Hopelessly Devoted to You

By greatfairy

1.3M 47.8K 8.7K

ZERO DEGREE SERIES 4: ELLIOT MADRIGAL Elliot Madrigal, a prominent pilot and business icon, and the fourth me... More

TEASER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
FINALE
SPECIAL CHAPTER
Gavin Santillan

CHAPTER 16

23.2K 937 99
By greatfairy

CHAPTER 16

"ARE you sure about this, Madrigal? Hindi ba masyadong mabilis? Para kang naghahabol ng last trip papuntang Tawi-Tawi. 'Yong totoo? Nasa katinuan ka pa ba?"

I glared at Micaller's remarks. Imbis na matuwa sila sa akin dahil sa wakas ay engaged na ako ay parang sila pa yata ang unang tutol sa desisyon ko. Mga walang hiya.

"Micaller's right, Madrigal. Parang kailan lang kayo nagkakilala ni Miss Dimaunahan. Mabilis din na naging kayo. At ngayon naman gugulatin mo kami sa balitang engaged na kayo. Nagmamadali ka na bang mag-asawa?" segunda ni Dela Vega. Sinamaan ko rin siya ng tingin bago tinungga ang alak sa kopita.

"Tangina n'yo naman. Bakit ko pa patatagalin, e doon din naman papunta ang relasyon namin? Stop lecturing me with your old school beliefs. Saan n'yo ba napulot 'yang paniniwalang kailangan ilang dekada muna kaming magkarelasyon bago magapakasal?"

"Pero hindi mo pa siya lubos na kilala---"

"Bakit, Micaller? Noong unang beses mo bang pinakasalan ang asawa mo kilalang-kilala mo na siya? Hindi, 'di ba? She even ditched you during your firs wedding day," I rebutted. Kung makapagsalita akala mo naman hindi sila katulad ko. Tss.

"Sabagay," Dela Vega commented. Natahimik naman si Micaller at tila napaisip sa sinabi ko. Mas Malala nga siya, nabaliw nang sobra kay Heaven, na ngayon ay asawa niya na. Hindi niya tuloy napaghandaan ang pinaplano nito sa kanya.

"When I courted Safina I was already seeing myself marrying her. Kaya bakit ko pa patatagalin kung wala namang dahilan para maghintay? We're both consulting adults. Bakit noong nililigawan n'yo pa lang ang mga asawa ninyo hindi n'yo pa ba nakikita ang sarili ninyong pakakasalan siya?" panenermon ko.

Tiningnan ko si Montreal. Tahimik lang siyang nakatingin sa first floor ng bar. Balak na nga naming ipa-renovate ang Zero Degree dahil dumadami ang customers. Kailangan na rin naming magdagdag ng mga empleyado. May sarili na rin itong recording company na pinapamahalaan ni Micaller. Pero balak niya raw ipasa sa akin dahil marami na siyang inaasikaso. Mas gusto niya raw bigyan ng oras ang pamilya niya.

"Siguro busog na busog ka ngayon, 'no?"

My forehead creased when I heard Sid's questions.

"Kinain mo lahat ng sinabi mo noon, e..." he continued. I just raised my middle finger in response.

"So, when are we gonna hear the church bells?" Theo suddenly asked. Binalingan niya lang ako saglit sabay balik ulit ng tingin sa baba. Alam ko medyo abala rin siya kasi kapapanganak lang ng asawa niya.

Actually, isa iyon sa pinag-iisipan ko. Gusto kong paghandaan nang mabuti ang kasal namin ni Safina. I want it to be the grandest.

"In a month, maybe. Depende sa bilis ng paghahanda."

"Aren't you going to meet Safina's family? I mean, wala man lang siyang magulang, atleast her closed relatives. Respeto man lang sa kanilang angkan." Si Dela Vega.

Napaisip ako. Isa 'yan sa mga hindi ko pa naimungkahi kay Safina. Of course, I wanted to meet her closed family. Alam kong matagal nang namayapa ang mga magulang niya at tanging silang magkapatid na lang ang magkasama. Pero kailan man ay hindi ko pa nakikita ang kanyang kapatid. Kahit si Safina ay walang naikuwento tungkol doon.

"Darating naman kami sa puntong 'yan. For now, I want to focus on the preparation of the wedding."

"Suwerte mo, pumayag kaagad si Safina na pakasalan ka," komento ni Micaller. That earned a wide grin from me. I'm so proud of myself because of that. Hindi ko rin akalaing mapapa-oo ko si Safina nang gano'n kabilis. Ibig sabihin ay pareho kami ng nararamdaman para sa isa't isa.

"Sometimes you just need to break stereotypes to give yourself the purest happiness that you deserve," Montreal butted in. I couldn't agree more. I knew someone who's still trapped on the norms created by the society. Hanggang ngayon nasa kumunoy pa rin siya ng kalungkutan.

"How about Beatrice? The last time I checked bumalik siya para sa 'yo," Dela Vega pointed out. Saglit akong natigilan dahil doon.

It's true. I didn't expect Beatrice would turn out a brat after several years. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa kanya sa States. Hindi ko kailanman pinagkaabalahan ang nangyayari sa kanya. Maybe I fell out of love when she chose her career over me. Mas gusto niyang magmodelo. I would still give her a credit for leaving me. Kasi mas maraming magandang bagay ang dumating nang mawala siya sa buhay ko.

"I made myself clear to her. Wala na siyang babalikan."

My three friends just grinned mischievously, as if they're weighing the truthfulness of my words.

"Sana nga mapanindigan mo 'yan." Si Sid. I just glared at him. Sigurado na ako kay Safina. The sight of her walking down the aisle while I am patiently waiting at the altar gives my heart an exciting shiver.

"E 'yong tatay mo, iimbitahin mo ba sa kasal mo?"

"Matagal na akong walang tatay, Micaller. Alam mo 'yan," agarang sagot ko. Hindi ko maiwasang mairita sa mga itlog na 'to. Parang sila pa may alam kung ano'ng tama para sa 'kin. Tss.

Montreal just tapped my shoulder.

...

NANG umuwi ako sa condo ay naabutan ko si Mang Biday na parang hinihintay ako sa sala. Nakabukas ang TV at mukhang nanonood pa ng teleserye na hindi niya naman gusto.

"Buti dumating ka na, hijo. Kumain ka na ba?"

"Sa Zero Degree na ho ako kumain, Manang. Weekly meeting you know," pagod kong tugon. Pinatay ng matanda ang TV.

"Bakit ho hindi pa kayo natutulog?"

"E, hinihintay kasi kita. Totoo ba 'yong nabalitaan ko sa TV na engaged ka na? Nag-propose ka ba agad kay Beatrice? Kauuwi niya lang, 'di ba?"

I wrinkled my nose.

"Manang, matagal na kaming tapos ni Beatrice. Kaya kalimutan mo na ang ideyang pakakasalan ko siya."

"E kung gano'n sino naman ang babaeng pakakasalan mo?"

"Soon, Manang. Ipapakilala ko siya sa inyo."

Nagliwanag ang mukha ng matanda. "Hay, sa wakas naisipan mo na ring mag-asawa. Sayang naman ng lahi mo, hijo."

I laughed at Manang Biday's remarks. Tiyak na magkakasundo sila ni Safina sakaling magkita na sila.

"Excited na ako, hijo. Tiyak maganda siya. Pakakasalan mo, e."

"Sobra, manang. Sobrang ganda niya," I boasted. I suddenly imagined my fiancée's lovely face.

"Ay! 'Yong mukha mo, anak, mukhang inlab ka nga sa babaeng 'yon! Gusto ko na tuloy siyang makilala," she squealed. Kung alam lang ni Manang na minsan niya nang pinagbagsakan ng telepono si Safina sa pag-aakalang kung sinu-sinong babae lang ito.

"Sige na nga, bukas na bukas din dadalhin ko siya rito para makilala mo, Manang. Kaya matulog ka na para maaga kang magising."

"Talaga, hijo?"

"Yes, Manang." Umakyat na ako sa hagdan. Dalawang palapag kasi itong condo.

"Kaya magluto kayo ng specialty n'yo, Manang."

"Aba'y, oo naman! Sasarapan ko pa para sa fiancée mo."

I couldn't help but to smile as I ascended the stairs.

Siguro kung buhay pa si Mommy , siya ngayon ang tuwang-tuwa para sa 'kin. Who wouldn't? I'm the sole heir of Madrigal clan. Pero wala akong balak na manahin ang mga ari-arian ng ama ko. I will give Safina the quality life out of my sweat.

Kinabukasan nga ay dumiretso agad ako sa condo niya. I already texted her na pupunta ako. Alam kong wala siyang pasok ngayon. Her employees at Safina's Garden were on shifting schedule. Lunes hanggang Linggo nakabukas ang kanilang shop.

"Ang aga mo. Saan ba tayo pupunta?" aniya pagkapasok niya sa kotse. Isa sa mga bagay na napapansin ko sa kanya ay napaka-professional niyang gumalaw. At kapag sinabing maaga ay mas aagahan niya pa.

"Someone wants to meet my fiancée," I responded, giving her a peck on the lips. She blushed immediately.

"S—sino? 'Yong daddy mo ba?" aniya. Bigla akong napangiwi. I locked her seatbelt and mine after.

"Babe, please, don't ruin our moment." She diverted her gaze at me.

"I'm sorry. I just thought---" she trailed off. I sighed before resting my arms on the steering wheel. Hindi ko pa pinapaandar ang kotse. Ewan ko ba, sa tuwing nababanggit ang matandang Madrigal na 'yon nag-iiba ang klima sa paligid ko.

"It's okay, babe. Pasensya na rin."

She held my hand and lightly pressed it.

"H—hindi naman sa nanghihimasok ako. Pero alam mo ang suwerte mo," she suddenly said. I felt a stinging pain when sadness crossed her eyes.

"Ang suwerte mo kasi kahit wala ka nang ina, nandiyan pa rin ang ama mo. Ako kasi hindi sinuwerte, eh. Marami akong sinayang na pagkakataon bago sila tuluyang binawi ng langit. Siguro kung inintindi ko na lang sila at hindi iniwan nang mga panahong kailangan nila ako, nakapagpaalam siguro ako sa kanila nang maayos." Her voice. I caressed her left cheek.

"Katulad mo kinamuhian ko rin ang sarili kong ama, Elliot. Kinamuhian ko siya nang dahil sa sarili kong paniniwala. Ni hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag . Kasi ayaw kong intindihin noon kung saan siya nanggagaling. Kasi ang nakikita ko lang ay nasaktan niya ang kapatid ko. Ang akala ko noon ay wala siyang kuwentang ama. I didn't see the bigger picture. Kasi sa pagkakamali niya lang ako nakatingin."

Her words rendered me silent. I suddenly remembered my mom. A vivid image of my teenager-self crossed my mind. Kung paano ako pinahirapan ng galit ng sarili kong ama. Kung paano ako inabuso ng mga taong akala ko ay kaibigan. Napakuyom ang aking kamao.

"Babe, please let's drop this topic. Iba ang ama mo, iba ang ama ko." She nodded and smiled at me, but it didn't reach her eyes.

"I'm sorry."

Pinaandar ko na ang kotse pauwi ng condo. The atmosphere suddenly became awkward. Kaya wala akong nagawa kundi magpaandar ng radyo. Pagkatapos ng kalahating oras ay nakarating na kami.

"Ano'ng ginagawa natin dito?" she queried as she looked up to the heights of the condominium. Twin tower ito at walang ibang nakapaligid na mga building kaya malawak ang parking space dito sa baba.

"Come on, babe."

I intertwined our fingers and led her to the lobby of the condo. Ipinakilala ko siya sa mga guwardiya na fiancée ko para matandaan nila si Safina at papasukin sakaling maisipan niya akong dalawin.

"This is one of the high-end condominiums owned by the Dela Vega's. Ang suwerte mo nakakuha ka ng unit rito. Marami raw gustong kumuha rito dahil maganda ang location."

I just grinned. Minsan may kuwenta rin talaga ang pagkakaibigan namin ni Sid. I saw how Safina admired the architecture of the building. Sakaling magkaanak kami, condo ang una kong ireregalo sa kanya.

"Gusto mo bang tumira dito? You know, you can move in with me," I suggested but she just rolled her eyes.

"What? Ano'ng mali? Engaged na tayo. Wala namang mali kung magsasama tayo sa iisang bubong."

"Tigilan mo ako. Alam ko iba na naman tumatakbo sa utak mo," she glared. I laughed wholeheartedly. Though, I admit, I can't stop myself from taking her if she happens to be on the same bed with me. Gusto ko pa naman siyang iharap sa simbahan nang birhen.

As soon as we reached the unit, I swiped the card excitedly. Tiyak na tapos nang magluto si Manang Biday.

"Manang Biday—"

"Oh, nandito ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay."

I froze on my feet when we were welcomed by two pairs of eyes looking at us. Napahigpit ang paghawak ko sa kamay ni Safina.

©GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 61.9K 46
Barkada Series #4: Mico Illustre Unang tapak palang ng Christian Louboutin Bana pumps ni Ellaine sa malawak na lupain ng mga Illustre, alam niya na i...
3.7M 113K 39
ZERO DEGREE SERIES 2: SID DELA VEGA Sid's love for Serenity was beyond compare. Head over heels in love, he can move mountains for the one and only...
2.5M 77.1K 38
El Amor De Bustamante Series: Book 1 THE INDECENT OBSESSION Losing her memories from an accident, Hannah's husband says that she was left with no fa...