Kabanata IX - Chapter 9

18.5K 425 12
                                    

Chapter 9- Regrets
Written by yeexizx

Charlie's POV

Kasalukuyang nandito ako sa cafeteria kasama 'tong Marky na 'to. Dinadaldal pa rin ako ng kung ano-ano, kahit hindi naman ako interesado sa mga pinagsasabi niya sa akin.

"Kung hindi mo mamasamain, kailan ba tatahimik 'yang bunganga mo?" malamig kong tanong dito.

Sa halip na madismaya ay tumawa siya ng pagkalakas-lakas. "Ikaw lang ang pinakaunang babaeng nagsabi sa'kin n'yan, alam mo ba 'yon? Alam mo bang lahat ng babaeng nakakasalamuha ko ay naaaki-" nakangisi niyang usal pero pinutol ko ang sasabihin niya.

"Hindi ako interesado kung madami ka nang babaeng naakit sa buong buhay mo. Wala akong pakialam." 

Tumawa naman siya ng bahagya. "Okay, chill! Basta, totoo 'yang sinasabi kong madami na akong naaakit na babae dahil sa taglay kong ka-gwapuhan!"

Magsasalita pa sana ako nang magsalita ang Emcee sa isipan namin, inutusan niya na kaming pumunta na sa levelling room. Dali-dali akong tumayo at pumunta sa levelling room. Naramdaman ko namang nakasunod pa rin sa'kin si Marky, kaya naman tumalikod ako at sinamaan siya ng tingin. Ibinaling ko ulit ang atensyon ko sa paglalakad ko.

Hindi kalaunan, nakarating na ako sa levelling room, madaming nilalang at nakahirera naman sila base sa kanilang mga ranggo at seksyon. Nandito na ang lahat kaya nagsalita na si Headmaster.

"May I get all your attention please students?" pagtatahimik niya sa'min.

"Ngayon na magaganap ang levelling ng bawat estudyanteng nag-aaral dito sa paaralan ng mahika, kaya kung anong matatanggap mo ay ito'y nakabase sa magiging seksyon mo." pahabol niyang sambit.

Nagsigawan naman ang mga nilalang na nandito sa sinabi ng emcee, ang iba naman ay sobrang excited na para sa levelling.

"Okay, ipapaliwanag ko sa inyo ang lahat, first of all gusto ko lang batiin ang lahat ng mga top noon." nakangiting usal niya sa mic at nagsipalakpakan ang lahat.

"Ito na ang mga nilalang na nakatungtong sa top 15 sa levelling noong last levelling na naganap. Uumpisahan muna natin sa pang-labing-limang ranggo." ani Headmaster.

"Top 15, Prince Larry!"

"Top 14, Prince Corey!"

"Top 13, Princess Yannie!"

"Top 12, Princess Zoe!"

"Top 11, Prince Kian!"

"Top 10, Prince Silky!"

"Top 9, Prince Kenneth!"

"Top 8, Princess Trisha!"

"Top 7, Princess Ahri!"

"Top 6, Princess Freya!"

"Top 5... Princess Kimmy!"

"Top 4, Princess Divina!"

"Top 3, Prince Marky!"

"Top 2, Prince Alexander!"

"At ang panghuling kilala ng lahat dahil sa kanyang lakas at kasisigan, idagdag na rin natin ang pagiging Top 1 nito..."

"Prince Coldy!" masiglang sigaw ni Headmaster na nagpahiyaw sa mga nilalang dito.

Napasimangot ako nang marinig ang pangalan ng mayabang na lalaki na 'yon.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon