clutch and  my reapplied lipstick. Mabuti na lang at waterproof ang makeup ko. Kaya hindi ito nasira ng luha ko kanina.

"Safina, right?" Beatrice suddenly spoke. She arched her brows while crossing her arms. Sumandal siya sa pader.

I continued applying lipstick on my lips and ignored her mocking stares. Wala akong panahong makipagplastikan sa kanya.

"Alam mo, nagsasayang ka lang ng panahon at lakas. Kahit anong gawin mong pagpapaganda, ako pa rin ang mahal ni Elliot. Kaya kung ako sa 'yo umalis ka na lang. You don't belong here. Cheap!"

Tinapos ko ang pag-re-retouch saka ibinalik ang makeup sa loob ng clutch. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Alam kong sinadya niya akong sundan sa loob ng powder room para insultuhin.

"I'm talking to you, b*tch!"

Napahawak ako sa pinto nang bigla niya akong hinila sa buhok saka itinulak.

"What the hell is wrong with you, Beatrice?" I yelled.

"Matuto ka kasing sumagot kapag kinakausap kita!" sigaw niya pabalik.

"At ano'ng gusto mong sabihin ko sa 'yo? Batiin ka at palakpakan? You wish, bitch! Hindi ako aalis dito dahil lang sinabi mo. Baka ikaw dapat ang umalis. Are you even invited?" I darted back.

Sumama ang kanyang mukha at lalong nanggalaiti sa 'kin.

"Sa tingin mo hahayaan kitang agawin sa 'kin si Elliot? Sa akin lang siya, Safina! I was his first love. I used to be his queen. Gagawin niya lahat para sa 'kin dahil mahal na mahal niya ako! Kaya kung ako sa 'yo huwag ka nang umepal!"

I couldn't help but laugh sarcastically.

"You USED to be his queen. Past tense, Beatrice. Iba na ngayon. He might have fallen in love with you first, but he fell in love with me hard. Akin na ngayon ang korona!" I mocked.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon sa kanya kahit na isang malaking katatawanan ang pinagsasabi ko. Atleast, I've fought for my pride.

"Walang hiya ka, Safina!"

She was about to slap me, but I held her wrist and moved closer to her face.

"Remember this, Beatrice, I am now his queen. And, you? You're nothing but just a desperate princess!" I exclaimed before walking out.

When I finally went out, a manly figure welcomed my sight. Nakasandal siya sa pader ng powder room at mukhang kanina pa naghihintay.

"C—can we talk?" he asked when he noticed my presence.

Sumidhi ang poot sa aking dibdib. I didn't know he would initiate a talk after jilting me on our wedding day.

"Excuse me?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"We need to talk," muling sabi niya. Namamalikmata lang ba ako o nagsusumamo ang kanyang mga mata. I blinked twice.

I stepped forward and gave him my sweetest smile before slapping his face. Pumaling ang kanyang ulo.

"There's nothing for us to talk about," I said coldly and walked away.

©GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 77.1K 38
El Amor De Bustamante Series: Book 1 THE INDECENT OBSESSION Losing her memories from an accident, Hannah's husband says that she was left with no fa...
603K 26K 18
"Mistakes are proof that you are trying." - Pinterest ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#8: My F...
1.2M 3.5K 8
(COMPLETED) [The Architects Series #4: Lilian Del Valle] Lilian Del Valle grew up without the presence of a father. Growing up, she already knew wha...
175K 3.4K 20
[Mature Content] James Francesco is known for being Mr. Nice Guy among his peers, Mr. Nice Guy to the women of the world, like he is God's gift to wo...