Kabanata XXV - Chapter 25

14.1K 310 16
                                    

Chapter 25- With...
Written by yeexizx

Charlie's POV

Naalimpungatan ako't nagising nang dahil na rin sa matagal kong pagkakatulog, naisipan ko namang paglinisin ang mga guardians ko. Ang bahay namin ni Inang Tamara ay mayroong ng mga alikabok at mga dumi-dumi sa paligid dahil matagal-tagal na rin simula nang malinis ko ito.

"Lahat ng guardians ko'y lumabas, kayo'y inaatasan ko upang maglinis ng bahay." utos ko.

Sinama ko na ang mga guardians ko dito sa modernong mundo dahil panigurado kong maiinip lang sila sa dorm ko. Halos lahat sila'y kasama ko, kaya may magbabantay ng bahay kung mayroon mang susugod na Darkenians o mayroong mangyaring masama.

Nagsilabasan naman sila na may pagkairitado sa kanilang mga mukha habang sinasamaan ako ng tingin. Hindi din nila maipinta ang kanilang mga mukha dahil sa pagkakasimangot.

"What the hell, Princess!? We're legendary guardians yet you're commanding us to clean your dirty house?" iritadong usal ni Rainasus na nagpakunot ng noo ko.

"Oh, are you complaining?" mataray kong tanong.

"Wala naman tayong pagpipilian, Rainasus." tugon naman ni Eil na nagpahalakhak sa'kin.

"Hey Charlotte, are we going to clean everything?" malditang tanong ni Rainasus.

Damn this rainbow pegasus, napakamareklamuhin.

Kung sino pa ang pinakamalakas sa kanila, 'yun pa ang pinakapilyo. Damn it.

"Of course. You all could rest after." nakangiting tugon ko sa kanila.

"If you were not just a princess, we would have abandoned you for a long time." naiiritang saad ni Rainasus, napahalakhak lang naman ako.

"But I'm the princess, so clean it up." ani ko't magrereklamo pa sana siya nang unahan ko na ito.

"Oh, what y'all do everyday? Sleep and eat all day. Ubos na ang stock food ko sa refrigerator sa dorm kasi pinagkakakain niyo. Isn't unfair?" malamig kong usal sa mga 'to na nagpalaki ng kanilang mga mata.

Akala niyo ba'y hindi ko alam na kayo 'yung umuubos ng pagkain ko? I thought it was Divina.

"Oh, whatever Princess Charlotte." aniya muli at tinarayan ako ng sobra.

Pagkatapos ng tatlong araw na pananatili ko sa mundo ng mga tao ay may napapansin akong bago kong kapangyarihan, I know that it is impossible but I can really do it.

I can duplicate things, kahit marami pa ito.

Naisipan kong i-duplicate ang isang libo sa loob ng cabinet ni Inang Tamara, umilaw ang aking kanang kamay at inisip kung ilan ang i-duduplicate kong pera. Humigit kumulang sa isang milyon ang aking nakopyang isang libo.

Hindi na ako maghihirap nito, psh.

"One million is not bad, it's enough for me to live." bulong ko sa'king sarili.

Lalabas na sana papunta sa mall upang bumili ng mga gamit nang maramdaman kong wala akong suot na kwintas na nakapagpagulat at kabado sa'kin.

My necklace is missing. Bigay 'yon ni Reyna Tamina sa'kin! Bullshit.

Damn, I'm so careless.

Inisip at inalala ko na lamang ang mga huling lugar na aking napuntahan, dadalawa lamang ang posibleng lugar kung saan nahulog ang aking kwintas, marahil sa kagubatan o sa portal. Kaagad naman akong nag-teleport sa kagubatan, halos isang oras na akong naghahanap kaya naman napagpasyahan ko nang pumasok sa portal.

Bwisit, babalik nanaman ako sa mundo ng mahika!

Nakapasok na ako sa portal at marahil ay nasa mundo ng mahika na ako ngayon, gabi at malamig ang simoy ng hangin sa dumadampi sa aking balat. Nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalaking may hawak-hawak ng aking kwintas.

"Hey, unknown creature!" pasigaw na tawag ko rito.

Lumingon siya sa'kin, bumungad naman sa'kin ang magandang mukha ng isang pamilyar na lalaki sa'kin.

Nawawala na yata ako sa sarili ko. Hell no, he's not handsome nor perfect.

"The hell, Charlie! Where have you been for the past three days!? Divina and the other Royalties were looking for you!" sigaw niya na nagpagulat sa'kin.

"I am from the mortal world." malamig kong usal na nagpagulat rito.

"Why did you go there?" nakakunot-noo nitong tanong.

Nagkibit balikat ako. "None of your business."

"It's my business and obligation to know it. All of us are worried, why did you go afar without sayi-" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Cut that crap, stop being my mother okay? I have my own life, wala nang kang pakialam do'n. I'll do whatever I want," I exclaimed.

"Damn, Charlie! Can't you not understand?" sigaw niya sa'kin.

Why are you acting like this, Coldy?

"Understand what!? Ano 'yung hindi ko maintindihan!?" sigaw ko rin pabalik.

Umigting ang panga niya. "I'M FREAKING WORRIED, CAN'T YOU SEE IT!?" sigaw niya sa pagmumukha ko na nagpabilis ng tibok sa puso ko.

Hindi ikaw 'to! Bakit ko ba 'to nararamdaman!?

"A-Ano? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

Nilalamon nanaman ako ng kuryosidad ko.

Napasabunot naman siya sa sarili niya. "Stop being so numb!"

Unting-onti ko naririnig ang mabilis na tibok ng puso ko sa bawat pagsinghap niya. Sana lang ay hindi niya din 'to marinig. Ayokong magpakita ng pagkakaba.

"Ano bang ipinapahiwatig mo!? Nalilito na ako Coldy. Bakit hindi mo ba magawang linawin!" pasigaw kong tugon. Napa-buntong hininga na lamang ako dahil nasabi ko na ang gusto kong sabihin sa kaniya kanina pa.

"N-Nevermind... Uhh... Just forget it." nauutal nitong sambit.

"U-Uhm... C-Can you give me back the necklace you are holding right now?" I commanded.

Why am I stuttering!?

Dahil na rin siguro sa awkwardness.

Ibinigay niya na sa akin ang kwintas na hawak niya't aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko, napatingin naman ako sa braso kong hawak-hawak niya.

"Where do you think you’re going?" he asked.

Malamig ko naman siyang tiningnan. "Kung saan wala ka."

"Can you answer me properly, Charlie?" lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

Ngumisi ako. "In hell, could you come with me too?" mayabang kong usal.

"If you go to hell, I would sacrifice myself just to be with you. I'll go with you no matter what." malambing niyang tugon na nagpabilis nanaman ng pintig ng puso ko. Lahat ng salita ay bumalik sa utak ko't kahit anong gawin ko ay hindi ako makapagsalita pang muli.

Nasaan na ang tapang at yabang mo Charlie!? Hindi naman ako dating ganito...

He breathed heavily. "So, can you tell me exactly where are you going? God, please Charlie."

"M-Mortal world." nauutal kong tugon.

He smiled. "Can I come?"

"What?" napakunot ang noo ko.

"I said if I could go to mortal world with you." tugon niya.

"Okay. As if I had a choice." ani ko at nauna nang naglakad papunta sa portal.

Nakarating nanaman kami sa mundo ng mga tao at sa kasamaang palad ay napapunta kami sa pinakadelikadong gubat sa mundo ng mga tao. Madami raw kasing halimaw rito na pakalat-kalat at idagdag mo pa ang madilim at mapanglaw na anyo ng gubat kahit umaga. Mabuti na lamang ay may kapangyarihan kami ni Coldy na makakita sa madilim, kaya hindi kami mahihirapan.

"Hey, idiot!" bulong na tawag ko sa kan’ya.

"Why?" nakakunot-noo nitong tanong at ibinaling ang tingin sa'kin.

"This is where the monster lives and kill people lives. We need to kill that monster, so that no one will be attacked when anyone is here." malamig kong usal.

"Okay, I make that monster out." mayabang na tugon ni Coldy sabay ngisi.

"Stupid. Being arrogant doesn't make you handsome."

"But I'm already handsome that I can no longer be arrogant." aniya at sinimaan ko na lamang ito ng tingin.

"The only way to make the monster out is to make noises." ani ko sa kan'ya at tumango lamang ito.

Nagsimula na kaming mag-ingay at magsisisigaw ng kung ano-ano, hindi kalaunan ay lumabas ang dambuhalang halimaw. Nalaglag naman ang panga namin dahil sa anyo nito.

"I think that monster have such kind of power, mag-iingat ka." I said and turned to him. He just flirty smiled. Or am I just overreacting? Whatever.

"Concern on me, huh?" mapang-asar nitong usal.

Imbes na makipag-away sa kan'ya, hindi nalang ako umimik.

Lalo pang lumawak ang ngisi niya. "Silence means yes."

"Shut up." I hissed.

Idiot, nasa laban tayo tapos puro landi lang ang inaatupag mo.

"Let's fight, I'm ready to torture that monster." arogante niyang saad.

Una siyang lumaban sa halimaw, hindi muna ako nakisawsaw dahil pinapananood ko ang maliksi nitong galaw ngunit ang halimaw ay lubhang malakas at isang sampal palang ng halimaw ay tumalsik kaagad si Coldy.

"Kaya mo pa?" nag-aalalang tanong ko.

"I-Ikaw muna ang l-lumaban sa halimaw." aniya habang nakahawak sa kaniyang tiyan na duguan. I know that he was hurt.

Tiningnan ko muna siya habang naglalakad papunta sa puno. Alam kong nasaktan siya dahil pagewang-gewang na siya kung maglakad. Pabagsak naman siyang umupo 'don habang naghihina at papikit-pikit.

That monster is not just an ordinary.

Lumapit naman ang halimaw sa'kin, umilaw ang pula kong mata at nagpakawala ng invisible air bomb upang hindi makita't marinig ni Coldy ang paggamit ko ng iba't ibang spells. Kapag nakita niya akong gumagamit ng iba't ibang spells ay maaari niya akong pag-suspetsahan na ako ang nawawalang prinsesa.

"Air blades."
"Water spikes."
"Land tornado."
"Fire blast!" matalim kong sigaw at pinaghalo-halo lahat ng spells upang malakas ang maging pwersa sa halimaw.

"Dark Buttox!" huling katagang binitawan ko. Halos mapuno na ng berde niyang dugo ang buong kagubatan dahil sa laki nito.

"Tss." singhap ko at kumuha ako ng pagkakataon upang sipain ito. Tumumba naman ang malaking halimaw na gumawa ng malakas na tunog.

Tiningnan ko naman si Coldy na nakahiga sa puno at mukhang nahimatay din dahil sa kaniyang natamo.

Malakas siya pero bakit ganito ang sinapit niya?

"Hey, sleepyhead! Wake up!" paggising ko dito habang niyuyugyog siya ngunit wala itong tugon o kahit ni-isang salitang binitawan.

Naisip ko namang umuwi na sa bahay at mag-teleport dahil hindi ko kaya buhatin si Coldy. Hinawakan ko na ang kan'yang kamay at gumamit na ng teleportasyon. Hindi kalaunan ay nakapag-teleport na din ako at nakarating na kami kaagad sa living room ng aming bahay.

"Hmm, saan ko kaya 'to ihihiga?" bulong ko sa sarili ko.

Sa k’warto ko nalang kaya 'to patulugin tapos dito muna ako matutulog sa couch?

Ugh! Whatever!

Napagpasyahan kong sa kama ko nalang siya patulugin. Binuhat ko na siya papunta sa kama ko. Napansin ko din ang malalaking berdeng ugat sa kanyang katawan at sa mukha. Hindi ito pang-karaniwang berdeng ugat dahil may kasama itong kulay-lila na parang pasa.

Anong nangyari sa lalaking 'to!?

Pinakiramdaman ko ang bawat daloy ng kanyang dugo, marahil ito'y nalason ng halimaw.

I knew it.

"Nalason ka ng halimaw! Sabi na! Mayroong kapangyarihan ang dambuhalang iyon!" pasigaw na bulong ko kahit hindi niya naririnig.

Kritikal at malala ang lagay ni Coldy, kapag lumipas ang isang oras ay dito na siya mamamatay.

Mabuti nalang ay mayroon akong kapangyarihan na katulad ng kay Ahri, kung wala ay dito na marahil mamamatay si Coldy. At... At hindi ako papayag na mangyari iyon.

Pinakiramdaman ko ang aking kapangyarihan, lumiwanag naman ng berde ang aking mga kamay pati na rin ang mga mata ko. Sinisipsip ko ang sakit na nadarama ni Coldy ngayon at inililipat sa'kin. Naramdaman ko naman ang sakit, ngunit hindi kalaunan ay humupa rin ito.. Wala na ang mga makakapal na berdeng ugat ni Coldy sa kan'yang katawan.

Tagumpay akong gamutin siya.

Hinubad ko na ang pang-taas nitong damit at napakagat ako sa labi dahil sa makisig at malaking pangangatawan ni Coldy. Mayroon din itong eight-pack abs. Sinimulan ko na itong bisihan at ramdam na ramdam ko pa din ang bango nito kahit pa pawis na pawis ito.

He's scent is kinda addicting.

"Hazel..." bulong niya. Napabalikwas ako nang mapagtantong medyo gising-gising na siya.

"Hazel..." tawag niya pang muli.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa mga pinagsasasabi niya. Aalis na dapat ako nang hilahin niya ang braso ko, and pulled me into him. Ilang pulgada lang ang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa. Konting pagkakamali lang, then I fucked up.

Inilapat niya naman ang labi niya sa'king labi na nagpalaki ng mga mata ko. Gusto kong mang pumalag pero hindi ko alam kung bakit hindi magawa ng katawan ko. Nanghihina ang mga tuhod ko at bumilis naman ang pintig ng puso ko nang maramdaman ko na ang malambot na labi ni Coldy sa labi ko.

Alam ko gusto ko din ito, ngunit hindi ko dapat ito patagalin kaya kumawala na agad ako sa aming mga halik bago pa ito lumalim.

Damn. My first kiss... Is gone.

"W-What are y-you doing!?" nauutal kong sigaw at napatayo.

Nagulat naman siya sa ginawa niya, natulala na lamang sa kawalan. Alam kong wala siya sa sarili niya dahil na rin sa pagkalason at muntik na rin ito mamamatay.

I burst with anger. "Did you know that it was my first kiss!?"

"What the hell did I just do!?" he shouted, napaiwas ako ng tingin dahil sa ka-ilangan.

"You kissed my lips, you pervert!"

"I-I am sorry, I thought you're my beloved Hazel. It was not my intention to kiss you." malungkot nitong pagkakasabi.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit may kung anong bumabagabag sa'kin, hindi ko alam kung bakit bigla na lamang bumigat ang pakiramdam ko. Siguro, dahil na rin sa pagod.

Ano ba 'tong nararamdaman ko!?

"What happened to her?" I asked. Kahit... Ayoko.

Ayokong itanong dahil ayoko manghimasok sa buhay niya pero bakit parang hindi 'yon ang sinasabi ng utak ko? At tila may iba pang dahilan... Na hindi ko alam.

"She died. Darkenians killed her. Same as your Inang Tamara." he emotionally said.

I tried to change our topic because of its awkwardness. Sapat na rin ang nalalaman ko sa babaeng mahal niya, or should I say Hazel.

"Uhh... Mag-pahinga kana, pupunta ako sa mall. Stay here and rest until you feel okay." ani ko.

Lalabas na sana ako nang magsalita siya. "C-Can I come with you? And, I can't sleep anymore."

Iiling pa sana ako nang makita ang lungkot sa mga mata ko. Napabuntong hininga ako. "Uhh... Okay. Magpalit ka na, hihintayin kita sa labas." I said.

Hindi ko na hinintay ang reaksyon at sasabihin niya nang agarang lumabas ako. Gusto kong takasan ang nangyari kanina. Sana lang, hindi niya na i-open ang topic about sa kiss. Sana.

Naisipan ko namang manood nalang ng telebisyon habang hinihintay siya ngunit wala kaming kable at hindi pa ako nakakapagbayad. Nakaisip naman ako ng solusyon na nagpangiti sa'kin ng malawak.

Wala nga palang imposible sa'kin, tss.

Mayroon akong kapangyarihan na kuryente o electricity na tiyak kong gagana kapag napunta ito sa telebisyon. Itinapat ko ang kamay ko sa telebisyon at nag-pokus. Hindi ko inaasahang gagana ang aking naisip, muli, napangiti naman ako ng malawak.

Halos limang minuto na akong nanonood, papatayin ko sana ito nang may balita na sumingit. Nagulat ako't kinakapa-kapa ko pa ang aking mga mata kung totoo ba 'yung nakikita ko.

Mayroon kaming video ni Coldy na nakikipag-laban sa halimaw. Nakita din na mayroon kaming kapangyarihan. Damn it!

"Magandang araw sa lahat ng mamamayan sa lungsod ng Maynila, ang halimaw na laging nangugugulo sa gubat ng Tabor ay wala na. Naglagay ng hidden camera ang mga pulis sa gubat in case of emergency, ngunit hindi namin inaasahan ang napanood. Hindi daw nakita ng mga pulis ang mga mukha ng dalawa dahil na rin gabi ang pangyayaring iyon at madilim. Ang mga ito daw ay mayroong kakaibang kapangyarihan kaya kaagad nilang napabagsak ang halimaw, ngunit kahit naman mayroong mga nilalang na may kapangyarihan upang tayo'y iligtas, matuto din tayong mag-ingat palagi. Maraming salamat, mga kababayan." ani ng news reporter.

Fuck, patay kami kay Headmaster nito! Sana lang, hindi makarating sa kaniya ang balitang ito kung hindi... Lagot kami.

Kami ang tinutukoy sa balita, kailangan na naming magsuot ng contact lens bago lumabas ng bahay. Kung hindi ay tiyak na pagkakaguluhan kami sa mall. And worst, kuhanin pa kami ng mga scientist para i-test.

Bwisit 'tong si Coldy, patulog-tulog lang. Mas'yadong pa-vip. Tss, ako lang lahat ang sumasalo ng mga nagiging problema namin.

Divina's POV

"Bakit nawawala sina Coldy at Charlie!?" sigaw ko sa lahat ng mga Royalties.

Itinipon ko lahat ng mga Royalties upang mapag-usapan namin ang biglaang pagkawala ni Coldy at Charlie. Apat na araw na silang nawawala, kami'y lubusan nang nag-aalala para sa kaligtasan nila.

Napasimangot naman si Silky. "Aba, malay namin!"

"Shut up, Silky! Hindi ka nakakatulong!" sigaw sa kaniya ni Zoe.

"Baka naman mamasyal lang, kayo naman." malokong usal ni Alex na nagpa-kulo sa dugo ko.

Lumapit ako sa kan’ya at sinamaan siya ng tingin. "Bullshit na pamamasyal naman 'yan! Apat na araw na silang nawawala tapos sasabihin mong namamasyal lang!? Siraulo ka ba!?"

"Chill, babe! I'm just giving some good vibes!" ngisi niyang saad.

Malakas ko naman siyang sinampal. "You're giving me some bad vibes! You're so very annoying! Presensya mo pa lang, nakakainis na!"

"Relax, Divina. They might comeback, maybe later, tomorrrow or on the next day. Wala naman silang pupuntahan kung hindi dito lang." pagpapakalma sa'kin ng aking kapatid na si Corey.

"ENOUGH! 'Wag na kayo magsisihan, walang may kasalanan kung bakit sila nawawala. Maghintay pa tayo ng one week, baka pumunta lang sina Coldy sa kanilang kaharian at isinama si Charlie. You're over exaggerated, Divina." malamig na ani Marky.

Ako pa ngayon 'yung over exaggerated? How dare him!?

"Paano kung hindi na sila bumalik!?" sigaw ni Kimmy, ang kapatid ni Coldy.

"Trust them. Trust the process, everyone." malamig na usal ni Ahri.

Tumahimik nalang ako para wala nang sisihan na maganap at baka mas lalo lang lumaki pa ang away. Napabalikwas naman kami sa pag-aalala nang may kumatok mula sa aming pintuan, tumambad sa'min ang seryosong pagmumukha ni Headmaster.

"Headmaster? Why are you here?" tanong ni Kian.

Tumingin siya sa'min isa-isa. "I have an important announcement at huwag kayo mag-alala, Charlie and Coldy are safe. Mayroon lang silang pinuntahan. Mamayang gabi, pumunta kayo sa office ko. Mayroon akong magandang balita para sa inyo at sa iba pang estudyante rito sa Arteya." pormal ani Headmaster.

"Anong goodnews 'yon? Bakit hindi mo pa sabihin sa'min ngayon, Headmaster." nakakunot-noong tanong ni Zoe.

"Para labis niyo siyang makilala. Gusto ko kapag nagkita kayo, sa maayos na lugar at hindi rito." nakangiting tugon ni Headmaster, tumango lang naman kami rito.

So, nabubuhay ang magandang balita sa'min ni Headmaster? So, it means... Nilalang ang tinutukoy niya.

Sabay-sabay kaming tumango. Napabuntong hininga lang ako. Namimiss ko na si Charlie, sana lamang ay bumalik na sila dito o makabalik ng ligtas kung saan man sila pumunta. Ayokong mawalan ng tunay na kaibigan na tulad niya.

-

The Lost Princess. Chapter 25. Fantasy.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon