YXAN'S POV
"Nagsimula ang lahat mula ng umibig ang aking kapatid sa isang tao." Panimula ni Andreighus.
"She fell inlove with a human? What do you mean by that?" Naguguluhan kong tanong.
Tinitigan niya akong mabuti, napakaseryoso ng mukha. Napapayuko nalang tuloy ako, hindi ko kayang salubungin ang kaniyang mga tingin. Kainis!
"We're not human." Seryosong sabi ni Andreighus.
Nanlalaki ang mga matang napaangat ako ng mukha. Hindi sila tao? Kalokohan ito.
"At ano? Alien?" Naiiritang tanong ko.
"No." Tipid na sagot niya.
"Vampire?" Tanong ko.
"No." Tipid na sagot niya.
"Of course you are not vampire. Walang bampirang nabubuhay sa araw, hindi rin naman kayo maputla." Napapaisip na sambit ko habang napapatango.
"Not a mermaid also, dahil wala kayong buntot." Sambit ko sa kawalan.
"Witch?" Tanong ko at lumingon sa kaniya.
"Do we look like a witch?" Taas kilay na tanong niya pabalik.
"A liitle bit." Ngiwing sagot ko.
"Tsk." Tanging sagot niya.
"Then what? A beast?" Nakakunot ang noong tanong kong muli.
"Maybe. But not really." Sagot niya.
Halos lahat nasabi ko na ah. Pero ni isa wala sa nabanggit. Hindi sila tao? Pero hindi naman halatang iba sila. I mean, halimaw ba sila? Nagtatransform into something? Pambihira. O baka ginagago lang niya ako.
"Werewolves are coming to kill............ both of you."
"Bad werewolves.."
Natulala ako sa naisip ko, biglang pumasok sa isip ko ang mga usapan nina Mama Loisa at Lexa sa bahay about........ werewolves......
Nanlalaki ang mga matang nilingon ko si Andreighus na seryosong nakatingin sa akin, tipong pinag-aaralan ang buong pagkatao ko.
"Done guessing?" Seryosong tanong niya.
"Don't tell me it is really exist." Tulalang sambit ko.
"Yes we are. Vampire at alien nga nabanggit mo, werewolves pa kaya." Sabi niya. Seryoso pa rin ang tingin nito.
"Ha-ha-ha." Pilit ang tawa ko, ang awkward.
"You are kidding right? None of those immortal creatures i've said are existing." Kinakabahan na saad ko.
"Look. I'm just guessing, if i said that different breeds it doesn't mean i believed on those things." Hindi na ako komportable.
Namamawis na rin ang noo ko, yung mga tingin niya parang sinasabi na maniwala ako. NO! I won't, never! Werewolves? That's bullshit. Tsk.
"We.Are.Werewolves." May diin sa bawat sambit niya ng salita.
"Isa itong kalokohan." Naiiling na sabi ko.
"Maria!" Sumigaw siya ng isang pangalan.
Maya-maya ay may isang tagapagsilbi ang dumating at lumapit sa kaniya. May inabot itong isang may kakapalang librong kulay brown na may black sa gilid.
Yumuko ang katulong bago kami iwang dalawa muli.
"Take this." Sabi niya.
Hinagis niya sa akin ang libro na buti nasalo ko kaagad. Makapal ang libro pero katamtaman lang ang laki. Pula ang kulay ng mga letra, para itong dugo na style.
"History of Sheridan and Moonlight Pack."
Basa ko sa title. Sa gitna ay may drawing pang isang mahabang kalmot, apat na guhit ito. Parang kalmot ng isang malaking hayop, ng parang isang........... lobo.
"May aasikasuhin pa akong mahalagang bagay. Kung may katanungan ka, basahin mo ang librong iyan.......... dearest nephew."
Bigla akong kinilabutan sa huling sinabi niya. Putik, e parang magkaedad lang kami tapos dearest nephew? Kalokohan.
Pag-angat ko ng ulo ay mag-isa na lang ako sa hallway. Dala ang libro, naglakad lakad ako sa hallway at pinakatitigan ang mga naglalakihang litratong nakasabit doon.
May ilan akong nakikitang picture ni Mama Anne, may bata siya, edad sampu hanggang sa magdalaga siya. Bigla akong nakaramdam ng lungkot, namiss ko bigla si Mama, 'yong mga ngiti at tawa niya. Haaaays.
Hindi ko na tinapos ang pagmamasid, bumaba na ako para balikan si Lexa. Pero nagulat pa ako dahil nakita ko siyang nakikipagtawanan kay mama Loisa at lola Olivia. Nakikita ko sa mukha ni Lexa na masayang masaya siya, how i wish ganiyan din ako kasaya ngayon. Haaaay. Pero mukhang hindi pa ngayon ang araw para magsaya ako. Marami pang gumugulo sa isipan ko.
"ARF! ARF! ARF!" Lahat kami napalingon sa pintuan.
"SHINE! LOGAN! COLE! HIGHLIGHT!" Sigaw ni Lexa pero hindi lumilingon sa pinto.
Nagtakbuhan ang mga aso kay Lexa. Oo nga pala naiwan namin sila sa bahay sa kakamadali. Haaay.
Sinulyapan ko ang may dala sa kanila. At isang lalaking mas matangkad pa sa akin sa tansya ko ang naghatid sa mga aso. Mababakasan din ito ng autoridad sa mukha, mataas rin siguro ang ranggo nito, politician ba siya? Naka formal attire ito. May seryosong pagmumukha.
"Alpha Tyler." Napalingon ako sa nagsalita sa gilid ko. Isang tagapagsilbi.
"Ah, pasensya na po Ginoo." Paghingi nito ng paumanhin ng mapansing nakatingin ako sa kaniya na nagtataka.
"Alpha? What is Alpha? Pati si Andreighus ay tinatawag din siyang ganun. Weird." Pagkausap ko sa sarili ko na nagtataka.
Nang maihatid ang mga aso ay nakita ko pang tinitigan niya ang kakambal ko bago niya lisanin ang mansion. Sino siya?
*****
LEXA's POV
Nagtatawanan kami ng matigilan ako. May amoy lemon.
Ilang segundo lang ay puro tahol na narinig ko.
"ARF! ARF!ARF!"
"SHINE! LOGAN! COLE! HIGHLIGHT!" Masayang tawag ko sa mga alaga ko.
Bakit nakalimutan ko sila? Bakit ngayon ko lang naisip na wala pala kaming kasamang mga aso na bumiyahe. Halaaaa, ang babies ko.
After dumating ng mga alaga ko minuto lang din ay nawala na ang amoy lemon sa paligid. Sino ba siya? Alam ko siya rin si Mr. Lemon na nagligtas sa akin ng ilang beses.
Narinig kong may binati sina Mama Loisa kanina, tinawag nila itong 'Alpha Tyler' .. May bisita pala sila, hindi ko naman narinig ang boses ng binati nila kaya hinayaan ko nalang, mas focus ako sa naamoy kong lemon. Haaaay.
"You love dogs?" Rinig kong tanong ni lola Olivia.
"Yes po. I treat them like a family, my babies." Masayang sagot ko.
"Oww. They are too small. How cute." Naaaliw na sabi ni lola Olivia.
"Babies. Meet Lola Olivia, be good to her." Pakilala ko sa mga alaga ko.
"Arf! Arf!" Tanging tahol lang ang sinagot nila. Ibig sabihin gusto rin nila si Lola Olivia. Very good. Hahahaha.
"Lola Olivia. Magkwento ka pa po tungkol kay mama Anne." Nakangiti kong request.
"Okay." Sagot naman niya.
"Lexa." Si Yxan iyon.
"Yxan?" Tanong ko.
Naramdaman kong may tumabi sa akin, si Yxan ito. Alam ko amoy niya.
"Kamukhang kamukha niyo si Aleighanne." Halata sa boses ni Lola Olivia ang pinaghalong saya at lungkot.
"Talaga po?" Masayang tanong ko.
"Yes hija. Lalo kana, napakaganda mo gaya ng iyong ina noong dalaga pa siya." Sagot naman ni lola Olivia.
"Wow. Gusto ko po sana masilayan ang mukha ni mama Anne noong dalaga pa siya." Bigla akong nalungkot sa isipin.
"Lexa." Alo sa akin ni Yxan.
"Hahaha. I'm okay Yxan." Sabi ko naman, nag-aalala nanaman siya e.
"Lexa." Tawag sa akin ni lola Olivia.
"Po?" Tanong ko.
Hinawakan niya ang mga kamay ko, pinisil niya ito ng mahigpit at may pag-iingat.
"Tutulungan kitang makakita ulit. I promise you, trust me. I will do everything to help you, hija." May sinseridad sa boses na sabi ni lola Olivia.
"Salamat po, pero kahit doctor hindi po ako matulungan e." Sagot ko at tumawa ng pilit. Awkward......
"Were not human remember? We are special Lexa, there is something we can do that human can't." Malumanay na sabi niya.
"Are you sure? Don't give her hope please, baka umasa lang siya sa wala." Seryosong sabi ni Yxan.
Right. Ayoko umasa sa wala pero gusto ko rin naman magtry. Wala naman kasing mawawala kung susubukan 'diba? Just try.
"Yes. Mark my word, isang araw makakakita na siyang muli." Puno ng kasiguraduhan na saad ni lola Olivia.
"Thank you po." Nakangiting sabi ko.
I can't wait that day, ang araw na makakakita na akong muli. Gusto ko unang makita ko ay ang mukha ni Yxan, my beloved twin brother. Nae-excite tuloy ako lalo. Hihihihi.
"By the way. How old are you na po?" Tanong ko.
"Ow. I'm already 58." Sagot niya.
"Ah, okay po." Sabi ko.
"Really?" Parang hindi makapaniwalang tanong ni Yxan kaya nilingon ko siya kahit hindi ko alam eksaktong mukha niya.
"Pero mukha kayong nasa mid 40s lang. I thought you are 45 years old." Halata sa boses ni Yxan na namamangha siya.
"Talaga Yxan? Bata sila tignan?" Naa-amazed din na tanong ko kay Yxan.
"Yes sis." Sagot naman ni Yxan.
"Wow." Namamanghang sambit ko.
"Hahaha, that's the advantage of being immortals. We are like vampires, bumabagal sa pagtanda." Paliwanag ni lola Olivia.
"Nakakabilib naman po!" Natutuwang bulalas ko at napapalakpak pa.
"How about us? Sabi niyo po kasi half blood po kami, a hybrid?" Tanong ko.
"Yes, hybrid. But in the world of Werewolves a hybrid can transform also pero ang pagtanda nila ay gaya sa normal na tao." Malungkot na saad ni lola Olivia.
"Sad." Malungkot na saad ko.
"It's okay Lexa, i'm here. Sabay tayong tatanda, hindi kita iiwan." May paglalambing sa boses ni Yxan..
"Yxan." Naluluhang saad ko.
"I love you twin brother." Sabi ko at niyakap siya.
"I love you too, twin sister." Sagot niya at niyakap ako pabalik.
At least Yxan is there, he promise me that he won't leave my side. I'm still happy for that and feel contented.
Yxan became my hero, father, brother, bestfriend and like a boyfriend to me. I love him so much. Sa tabi ko lang siya at makukuntento na ako, mawala na lahat sa akin huwag lang ang pinakamamahal at pinaka-iniingatan kong kakambal.
We are the Monroe Twins and no one can split us apart nor can destroy us.
One more thing, hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako nakaramdam ng galit nang malaman ko ang totoo, pakiramdam ko pa nga ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib e. Hindi ko magets sarili ko pero since nabunyag ang malaking sekreto ni Mama Loisa ay mas nakaginhawa ako, para akong nakawala sa isang hawla ng ilang daang taon. Ganun ang pakiramdam ko, pero feeling ko lahat ng naramdaman ko ay kabaliktaran lahat kay Yxan, sa boses pa lang malalaman ko na agad na hindi siya natutuwa. Sabagay hindi basta basta nagtitiwala agad si Yxan sa mga salita. Ang kailangan niyan ay mahaba-habang paliwanagan, ganyan si Yxan.
Kaya pala ganoon nalang ang aking pagkasabik pagdating sa mga lobo, na tipong naalala ko pa noong pinipilit ko si Mama Loisa na bilhan ako ng isang lobong itim para maging alaga, iyon pala ay may lahi rin kaming lobo. Hahahhaa, i don't know why pero na-excite ako. Iba iyong gusto ng katawan ko sa gusto ng isip ko, dapat mashock ako e kaso iba talaga. Haaaay.
Not human, not werewolves, but a precious hybrids..... That's us....