THE SIGHTLESS LUNA

By Jinalla

463K 14.5K 419

「COMPLETED」「UNEDITED」 Eyes is what we used to see everything. Ngunit sa panahon ngayon ginagamit ang mata upa... More

Prologue
CHAPTER 1: Eighteen
CHAPTER 2: Sheridan Village
CHAPTER 3: Grocery Time
CHAPTER 4: Decision
CHAPTER 5: Her Request
CHAPTER 6: Stranger
CHAPTER 7: Dark Sky Pack
CHAPTER 8: Move Into Another Village
CHAPTER 9: Sheridan Family
CHAPTER 10: Hybrid
CHAPTER 11: Checking Her
CHAPTER 12: Bertram's Attack
CHAPTER 13: Lexa's Disappearance
CHAPTER 14: Sheridan's Abandoned Park
CHAPTER 15: Uninvited Guest
CHAPTER 16: Magical Necklace
CHAPTER 17: He Likes Her
CHAPTER 18: Nightmare
CHAPTER 19: The Werewolf Book Part I
CHAPTER 20: The Werewolf Book Part II
CHAPTER 21: The Preparation
CHAPTER 22: The Wedding
CHAPTER 23: The Escape
CHAPTER 24: Outsiders
CHAPTER 25: Tyler Klaude Vaughn's Mate
CHAPTER 26: Gamma's Daughter
CHAPTER 27: The Traitor
CHAPTER 28: She Tried to Kill Alexandrite
CHAPTER 29: Second Traitor Revealed
CHAPTER 30: Herisha Neville
CHAPTER 31: Prophecy Keeper
CHAPTER 32: The Changes
CHAPTER 34: Primordial Twins
CHAPTER 35: Black Shadow, Silverstone and Sunray Pack
CHAPTER 36: Thank You Alpha, Thank You Beta
CHAPTER 37: He Flattered Her With His Answer
CHAPTER 38: Cole's Death
CHAPTER 39: Confrontation with the Pack Traitors
CHAPTER 40: Newcomers
CHAPTER 41: Alexandrite Monroe-Vaughn
CHAPTER 42: Danger and Poison
CHAPTER 43: Death Anniversary
CHAPTER 44: Sight or Life?
CHAPTER 45: God's Gift
CHAPTER 46: Evil Intention
CHAPTER 47: Confusion
CHAPTER 48: Lemon's Out
CHAPTER 49: Loisa's Story
CHAPTER 50: Big Explosion
NOTE ❗
CHAPTER 51: Bertram Twins
CHAPTER 52: Escaping Bertram Twins
CHAPTER 53: Lexa's Prophecy
CHAPTER 54: Giving Birth
CHAPTER 55: Aconitum Napellus
CHAPTER 56: Primordial Alyxandrius
CHAPTER 57: Monroe's Accidents
CHAPTER 58: Innocent Luna Killed The Evil Alpha
CHAPTER 59: Primordial Luna Vs. Strongest Alpha
CHAPTER 60: Family is Love
EPILOGUE
Announcement: Book 2 or Not? 🤗
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 33: The Transformation

6.4K 220 0
By Jinalla

THIRD PERSON__

Habang mahimbing pa rin ang tulog ng kambal ay gumawa na ng aksyon ang dalawang alpha upang maging maayos ang kalagayan ng kambal habang nasa proseso sila ng pagbabagong anyo.


Napagplanuhan nina alpha Tyler at alpha Andreighus na sa isang tagong kweba sila ipapasok, kailangan itago ang kambal sa mga werewolves upang wala silang masaktan. Ang sikretong kweba ay nasa loob pa rin ng Vaughn Village pero malayo ito sa bayan, sa lawak ng lupain ng mga Vaughn ay hindi mapapansin na may kweba palang nakatago roon na natayabunan ng mga makakapal at malalaking puno. Nasa dulong parte ito ng Vaughn Village kung saan kahit mga outsiders ay hindi malalaman o makikita ang kweba.




Nag set up din sila ng mga patibong in case na makatakas ang kambal, mga simple lang at hindi nakakasakit na patibong. Kailangan nila makasigurado na hindi makakatakas ang kambal habang nasa ilalim sila ng proseso kung saan wala silang kontrol sa mga sarili.




Labag man sa kalooban ng mga alpha ay ginamit pa rin nila siya upang mag set up ng surveillance camera sa loob at labas ng kweba upang masubaybayan ang mga magaganap sa kambal. May mga stock na pagkain din kung sakaling magutom sila at sapat na kagamitan na kakailanganin nila.




"Okay na ba lahat?" Seryosong tanong ni alpha Tyler.


"Yes alpha." Sagot ng mga sentinels at scouts.


"Sige, tara nang umalis dahil nagdidilim na ang langit. Anytime ay magigising na ang kambal." Seryosong utos ni alpha Tyler.



Sumumod naman na agad ang mga pack members ng Dark Sky Pack. Samantala nakatayo pa rin sa bungad ng kweba si alpha Andreighus, parang ayaw niyang iwanan ang kambal.




Lumapit sa kaniya si alpha Tyler at tinapik sa balikat kaya napalingon sa kaniya si alpha Andreighus na napabuntong-hininga.



"Let's go." Aya ni alpha Tyler.


"Wait." Sagot ni alpha Andreighus.



Napakunot ang noo ni alpha Tyler nang pumasok sa loob ng kweba si alpha Andreighus. Sumunod sa kaniya si alpha Tyler na nakucurious sa gagawin ni alpha Andreighus.



May itinago si alpha Andreighus sa likuran ng isa sa mga camera, inipit niya ito roon upang hindi maabot ng kambal kung sakaling magwala sila. Isa itong papel, sulat para sa kambal na hinihiling ni alpha Andreighus na sana ay mabasa nila ito kapag nasa katinuan sila.




After that ay lumabas na sila. Seryoso ang dalawang alpha na pabalik sa mansion, si beta Thaddeus ang nagbabantay sa Moonlight Pack habang nasa Vaughn Village si alpha Andreighus upang subaybayan ang kambal.




Pagdaan nila sa bayan ay napakatahimik, kung titignan ay parang isang abandonadong bayan ang bayan ng Vaughn Village. Walang ingay na maririnig. Tahimik lang na naglalakad sina alpha Tyler at alpha Andreighus. Pinalikas ni alpha Tyler ang pack members, nahati sa dalawa ang lahat. Ang iba ay nasa Moonlight Pack habang ang kalahati ay nasa Vaughn Mansion.




Hindi alam ng mga taga bayan ang nangyayari at kung bakit biglaan silang pinaalis. Tanging ang mga nasa loob ng mansion ng mga oras na iyon ang may alam ng nangyari sa kambal, inutos ni alpha Tyler na walang sinuman ang pwedeng magkwento ng naganap.




Ang akala ng iba ay nag utos lang si alpha Tyler upang tulungan ang Moonlight Pack, habang ang mga nasa mansion ay sinabihan ni alpha Tyler na may mga darating na pag-atake kaya mas maigi na magkakasama sila kesa watak watak dahil mas hihina sila sa lagay na iyon.





Pagdating sa mansion, sa isang guest room dumiretso ang dalawang alpha, isang kwarto kung nasaan ang mga monitors na dala niya galing sa mundo ng mga tao.



May dalawang sentinel ang naroon na nagbabantay sa monitors. Tumayo ang mga ito upang batiin ang mga bagong dating na alphas.



Sa ngayon ay wala pa ring kakaibang nangyayari sa loob ng kweba. Tulog pa rin ang kambal, pero alas otso na ng gabi. Bilog na bilog ang buwan.



Napagdesisyunan ng dalawa na magpahinga na muna at bumalik nalang mamaya.



After 2 hours......


"Jun. Nagigising na sila." Puna ng isang sentinel sa kasama nitong sentinel.


Sinilip naman ito ng tinawag na Jun at nanlalaki ang mga mata ng makitang gumagalaw nga ang kambal.



"Oo nga! Tawagin muna sina Alpha Tyler, Jake." Utos ni Jun.



Agad naman tumayo si Jake at nagmamadaling pinuntahan ang dalawang alpha upang sabihin sa mga ito ang nalalapit na paggising ng kambal.

*****

ANDREIGHUS' POV

Naalimpungatan ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan. Sinilip ko ang oras at als diyes pa lang ng gabi. Bumangon ako para pagbuksan ng pintuan ang kanina pa kumakatok.


Nabungaran ko ang isang sentinel ni alpha Tyler, agad naman itong nagbigay ng galang sa akin.


"Nagigising na po sila, alpha Andreighus." Sabi nito.


"Talaga? Sige salamat." Sagot ko.



Agad kong kinuha ang t-shirt ko sa loob ng kwarto at nagmamadaling naglakad papunta sa kabilang guest room habang sinusuot ang damit.



Halos kasabay ko lang dumating ang bagong gising din na si Alpha Tyler kasama ang sentinel na tumawag sa akin.


Pagpasok namin sa loob ay hinarap sa amin ng isang sentinel na naroon ang monitor na kinaroroonan ng kambal. Halos kagigising lang din nila, nakahiga pa rin si Lexa pero mulat ang mga mata habang si Yxan naman ay nakaupo sa kama at parang tulala.



Ang weird nilang tignan sa totoo lang. Parang lutang sila, malalim ang iniisip? Hindi ko sila mabasa, hindi ko malaman kung anong iniisip nila.


"Ganiyan na ba ang pagbabago nila?" Natanong ko nalang.


"Ang weird nila, alpha Andreighus. Napakatahimik kumpara nung unang paggising nila na nagwawala sila." Komento ng isang sentinel.



"Nag-uumpisa pa lang sila." Napatingin kami kay Alpha Tyler na nakatitig sa monitor habang may seryosong mukha.



Lahat kami ay inaabangan ang susunod na gagawin ng kambal. Lumipas ang kalahating oras pero nasa ganoong posisyon pa rin sila, walang nangyaring pagbabago.


Lumipas pa ang minuto hanggang naging oras ngunit wala pa ring nangyayari, sa kaseryosohan namin at pagkatitig sa monitors ay napatalon kami sa gulat dahil sa tunog ng orasan.



"Alas dose na." Tulalang sambit ko.




Nakatingin kami sa orasan na nasa tapat ng pintuan. Hating gabi na at pati liwanag ng buwan ay pumapasok sa loob ng kwarto.



Nakarinig kami ng pagkahulog, mabilis kaming napalingon sa monitor at laking gulat namin ng wala na sa kama ang kambal.




"Nasaan na sila?" Kinakabahang tanong ko.


"Saan sila nagpunta?!" Sigaw na tanong din ni alpha Tyler.


Lahat kami ay naghahanap sa mga monitors na nasa harapan namin, pero hindi namin mahanap ang kambal. Kinakabahan ako sa kung anong mangyayari.



"Hanapin niyo bilis!" Utos ni alpha Tyler.



Maya-maya nakarinig kami sa speaker ng alulong ng aso, i mean mga lobo. Nakakapanindig balahibo ang alulong nila, hindi pangkaraniwan, ang pag-alulong nila ay parang nagsusumigaw sa kapangyarihan.




Hindi namin sila mahanap, nakarinig kaming muli ng mga nagkakandahulog na kung ano. Ilang minuto lang ay isa-isang namatay ang mga monitors, mali. Nasira ang mga camera! Wala na kaming makita. Lumingon kami sa sulok kung nasaan ang warnings, para sa mga traps pero walang nangyayari.




"Lagot na." Bulong ni alpha Tyler.



Napapalunok naman ng sunod-sunod ang dalawang sentinels. Pati ako ay kabang kaba na, hindi namin ito ineexpect! Lahat ng efforts namin para bantayan sila ay nawala ng parang bula. Nalingat lang kami saglit tapos nawala na sila sa paningin namin. Hindi tama ito!




"Anong gagawin natin, alpha Tyler?" Nagpapanik na tanong ko.



"Kailangan natin sila puntahan." Seryosong sabi ni alpha Tyler.



"Are you out of your mind?! Hindi nila tayo kilala sa mga oras na ito!" Asik ko, which is true.


"I don't fucking care alpha Andreighus! It is between the lives of my own mate and my own pack members! Anong gusto mong gawin ko, tumunganga rito at maghintay na may mamatay ha?! Kung naduduwag ka, feel free na magpaiwan dahil hindi kita pipilitin!" Galit na sigaw nito sa akin na ikinatulala ko.



Tama siya. Mahirap ang sitwasyon namin kayo, mga buhay ang pinag-uusapan. Hindi mag-function ng tama ang utak ko! Pambihira! Anong gagawin ko?



"Pero paano kung ikaw ang mamatay, alpha Tyler?!" Sigaw na tanong ko. Napapasigaw na ako sa panik, kaasar!



"I am willing to die alpha Andreighus." Seryosong sagot nito.



Nakita kong napakuyom ang mga kamao nito at nagtataas-baba ang mga balikat. Nagpipigil siya ng galit alam ko. Kahit ako ay magagalit din sa ganito.



"Wala akong ibang pagpipilian." Huling sinabi ni alpha Tyler bago lumabas ng guest room.


"ALPHA TYLER!" Sigaw na tawag ko sa kaniya.



"KEEP ON FINDING THEM!" Utos ko sa dalawang sentinels.



Tumango sila at ako naman ay lumabas na ng guest room upang puntahan si Alpha Tyler. Hindi magandang ideya na umalis siya ng mag-isa. Kinakabahan din naman ako at natatakot, pero hindi ko dinadaan sa galit. Kainis!




Nakita ko siyang palabas ng mansion kaya tinawag ko pa siya ng tiwanag kahit hindi niya ako pinapansin.



"ALPHA TYLER!" Tawag ko pero patuloy siya sa paglalakad.




"STOP FOLLOWING ME!" Sigaw niya pabalik ng hindi ako nililingon.





"NO!" Sagot ko naman at hinabol siya.



Naabutan ko siya sa bayan, napakabilis niyang maglakad na naging patakbo kaya napapatakbo rin ako. Napahinto kami sa hindi inaasahang makikita, nawalan din kami ng lakas na magbangayan.



"N-no w-w-way." Nauutal na sambit ko.



Ito na ba ang katapusan namin? Hindi ako makagalaw ni makahinga man lang ng maayos. Pati si alpha Tyler ay natuod sa kinatatayuan dahil sa shock. Totoo ba ang nasa harapan ko? Namin?





May dalawang nilalang ang nakaupo sa gitna ng daan habang nakatingin sa direksyon namin. Hindi ko malaman ang irereact ko sa sitwasyon namin.




Sa harapan namin, dalawang mga malalaking lobong puti na may mahahabang balahibo sa likuran at kulay pilak sa kalahati ng mukha hanggang tenga. Pero ang isa ay may kumikinang na bagay sa leeg, ano iyon?




"Lexa." Sambit ni alpha Tyler.


Hindi ko na nagawang magtanong ng makita naming binunggo ng isa ang ulo niya sa katawan ng isa na may kumikinang na bagay sa leeg. Bago ito tumakbo palapit sa amin habang umaangil, ang isang may bagay sa leeg ay umalulong bago sumunod sa isa na tumatakbo palapit sa direksyon namin.




Mabilis ang mga takbo nila kaya napapikit na lang ako ng mga mata.





Ito na ba ang katapusan ko? Namin?

Continue Reading

You'll Also Like

37.5K 1.4K 47
'We met in the weirdest way, But I'm glad you fell on my roof.' Dark Cabal Series: One
Bukang-Liwayway By vsoiree

Historical Fiction

1K 181 48
A tomboyish girl and her girly boy bestfriend goes back in time. Isabelle Montereal and Anton De Mercedes are best friends ever since they were young...
198K 1.9K 17
Her life race against time. Curse against prophecy. And everything is happening without her knowledge until the Majestic Wolf appeared in front of h...
955K 25.9K 42
Surrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twi...