Kabanata XXVII - Chapter 27

13.1K 335 16
                                    

Chapter 27- Back


Written by yeexizx



Divina's POV



Kasalukuyan akong naiinip, miss na miss ko na sina Charlie at Coldy. Wala akong ibang mayaya sa galaan kung hindi si Charlie. Limang araw na ang nakalipas simula nang hindi na namin mahalagilap kung nasaan sina Charlie at Coldy. Si Charlie lang kasi ang bukod tangi kong ka-close. Iba pa din ang kaibigan syempre, but 'yung relasyon namin ni Charlie? Parang magkapatid na kami.



"What are you thinking?" bungad na tanong ni Alex na ikinairita ko. Bwisit, presensya niya palang, naiinis na 'ko!



"Anong pakialam mo?" iritado kong tugon.



Umiling siya. "Ah... Wala... Uhh, Divina? May tanong ako."



"What?" mataray kong tanong.



Napabuntong hininga ito. "Uhh, nevermind." tumayo na siya at mabilis na umalis sa harapan ko.



Siraulo.



Naghanda na ako para sa pagpasok namin sa school dahil makikita na namin ang matagal na naming hinahanap na si Charlotte, ang nawawalang pinakamalakas na prinsesa.



"Ready na ba kayo guys?" masiglang tanong ni Zoe.



"I'm nervous. I hope she's the one." kinakabahang usal ni Alex.



"Hindi ba... Ang nawawalang prinsesa at si Coldy ay magkakonektado?" kunot-noong tanong naman ni Marky.



Tumango ako. "Yes, why?" nakakunot-noo kong tanong rito.



"What if we ask her about Coldy? Kung nasaan si Coldy ngayon?" ani Marky at napa-isip naman ako sa sinabi nito.



Oo, tama. Kahit pa sabi ni Headmaster na ayos lang sila, hindi pa rin matahimik ang isip ko.



"Yeah. I think we should ask her later." malamig kong tugon.



Nagsilabasan na ang mga Royalties mula sa aming dorm, lalabas na sana ako nang may marinig akong nag-uusap sa loob.



"Kung ako sa'yo aminin mo na kay Charlie kung anong nararamdaman mo para sa kan'ya. Alam ko namang kaya ka nag-suggest kanina na ipahanap kay Charlotte si Coldy dahil alam mong magkasama sila ni Charlie." panghihikayat na sambit ng isang lalaking boses na kilalang-kilala ko.



"I'm scared. I'm afraid that she might avoid me, once I confess my feelings for her." malungkot na tugon ng lalaki.



Napabalikwas ako at umalis na doon nung naramdaman kong papalabas na sila. Usapan ni Kenneth at Marky, gulong-gulo na ako sa aking mga nalalaman. Hindi na ma-absorb ng utak ko lahat. Paano nagustuhan ni Marky si Charlie? E', masyadong tahimik ang babaeng 'yon.



Marky is secretly inlove with Charlie.



Pumunta na ako sa room ng mga Royalties ngunit wala pa ring Charlie at Coldy ang bumulaga sa amin. Sobrang nag-aalala na kami para sa kanilang dalawa, kahit naman sabihin mo na malalakas sila'y hindi pa din mawawala ang kaba na nararamdaman namin para sa kanila.



Nandito na kami lahat at naghihintay nalanh na ipakilala sa'min ang nawawalang prinsesa, pumasok na si ma'am ng mayroong ngiti sa kaniyang labi.



"Royalties, ngayon ay matutunghayan at makikilala niyo na ang matagal niyo nang hinahanap at hinihintay. Matagal-tagal na panahon na rin siyang nawala dahil sa pagsugod ng mga Darkenians. Meet Princess Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette!" pasigaw na saad ng aming guro at ngumiti ng malapad.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon