Vampire Academy

By AsawaNiJeonJungkook

27.5K 1.4K 1K

[COMPLETED] Former: School Of Vampires: Vhaxeinus Academy "Hi! Im Zeiah. And guess what? I entered this Acada... More

VAMPIRE ACADEMY
INTRO
INFO
PROLOGUE
Chapter One
Chapter Two
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
CHAPYER TWENTY FOUR
TOUCH OF MEMORIES
CHAPTER TWENTY FIVE
CHAPTER TWENTY SIX
CHPATER TWENTY SEVEN
CHAPTER TWENTY EIGHT
CHAPTER TWENTY NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY ONE
CHAPTER THIRTY TWO
CHAPTER THIRTY THREE
CHAPTER THIRTY FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY SIX
CHAPTER THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY EIGHT
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY ONE
CHAPTER FORTY TWO
CHAPTER FORTY THREE
CHAPTER FORTY FOUR
CHAPTER FORTY FIVE
EPILOGUE
šŸ’Œ

CHAPTER THIRTY NINE

174 10 0
By AsawaNiJeonJungkook


CHAPTER THIRTY NINE

ZEIAH

Abala ang lahat sa padating na party para kay Luxrine. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga dekorasyon sa loob ng mansyon ng mga bampira. Dinala ako ni Luxrae dito kasama si Kuya Law. Sinabi na niya kay Master Vhax na si Luxer at Kuya Law ay iisa. Pero hindi niya pa sinasabi ang tungkol sa akin dahil na rin sa sarili kong kagustuhan.


At dahil na rin sa kagustuhan ni Luxrine. . .

FLASHBACK


Nag-iisa lang ako sa dorm ko ngayon at nanonood ng movie mag-isa. Hinayaan ko muna si Luxrae na makipag-bonding sa mga kapatid niya dahil ngayon lang sila nabuo.

Biglang tumunog ang doorbell kaya bumangon ako at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Luxrine kaya ngimiti ako sa kaniya at pinapasok siya sa loob.


"May kailangan ka ba Luxrine? Wala rito si Luxrae eh," sabi ko habang umupo sa sa inuupuan ko kanina. Umiling siya at tumingin sa akin.


"Ikaw ang sadya ko, Ate Zei. I actually wanted to talk to you," aniya at yumuko.


Kumalabog ang dibdib ko. Imposibleng alam na niya ang totoo. Hindi pa sinasabi ni Luxrae ang tungkol sa pagkatao ko. Ayoko pa dahil hanggang ngayon hindi pa napro-proseso ng utak ko. Na ang isang katulad ko na ordinaryong babae lang ay isa palang anak ng pinuno ng mga bampira.

"Tungkol saan?" tanong ko at umupo sa harapan niya. Pinatay ko muna ang movie dahil ramdam kong seryoso ang pag-uusapan namin.

"Ate Zei, y-you are the real vampire princess," diretsang sabi niya na nakatingin nang diretso sa akin. Hindi ako umimik. Hindi ko alam kung ano ang irereact. Dapat ba akong magulat kasi alam niya?


"P-paano mo nalaman?" tanong ko.


"Alam mo, Ate?"

"Noong isang araw pa." Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman niya. Galit ba siya sa akin o ano?


Ilang minutong walang umimik sa amin. Hindi ko alam ang sasabihin ko.


"Claim your position, Ate," biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Ano raw? Hindi ba siya galit o iniisip man lang na baka agawin ko sa kaniya ang lahat?


"Ha?"


Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Naguguluhan pa rin akong nakatingin sa kaniya.


"Dad–I mean, Master Vhax, I owe him a lot and even though, he's not my biological father I still love him. Gusto kong bumawi sa kaniya and this is the least thing that I could do for him." Ngumiti siya sa akin habang naluluha ang mga mata niya.


"Hindi niya man sabihin, I know he's still longing for you. Naabutan ko siyang umiiyak hawak-hawak ang mga gamit na para sayo at picture ng mommy mo. Alam kong sinisisi niya sa pagkawala niyo. I want to end his sufferings. Please, Ate Zei, make our father happy."


Tuluyang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko maisip na ang nakikita kong Master Vhax na malakas at makapangyarihan sa labas ay nasasaktan at nadudurog pala sa loob. Habang masaya ako sa nakagisnan kong buhay, may isang tao na sobrang nangungulila sa akin.


Niyakap ako ni Luxrine at pinatahan. Sobrang sakit ng puso ko. Kaya pala magaan ang loob ko kay Master Vhax dahil siya ang totoo kong ama. Nang tumahan ako ay tiningnan ko si Luxrine. Pinunasan rin niya ang mga luha niya.


"Ibibigay mo talaga sa akin lahat?" tanong ko ulit sa kaniya. Iba kasi ang napapanood ko sa mga nobela. Iyong iba kasi ay nakikipag-agawan talaga at wala akong balak gawin iyon.

"It's yours in the first place, Ate." Ngumiti siya ulit sa akin. Ako naman ang humawak sa kamay niya ngayon.

"Your still my father's daughter at kapatid na rin ang turing ko sayo."

"Salamat, Ate. Pero gusto kong maranasan ang totoong ako. I want to be with my family," yumuko siya. "Now that you're here, I'm already free. Hindi na magpapanggap si Kuya. Makakasama rin ako sa kanila."


Napakunot noo naman akong napatingin sa kaniya. Hindi ko siya maintindihan. Alam ba niya kung sino ang totoo niyang pamilya?

"Anong ibig mong sabihin?" tanong  ko.


"I'm Luxrine Dazie Miuller. Bunso akong kapatid nila Kuga Luxrae," sabi nito kaya muntikan na akong mapanganga. Seryoso? Walang sinabi si Luxrae sa akin! Ang dami naman pala niyang kapatid!

Napansin niya yatang nagulat ako sa sinabi niya. Sino bang hindi magugulat? Parang ang dami nang sikreto na nabubunyag.

"I guess, hindi sinabi sayo ni Kuya Luxrae. Maliban sa kaniya, sila Dad, Madame Scarlett at Tito Reor lang ang nakakaalam."


"P-paano? Bakit?" naguguluhang tanong ko.

"Plano ito nila Kuya Luxrae at Dad. Since nawala ang asawa ni Dad at kayo, nasa panganib ang buong angkan, ginamit nila ako para malinlang ang kalaban na buhay ka pa. Maslalo silang sasaya kapag nalaman nilang lahat ay tuluyang nawala kay Dad at madali lang kaming pabagsakin. At namatay rin sila Mama at Papa, bata pa si Kuya para maalagaan ako kaya kinupkop ako ni Dad. Though not legally, I'm still a Miuller. Pinalabas lang nila na Belzer akp kahit hindi," pagkwekwento niya. Nanatili lang akong nakinig sa kaniya dahil wala rin akong masabi.

"You know what, Ate Zei, noong nalaman ko ang lahat, nagtampo ako. Siguro, nagalit din. Pero napag-isip-isip ko, wala naman dapat akong ikagalit instead I should be grateful. Minahal ako ni Dad at pinaramdam sa akin ang pagmamahal ng isang magulang, nakasama ko rin sila Kuya Luxrae at Kuya Luxrill, lumaki akong maayos at masagana ang buhay. Wala akong mairereklamo, I have everything I need in my life. And I think, it's time to give back."

Tiningnan niya ako at mariin na hinawakan ang kamay ko.


"Ate Zei, huwag mo munang sasabihin kay Kuya ang lahat ha. Hindi niya pa alam na alam ko ang lahat. I want to surprise him and Dad. . ." lumapit siya sa akin at sinabi ang lahat ng plano niya sa gaganaping party.


END OF FLASHBACK


Hindi ko maiwasang hindi mamangha nang makita si Master Vhax rito sa may sala. Nakaupo siya at may hawak na magazine. Sa ilang araw kong pananatili rito, kita ko kung gaano siya ka-hands on para sa party ni Luxrine.

Nakaramdaman niya yata ang presensya ko kaya napatingin siya sa akin at napangiti. Ngumiti ako pabalik.


"Zei, andyan ka pala. Have a seat," iginaya niya ako sa upuan sa tabi niya kaya umupo ako roon.


"How's your stay here?" tanong niya.


"A-ayos lang po," sagot ko at tiningnan ang hawak niyang magazine. "Ano po 'yan?" tanong ko.


"I'm personally choosing a gown for Luxrine. Here look at this," inilapit niya sa akin ang magazine at ipinakita sa akin ang isang violet na gown at kumikinang-kinang. "I'm sure that it will look good on you."


Nagulat ako sa sinabi niya. Sa akin?


"P-po?"


"This gown caught my attention and I suddenly remember you. Don't you like it?"


"Maganda po," sagot ko habang tumatango-tango. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Maiiyak na hindi! Hindi ko akalaing maiisip niya ako sa isang gown.


"May isusuot ka na ba para sa party?"


"Wala pa po."


"Then, I'll ask someone to prepare this gown for you," sagot niya at nakangiting humarap sa akin. Syempre, sino pa ba ako para tumanggi? Sarili ko nang ama ang namili para sa akin.


"Asan nga si Luxrae?" tanong niya kapagkuwan.


"Ah. Kasama po ang mga kapatid niya. May pupuntahan daw po," sagot ko.


Madalas na kasing magbonding iyong magkakapatid na iyon. Hinahaayan ko naman dahil masaya naman sila. Pansin ko rin na napapalapit ang loob ni Kuya Law sa dalawa. Sa tingin ko, bumabawi si Luxrae sa mga panahon na wala siya.


"I'm glad that Luxer is alive. They deserve to be happy," kumento niya kaya napatango ako.


"May gagawin ka pa ba, Zei?" tanong niya.


"Hmm. Balak ko po sanang mag-bake para kay Luxrae. Sabi niya kasi ay paborito niya ng cookies. Actually, parehas po kami kaya ipapatikim ko po sa kaniya ang cookies ko."


"Mind if I help you?" tanong niya na ikinagulat ko.


"P-po? Hindi po!"


Sabay kaming pumunta sa malaki nilang kusina. Panay ang kwentuhan naming dalawa kaya parang may humaplos sa puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman na kasama ko ang ama ko at tutulungan pa akong magbake. Habang nagtatagal ay maslalo ko siyang nakilala.


"Paborito rin kasi ng mommy ni Luxrae ang cookies," pagkwe-kwento niya kaya tumango ako.


Ipinagpatuloy ko ang paghahalo ng ingredients, ito kasi ang pinakapabotiro kong part. Nang matapos ay nakita ko si Master Vhax na nakatitig sa akin. Kita ko ang lungkot at pangungulila sa mga mata niya.


"May dungis po ba ako?" tanong ko at pinahiran pa ang aking mukha.

"Wala. Wala. I just remember someone," sagot niya at binigyan ako ng isang malungkot na ngiti.


"Sino naman po?" tanong ko.


"My wife," sagot niya. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.


Wala akong alam na kahit ano tungkol sa totoong ina ko dahil maski si Luxrine ay walang alam. Ayaw raw kasing pinag-uusapan ni Master Vhax pero may mga litrato akong nakatago. Ngayon napaisip ako kung ano ba ang itsura ng mama ko. Sino ba ang mama ko.

"You resemble her. The way you move while baking earlier and you're smile. You smile like her. You smile brightly," nakayuko niyang sabi.


"Nasaan na po siya ngayon?"  tanong ko habang inaabala ko ang sarili ko sa pag-aassemble ng cookies. Kung hindi ay baka maiyak lang din ako.


"Everyone said that she's dead but I knew here–" Itinuro niya ang puso niya. "–I can feel that she's still alive."


Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko si Master Vhax. Wala na akong pakialam kung magalit pa siya sa akin. Tuluyang kumawala ang luha ko lalo na nang niyakap niya ako pabalik. Pumikit ako at ninamnam ang yakap ng isang ama.


--


"Ano? Ayos ba?" tanong ko kay Luxrae habang inaabangan ang reaction niya sa cookies na niluto namin ni Master Vhax.

"Hmmm..."

Medyo naiinip na ako sa kumento niya kaya natawa siya at hinila ako paupo sa kandungan. Namula tuloy ako pero hindi ko pinahalata sa kaniyang nahihiya ako. Ikinawit ko ang braso ko sa leeg niya.

"Kulang pa." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Kulang?

Kumuha ako ng cookies at tinikman. "Ayos naman ah!"

"Kulang pa nga," sabi niya at tinuro ang labi niya. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. "Kiss mo ako."

Naguguluhan man pero binigyan ko siya ng halik. Gusto ko rin naman eh.

"There. Kumpleto na. Sarap!"

Kinurot ko siya sa tagiliran. Kahit kailan na ang landi ng lalaking 'to. Natawa nalang ako sa kaabnormalan niya.

"How's your day, my queen?" tanong niya. Ganoon pa rin ang pwesto namin sa kama niya habang kumakain kami ng cookies.

Ikwinento ko naman sa kaniya ang araw ko at nakikinig lang siya sa akin. "Alam mo, ang saya ko. Feeling ko nag-bonding kami ng ama ko. Sabay kami gumawa ng cookies na ito. Ewan pero masaya talaga ako. Ano kayang magiging reaction niya kapag nalaman niyang ako ang anak niya?"

"Ofcourse, he will love you. Sino bang hindi magmamahal sayo?" sabi niya kaya napangiti ako.

"Sus bolero!" Humalikan niya ang balikat ko na nagpataas ng mga balahibo ko sa katawan. "Ikaw? Kamusta ang lakad niyo? Saan ba kayo nagpunta?" tanong ko.

"Secret."

"Secret? Bakit ayaw mong sabihin?" napanguso ako. Ano naman kaya tinatago ng tatlong magkakapatid na 'to.

"Basta secret," sabi niya nang nakangiti.

"Ganon? Siguro may tinatago kayo 'no? Siguro ay nambababae kayo!" Tumikpd ako sa kaniya at pinakrus ang mga braso ko.

Humalakhak siya at mas humigpit ang hawak sa akin.

"I love you, Zei." Pigil ang ngiti ko sa bulong niya. Tinuloy ko ang pagtatampu-tampuhan ko. Alam ko namang hindi niya magagawa iyon.

"I love you, my queen," binigyan niya ako ng halik sa pisngi at iniharap sa kaniya bago ako halikan sa labi.

Ano ba yan! Ang hirap tanggihan ng lalaking 'to!

RANT

Pinalitan kami nila Ayara at Nico sa pagbabantay sa mga werewolves. Mukha pa ngang LQ ang dalawa pero baka magbati rin sila gaya namin ni Sapphire. Hindi ko tuloy mapigilan mapangiti. Oohh baby~ Love is in the air~

Balik VA na kami Sapphire ko pero ngayon ay pumunta kami sa syudad para mag-date. Ngayon lang kami nakapagdate sa labas dahil dati ay sa gubat kami palagi, maiba naman ngayon. Pagkatapos namin kumain ay nag-shopping naman kami.

Buti na lang ay mataba ang wallet ko kung hindi ay baka maaga akong maghihirap sa dami ng pinamili ni Sapphire at ang mamahal pa! Pero okay naman dahil masaya ang bebe ko.

Masama ang tingin niya sa saleslady na parang naiihi sa likuran ko. Syempre, ikaw ba naman makakita ng nag-iisang sobrang gwapong nilalang na si ako? Sa tingin ko nga ay may mga kababaihan pa sa labas!

"Babe, how do you think?" tanong ng bebe ko sa akin at umikot. Suot niya ang isang dilaw na dress na hapit na hapit sa katawan niya. Hindi ko mapigilang hindi mamangha.

"Perfect!"

Napasimangot siya. Siguro naiinis na dahil paulit-ulit ang sinasabi ko. Anong magagawa ko eh lahat naman talaga ay bagay sa kaniya?

Nang matapos ay dumiretso na kami sa cashier para magbayad. Lumabas na kami sa store.

"Okay lang ba? Masyadong mahal ang binayaran mo," sabi niya at ngumuso.

"Ayos lang. Hindi niyan matutumbasan ang pagmamahal ko para sa'yo."

Kinilig naman siya sa sinabi ko. Nagtingin-tingin muna kami sa mga store bago ako nagpaalam muna bago mag-restroom. Nang matapos ako ay nandilim ang paningin ko nang makita ko si Sapphire kasama si Lawrence.

Bakit na naman ba sila magkasama? Kainis! Kaya dito kami pumunta dahil palagi rin silang magkasama sa VA. Ano bang meron sa kanila? Kainis! Lumapit ako sa dalawa at nakita ko rin sila King at Luxrill na papasok.

Isa pa 'yan. Ipinagpalit na yata ako nito dito sa kapatid ni Zei eh! Akala ko BFFs kami.

"Rant," tawag sa akin ni King. Tiningnan ko lang siya. Nagtatampo pa rin ako.

"Meet my brother, Luxer," sabi ni Luxrae at itinuro si Lawrence. Ngumiti si Lawrence sa akin.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Akala ko nagjojoke lang si King pero never pa siyang nagjoke sa buong buhay niya.

Shet naman. Hindi ko pala pwedeng bugbugin 'to dahil ako naman ang pag-iinitan ng Kuya niyang pinaglihi sa sama ng loob.

• • •





Continue Reading

You'll Also Like

13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
8.8K 300 31
Zandra with her parents and friends went to hike in the mysterious mountain. The mountain is popular among the villagers because of unexplainable sce...
515K 15.7K 60
[COMPLETED] [UNEDITED] Highest Rank: #1 in Action [September 25,2020] Highest Rank: #2 in Action [September 24,2020] Story Description: Maraming gust...
568K 16.9K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...