RULE NO. 12 NO INCEST (Part T...

By zandy_fragileheart

252K 3.5K 85

SA ISANG BASKETBALL TEAM, DI MAIIWASANG MARAMING GWAPO. TOP RULE SA TEAM "NO INCEST. KAPATID-KAPATID LANG TAY... More

RULE NO. 12 [PART TWO INCLUDED]
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 17 (Part 2)
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
Ending of Part 1
NOTE
PART TWO: Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

CHAPTER 18

4.9K 71 3
By zandy_fragileheart

Hi to Kittyholic, Kaneyumi and Christian0426 :)

Salamat sa votes and comment niyo.

= = = = = =
CHAPTER 18
-ALLISANDRA'S POV-
= = = = = =

Nakarating na kami sa bahay nila. Grabe mayaman pala tong si Raymond. Pero hindi siya spoiled brat. Yung tipong nambubully?

Up and down ang bahay nila, black ang gate na may gold. Tapos yung pintuan nila gawa sa mahogany, may balkonahe chorva yung bahay nila. May garden din. May koleksyon ng mga bonsai na halaman.

Pag pasok sa loob, yung sala set nila kumpleto may chandelier pa. Matatanaw mo na rin ang kusina nila na maraming laman na pagkain yung lamesa...

Pagkain...

Yeah... Gutom na ko. Kanina hinde pero nung nakita ko yung lamesa nila grabe nagwala yung dragon ko sa tiyan!

Tahimik lang ako sa sobrang mangha sa ganda ng bahay nila. Malinis na malinis ang sahig. At... Centralized ang bahay nila! May aircon!

"Ray, that so rude hindi mo pinapakilala ang maganda mong ate sa magandang kasama mo." sabi ng isang babae.

Ate niya. Kamukhang kamukha niya kasi eh.

"Okay fine..." sabi ni Raymond... "Ate this is Allisandra, Alli for short. And Alli, this is my sister. Ate Reycie." nginitian ko lang si Ate Reycie (feeling ako! Maka-ate kala mo girlfriend na. Hahahaha) pero siya lumapit sakin at nakipag beso.

"Welcome Alli." sabi pa niya.

"Thank you po." nahihiya kong sagot. Naiilang kasi ako.

Tumabi sakin si Ate Reycie. Lalo tuloy akong kinakabahan.

"Taga san ka Alli?"

"Taga Fragilehearts Subdivision po ako. Nagrerent po ako ng apartment kasama bestfriend ko."

"Asan parents mo? Bat di kayo magkakasama?"

"Gusto po kasi ng mga parents ko na matuto ako mag isa sa buhay."

"Ganun. Alam mo ba ang ganda mo. Bagay kayo ni bebe raymond." bigla akong natawa sa tawag niya kay Raymond. Pfft. Bebe Raymond.

"Ate! Stop with the names!" angal ni Raymond sa ate niya.

"Wag ka na nga makinig jan Alli." dugtong pa niya. Natatawa na lang si Ate Reycie. Maya-maya pa, namumula na siya sa kakatawa.

"Gutom lang yan ate. Kumain na tayo."

"Later. Antayin natin sila mama at papa."

"As if naman na dadating yun." sabi ni Raymond na may halong galit.

"Ray not now. Mahiya ka sa bisita mo. Give mom and dad a chance to see your girl."

Your girl?

Sabay kaming namula ni Raymond. At sakto namang dumating ang mama at papa niya kasama ang isang bata. Tumakbo kaagad ang bata kay Raymond.

"Kuyaaaaaa!" sigaw pa nito. Niyakap ni Raymond ang kapatid niya at saka.hinalikan.

"Good evening po." bati ko sa kanila pag baling ng mga mata nila sakin.

"Is she your g---"

"Just a friend mom." pag putol niya sa pag sasalita ng nanay niya. Nasaktan ako dun ah.

"Just a friend mom..." Okay payn. Friendzoned -____-

Pinapunta na kami ni ate Raycie sa lamesa para kumain. Nung una tahimik lang biglang nagsalita si ate Reycie.

"Uhm... Mom, dad, nag propose na po si Ken sakin..."

"And then..." plain na sagot ng tatay nila. Nakita ko na napapikit si ate Reycie.

"And I said yes... Aren't you happy?" sagot ni ate.

"So this is the purpose of this dinner Reycie? Damn you little lady! You said yes without our permission!" pag tataas ng boses ng tatay nila. Hindi ko na magawang lumunok.

"Why would I need your stupid permission dad? Im not a little girl anymore!" nag taas na rin ng boses si ate Reycie. Bigla namang nag dabog si Raymond. Binagsak niya sa plato ang kutsara at tinidor niya.

"Looks like we have lost our table manners people. Fuck this family. Why dont you let ate Reycie to make her own decision! C'mon dad! She's already 30 years old!"

At nag karoon ng nakabibinging katahimikan sa hapag kainan.

"We have a visitor. My visitor! Did you forget how to respect? Kailan ba tayo mag kakaroon ng matinong dinner?" sabi pa niya.

Hinila niya naman ako at nag pahila na lang ako. Sayang yung pagkain. Ang sarap pa naman ng kare-kare TT^TT

Umalis kami sa bahay nila. Pinaharurot niya ang motor niya. At tumigil kami sa 7 11 kung saan ang una naming date.

Hihi. Ako lang ang may alam na date yun. Yung cup noodles thing pagkatapos namen magpaka basa sa ulan? Aww... Memories. Hoho :D

"Kuha ka na ng gusto mo." sabi niya. Hihilain ko sana siya eh. Haha. Kaya lang pagkain ang tinutukoy niya. (Kahit na nakakain naman din siya! Berdeeeee!)

Kumuha ako ng chippy na blue at pepsi blue. Kahit na bawal sakin lahat ng kinuha ko.

Matapos naming bayaran ang pagkain namin, umupo kami sa stool kung saan kami pumwesto noon.

Napapangiti ako.

"Tss. Problema mo at nangiti ka jan?" sabi niya. Haaay. Gaga ko talaga. Nagiging hobby ko na ang ngumiti mag isa ha!

"W-wala lang... May naalala lang kasi ako." sabi ko. Matapos niyang inumin ang hawak niyang root beer, pumunta ulit siya sa fridge at bumili ng red horse na nasa tin-can.

Naalala ko na, nagkagulo nga pala sa bahay nila. Inintindi ko na lang. Baka kasi nasaktan siya ng sobra.

"Alli. Sorry. Nakita mo pa ang ganung bagay." sabi niya sabay inom.

"Wala yun."

"Tss. Napaka bastos talaga nila. Wala namang masama kung mag-asawa na si ate. Trenta anyos na yung tao!" sabi niya pa.

Kung si ate Reycie ay 30 years old, at si Raymond ay 18 years old... Luuh? :3 Anlaki ng age gap nila.

"Baka naman kasi mahalagang-mahalaga ang ate mo sa papa mo kaya ganun..." sabi ko. Pinipilit ko na makatulong.

"No he's not. He want to make ate Reycie's life miserable. Anak kasi ni mommy si ate sa boyfriend niya na nag pari. At ang pari na yun ang mismong nag binyag kay ate."

Nakakagulat ang history ng ate niya. Pero, sa nakikita ko close na close si Raymond kay ate Reycie.

"Pero alam mo... Sayang yung kare-kare. Iniwan lang naten! Favorite ko yun eh!" nakapout kong sabi sabay kain ng chippy. Huhu T.T swear ansarap talaga.

"Talaga? Parehas pala tayo. Hayaan mo, papaluto tayo kay ate."

"Talaga?"

"Oo. Samahan mo lang ako ngayong gabi. Please?"

Oh no. Ayokong tumitingin siya sa mga mata ko kapag nakiki usap dahil nanlalambot ako. Nawawala ako sa katinuan!

"Please... Alli?" sabay hawak niya pa sa kamay ko. Agad kong binawi ang kamay ko na nanginginig.

"Sige na nga!" sagot ko. See? Hindi ko talaga magawang tumanggi sa kanya!

Bumalik siya sa fridge at bumili ng mas maraming red horse! What the hell!

"Ano yan bat ka bumili niyan?!"

"Ipapang ligo ko! Malamang iinumin natin to."

"Ha? Baliw ka ba?"

"Oo baliw na baliw ako sa... sa kanya."

Tengene. Akala ko sasabihin niya. Patay na patay ako sayo.

Ayun pala sa kanya. Letche! Patayin ko sila eh?! Ay hinde. Yung babae lang pala. Mwahahahahahaha!

Kdot -.-

-RAYMOND'S POV-

Naiinis talaga ko sa nangyari sa bahay. Sa harap pa ni Alli. Mamaya ma-turn off siya sa kung anong klaseng pamilya ang meron ako!

"Oy bat ang tahimik mo?" tanong niya. Nakasakay na kami ng jeep papunta sa condo ko.

"Wala lang. Hehe."

Nakarating na kami sa condo ko. Binuksan ko kaagad yung ilaw ko at umupo naman si Alli sa sofa.

Kailangan ko lang ng kasama ngayong gabi. Naalala ko kasi si ate. Ano na kayang nararamdaman niya? Kasalanan nila daddy to. Hindi niya kayang gampanan ang pagiging tatay niya samin.

"Haay." buntong hininga ko.

"Ayos ka lang ba Raymond?" tanong ni Alli. Ang sweet naman ng my labs ko. Haha.

"Yeah... tara inom na tayo." sabi ko. Dala ko yung ice bucket dalawang baso atsaka yung mga redhorse sa kwarto.

"Teka? B-bat kelangan pa sa kwarto tayo? N-nakaka wala ng table manners yan!" sabi niya.

Malamig naman sa condo ko, pero pinag papawisan siya. Mukhang may iniisip na mali to. Hahahaha.

"Ano ka ba Alli, masarap mag inuman kapag nasa kwarto..." sabi ko sa pang aasar way.

"Ha? Hindi kaya!"

"Hm? Pano mo naman nasabi? Eh di ba ikaw na rin ang nagsabi na hindi ka nag iinom?"

"H-ha? A-ano kasi eh? Nag babagong buhay na ko kaya ko nasabi yun sayo." dahilan pa niya.

Andami naming satsat kaya hinila ko na siya sa loob. Di ko naman sinara yung pinto. Masyado pang maaga para sa mga bagay na nasa isip ni Allisandra.

Tahimik lang kami. Walang nag uumpisa ng isang pag uusap. Walang ni-isang salita akong mahanap para mawala ang boredom sa pagitan namin.

Tinungga ko ang inumin ko. Nakita ko naman si Alli na hindi pa rin ginagalaw ang redhorse niya.

"Akin na nga nyan. Hay nako. Sabi na nga ba di ka talaga marunong mag-inom!" sabi ko at kinuha ko ang hawak niya.

"Hay. Sorry di kita masasamahan sa trip mo. Pang basag ulo kasi yan eh. Matino na ko kaya alam mo na. Hehe." pag re-reason niya.

"Okay lang. Babae ka eh? Dapat talaga di ka nainom." sabi ko.

"Does it turn you on?" bigla niyang tanong.

Kung kaya ko lang sabihin sa kanya na bawat kinikilos niya ay gustong-gusto ko. Na, lahat ng nakikita ko sa kanya manghang-mangha ako.

And I just nod.

Nanahimik uli ang paligid.

"Raymond, pwede bang mag tanong?" sabi niya.

"Nagtatanong ka na nga eh?"

"Wag na nga lang! Napaka pilosopo mo!"

"Joke lang... Ito naman di na mabiro. Sige na mag tanong ka na." sabi ko sabay tungga.

"Uhm... May balak ka bang ligawan yung crush mo?"

Natahimik ako sa tanong niya.

Tinitigan ko siya sa mata atsaka inisip kung paano ko sasagutin ang tanong niya kung siya mismo ang tinutukoy niya.

"Uy. Sagutin mo naman yung tanong ko." sabi niya pa.

"Oo naman. Lalo na ngayong alam ko na kung ano ang gusto niya kapag niligawan siya." sabi ko.

Bigla namang naging malungkot ang ekspresyon ng mukha niya. At nagsimula na kong mag taka.

Ininom ko na lang ulit.

-ALLISANDRA'S POV-

Panahon na siguro para i-let go ang feelings ko para sa kanya. Ayokong ma double dead kapag nakita kong nililigawan na niya ang napaka swerteng babae na napupusuan niya.

Kapag nangyari siguro na kaya ko ng mawala siya sa isip ko, hindi na ko.masasaktan.

Para akong tanga. Kung makapag salita ako ng mga ganitong bagay akala mo naman may relasyon na namumuo samingdalawa. Siya na rin ang nag sabi na kaibigan niya lang ako.

Dati naman kasi ang pag kakaron ko lang ng crush kay Raymond ay dahil pogi siya, matalino, at magaling mag basketball. Pero dahil sa naging P.A ako, napapadalas ang pakikipag titigan niya sakin. At yung mga halik na yun.

Kaya pala kasama sa rule ang no eye contacts.

Kaya pala.

Bigla namang nag-ring ang cellphone niya.

Unknown number ang tumatawag sa kanya pero sinagot pa rin niya ito.

"Hello, sino to?.....Valerie? Bakit ka tumawag?.....Pasensya na hindi eh.....may practice ako....bye...."

Tumingin siya sakin.

"Uhm..." sabi niya na tila hinahanap ang sasabihin niya.

"Ano?" nalilitong tanong ko.

"Uhm ano, si Valerie. Ini-invite ako na pumunta sa fashion show niya." pag papaliwanag niya.

"Hm. Mahal mo pa ba si Valerie?" biglang tanong ko.

"Hindi na. Pero binabangungot pa rin ako kung pano kami nag break." sabi niya.

"Alam mo ba, na si Valerie lang unang babaeng sineryoso ko? Pero wala. Nasobrahan ata ang pag mamahal ko sa kanya kaya inayawan niya ko. That bitch."

Tahimik lang ako. Nag aantay sa susunod niyang sasabihin.

"She wants sex. That thing that I could not give to her even I want to. Because I respect her so much, I try not to give in. Pero tang ina. May mga ganung babae pala talaga." at may tumulong luha sa kanya.

"Alam mo ba Alli, natatakot akong ligawan yung crush ko sa totoo lang. Kasi baka hindi ako sapat para sa kanya. Gusto kong maging first and last niya sa lahat ng bagay, gusto kong maging the best sa kanya pero hindi ko alam kung pano. Nakaka trauma ang maniwala na may forever." sabi niya.

"Ang bading ko naman. Naiyak ako sa harap mo." sabi niya pa. Tumawa siya pero bakas ang lungkot sa isip niya.

Naubos na niya lahat ng red horse. Pero di pa rin siya lasing at mas lalong di pa siya inaantok. Kaya nanood na lang kami ng movie.

Wala pa man din sa gitna ang pinapanood namin, inaantok na ko. Pinipigilan ko lang dahil may sapi siya ng alak. Mamaya ano pang mangyari sakin. Habang nanonood, tahimik lang siya at pag katapos, bigla siyang tumanday sa balikat ko at sabay hilik ng malakas.

Ang loko-loko tulog na. Tapos yung pinapanood namin ganito din ang eksena ang kaso lang sa sinehan namgyayari yung sa movie.

(an: Ek-ek lang yung movie. haha. Wala akong alam gano sa love story eh. Sensya na.)

Nanuod pa ako. Naiiyak na kasi ako eh. Alam mo yung feeling na nag mu-move on na ko sabay naging desperate nanaman ako sa pag-ibig dahil sa punyetang movie na yan!

"Babe... Wag kang umalis..." biglang sabi ni Raymond.

"Hala siya... Nag sasalita ng tulog. Amazing!" sabi ko.

Nag sasalita nanaman siya. Ganyan din siya nung lasing siya. At nag aalanganin akong sabihin sa kanya ang dati kong sinabi.

"Babe..." sabi pa niya. Kita ko sa kanya na malungkot siya.

Kaya here it goes beybeh.

"Kung ako nga lang kasi ang girlfriend mo, hindi kita iiwan. Matagal na kitang crush Raymond... Kaya lang iba ang gusto mo." sabi ko.

Tumulo ang luha ko. Ewan ko ba. Amso emotional!

Kaya natulog na lang ako.

*Kinabukasan*

"Good morning!" masigla niyang bati sakin. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Nasa kwarto niya ko. Luuh? Di ba nasa sala ako kagabi? Sabay tingin ko sa damit ko. Phew -.- kala ko hubot hubad nako eh. Hahahaha ^____^V! Assumera.

"Nagluto ako ng almusal Alli." sabi niya na naka-ngiti.

"Nag abala ka pa."

"Tara na. Bumangon ka na jan." sabi niya pa sabay alis ng kwarto.

Pagpunta ko sa kusina niya, merong itlog, bacon, hotdog, tinapay, fried rice, at dalwang kape.

"Hm... May iba pa bang dadating?" tanong ko sabay kunot niya ng noo.

"Wala na. Tayo lang."

"Eh? Bat andaming pagkain? Mauubos ba natin to?" tanong ko.

"Kaya natin yan." sabi niya.

Masaya siyang kumakain. Ang weird ng aura niya. Parang wala siyang hang over sa pag-inom niya kagabi.

"Oy Alli. Kumain ka na ng ayos." sabi niya.

"Oo na." sabi ko. Pinag sandok niya ko ng maraming kanin at ng lahat ng ulam.

"Kainin mo lahat yan ah?" malambing niyang sabi.

"Oo nga pala, okay na ba yang paa mo?" tapos tumayo siya atsaka lumuhod sa paa ko para tignan kung ayos na.

"Okay na yang paa ko. Tumayo ka na jan."

"Sigurado ka?"

"Oo. Magaling na yan."

"Mabuti naman."

Ang bait-bait niya. Nakakainis! Gusto kong malaman kung bakit. Kaya lang baka maging awkward ang paligid kapag tinanong ko!

"Bakit ka nanaman nakatingin sakin Alli? May dumi ba ko sa mukha?"

"Wala naman. May gusto lang akong malaman."

"Ano naman yun?"

"Bakit ba ang sayasaya mo ha? Hindi ka naman ganyan kagabi ah?"

"Ahm... Ano... Wala para lang ipakita ko sayo na masaya ako. Na salamat sa pag sama mo sakin." tapos naging soft ang mukha niya.

"Salamat Alli. Salamat sa pag... Sa pag sama sakin. Sa pakikinig."

"Wala yun... Kaibigan kita eh..."

Kaibigan <\3 :(

Matapos naming kumain, umuwi na ko. Ihahatid pa sana niya ko gamit ang motor niya kaya lang sabi ko wag na lang kasi iniiwasan ko nga siya.

Pero bago ako umalis, niyakap niya ko.

"Ingat ka Alli." sabi pa niya.

Muntik na tuloy akong maka lagpas sa bababaan ko. Pasaway naman kasi eh?

Sa totoo lang, sa pinakita ni Raymond, mukhang mahihirapan akong kalimutan na crush ko siya. Hindi ko ata kaya.

-RAYMOND'S POV-

Hindi pa ako inaantok, pero ipinikit ko na lang ang mata ko. Medyo nahihilo na ko gawa na rin siguro ng ininom ko.

Gising pa ko pero nananaginip na ako. Napanaginipan ko ulit kung pano kami nagkahiwalay ni Valerie.

Katulad na katulad ng panaginip ko nung unang gabi na wala na sa buhay ko si Valerie. At katulad ng nasa panaginip ko noon, may isang boses na nagsabing kung siya ang girlfriend ko hindi niya ko iiwan.

Ang pinag kaiba lang ngayon, buhay na buhay ang boses niya. Parang kasama ko lang siya.

Bahagya kong binukas ang mata ko, bigla kong nakita si Alli. Tumibok ang puso ko ng malakas. Sa tuwa, sa kaba, at kung ano-ano pang dahilan.

Si Alli ang nagsabi nun. Mutual ang feelings namin. Nagkaron ako ng pag-asa. Biglang nawala sa panaginip ko ang masalumuot na break up namin ni Valerie. Napaltan yun ng masayang mukha ni Alli.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Boring ba? :( Sorry naman. Busy ako eh. Patuloy niyo pa rin sanang basahin ang Rule no. 12 :">

At sana basahin niyo po ang mga love notes ko :)

-zandy_fragileheart

[ang magandang author...bow...]

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 76.1K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
258K 4.6K 36
Desperadang kumuha ng bayarang lalaki si Cassandra sa kagustuhang magbuntis, hindi dahil gusto niyang magkaroon ng anak kung 'di makuha ang lalaking...
143K 1.7K 12
** BOOK 2 ng Sextutor ng Artista ** Tayo nga ba hanggang sa huli?
24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.