Kabanata XXXV - Chapter 35

12.7K 285 23
                                    

Chapter 35- Explosion


Written by yeexizx



Charlie's POV



Nagising na ako sa artipisyal na bahay na ginawa namin gamit ang aming mga kapangyarihan. Napabalikwas pa ako dahil sa ingay na naririnig ko sa labas, gising na siguro ang mga Royalties.



Bumabagabag pa rin sa'kin lahat nang nangyari sa gubat kagabi, ngunit katulad nga ng sabi ni Marky, binalewala ko na ito at hindi na inisip pang muli.



Bumangon na ako, nag-ayos muna ako nang ilang minuto. At saka lumabas sa lungga ko, bumungad sa'kin ang mga Royalties na nakain na.



Saang kaya lupalop sila naghanap ng makakain?



Umupo ako sa may tabi ni Coldy dahil 'yun nalang ang bakanteng upuan sa lamesa. Kaharap ko naman si Corey at Alex, nasa kabilaang gilid ang iba. Sa kasamaang palad, katabi ni Shakira si Coldy.



"Woah! Gising na ang pinakamamahal naming bininini! Kumain ka na, Charlie! Ako ang nagluto n'yan!" sigaw ni Silky na nagpangiti sa'kin.



"Ako nagluto n'yan, napakapabida mo talagang uod ka!" sigaw ni Kenneth.



"Anong uod!? Hindi por que Silky ang pangalan ko, uod na 'ko! Mas pabida ka nga sa akin, Kenneth the first!"



Natawa naman kami sa pag-aaway ng dalawa. "Parehas lang kayong mga pabida... Buti pa ako, hindi..." ngising ani Alex.



Amputa. Napakahangin talaga.



"Nag-away away pa kayong mga pabida! Pare-parehas lang naman kayong mga tanga!" sigaw ni Larry.



"Fuck these creatures. I'm the one who cooked it, Charlie, tss." bulong ni Coldy na nagpahalakhak sa'kin ng mahina.



"Yabang mo." halakhak kong tugon rito.



"Only yours, my baby queen..."



"Baduy ng baby queen mo..." pabiro kong bulong dito at mahinhing tumawa.



"Don't you appreciate my endearment to you?" he said with his sweet and soft tone that makes my heartbeat fast.



Ano bang ginagawa mo sa'kin at ganito ang tibok ng puso ko sa'yo?



"Letseng magka-loveteam 'to! Nagpapainggit sa harap ko!" sigaw ni Corey habang nakatingin sa'min, kumunot lamang ang noo namin ni Coldy.



"Get a room, guys... Disgusting." natatawang sinabi ni Kimmy.



"Sana lahat!" sigaw ni Divina.



"Ligawan kita, babe." malakas na usal ni Alex, bigla namang nabulunan si Divina.



"A-As if n-namang sasagutin kitang mahangin k-ka!" nabubulunang saad ni Divina.



"Choosy pa, mga pre! Iiyak ako nito, 'di pa ako nanliligaw, busted agad. Lintik!" sigaw ni Alex kina Kenneth at Silky.



"Hindi ka magugustuhan niyan ni Divina! Napakataas ng standards ng babaeng 'yan!" sigaw ni Silky.



"So, kasalanan ko pang mataas ang standards ko? Hindi ba p'wedeng napakagago lang niyang si Alexander para gustuhin ko!?" mataray nitong tugon.



"Woah! Woah! Easy! Chill lang kayo!" sigaw ng tukmol na si Silky.



"Bwisit na uod 'to! Lalong pinapalala!" sigaw ni Corey.



"Kapal mo! Buti nga may ginagawa!"



"Wala kang ginagawa d'yan, bobo ka!" sigaw ni Kenneth.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon