The Lost Princess

By yeexizx

910K 20.5K 1.1K

BOOK 1 of The Lost Princess - Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette I'm Charlie Lany Lotte. Hindi ko nga al... More

The Lost Princess | Prologue
Kabanata I - Chapter 1
Kabanata II - Chapter 2
Kabanata III - Chapter 3
Kabanata IV - Chapter 4
Kabanata V - Chapter 5
Kabanata VI - Chapter 6
Kabanata VII - Chapter 7
Kabanata VIII - Chapter 8
Main Characters
Kabanata IX - Chapter 9
Kabanata X - Chapter 10
Kabanata XI - Chapter 11
Kabanata XII - Chapter 12
Kabanata XIII - Chapter 13
Kabanata XIV - Chapter 14
Kabanata XV - Chapter 15
Kabanata XVI - Chapter 16
Kabanata XVII - Chapter 17
Kabanata XVIII - Chapter 18
Kabanata XIX - Chapter 19
Kabanata XX - Chapter 20
Kabanata XXI - Chapter 21
Kabanata XXII - Chapter 22
Kabanata XXIII - Chapter 23
Kabanata XXIV - Chapter 24
Kabanata XXV - Chapter 25
Kabanata XXVI - Chapter 26
Kabanata XXVII - Chapter 27
Kabanata XXVIII - Chapter 28
Kabanata XXIX - Chapter 29
Kabanata XXX - Chapter 30
Kabanata XXXI - Chapter 31
Kabanata XXXII - Chapter 32
Kabanata XXXIII - Chapter 33
Kabanata XXXIV - Chapter 34
Kabanata XXXV - Chapter 35
Kabanata XXXVI - Chapter 36
Kabanata XXXVII - Chapter 37
Kabanata XXXVIII - Chapter 38
Kabanata XXXIX - Chapter 39
Kabanata XL - Chapter 40
Kabanata XLI - Chapter 41
Kabanata XLII - Chapter 42
Kabanata XLIII - Chapter 43
Kabanata XLIV - Chapter 44
Kabanata XLVI - Chapter 46
Kabanata XLVII - Chapter 47
Kabanata XLVIII - Chapter 48
Kabanata XLIX - Chapter 49
Kabanata L - Chapter 50
Additional Chapter
Epilogue
Special Chapter
A/N - TLP
WARNING:
Dedications
Announcement
Announcement (2)
FOLLOW ME ON INSTAGRAM

Kabanata XLV - Chapter 45

8.3K 201 26
By yeexizx

Chapter 45 - Mission
Written by Kimi Writes

Charlie's POV

Naalimpungatan ako dahil sa lamig na dumadampi sa balat ko. Nang imulat ko ang mga mata ko, bumungad sa 'kin si Coldy na nakapikit at natutulog pa rin. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kong nakasandal ako sa balikat nito.

Napabangon ako bigla mula sa pagkakahiga, agad din naman itong nagising. Namula tuloy ang pisngi ko ng dahil sa kahihiyan.

Did I actually spend hours on his shoulder? Nakakahiya!

Agad naman akong nagsalita. "Uhh...Sorry for waking you up pero kailangan ko nang umalis."

"Why?"

"Mayroong pagkikita mamaya hindi ba?" sabay buntong hininga. "...Pupunta tayo sa mundo ng mga tao." simple kong sagot.

Napatitig naman siya sa 'kin na pinagmulan ng pagkailang ko. "It's 4 in the afternoon. It's too early for you to leave..."

"I might be bothering you. I'm leaving, Coldy." I replied with a smile.

Napa-kibit-balikat na lamang siya. "No. Please... Don't go. I despise seeing you in that situation again." he said in a melodious tone.

"A-Anong sitwasyon?" I stuttered.

"That earlier fucking situation. So if you wouldn't mind, allow me to accompany you back there." he whispered as he walked towards me.

"Even if I'm with you, they will still judge me," mapakla kong tugon.

He took my hand in his, "Stay with me, Charlie."

I rolled my eyes. "Sige. If you asked,"

He smiled as sign of relief. "Thank you... Thank you for letting me to stay with you."

"Simpleng bagay lang naman 'yan. Ang OA mo talaga, ano?" mariin kong tugon.

"It's not simple for me though." he chuckled.

Napahalakhak naman ako. "Ang babaw naman ng kasiyahan mo..."

"In terms of you."

I offered the same smile as before, "What do you mean in terms of me?"

Tumingin naman siya sa 'kin ng deretso. "You made me live again," he then took a deep breath. "...You make my life worth fighting for."

"You h-have me..." nauutal kong sagot dito habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Iwas naman siyang tumingin sa akin. Mabuti na lang, dahil kung hindi ay matutunaw na ako sa mga titig nito sa akin. What a life saver it is!

"Why? Okay ka lang? Is there a problem?"

He gasped, "Nothing. I'm just wondering if I may use this medication kit to treat and heal your wound." he asked with a thrill while taking the kit from his back.

His smile melts my heart. Maamo ang mukha niya, I never considered him to have any flaws. I never expected Coldy to be this attractive up close, kapintasan niya lamang kasi noon ang pinapansin ko.

Napatingin naman ako sa ang mga pasang at sugat na hindi ko pa napapagaling. Paano kaya kung si Coldy nalang ang gumamot sa mga sugat ko? Tanging ang hiwa ko lamang kasi sa pisnge ang napagaling ko kanina sa cafeteria.

"May magagawa pa ba ako? Eh, nakuha mo na 'yang medkit."

Napangiti na lamang siya. Lumapit ito habang hawak-hawak ang medkit. When he touched my hand, I instantly felt a flash of electricity that coming towards our fingers. Mukhang hindi niya naman ito napansin dahil hindi naman siya nag-react. Was it just a spark? Normal ba 'yon?

Napangiwi nalang ako sa hapdi nang simulan niya na itong gamutin. "Does it hurt?" he pleaded.

"Hindi naman gaano."

"Tell me if it hurts, and I'll be more gentle." bulong niya habang naka-pokus pa rin sa paggamot sa mga sugat ko sa katawan.

Ang maputi at makinis kong balat ay nabalutan na ng mga kalmot, sugat, at mga pasa.

I will make Shakira pay for manipulating every creature here. Kahit itaga ko pa sa bato.

"Hindi naman masakit. Ituloy mo lang. I'm good." I noted with an assurance tone.

His jaw clenched, "You don't deserve how they treat you, Charlie. I wish I could choke every creature in the cafeteria and make them pay."

Nag-iwas ako ng tingin nang maramdaman ang tensyon, alam kong kayang-kaya niya gawin 'yon. "Kapag ginawa mo 'yan, ikaw ang sasakalin ko. Okay lang naman ako. Maliliit na sugat lang 'yan kumpara sa natamo kong sugat galing sa mga Darkenians."

"Even if you're fine, I'll never forget how badly they treated you."

Seryosong-seryoso itong nakatingin sa akin. Napaiwas na lamang ako ng tingin.

"There's no need. I promise I'm really okay." ngiti kong usal.

Ngumiti din naman siya pabalik. "I can't promise you that. But, fine, I'm going to follow everything you asked me to."

Ilang minuto ang naging katahimikan sa pagitan namin ni Coldy. Mabuti na lamang ay natapos na siya sa kan'yang panggagamot sa 'kin kung hindi ay matutunaw ako sa ilang sa pagitan naming dalawa.

Agad akong tumayo. "I have to go... May mga gagawin pa ako." pagmamadali ko.

"Why are you such in a hurry?" kunot-noo nitong tanong.

"I j-just have to take care of s-something." I mumbled while playing it cool.

Bakit ba ako nauutal?!

Bumuntong hininga lamang siya. "Okay. I'll accompany you to your dorm." he replied with his husky voice.

Nanlambot naman ang mga tuhod ko. "Kaya ko ang sarili ko, 'wag mo na akong ihatid," malumanay kong utas. "...May mga paa ako, kita mo oh?" sabay turo ko sa dalawa kong paa.

Tinitigan niya naman ako ng maigi kaya mas lalo akong nailang. "I brought you here, so it is also my obligation to take you back to your dorm." he denoted and smirk at me.

Napabuntong hininga nalang ako. "Oh sige." tangong sambit ko.

Hindi na ako nakatanggi sa kakulitan nito! I just wanna get rid of him.

"Can you... Nonetheless, do me a favor?"

Kumunot naman ang noo ko. "Ano 'yon?"

"If I could pick you up later?" nahihiya nitong ani sabay kamot sa batok.

"Kailan ba?"

"Hmm... What time would you like me to pick you up?" he asked, so delighted.

I smirked. "Hindi mo pa nga alam kung papayag ako e."

Napayuko naman ito. "Answering my favor is not necessary. I already knew it, tss."

Nanlaki naman ang mga mata ko. "Really? What is it, then? You can't even read my mind." panlalaban ko rito.

"You will refuse to have me fetch you up... Right?" mariin niyang turan.

Napasapak nalang ako ng noo ko. Palihim naman akong natawa. Mas'yado niya akong pinapangunahan. He had no idea that I had agreed to him picking me up later.

"You're wrong, jerk." halakhak kong utas.

His frown quickly gave way to a wide grin. "So... That mean-"

Pinutol ko naman ang sasabihin niya, "I'll let you pick me up later, at 6:00 p.m. SHARP." I responded with a smile that widened Coldy's.

I don't know how to describe how I feel. Bakit sa tuwing masaya siya, masaya rin ako? Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko.

"I'd like you to know how happy you make me feel." malambing nitong tugon.

Nagulat na lamang ako nang yapusin niya ako sa kan'yang bisig. He embraced me tightly. I couldn't help but hug him back too. Hindi kalaunan ay ako na mismo ang kumalas sa pagkakayakap naming dalawa.

"Coldy... Uhh, mauuna na ako."

He nodded. "Okay, I will take you back to your dorm."

"Alright." tipid akong ngumiti.

"Grasp my arm firmly. I will use teleportation," he insisted sturdy.

Tumango lamang ako rito at ginawa ang sinabi niya. Humawak ako sa braso niya, isang segundo palang ang lumipas nang makarating na kami sa harapan ng pinto ng dorm ko.

"Salamat sa paghatid, C-Coldy."

He smiled. "Welcome. Just keep me in your thoughts whenever you need anything else."

"Mag-iingat ka." I whispered softly.

"Just for you, I'll take care of myself. And, I want that you as well..."

"Oo naman." nakangiti kong tugon.

"That's my girl. I'll come get you at 6:00 p.m. alright? Be ready." then he winked at me.

Halos magwala na ang mga demonyong paro-paro sa tiyan ko nang tawagin niya akong her girl. Bakit siya gan'un? Ano bang gusto niya? A portion of my being remains worried and anxious. Yet I don't want to be just like this because I'm having a strange feeling right now. Bakit ba ako natatakot? Saan ba ako kinakabahan?

"A-Ah, yes of course... Maghahanda ako mamaya." I assured him.

Napangiti naman ito. "Alright. I'll wait for you to enter your room so I can make sure you're safe."

"Stop over reacting, Coldy. Kaya ko ang sarili ko." malamig kong usal dito.

"Don't argue with me. Just follow." malambing nitong tugon.

I rolled my eyes. "Whatever."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at agad-agad akong pumasok sa loob ng dorm, habang nakahawak pa rin sa doorknob. Ngumiti naman ako ng malawak na pinipigilan ko kanina pa. I am unable to resist smiling while I ponder.

Bakit ako ngumingiti ng walang dahilan? Fuck it.

Mabuti na lamang ay nakapag-impake na ako kaya wala na akong gagawin pang iba. Humiga nalang ako sa kama at pumikit-pikit ng isang oras para lang malibang ko ang sarili ko. Napabalikwas na lamang ako nang may tumawag sa'kin.

"Mahal na prinsesa!" tawag sa 'kin ng isang pamilyar na boses.

Bumungad naman sa'kin ang nakangiti at nangangasar na mukha ni Blase. "Blase! Mabuti na lamang at nagpakita ka na sa 'kin, matagal-tagal na rin nu'ng huling nakita kita."

"Oo nga po, prinsesa! Kamusta naman kayo? May nakita ako kanina... Isang nakakamanghang pangyayari!" masigla nitong tugon.

"Ayos lang naman ako. Anong nga bang nakita mo?" kunot-noo kong tanong.

"Kayo po ni Prinsipe Coldy sa may punong bahay. Kitang-kita ko ang pagkislap ng dalawa niyong mga mata. Sobrang nakakakilig!"

Nanlaki naman ang mga mata ko. "Blase, magkaibigan lang kami. At hanggang doon lang 'yon." kalmado kong saad.

"Kaibigan? Halata naman ang pananabik niyo sa isa't isa. Napapangiti ka sa tuwing nagsasalita siya. Nag-iiwas ka rin ng tingin sa tuwing tinititigan ka niya, Prinsesa Charlotte..."

Napabuntong-hininga na lamang ako. "Ano ba ang gusto mong sabihin, Blase? Sabihin mo na." singhal ko.

"Umiibig ka, Prinsesa Charlotte. Halata... Halata naman sa inyong mga mata, ang mga mata ninyo ang kusang tuma-traydor sa inyo!" halakhak nitong tugon.

"Imposible. Imposible 'yang sinasabi mo. Lahat ng atensyon ko ay naka-pokus lamang sa mga responsibilidad ko. I don't have time for love. Alam mo 'yan, Blase."

"Mahirap magsalita ng tapos, prinsesa! Sige ka... Malay mo magising ka nalang sa katotohanang mahal mo si Prinsepe Coldy." mapang-asar nitong sambit.

Napasapak nalang ako sa noo ko. "If so, I will stay away from him."

"Akala mo ba madaling layuan at iwasan ang lalaking minamahal mo? Kahit anong gawin mo, hindi mo malalayuan si Prinsepe Coldy."

"Whatever, Blase. Think what you want, basta, hinding-hindi ako magkakagusto sa prinsepeng 'yon." matigas kong turan.

"Ngunit, sana ay isa puso mo ang lahat ng mga sinabi ko sa iyo... Mag-iingat ka sa paglalakbay ninyo sa mundo ng mga tao!" masiglang tugon ni Blase.

"Thank you, Blase. Humayo ka na at magpahinga." sabay haplos sa katawan nitong maliit.

Blase giggled. "Maraming salamat din, prinsesa. Ako'y babalik na sa aking tirahan. Paalam!" nakangiti niyang ani habang kumakaway-kaway pa, bigla na lang itong nawala kaya humiga muli ako sa kama ko.

Marami pa kaming pinag-usapan kanina na hindi ko na isinaisip. Maaaring bata pa lamang siya kaya ganoon na lamang ang pagkasabik niya sa babae at lalaki na nag-uusap. Ayoko siya pakinggan, mapipigilan ko naman kung mangyari man iyon.

Napahawak naman ako sa tiyan ko nang maramdam kong kumakalam ito. Napasapok nalang ako sa noo ko nang maalala kong hindi pa ako kumakain. Napagdesisyunan ko namang gumamit na lamang ng potion para hindi magutom. Madaling paraan na 'to. Wala na kasi akong choice dahil baka ma-late ako sa pagkikita naming mga Royalties kung kakain pa ako. Tiningnan ko naman ang orasan.

5:45 pm na. Hindi ko namalayan ang oras.

Nagmadali naman akong kumuha ng potion sa cabinet. Nilagok ko naman ang kulay berdeng kumikislap na likido na nasa bote. Agad rin napawi ang hapdi sa sikmura ko.

Nagmadali na rin akong nagbihis. Nadumihan na kasi ang damit na isinuot ko kanina dahil sa ginawa sa 'kin nina Shakira sa cafeteria kanina. Nagbihis na ako at nag-ayos.

Outfit: turtle neck top (Gray), leather pants & sweater, boots (Black), and belt.

I was about to leave when I realised I had forgotten where we were supposed to meet. Fuck! Hindi ko naitanong! Nakaligtaan ko ring susunduin nga pala ako ni Coldy. So stupid.

Wala akong nagawa kung hindi bumalik sa dorm. Such a waste of time. Napagpasyahan ko ring tawagin nalang si Coldy gamit ang utak ko para mas madali kasi talagang nagmamadali na ako. Konti na lamang ang oras na natitira sa akin.

"Coldy, nasan ka?" I asked through my mind.

"I'm on my way to your dorm room. Hold on..." malambing nitong tugon.

Hindi na ako umimik, bagkus, umupo na lamang sa kalapit na upuan sa loob ng dorm ko. Hinawakan ko naman ang puso ko na kanina pa kumakabog ng mabilis, hindi ko alam... Marahil siguro sa kaba... O marahil meron pang iba?

Pumasok na lamang ako sa loob dahil hindi ako mapakali. Baka sakaling mapawi 'to, baka nalalamigan lamang ako.

Naalimpungatan ako sa katok na narinig ko sa labas ng kuwarto. I stood up immediately carrying my luggage. Nang buksan ko ang pintuan ng dorm ko ay bumungad si Coldy na nakapamulsa habang naka-shades pa. Ang lakas talaga ng dating ng isang 'to.

"Are you ready? Do you need more time?" kunot-noo niyang tanong.

I arched my eyebrow. "Eh ikaw ba?"

"Well, of course. I have already gathered all of my belongings... Look..." usal nito sabay pakita ng bagahe niya na kulay-itim, we both have black luggage.

Tumango naman ako rito. "I see... So, Coldy, saan ba magkikita-kita?"

"I'm not sure. Wait for me there, and I'll ask Divina with my mind." ngiti nitong paalam at lumabas na mula sa dorm ko.

After waiting for a short while, I heard footsteps. It might have been Coldy. Bumungad naman sa 'kin ang seryosong mukha niya, napatayo na lamang ako bigla. What's wrong?

Bakit ba ako kinakabahan sa tuwing nand'yan siya?!

"Ano? Saan daw?" kunot-noong tanong ko.

Nagkibit-balikat lamang siya. "They are at the opening gate, as specified by Divina."

"What are we waiting for? Tara na, pumunta na tayo roon." mariin kong tugon. Binitbit ko na ang bagahe ko, nagulat naman ako nang hawakan ako ni Coldy sa braso at hinila papalit sa kan'ya.

"Patience, Charlie, patience..." he whispered causing a tingling sensation in me.

Halos nasa dalawang pulgada na lang ang lapit naming dalawa. My pulse raced as I felt his breath on my cheeks.

"B-Bakit?" nauutal kong tanong at bahagyang yumuko rito.

"I'll take care of your things and belongings until we get to the mortal world." Coldy pleaded. Ano pa bang magagawa ko?

Wala na akong nagawa kung hindi ibigay ang bagahe ko sa kan'ya. As soon as we left the room, every creature we saw looked at us. Ang titig nila sa 'kin ay kakaiba... Hindi pagkahanga, kung hindi, pagkamuhi...

Siniko ko naman si Coldy. "Okay ka lang ba d'yan? You look like my bodyguard." halakhak kong usal rito.

"As long as I am with you, I could care less if I am serving as your bodyguard..." he whispered and held my hand.

Hindi na ako umimik, umiwas na lamang ako ng tingin at kumawala sa kan'ya. Binilisan ko nalang ang paglalakad, ayokong makasama si Coldy dahil kung ano-ano na lang ang nararamdaman ko 'pag kasama ko siya. I really hate his guts.

Biglang naalala ko nanaman ang sinabi sa 'kin ni Blase na dapat matagal ko nang kinalimutan, it is not even necessary, given the current circumstances na kinakaharap ko ngayon,

"Prinsesa... Bakit pa pilit mong itinatago sa sarili mo? Bakit hindi mo man lang mapagbigyan ang sarili mo? Sa huli naman ay kayo pa rin ang nakatakda para sa isa't isa."

Pero hindi ngayon, Blase...

Mga katagang kahit anong pilit ko, hindi ko malimutan. Hindi ko alam sa sarili ko, maaari, pero hinahadlangan ng isip ko. Besides, I am certain that I have no sentiments towards him.

"What's bothering you?" he asked, worrying about me.

"Wala naman..."

Hindi niya ito pinansin. Instead, he unexpectedly switched my luggage to one of his hands. I only grimaced as he held two luggages in his right hand. Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ulit ang kamay ko gamit ang isa niyang kaliwang kamay.

"Personally, I believe that, you don't want to talk about it with me. But please know that I'm here for you all the time. Feel free to vent to me whenever you like." he replied softly as he tightly gripped my hand.

The students who were staring at me were taken startled when Coldy took my hand in his. Ang iba naman ay galit kung makatingin, halos patayin na nila ako sa mga titig at tingin nila.

"C-Coldy... Pinagtitinginan na tayo. Stop this." I said skeptically.

Hinarap niya ako sa kan'ya. "Pay no attention to them. I honestly don't give a damn." malamig nitong usal na nagpakaba ng buong presensya ko.

Pilit ko namang bumitaw sa pagkakahawak niya. "Don't touch me, Coldy." mariin kong saad, nakaramdam naman ako ng guilt nang biglang nag-iba ang ihip ng awra nito.

"All right. If it is what you want, then..." he mumbled.

I hissed. "I don't want attention. I think this is too much already."

O lumalayo kasi pinipigilan ko?

"Yes, I get it," aniya at binigyan ako ng kakaibang ngiti— kalungkutan.

Hindi ko na siya pinansin o nilingon pa. Ilang minuto ang naging katahimikan sa pagitan namin. Fortunately, we arrived at the school's entrance simultaneously to access the portal. Sa wakas tapos na rin ang pagtitiis ko!

The royalties were waiting for us when we arrived. To my surprise, we were the only ones who were physically inadequate. Napaiwas ako ng tingin nang kalahati sa Royalties ay masama ang tingin sa akin. Sinamaan din naman sila ng tingin ni Coldy na nagpaayos din sa kanila kalaunan.

I grabbed my luggage back from Coldy. He just stared at me— so strange. I just headed straight over to Divina. Nagulat ako nang sikuhin niya ako. "Kayo ha! We've been waiting for you and Coldy since quite some time... Talagang magkasama pa!" mariin niyang bulong sa 'kin.

"There's no big deal about it. We were just talking about something... It took us a while." I replied confidently, walang pinakitang halong emosyon.

"Make sure, Charlie. You have incurred the anger of a few Royalties. Pakiramdam nila, gumagawa ka ng paraan para malayo si Coldy kay Charlotte." seryosong usal ni Divina.

My chest suddenly felt heavy as I grasped it. Hindi ko maunawaan kung bakit. I just smiled bitterly at Divina, nginitian niya naman ako pabalik.

Pumunta na kaming lahat sa portal. Divina carries the key that allows us to enter the mortal world.

Pagdating namin ay tumatama pa ang sinag ng araw sa aming mga balat, baliktad ang oras ng mundo namin sa mundo ng mga tao.

May mga spell na ibinigkas si Divina para lamang pakawalan kami sa portal. Isang segundo lang ang lumipas at nakarating na kami agad sa kagubatan. Witchcraft is incredibly fascinating.

"Ito na ba ang mundo ng mga tao? Wala namang pinagkaiba sa mundo natin!" mabigo-bigong sigaw ni Ahri.

"Shut up, Ahri. Hindi pa natin nakikita ang labas ng kagubatan na 'to, huwag tayo mas'yadong makampante. You can't always trust a place's calming scenery..." saway ni Divina rito, natahimik naman si Ahri.

Lumapit sa 'kin si Coldy na ikinagulat ko at ng iba pang mga Royalties. Ano nanaman bang pakay niya sa 'kin? Tss. Sinamaan lang ako ng tingin ni Shakira.

Agad namang naalarma si Zoe. "Come on, Coldy! Stand next to Shakira... Baka mahawa ka sa pagkapeke ng babaeng 'yan." malditang usal nito.

Shakira went up to Coldy. "Lumapit ka sa tabi ko. Keep your distance away from that bitch." ani Shakira at pinulupot ang braso niya sa braso ni Coldy.

I merely kept my gaze away from Coldy's. Ang titig niya ay may pinapahiwatig— pag-aalala.

Shakira dragged Coldy away from me. Hindi ko na sila pinansin, sa halip ay nag-pokus nalang ako sa paglalakad. But what happened next surprised me. Malakas na hinawi ni Coldy ang braso ni Shakira na nakapulupot sa kan'ya, napatigil ang mga Royalties at nagulat din sa pangyayari. Coldy walked up to me without showing any expression.

A worried look ran across his face. "You okay?" kunot-noo niyang tanong.

Nagkibit-balikat na lamang ako. "You should be asking that to the princess. K-Kaya ko ang sarili ko." I urged and looked away.

"But—"

Sasagot pa sana si Coldy nang putulin ko 'yon. "Not a but. Stay by her side, please. She needs you." malumanay kong sambit at inilipat ang atensyon sa paglalakad.

"Still, I'd like to stick by your side. Isn't that horrible, my princess?" he whispered with the sense of sincerity.

I looked directly at him, maintaining my cold expression. "Masama... Kaya lumayo ka sa 'kin. Ayokong nasa tabi kita. You are nothing but a nasty, unpleasant, and bothersome being to me..." I muttered with irritation.

Napakagat ako sa labi ko dahil sa mga binitawan kong salita. I dislike every part of it, kailangan kong gawin 'yon para makapagpokus sa misyon ko at hindi ko magagawang pagtagumpayan kung and'yan siya.

Hindi masama. Stay with me, then, shall you? I want to be by behalf of you... You make me feel at home.

Inangat ko ang ulo ko at sinilip siya gamit ang peripheral vision ko. His eyes filled with sadness as he slowly made his way back to Shakira's side. Napangiti naman siya nang makita si Coldy na bumabalik sa tabi niya.

Napahawak naman ako ng mabigat na dinidibdib ko. Why on earth am I even experiencing this? It's emotionally torturous for me.

Napuno nang katahimikan ang paglalakad namin nang basagin iyon ni Kian. "Where are we heading? Kanina pa tayo naglalakad pero 'di natin alam kung saan tayo pupunta. We don't even have a plan of action yet."

"Oo nga 'no? Naglalakad tayo kanina pa tapos hindi natin alam kung saan tayo pupunta at anong plano natin." mariing usal ni Divina.

"I propose that we should consider recovering first before leaving on our arrival to the Manila forest. Nararamdaman ko ang pagod ng lahat. Madaming enerhiya ang sinipsip ng portal sa atin." ani Marky.

"Perhaps we all agree? Kaso... Meron lang tayong magiging problema." nag-aalanganin na sambit ni Divina.

Each and every one of the other Royalties frowned. "What is that?" kunot-noong tanong ni Kian.

"Wala tayong matutuluyan. We could book a place to stay, but as you are aware, we do not have sufficient funds. Furthermore, the currency we possess with them is different. Hindi pang-karaniwan ang ginagamit nating pamalit pinansyal." pagpapaliwanag ni Divina. Napaisip na lamang ang iba.

"Anong gagawin natin kung hindi rin naman pala tinatanggap ang mga salapi na dala natin?" tanong ni Kenneth.

"Charlie..." tawag sa 'kin ni Divina kaya naman napaangat ako sa ulo ko, pansin ko namang nakatingin silang lahat sa akin.

"Bakit? Anong problema?"

"Hindi ba't galing ka rito?" pangunguna ni Silky.

Tumango lang ako.

"This means you own a place to reside near in this area... Right?" Divina questioned eagerly.

The other Royalties gave me a glare. I just nodded.

Napangiti naman si Divina. "Ayun! Can we stay there temporarily habang hindi pa natatapos ang misyon natin?"

"Sure."

Napangiti naman si Divina. Naging maganda ang kaninang mabigat na tensyon nang magsalita si Zoe.

Tumaas ang kilay nito. "Hindi ka ba talaga magsasalita kapag hindi ka tatanungin? Gusto mo talagang pahirapan kami ano?"

"Ano ba Zoe? Nagsisimula ka nanaman. For the time being that we have somewhere to live while we are in the world of humanity, can't you just at least be grateful?" pananaway ni Divina.

"Whatever. Sabagay, 'yang sampid lang naman na 'yan palagi ang kinakampihan ninyo! None of you care about Yannie..." ani Zoe at tinalikuran kami.

Pinakinggan ko lamang sila habang mabigat ang mga naging paghinga ko sa bawat salitang may tinik na binibitawan nila sa isa't isa. If I had uttered any words or action, very likely that things would not have gotten better.

"Because you're wrong. Walang kakampi sa 'yo kasi mali ka. There is no favoritism in here. Ilugar mo ang ugali mo." malamig na saad ni Marky.

Sa halip na magsalita si Zoe, tinarayan lang siya nito. Nagkibit-balikat lang si Divina sa mga nangyayari. Shakira came up to Zoe. Here comes the manipulation again. I can't wait to rip off the princess of Darkenians' body matapos lang ako sa mga plano ko.

"Hayaan mo sila... 'Wag mo sila pansinin. Tanging si Charlie lang ang iniisip nila. Very unfair right?" mapang-uyam na sambit ni Shakira kay Zoe.

"Napakasulsulera mo talaga ano? Hindi mo away 'yan, huwag kang mangialam. You appear to be a desperate idiot bitch thirsting for attention! So do behave like a renowned princess!" pangkokompronta ni Freya kay Shakira.

"And you? You're saying that as if you're in a higher position than me? Saan ka ba nakahanap ng kapal ng mukha, huh? YOU ARE A DARKENIAN, and you will always be remain a filthy princess who was only granted royal status because they had no other option!" malakas na sigaw ni Shakira.

Kaagad namang nangitim ang mga mata ni Freya at akmang susugod na kay Shakira nang pumagitna sa kanila si Silky. "HEP! HEP! Itigil niyo 'yang away niyo na 'yan! 'Wag dito at walang battlefield dito! Masisira ang mga puno!" sigaw ni Silky at nagmamala-referee.

"Put that immature argument to rest. Wala na talaga kayong pinipiling lugar! To be calm while reprimanding seems like a simple task to you. Our behavior ought to be befitting royal lineage. Sa pinapakita niyong dalawa, you are both clearly an extremely pampered brat and possess a significant sense of entitlement!" Divina exclaimed. Nagyelo naman ang kinakatayuan niya sa galit.

Damn... She was really born to rule the Royalties!

Hinawakan ko naman ang kamay ni Divina para iparamdam na dapat na siyang kumalma. Mukhang bumalik naman siya sa sarili niya. Ang kinatayuan niya naman ay naging tubig pampataba ng lupa.

Kung hindi niya mapipigilan ang galit niya ay baka maging yelo ang buong kagubatan na ito, maraming mamamatay at mawawala na halaman, puno, lupa, at mga hayop na hindi namin pagmamay-ari.

Sa kabilang dako, pinapakalma naman ng ibang Royalties ang dalawang panig na muntikan pang gawing battlefield ang kagubatan na 'to.

Humarap naman sa akin si Divina. "Charlie, saan ba banda ang bahay mo rito para ma-locate ko? Hindi ako pamilyar sa lokasyon ng mundong kinalakihan mo." aniya.

Magsasalita na sana ako nang unahan ako ni Coldy. "No need. Hold on to one another, and I will lead you all to Charlie's where they call home." malamig na usal nito.

Sinunod naman namin ang sinabi ni Coldy. Nagkapit-kapit kaming lahat para lahat kami ay madala sa bahay ko. Mabuti na lamang ay naitago ko ang mga bagay na magpapahiwatig sa kanila na ako ang prinsesa.

Ilang segundo pa lamang ng teleportasyon namin ay nakarating na kaagad kami sa harapan ng bahay ko. Mabuti na lamang at malayo-layo ang mga kalapit na bahay nito upang wala rin akong aalalahanin.

"Nice house," komento ni Marky, ngumiti lamang ako rito. Napatingin naman ako kay Coldy na sobrang sama ng tingin.

Nalingat naman ang tingin ko nang pumalakpak at nagsisisigaw si Silky. "Wow! Anong tawag dito, Charlie? Ang astig! Puwede ba 'to kainin?" sigaw ni Silky habang tinuturo ang kotse ko.

Napasapak na lamang ako sa noo ko. Knowing na kapag wala ako rito ay handa talaga nila kainin ang kotse ko.

"We identified it as "our car." A car, short for "automobile," is a wheeled motor vehicle used for transportation. It is designed to carry passengers and typically has four wheels, although some vehicles may have more or fewer. They provide a convenient and efficient means of transportation for individuals and families, allowing them to travel relatively quickly and comfortably over long distances." pagpapaliwanag ko rito para mas lalo nilang maintindihan kung para saan ito. Baka makita ko nalang sila bukas na nginunguya ang makina at gulong ng sasakyan ko.

"So... Can that thing walk?" kunot-noong tanong ni Marky.

"Not basically walking. That thing operates by using mechanical power to propel itself forward, rather than relying on the physical movement of legs and feet like walking." tugon ko. Tumango na lamang sila na parang nakukuha ang sinabi ko.

Nakangisi naman ai Silky and Kenneth na para bang may binabalak nanamang hindi maganda. Here we go again!

"Puwede bang pahiram?"

"Huwag na. Baka mabangga niyo pa ang sasakyan ko." I replied sparingly.

Silky was about to say something when Divina preceded him. "Charlie? May we enter to rest?" kalmadong tanong ni Divina.

Tumango naman ako rito. I raised my right hand and placed it upon the entranceway. All of a sudden, nagbukas ito agad. Hindi naman nila binig-deal ang nagawa ko dahil pang-karaniwan na ito sa 'min.

Pumasok na ang iba sa loob ng bahay samantalang natira naman sina Silky, Alex, at Kenneth habang nakanguso na nagmamakaawa. Sunod na dapat akong papasok nang magkantyawan ang mga 'to. Ilan nanaman kayang pambobola ang sasabihin nila?

"Ang ganda mo ngayon, Charlie!" sigaw ni Kenneth at nilapitan ako sabay nilagyan ng bulaklak sa tainga.

I smirked. "Sus... Napitas mo lang 'yan kanina sa gubat e."

"Pero s'yempre, pinitas ko naman 'yan para sa pinakamagandang babae sa buong daigdig natin!" pagdadahilan ko.

"Oo nga, dre! Sobrang ganda talaga ni Charlie!" sabat ni Silky.

"I agree with all you both said. Charlie seems like the goddess's daughter, don't you think? Panis English!" papuring ani Alex habang proud na proud pa sa pag-iingles nito.

"Maganda ka na, Charlie. So, papayagan mo na ba kami?" Silky compelled me, while rapidly closing his eyes and pouting.

"'Wag niyo akong bolahin, I still won't let you. You're all just wasting your efforts," mapang-uyam kong saad.

Napapadyak naman si Silky sa inis at manginig-nginig pa. "Shit dre! Napakasexy talaga ni Charlie!" malakas na sigaw ni Silky.

Napalakpak naman si Alex. "As in! 'Di talaga nakakasawa ang ganda..."

"Wala talagang humpay ang ka-sexyhan at ganda mo, Charlie! Tunay na nakakabighani ang iyong pagmumukha." ani Kenneth.

Inawat naman sila ni Silky gamit ang braso. "Teka mga dre, ako muna! Alam mo ba, Charlie... Nasa iyong mga mata ang ningning ng bituin, ang iyong ngiti'y parang liwanag ng araw. Ang ganda mo talagang babae, walang katulad,
Sa bawat kilos mo, ako'y napapahanga," pagtutula ni Silky. Halos bumaligtad naman ang sikmura ko sa tula ni Silky, kahit sinong sabihan niya ng sining niya ay matatakot. "...Papayagan mo na ba kami, baby Charlie namin?" Silky pouted while making beautiful eyes.

Kenneth exclaimed, "Oo nga, payagan mo na kami, Charlie! Minsan lang naman kami magganito e!"

"You all don't know how to drive, makabangga pa kayo." malamig kong tugon.

"Makabangga? Imposible 'yan! Promise! Pag nakabangga kami, dadalhin namin si Ahri para pagalingin 'yung nabangga namin. Tapos pag nasira 'yung sasakyan, si Kian naman ang dadalhin namin. Hehe!" ani Silky.

"Oo nga, oo nga! Indeed! Napakatalino mo talaga Silky." pagsang-ayon ni Alex.

"We are not allowed to use our power unless kung liblib ang lugar. What if someone sees you?" I hissed.

"Hindi 'yan! Mag-iingat kami! 'To naman walang tiwala sa mga guwapong prinsepe..." malakas na saad ni Silky habang nakataas ang kamay.

I nodded and exhaled a release of relief, which drew a grin from each of them. "Fine. Please be careful."

Naghiyawan naman sila sa saya.

"YES! Ang sexy at ganda mo na nga, ang bait mo pa, baby Charlie!"

"Oo nga, dre!"

"Ang iyong katawan ay tahanan ng kahalagahan, bawat kurba'y obra ng kamay ng Maykapal. Ang iyong ngiti'y parang sinag ng araw, na nagpapainit sa aking pa—"

Pinutol ko naman ito. "Tama na. Naririndi na tainga ko, Silky."

Kaya pala iritang-irita rito si Zoe at Divina araw-araw. Ikaw ba naman bigyan ng malansang tula minu-minuto.

"Huwag niyo na akong bolahin diyan." pagpapatuloy ko at tinalikuran sila.

"TOTOO KAYA!"

"OO NGA!"

"AYAW MANIWALA NI CHARLIE!"

I turned my back on them and went inside. As I stepped in, I witnessed other Royalties meddling with my electric appliances. Pinabayaan ko na lamang sila. Ngayon lang sila nakakita ng ganu'n kaya sobra-sobra na lamang ang reaksyon nila. Hindi ko sila masisisi. Sumunod naman sa 'kin ang tatlong makukulit na lalaki, napatakip ako sa tainga ko nang magsisisigaw sila.

"HOY AHRI AT KIAN! SUMAMA KAYO SA 'MIN! GAGALA KAMI!" malakas na sigaw ni Silky na nagpaalarma sa iba.

Napasapak nalang ako sa noo ko. Motherfucker, nag-recruit pa talaga ang mga loko.

"HOY! SAMA RIN KAMI!" sigaw ni Corey at mabilis na tumakbo papunta sa direksyon namin.

"ULOL! 'WAG KA NA!" pabalik na sigaw ni Kenneth.

Nalipat naman ang tingin ko kay Coldy na malagkit ang tingin sa 'kin. What's the matter with him?

Hindi ko nalang 'yon pinansin at umakyat na sa kuwarto ko. Sobra akong pagod ngayon, iisipin ko pa ba kung bakit ganoon na lang siya makatingin? Manigas siya.

Fortunately, Inang Tamara and I have an expansive house that can accommodate the numerous numbers of Royalties. Madami ring mga kuwarto rito na ipinagtataka ko. Da-dalawa lang naman kami pero ang bahay namin ay pang-isang malaking pamilya na.

I went inside my room and lay down. I decided to sleep because I hadn't been able to sleep much earlier. Hindi ko namalayan na nakatulog na rin ako sa sobrang pagod.

__________________________________________________________________________________

The Long Princess. Chapter 45. Fantasy.

Continue Reading

You'll Also Like

11.1K 515 35
Si Cianzein Aera Lee, ang Bad B*tch ng Brenton University, palaging away dito away don, pero lahat ay magbabago nang dahil kay Trevor Drix Dela Vega...
31.4K 1.7K 52
Emanuella Malum, a human who has demon blood has to unleash the prophecy that has been predicted for a long time, in order to stop the evil doings of...
256K 4.8K 46
ITS ALL ABOUT THEM, THEIR IDENTITY, THEIR SKILLS, THEIR HISTORY AND THEIR WORLD. IT IS ALL ABOUT THEIR MOST HIDDEN SECRETS THAT CANNOT BE KEEP IN TOU...
2M 80.7K 70
An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adventure that would shake the world of the T...