Kabanata XII - Chapter 12

17.9K 422 4
                                    

Chapter 12- Points
Written by yeexizx

Charlie's POV

Ito na ang pinakahihintay ng lahat, ang levelling ni Coldy. Matagal-tagal na rin simula nang naganap ang levelling kaya naman sa tingin ko ay mas lumakas siya.

Tinawag na siya ng Emcee, hudyat na siya na ang susunod, maririnig mo rin ang pagkahanga ng mga estudyante, nilalang, o mapa-guro. Maraming bulungan at sigawan kaya lalo pang naging maingay ang silid.

"Ito na si Coldy!"

"Nakatingin sa 'kin si Coldy!"

"Coldy! Mahal ka namin!"

"I love you Coldy!"

"Anakan mo ako!"

Tss, akala ba nila'y magugustuhan sila ng matapobreng lalaki na 'yon?

Tumingin naman ako sa gawi ni Divina na kanina pang tawa ng tawa at parang nasisiraan na ng bait.

"What are you laughing at?" kunot-noong tanong ko rito.

Habang patagal nang patagal ay napapagtanto kong dapat ay marunong din akong makisama sa mga taong nakakasalamuha ko, pili na rin talaga ang mga taong mapagkakatiwalaan ko.

"You can't remember?" nakataas-kilay niyang usal.

"Remember what?" kalmado kong tugon rito.

Nakakabasa nga pala siya ng isip! Ang tanga ko talaga!

Sinara ko na ng tuluyan ang aking isip para na rin wala nang makabasa rito kahit kailan, hindi rin permanente ang pagsara ko ng isip noong unang araw ng pagkikita namin ni Divina dahil hindi ko pa gamay ang kapangyarihan ko.

Sinamaan naman ko siya ng tingin, hindi siya natinag at humalakhak pa.

May saltik talaga

Nakalimutan ko ring lahat pala ng Royalties ay nakakabasa ng isip, mabuti na lamang ay si Divina lang ang nakakapansin sa'kin. Kung hindi, malalaman nila lahat nang nasa isip ko.

Bumalik nalang muli ako sa pinapanood ko kaysa sayangin ang oras ko dahil sa pang-aasar ni Divina.

Nakita ko si Coldy na seryoso mas'yado para sa levelling na 'to, halata mo rito na ayaw mawala sa pagiging "Top 1" kaya nagpopokus ito at ayaw ituon ang pansin sa mga nilalang na sinisigaw ang pangalan niya.

"Fire high spikes," bulong niya at pinatamaan ang barrier ng mga patalim na hugis dagger na may apoy.

Ipinikit niya na ang kanyang mga mata at nang idilat niya ito, naging matingkad na pula ang kulay nito.

Hindi ko matanggi sa sarili ko na may itsura siya kahit papaano.

Tangina. Ano ba 'tong iniisip ko?

Nararamdaman ko ang lakas niya sa bawat paghinga niya. Natamaan naman nito ang apat na barriers sa isang spell lang. Hindi ko dapat siya minamaliit, masyado siyang malakas. Sad'yang nasa loob lang ang kulo ng lalaking 'to.

"Ability to thunder explosion!" sigaw niya at itinaas ang kanyang palad. Bigla namang sumabog ang bawat barrier ng paglakas-lakas.

Siyam ang napatumba niya sa dalawang spells lang. Literal na malakas nga talaga siya.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon