YXAN's POV
Nandito pa rin ako sa kwarto ni Lexa at binabantayan siyang mahimbing na natutulog. Mabuti na lang at walang nakikita si Lexa, mas mabuti na iyon kaysa masaksihan niya ang mga nasaksihan ko kanina.
Ayokong matakot siya. Ayokong makaramdam siya ng takot sa buhay.
*FLASHBACK
"LEXAA!" Sigaw ko.
Hindi gumagalaw si Lexa sa kinauupuan nitong sahig habang may papalapit na dalawang kalalakihan na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kakambal ko.
Napalingon sila sa akin dahil sa sigaw ko, hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng ngumisi sila sa akin. At mas ikinagulat ko ang sunod na nangyari.
Nag-iba ang kulay ng mga mata nila, mula sa normal na kulay blue ay naging itim ito sa gitna habang may kaunting kulay asul sa nakapalibot dito at nakita ko ring nag-iiba ang hugis nila, humahaba ang tenga at mga kuko.
Totoo ba itong mga nakikita ko? Anong klaseng halimaw sila!? Nagpapanik na ako dahil palapit sa akin ang isa.
Sa takot din ng mga aso ay napatago ang mga ito sa kaniya-kaniyang taguan habang umiiyak.
May naririnig akong paglagutok ng mga buto na parang nababalian. At hula ko sa dalawang nasa harapan ko ang pinanggagalingan 'nun. Iba na, iba sila!! Mga halimaw! Mga......................LOBO??!!
Bago ko pa malaman ang susunod na pangyayari ay bigla akong nahilo. May humawak sa batok ko pero hindi ko nakita kung sino.
Nagblurred ang paningin kong humarap at nang mapahiga ako ay kasunod ng maingay na paligid na para bang may inihahagis sa kung saan.
Bago ako mawalan ng malay ay naaninag ko pa ang isang bulto ng tao, tao nga ba ito? Sa tansya ko ay malapit ito sa edad namin, medyo malaki amg pangangatawan. Hindi ko naaninag ang mukha dahil sa panlalabo ng paningin ko.
Nagising ako na nakahiga sa kama sa kwarto ko. At nang maalala ang nangyari ay mabilis akong tumayo at pinuntahan si Lexa na mahimbing na natutulog sa kama niya kasama ang mga aso.
Napabuntong-hininga ako at umupo sa upuan sa gilid ng kama niya. Doon na ako nanatili at hindi na siya iniwan pa.
*END OF FLASHBACK
,Are werewolves do really exist?
Iyan parati ang katanungan na nasa isipan ko. Akala ko sa panood lang mayroong ganun at sa mga libro. Pero ang makakita gamit ang sarili kong mga mata ay hindi na kapani-paniwala.
,Sino ang lalaking nasa likuran ko that time?
Isa pang katanungan. Bakit niya 'yon ginawa? Parang may ginawa siya sa batok ko upang mahilo at makatulog ako bigla. Ni hindi ko na rin alam ang nangyari.
Pati si Lexa. Napatingin ako sa kakambal kong natutulog, napaka inosente ng mukha niya.
,Gaya ko ba ay pinatulog din ba siya?
"Argh!" Iritado kong ginulo ang sarili kong buhok.
"Yxan."
Napalingon ako bigla sa likuran ko at nanlalaki ang mga matang sinulyapan ang bagong dating na tumawag sa pangalan ko.
"Ma!" Masayang sambit ko.
Tinakbo ko siya na nasa pintuan at binigyan ng isang mahigpit na yakap, gumanti naman siya ng yakap at tinapik tapik ako sa aking likuran.
"Namiss ko po kayo." Sabi ko pagkakalas ko sa yakap.
"Namiss ko rin kayo." Nakangiting sabi niya at pinisil ang pisngi ko.
"Kakauwi niyo lang po?" Tanong ko.
"Nope. Kahapon pa, nakita pa kitang tumatakbo papunta sa kwarto ni Lexa na may pag-aalala sa mukha. Ipinasok ko lang saglit ang gamit ko sa kwarto ko at pagpunta ko sa kwarto ni Lexa ay mahimbing na kayong natutulog dalawa." Sagot naman niya para hindi makatingin sa akin ng diretso.
Teka, tumatakbo ako? Baka 'yon yung paggising ko at mabilis tinungo ang kwarto ni Lexa dahil nag-aalala ako sa kaniya. Sa pagmamadali ko ay hindi ko na napansin ang paligid. Masyadonh okupado ang isipan ko.
"Pasensya na po." Paghingi ko ng tawad at napakamot ng ulo.
"Okay lang. K-kamusta kayo dito sa b-bahay?" Alanganing tanong niya.
Nakakapagtaka ang inaasal ni Mama Loisa. Nauutal din siya at hindi makatingin sa akin sa mga mata ng matagal, mukha rin siyang balisa na ewan. Anong problema niya?
"Mama Loisa, may problema ba?" Nagtatakang tanong ko at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"H-ha? Wala naman Y-yxan." Pilit na ngiti ang ibinigay niya sa akin.
"Sigurado kayo?" Hindi satisfied na tanong ko muli.
"Oo." Sagot niya agad.
"Kamusta si Lexa?" Pag-iiba niya ng topic at dumiretso sa kama ni Lexa.
"Hindi ko alam." Mahinang sagot ko.
"Ha?" Nagtatakang humarap sa akin si Mama Loisa.
"Hindi ko alam." Lutang na sagot ko.
Bigla ko nanaman naalala ang nagyari kahapon. Hindi ko malaman kung totoo ba ang lahat ng iyon o isa lamang masamang panaginip. Hindi ko alam.
"Anong sinasabi mo Yxan?" Lumapit sa akin si Mama Loisa.
"Hindi ko alam." Sagot ko habang nakatingin sa kawalan.
Pero nararamdaman kong totoo ang lahat ng nakita ko, as in.... Hindi ako baliw, ahhh. Kainis! Hindi sumasagi sa isip ko ang tinatawag nilang 'werewolves' kaya imposoble na bigla nalang akong mag-iimagine ng tungkol sa kanila. Napaka-imposible.
"Hindi ko alam." Tulalang sambit ko.
Bakit ganito? Pakiramdam ko may nabubuo sa kalamnan ko na hindi ko maintindihan. Medyo kinakapos ako sa hininga kaya napahawak ako sa dibdib ko. Napapikit ako dahil may kakaiba sa katawan ko na hindi ko maipaliwanag, para akong hinihiwa sa dalawa.
"Yxan? Yxan!" Sigaw ni Mama Loisa pero wala sa kaniya ang pokus ko. Kundi sa sarili ko.
The last thing i knew, nagising si Lexa at tinitigan niya ako na para bang nasasaktan din gaya ko.
W-w-wait? T-tinitigan niya a-ako tama?! How? Bulag si Lexa. Ganun pa rin ang mga mata niya pero kung makatingin sa akin ay parang nakikita niya ako.
"Le-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng namanhid ang katawan ko at napahiga, puro sigaw si Mama Loisa habang ako ay tuluyan nang nilamon ng dilim.
*****
LOISA'S POV
"Mama Loisa, kumusta po si Yxan?" Nag-aalalang tanong ni Lexa sa akin.
Nasa ospital kami ngayon at natutulog sa hospital bed si Yxan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin, pero sabi ng doctor ay maayos na ang kalagayan niya. Wala naman daw silang nakitang kahit anong sakit sa kaniya na ipinagtataka ng mga doctor.
Nakita ko kung paano sila magtitigan ni Lexa bago siya mawalan ng malay. May kakaiba akong naramdaman sa mga oras na iyon. Hindi kaya?.......
Imposible. Hindi pa pwede..... Wala naman sigurong kinalaman ang propesiya rito? Normal lang ito, oo Loisa isiksik mo sa utak mo na normal lang ang nangyari kahit sinabi na ng doctor na walang sakit si Yxan.
"Mama Loisa?"
Nagulat ako sa paghawak ni Lexa sa balikat ko. Napabuntong-hininga ako, masyado na yatang malalim ang iniisip ko kaya hindi ko na napansin si Lexa.
"Yes Lexa? Sorry may iniisip lang." Paghingi ko ng tawad dahil sa hindi pagpansin sa kaniya.
Kinuha ko ang kamay niyang nasa balikat ko at hinawakan ito ng mahigpit, pinipisil-pisil ito ng marahan.
Napangiti ako ng napangiti siya sa ginawa ko. My beautiful Alexandrite. Her smile is my sunshine.
"Okay lang si Yxan, huwag kana mag-alala Lexa. Mamaya gigising na rin siya." Malumanay kong saad sa kaniya.
"Sige po." Sagot niya na hindi naman sa akin nakatingin.
Hinawakan ko ang mukha ni Lexa. Napapikit ito sa pagdampi ng palad ko sa pisngi niya.
"Napakaganda mo Alexandrite." Saad ko.
Napangiti naman siya sa sinabi ko. Her eyes, it is color blue. Nakuha nila ang mata nila sa ama nila, isa itong Amerikano kaya asul ang mga mata pero isa rin itong hybrid na namuhay kasama ang mga tao.
Hindi na ako magugulat kung dinala ko sila sa Sheridan ay pagkaguluhan sila dahil sa mga kulay ng mga mata nila. Ang asul na mga mata ay para sa mga low-class werewolves, baka mapagkamalan silang isa sa mga ito at alipustahin.
No. Napapailing ako sa naiisip ko. I'm sure hindi naman sila pababayaan ng pamilya nila.
"Lexa, can i ask you something?" Alanganin kong tanong.
Tumango tango naman siya bilang sagot sa tanong ko, diretso ang tingin nito at halos hindi kumukurap. Haaaay.
"Are you aware of w-werewolf e-existence?" Tanong ko.
Bigla akong kinabahan sa reaction niya, nawala kasi ang mga ngiti niya sa labi. At unti-unti ay nakikita kong kumukunot ang noo niya, nagtataka siguro sa klase ng tanong ko.
"Yes!" Nagulat ako sa pagsigaw niya at pagtawa ng mahina.
Haaaay. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.
"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Of course Mama Loisa, Cole and Highlight were almost the same as wolfs. Hihihi." Sagot nito na tumatawa.
"If i'm not mistaken, wolves have shaggy fur also like Husky, right?" Masiglang saad ni Lexa.
"Ha?" Nasabi ko nalang.
"Mama Loisa can you buy me one of those wolves out there? Please?" Nagpapaawa effect siya.
Hinila niya ang hawak kong kamay niya at kinapit ito sa braso ko sabay yugyog sa akin para mapapayag ako.
"Why? Hindi ba ako pwede mag-alaga ng lobo? Dangerous animal po ba sila?" Nagtatakang tanong nito.
"No, not really...... I mean, hindi lahat ng lobo ay mabait." Sagot ko.
"Hmmmm." Napayuko ito at parang nag-iisip ng kung ano.
Akala ko ay wala na siyang sasabihin at mananahimik na lang pero nagulat ako sa sunod na sinabi niya.
"Buy me one, i like wolves. Give me one please Mama Loisa, i want color black wolf." Seryoso ang mukha niya ng sambitin ang mga katagang iyon.
Kinilabutan ako dahil bigla siyang ngumiti ng malapad pagkatapos.
Naiwan akong nakanganga at natulala sa hiling ni Lexa. Hindi ko kayang ibigay ang gusto niya.
Sorry Alexandrite........