Kabanata XXXVI - Chapter 36

12.9K 352 67
                                    

Chapter 36- Death


Written by yeexizx



Charlie's POV



Nag-teleport na ako papunta sa kinaroroonan ng pagsabog at sigaw ng isang babae. Nagulat ako sa nakita ko, isang babaeng duguan na malapit sa'ming mga Royalties- isa sa mga Royalties.



Si Yannie!



"Yannie, anong nangyari dito!?" pasigaw na tanong ko kay Yannie habang nangingilid ang luha ko, bumuhos naman ang iyak nito habang akay-akay ko siya sa'king braso.



"Y-Yan-" tatanungin ko na sana muli kung anong nangyari nang putulin niya ako.



"Pasensya ka na... Napag-initan kita noong nakaraang araw, nag-imbento ng k'wento si Shakira! I-Ipinalabas niyang hinalikan at inakit mo si Marky- ang lalaking mahal ko!" aniya, kasabay nu'n ang malakas na pagbuhos ng luha niya.



Duguan kana't lahat, deretso pa rin ang pananalita mo.



"N-Ngunit napag-alaman kong hindi siya ang nawawalang p-prinsesa! Isa siya sa mga prinsesa ng D-Darkenians Kingdom, pasensya ka na..." namimiyok nitong sambit habang tumutulo ang luha, pinunasan ko naman 'yon gamit ang kamay ko.



"Fuck! 'Wag mo muna alalahanin 'yon, alahahanin mo kung paano kita mapapagaling. Simula't sapul, kahit hindi ka humingi ng tawad, napatawad na kita." natataranta kong usal.



Hinawakan ko naman ang may saksak niyang sugat, ngunit pinigilan niya ako at inilayo ang kanang kamay ko. Napakunot-noo na lamang ako.



Mahigpit niya namang hinawakan ang braso ko. "H-Huwag mo nang gawin ang bagay na 'yan, alam ko namang hanggang dito na lamang ako... Pakisabi sa'king pinakamamahal na si Marky na lubos ko siyang minamahal higit pa sa buhay k-ko... Palagi siyang mag-iingat... Narinig ko si Charlotte at ang isang kawal ng mga D-Darkenians na may nag-aabang sa Kweba ng De Los Syete na higit pa sa limangpung kawal... Sana'y maging ligtas kayo..."



"Hindi! Papagalingin kita! Hindi ka p'wedeng mamatay!"



"A-Alam kong i-ikaw ang prinsesa..." nauutal niyang saad na nagpagulat sa'kin.



"A-Ano? P-Paano!?" nauutal kong tanong rito.



"Narinig ko lahat k-kanina... Mag-iingat ka, a-alam ni Shakira na ikaw ang n-nawawalang p-prinsesa..."



"Sinong gumawa n'yan sa'yo!?"



"Ang mga Darkenians, kasama si Shakira..." tipid nitong sagot.



"Pagbabayaran niya 'to! Shit!"



Sumuka naman siya ng dugo. "Paalam, Prinsesa Charlotte." huling katagang binitawan niya bago niya ipinikit ang kanyang mga mata.



"Paalam, Y-Yannie... Bubuhayin kita, bubuhayin kita sa tamang panahon. Pangako..."



Nakita ko naman ang madaming kawal ng Darkenians na nagtipon-tipon papalapit sa'kin. Nanggigil kaagad ako nang makita sila, nagsilabasan ang mga ugat sa leeg ko. Tumingkad lalo ang kulay ng mata ko. Sa sobrang galit ko, pinasabog ko silang lahat. Halos siyamnapu't Darkenians ang naging abo.



Lumapit ako kay Yannie, hinaplos-haplos ko ang buhok niya. May galit pa din ang mga mata ko. Ngunit, kailangang huwag ako magpadala sa emosyon ko.



"What the fuck happened here!?" pasigaw na tanong ni Divina, kasabay ng mga Royalties.



"si Yannie!" sigaw ni Corey.



"Yannie! Shit shit shit!" natatarantang ani Kian.



"Anong nangyari kay Yannie, Charlie!?" sigaw ni Ahri.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon