Kabanata XLV - Chapter 45

8.3K 200 26
                                    

Chapter 45 - Mission
Written by Kimi Writes

Charlie's POV

Naalimpungatan ako dahil sa lamig na dumadampi sa balat ko. Nang imulat ko ang mga mata ko, bumungad sa 'kin si Coldy na nakapikit at natutulog pa rin. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kong nakasandal ako sa balikat nito.

Napabangon ako bigla mula sa pagkakahiga, agad din naman itong nagising. Namula tuloy ang pisngi ko ng dahil sa kahihiyan.

Did I actually spend hours on his shoulder? Nakakahiya!

Agad naman akong nagsalita. "Uhh...Sorry for waking you up pero kailangan ko nang umalis."

"Why?"

"Mayroong pagkikita mamaya hindi ba?" sabay buntong hininga. "...Pupunta tayo sa mundo ng mga tao." simple kong sagot.

Napatitig naman siya sa 'kin na pinagmulan ng pagkailang ko. "It's 4 in the afternoon. It's too early for you to leave..."

"I might be bothering you. I'm leaving, Coldy." I replied with a smile.

Napa-kibit-balikat na lamang siya. "No. Please... Don't go. I despise seeing you in that situation again." he said in a melodious tone.

"A-Anong sitwasyon?" I stuttered.

"That earlier fucking situation. So if you wouldn't mind, allow me to accompany you back there." he whispered as he walked towards me.

"Even if I'm with you, they will still judge me," mapakla kong tugon.

He took my hand in his, "Stay with me, Charlie."

I rolled my eyes. "Sige. If you asked,"

He smiled as sign of relief. "Thank you... Thank you for letting me to stay with you."

"Simpleng bagay lang naman 'yan. Ang OA mo talaga, ano?" mariin kong tugon.

"It's not simple for me though." he chuckled.

Napahalakhak naman ako. "Ang babaw naman ng kasiyahan mo..."

"In terms of you."

I offered the same smile as before, "What do you mean in terms of me?"

Tumingin naman siya sa 'kin ng deretso. "You made me live again," he then took a deep breath. "...You make my life worth fighting for."

"You h-have me..." nauutal kong sagot dito habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Iwas naman siyang tumingin sa akin. Mabuti na lang, dahil kung hindi ay matutunaw na ako sa mga titig nito sa akin. What a life saver it is!

"Why? Okay ka lang? Is there a problem?"

He gasped, "Nothing. I'm just wondering if I may use this medication kit to treat and heal your wound." he asked with a thrill while taking the kit from his back.

His smile melts my heart. Maamo ang mukha niya, I never considered him to have any flaws. I never expected Coldy to be this attractive up close, kapintasan niya lamang kasi noon ang pinapansin ko.

Napatingin naman ako sa ang mga pasang at sugat na hindi ko pa napapagaling. Paano kaya kung si Coldy nalang ang gumamot sa mga sugat ko? Tanging ang hiwa ko lamang kasi sa pisnge ang napagaling ko kanina sa cafeteria.

"May magagawa pa ba ako? Eh, nakuha mo na 'yang medkit."

Napangiti na lamang siya. Lumapit ito habang hawak-hawak ang medkit. When he touched my hand, I instantly felt a flash of electricity that coming towards our fingers. Mukhang hindi niya naman ito napansin dahil hindi naman siya nag-react. Was it just a spark? Normal ba 'yon?

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon