THE SIGHTLESS LUNA

By Jinalla

463K 14.5K 419

「COMPLETED」「UNEDITED」 Eyes is what we used to see everything. Ngunit sa panahon ngayon ginagamit ang mata upa... More

Prologue
CHAPTER 1: Eighteen
CHAPTER 2: Sheridan Village
CHAPTER 3: Grocery Time
CHAPTER 4: Decision
CHAPTER 5: Her Request
CHAPTER 6: Stranger
CHAPTER 7: Dark Sky Pack
CHAPTER 8: Move Into Another Village
CHAPTER 9: Sheridan Family
CHAPTER 10: Hybrid
CHAPTER 11: Checking Her
CHAPTER 12: Bertram's Attack
CHAPTER 14: Sheridan's Abandoned Park
CHAPTER 15: Uninvited Guest
CHAPTER 16: Magical Necklace
CHAPTER 17: He Likes Her
CHAPTER 18: Nightmare
CHAPTER 19: The Werewolf Book Part I
CHAPTER 20: The Werewolf Book Part II
CHAPTER 21: The Preparation
CHAPTER 22: The Wedding
CHAPTER 23: The Escape
CHAPTER 24: Outsiders
CHAPTER 25: Tyler Klaude Vaughn's Mate
CHAPTER 26: Gamma's Daughter
CHAPTER 27: The Traitor
CHAPTER 28: She Tried to Kill Alexandrite
CHAPTER 29: Second Traitor Revealed
CHAPTER 30: Herisha Neville
CHAPTER 31: Prophecy Keeper
CHAPTER 32: The Changes
CHAPTER 33: The Transformation
CHAPTER 34: Primordial Twins
CHAPTER 35: Black Shadow, Silverstone and Sunray Pack
CHAPTER 36: Thank You Alpha, Thank You Beta
CHAPTER 37: He Flattered Her With His Answer
CHAPTER 38: Cole's Death
CHAPTER 39: Confrontation with the Pack Traitors
CHAPTER 40: Newcomers
CHAPTER 41: Alexandrite Monroe-Vaughn
CHAPTER 42: Danger and Poison
CHAPTER 43: Death Anniversary
CHAPTER 44: Sight or Life?
CHAPTER 45: God's Gift
CHAPTER 46: Evil Intention
CHAPTER 47: Confusion
CHAPTER 48: Lemon's Out
CHAPTER 49: Loisa's Story
CHAPTER 50: Big Explosion
NOTE ❗
CHAPTER 51: Bertram Twins
CHAPTER 52: Escaping Bertram Twins
CHAPTER 53: Lexa's Prophecy
CHAPTER 54: Giving Birth
CHAPTER 55: Aconitum Napellus
CHAPTER 56: Primordial Alyxandrius
CHAPTER 57: Monroe's Accidents
CHAPTER 58: Innocent Luna Killed The Evil Alpha
CHAPTER 59: Primordial Luna Vs. Strongest Alpha
CHAPTER 60: Family is Love
EPILOGUE
Announcement: Book 2 or Not? 🤗
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 13: Lexa's Disappearance

8.1K 248 1
By Jinalla

SHERIDAN MANSION

"Ahh! Tulong! Tulong!" Nagpapanik na sigaw ni Francia sa loob ng mansion.


Nagkakagulo sa sala at labas ng mansion dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Naiiyak si Francia habang humihingi ng tulong sa mga nasa loob ng mansion.




Si Yxan na natutulog ay nagising sa ingay at si Loisa na abala sa paghahanda ng mga herbal medicines ay mga napatakbo sa pinanggalingan ng sigaw.


Wala ang mag-ina sa mansion dahil may meeting ang mga ito sa mga oras na iyon, abala ang mga officials sa pagpupulong at pagpaplano dahil sa naganap na pag-atake muli galing sa Black Shadow Pack.



"Anong nangyari Francia?" Nag-aalalang tanong ni Loisa kay Francia na balisa.




"P-p-patawad p-po G-ginang Loisa." Kandautal-utal na sabi ni Francia.


Nagkatinginan sina Yxan at Loisa na parehas may pagtataka sa mga mukha dahil sa paghingi ng tawad ni Francia sa kanila.


"Bakit ka humihingi ng patawad?" Nagtatakang tanong ni Loisa.



"Walang bakas ng mga paa na umalis siya sa hardin." Biglang pasok sa sala ng isang lalaki.




Napalingon ang lahat sa pintuan kung nasaan ang lalaking hinihingal.



"Anong nangyayari?" Seryosong tanong ni Yxan sa mga naroon.




"N-nawawala po si M-miss L-l-lexa." Tuluyan ng naiyak si Francia sa takot.


"Anong ibig mong sabihin Francia?" Gulat na tanong ni Loisa at hinawakan sa kanang balikat si Francia.



"Ka-kasi po........." Pagtigil na saad ni Francia at napakagat ng labi dahil sa takot na nararamdaman sa mga oras na iyon.


"ANO?!" Naiinis na sigaw ni Yxan dahil hindi magawang magsalita ni Francia sa kaba.



"P-pasensya na p-po. I-inutusan po kasi ako ni Miss Lexa na i-igawa siya ng l-lemon juice. P-pagbalik ko w-wala na s-siya sa h-hardin." Utal-utal na paliwanag ni Francia.





"WHAT?!" Hindi makapaniwalang sambit ni Yxan at patakbong tinungo ang garden ng mansion.



Sumunod sa kaniya si Loisa at ibang tagapagsilbi. Nadatnan nila doon ang natumbang upuan, at naiwang isang sapin sa paa na pag-aari ni Lexa. Nagtatakang pinalibot ni Yxan ang paningin sa buong paligid pero napadako siya sa ilalim ng mesa malapit sa isang puno, nagsisiksikan doon ang apat na alaga ni Lexa na mga takot na takot sa kung anuman.




Napuno ng kaba at takot ang dibdib ni Yxan dahil sa nakikita sa harapan. Galit na galit na bumaling siya kay Francia na nanginginig sa takot. Nilapitan niya ito at mahigpit na hinawakan sa magkabilang balikat, napadaing si Francia pero walang pakialam si Yxan. Mas importante sa kaniya ang pagkawala ng kakambal niya.




"THIS IS ALL YOUR FAULT! HINDI MO BINABANTAYAN NG MAAYOS SI LEXA!! DAPAT HINDI MO SIYA INIIWANG MAG-ISA! SHIT." Galit na sigaw ni Yxan at tinulak si Francia na nasalo naman ni Loisa na nasa likuran nito.




"CALM DOWN ALYXANDRIUS." Seryosong saad ni Loisa at ibinigay sa ibang tagapagsilbi ang nanginginig na Francia.



"HOW?! LEXA IS MISSING MA! PAANO AKO KAKALMA KUNG ALAM KONG NASA PANGANIB ANG KAPATID KO. NI HINDI NATIN ALAM KUNG NASAAN SIYA O KUNG SINO O ANO ANG KUMUHA SA KANIYA! PATI MGA ALAGA NIYA TAKOT NA TAKOT KAYA ALAM KO HINDI BASTA-BASTA ANG KUMUHA SA KAKAMBAL KO AT IYON ANG MAS IKINAKATAKOT KO!" Galit na sigaw ni Yxan.



Lahat ay natatakot sa kaniya, lahat ay napaiwas ng tingin at mga napapayuko na lang sila sa bawat pagsigaw ni Yxan..




"Yxan, hindi kasalanan ni Francia 'yon kaya huwag mo siyang sisihin." Seryosong sabi ni Loisa.


"AT BAKIT HINDI?! SIYA ANG BANTAY NI LEXA KAYA RESPONSIBILIDAD NIYANG PANATILIHIN ANG KALIGTASAN NI LEXA!" Sigaw na sagit ni Yxan.


"OO YXAN, PERO HUWAG MO NAMAN SANA SIYANG SAKTAN DAHIL HINDI NIYA NAMAN SINASADYA IYON." Sigaw na rin ni Loisa dahil pagdating kay Lexa napaka sensitive ni Yxan.


"HINDI E, KUNG NAG-IINGAT LANG SIYA EDI SANA HINDI NAWAWALA NGAYON SI LEXA." Sabi naman ni Yxan.



"AKSIDENTE ANG NANGYARI YXAN. WALANG MAY GUSTO SA NANGYARI." Sagot naman ni Loisa.


"PERO-"


Hindi na natapos ni Yxan ang sasabihin ng may dalawang bagong dating na naririnig ang bangayan sa hardin.




"What is happening here?" Seryoso at ma-awtoridad na boses na tanong ng bagong dating na si Alpha Andreighus, nasa kanan nito ang inang si Olivia. Habang nasa kaliwa naman si Beta Thaddeus.



"Alpha." Halos pare-parehong sambit ng mga gulat na mga tagapagsilbi.




Yumuko ang lahat kasama si Loisa upang magbigay galang sa mga bagong dating, maliban kay Yxan na ganoon pa rin ang itsura. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa harapan, nakikita sa awra nito ang galit.



Walang sumagot ni isa sa mga tagapagsilbi sa katanungan ni Andreighus kaya napakunot ang noo nito.



"I'm asking." Ulit ng seryosong Alpha.




"Lexa is missing." Si Yxan ang sumagot, napakuyom ang mga kamao niya nang sabihin iyon.


"What?!" Gulat na gulat na bulalas ni Olivia.




"We can't find her." Sabi ni Yxan sabay tingin ng masama kay Francia na nakayuko pa rin.


"She is missing? But how?" Nag-aalalang tanong ni Olivia sabay lapit kay Yxan.



Seryoso lang ang mukha ni Andreighus at Thaddeus. Gaya ng mga ama nila ay ganoon din kaparehas ang mga personality nila kaya palagi silang nagkakasundong dalawa, bagay na hinahangaan ng mga pack members nila.



"Beta Thaddeus." Tawag ni Andreighus kay Thaddeus na nasa kaliwa niya sa bandang likuran.



"Yes Alpha." Sagot ni Beta Thaddeus at yumuko muna bago naglakad palayo.



Lumapit naman si Andreighus sa mga nagbabangayan dahil sa pagkawala ni Lexa ng biglaan.



May ibang nagsasabi na baka ang mga Black Shadow Pack ang kumuha sa kaniya dahil hindi ma-trace kung saan nagpunta si Lexa. Walang kahit anong bakas na makita kung saan siyang direksyon nagpunta. Ang huling footprint niya sa lupa ay sa bandang gitna ng hardin kaya takang taka ang karamihan sa pagkawala niya na parang bula.



"Andreighus." Nag-aalalang tawag ni Olivia sa anak na Alpha.



"Alam ko po." Tanging sagot ni Andreighus sa kaniyang ina.



Maging siya ay kinakabahan pero pinapanatili niya ang itsurang kampante dahil kapag nagpakita siya ng kaba ay kakabahan din ang lahat, ang Alpha ang nagsisilbing modelo ng bawat isa, kung ano ang makikitang reaksyon sa Alpha ay ganoon din ang mararamdaman ng pack members. Kaya dapat ipakita niyang malakas siya upang hindi panghinaan ng loob ang kaniyang nasasakupan, ganiyan ang turo sa kaniya ng namayapa niyang ama. Si Agustus.



"Yxan, go back to your room. Kami nang maghahanap kay Lexa." Ma-awtoridad na utos ni Andreighus.



"You look so calm. Tsk." Huling sinabi ni Yxan bago padabog na naglakad palayo.




"Kung alam mo lang, nakakapanghina rin malaman na may nawawalang isang parte sa pamilya ko. Pero hindi ko dapat ipakitang mahina ako dahil ganoon din ang mangyayari sa buong pack." Saad ni Andreighus ngunit isinatinig na lamang niya ito sa kaniyang isipan.



Samanatalang huminto muna si Yxan sa tapat ni Francia na napaatras sa kinatatayuan dahil sa pagtigil niya. Maging ang ibang tagapagsilbi ay nag-aabang sa susunod na mangyayari habang may mga takot at kabang nararamdaman sa mga dibdib nila.



"Ipagdasal mong nasa maayos na kalagayan ang kakambal ko, dahil kapag may nangyaring masama sa kaniya? Hindi kita mapapatawad." Matigas na sabi ni Yxan, galit na galit ito.


Nasindak naman si Francia sa banta ni Yxan. Mas malakas sa pisikalan si Francia kumpara kay Yxan pero dahil sa pagiging royal nito ay magiging walang silbi ang kalakasan niya, isang sabi lang nito ay pwede siyang mamatay.





Sinulyapan niya muna ng isang beses si Andreighus na kalmadong nakatingin lang din sa kaniya. Napasigaw sa inis si Yxan at mabilis na pumasok sa loob ng mansion, yumuko si Loisa bago sinundan sa loob ang galit na Alyxandrius Monroe.




"All of you! Go back to your work!" Utos ni Andreighus.



"Yes Alpha." Nagmamadaling nagsialisan amg mga tagapagsilbi.



"Maiwan ka, Francia." Saad ni Andreighus.



Nanginginig na napahinto si Francia sa akmang pagpasok nito sa mansion. Dahan-dahan siyang humarap sa mgkatabi nang mag-ina ngayon.



May pag-aalala sa mukha ni Olivia habang seryoso naman si Andreighus, kapwa nakatingin ang dalawa sa natatakot na si Francia.




"Don't think too much, Mother. I already ordered Beta Thaddeus to search for Lexa." Saad ni Andreighus sa ina.



"Okay." Malumanay na sagot ni Olivia at napahinga ng malalim.



"Francia." Binalingan ni Andreighus si Francia.


"Come here." Utos ni Andreighus.


Sumunod naman agad si Francia kahit sobra na ang kabang nararamdaman, lumapit siya sa harapan ng mag-ina habang nakatungo.



"Stop shaking, i won't kill you...... yet." Seryosong saad ni Andreighus.



Natigilan naman si Francia sa narinig. Naiiyak nanaman siya, todo ang pagsisisi niya sa sarili dahil sa nangyari. Maging siya ay hindi kayang patawarin ang sarili kapag napahamak si Alexandrite.




Importante ang kambal sa mundo ng mga taong lobo, lahat ng nagtatrabaho sa mansion ay alam iyon ngunit hindi pinahintulutan ng alpha na ipagkalat ito sa labas ng mansion, mahigpit na ipinagbabawal iyon ng alpha. Para na rin sa kaligtasan ng kambal upang hindi sila mapahamak sa kamay ng mga kalaban.





"Just find her as soon as possible and bring her back here in mansion." Utos ni Andreighus.





"Y-yes a-alpha." Sagot ni Francia.




"It's your job to look after her but you failed and lose her." Seryosong saad ng alpha.



Hindi naman sumasagot si Francia, nakayuko lamang siya habang pinapakinggan ang alpha sa mga sinasabi nito sakaniya.



"Now........" Napatigil ang alpha sa pagsasalita ng hawakan siya sa braso ni Olivia na may pag-aalinlangan sa mga mata.


Napabuntong hininga naman si Andreighus at tinapik ng marahan ang kamay ng ginang bago ito hawakan. Lumingon siyang muli kay Francia na nakayuko parin ang ulo.





"............. Go and find her, quickly! Huwag kang babalik dito hanggay hindi mo siya kasama."  Pagtutuloy ni Andreighus sa naudlot niyang sasabihin kanina.



"O-opo Alpha A-andreighus." Nauutal na sagot ni Francia.



Mabilis nitong nilisan ang hardin upang hanapin si Lexa, iniwan niya ang mag-ina na wala pa yatang balak lisanin din ang hardin.



Nagharap ang mag-ina at seryosong tinitigan ang isa't isa. Tipong nag-uusap sila sa mga isipan nila, maya-maya ay tumango si Olivia at ngumiti.




Napangiti rin ng kaunti si Andreighus dahil sa pagngiti ng kaniyang ina, nawala ang kaniyang pagod.




Hinalikan niya sa ulo ang ina at inakbayan ito.



"Hatid ko na kayo sa kwarto niyo bago ako umalis upang hanapin si Lexa."





Tinanguan lamang siya ni Olivia. Sabay na silang umalis ng hardin at pumasok sa loob ng mansion.



Kahit wala pang pahinga ay kailangan muling kumilos ni Andreighus upang tumulong sa paghahanap sa nawawala niyang pamangkin.






"Whole day, work day." Sambit ni Andreighus sa isipan at naiiling na lang na hinatid ang ina sa silid nito.

Continue Reading

You'll Also Like

104K 2.4K 59
Bilang isa sa pinaka matanda sa grupo at unang Capo Bastone ng Bonfiglio Famiglia ay alam ni Ichirou ang halaga ng isang misyon. Noon pa man ay masun...
1.5M 51.7K 99
[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a we...
955K 25.9K 42
Surrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twi...
2.7M 36.9K 42
Napilitang magpakasal sa isang lalaki dahil lang sa utang. A cliche story, of a girl who falls inlove with the man she is arranged to be married.