Kabanata VII - Chapter 7

23K 469 30
                                    

Chapter 7- Friends
Written by yeexizx

Charlie's POV

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa alarm clock ko, napabuga ako ng hangin sa kawalan, ang sarap pa naman ng tulog ko. Pinatay ko naman ang alarm, wala pang limang minuto, tumunog nanaman. Bullshit, wala akong choice kung hindi bumangon.

Bumungad naman sa akin si Divina na nagmemake-up .

"Charlie, kumain ka na ba?" kunot-noong tanong ni Divina.

"Not yet." malamig kong tugon.

She smiled. "Tara, kain tayo? Treat ko."

"Uhh?" napililitan kong saad.

I'm not the woman who is into those. Mas gugustuhin ko pang magmukmok sa loob ng dorm ko kaysa umalis.

Nag-pout naman siya. "Please? Friendly date lang naman e!"

Napabuntong hininga naman ako at pilit na tumango. "Okay. Wait me there." malumanay kong tugon na nagpangiti sa kan'ya.

Napangiti naman siya na abot tainga. "Sabi na at hindi mo 'ko matitiis!" masayang sigaw niya.

Imbes na tumugon sa kan'ya, tinalikuran ko siya para magpalit na ng damit. Nagbihis na ako ng damit na babagay sa korte ng katawan ko.

Outfit: Hoodie crop top, Jeans (Black), and rubber shoes.

'Di naman kasi ako mahilig mag-dress or mag-blouse katulad ni Divina kaya ito na lang ang sinuot ko.

Nakita ko naman si Divina na naka backless dress, I can't deny na maganda siya. Bumagay naman ito sa curved ng katawan niya. 

"Done checking me, Charlie?" halakhak nitong tanong.

"That's not what you think, I am just checking your dress." malamig kong usal at ngumisi naman siya.

Napatingin naman ako sa kanya na nakangisi pa rin.

"OMG, Charlie! I can't believe! Mas marami ka nang nasasabi one day palang tayong magkakilala! So what now? We're friends na ha!" masigla nitong sambit.

Napataas naman ang kilay ko. "Okay?" mapang-uyam kong saad at nagpakawala ng buntong hininga.

"Tara na nga, shopping tayo! Tapos kumain na rin tayo ng dinner 'don, let's go!" aya niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at nag-teleport na kami sa mall. Ito lang ang problema ko kapag kasama siya, ang hilig niya mang-hawak ng kamay at braso na nakakapagpailang sa akin.

"Is this a mall?" I asked.

Nalaglag ang panga ko sa ganda ng pamilihan nila. Madaming umiilaw, madaming mga salamangka at kapangyarihan ang nakapaloob. Maaari ko ring maihalintulad ito sa isang palasyo sa sobrang laki at pagkakaroon ng mga kumikinang na bagay.

"Yeah. Malaki lang talaga 'to para maging isang mall, unlike sa mundo ng mga tao na ordinaryo lang."

At dahil nga treat ni Divina, susulitin ko na.

"Saan mo gusto?" kunot-noong tanong ni Divina.

Napatingin ako sa paligid. "Bookstore."

Hindi ko nanaman maiwasan ang mga tingin na binabantayan ako dahil nga mayroon akong kasamang isang prinsesa.

Mahilig ako magbasa kaya nga may pagka-nerd ako tingnan. Pero hindi ganoon, hindi ako nerd, sad'yang mahilig lang ako magbasa ng kung ano-anong dadagdag sa kaalaman ko.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon