Kabanata XVII - Chapter 17

15.7K 378 5
                                    

Chapter 17- Ball
Written by yeexizx

Charlie's POV

Tuluyan na akong nagising dahil sa ingay ng alarm clock ko. Napagdesisyunan kong pumunta na sa Comfort Room, nahagip ng mga mata ko ang aking mukha. Tinanggal ko ang maskara ko at tinitigan maigi ang mukha ko.

"Maganda ako, bakit ko naman itinatago 'to sa maraming nilalang? Tiyak bang walang matatakot sa'kin?" mahinang bulong ko sa aking sarili.

Ngumiti naman ako sa salamin. "Sana walang matakot sa'kin mamaya. Sana."

Nagsimula na akong magluto ng p'wedeng lutuin na nasa refrigerator. Hindi kalaunan, natapos na akong magluto at kumain na ako upang may lakas ako mamaya, siguradong mapapagod ako nito, naka-heels pa naman.

Ang arte, nakakabwisit.

Pumunta na ako sa salamin at nakitang nag-iba ang kulay ng aking mga mata. Dati, purong pula ito, ngayon ay naging ginto't pula na ang kulay nito.

"Wala naman 'to kanina, ah? Bakit ngayon lang lumabas?" bulong ko.

"Wala naman 'to kanina, ah? Bakit ngayon lang lumabas?" bulong ko.
  
Hindi naman ito big deal sa'kin at hinayaan nalang ito. Naligo na ako ng mabilisan at baka mahuli pa ako sa Arteya Ball. Hindi kalaunan, natapos na ako sa pagligo. Isinuot ko na 'yung gown at heels.

Nakikita na 'yung cleavage ko sa gown!

"Damn!" mura ko sa sarili ko.

Isa lang ang kilala kong gagawa nito...

"DIVINA!" sigaw ko kay Divina.

"Bakit, binibini?" nakangisi nitong usal habang mayroong namumuong ngiting aso sa labi niya.

"What the hell did you do to my dress? Look, my cleavage... Damn you, Divina." iritado kong sambit.

Hindi niya ako pinansin, ngumisi lamang siya bago mag-teleport. Nakaayos na din siya, sa tingin ko, pupunta na 'yon sa gymnasium.

I really hate her. Lagi na lang ako iniinis!

Isinuot ko na 'yung gown ko. Sumakto naman ito sa hubog ng katawan ko at sa malaki kong dibdib. Napagdesisyunan ko na ding kapalan ang makeup na ilalagay ko sa aking mukha. Hindi ko na rin muna isusuot ang kwintas na bigay sa'kin ni Inang Tamara at ni Ms. Cecil.

"I'm ready, finally." ani ko at nagpakawala ng buntong hininga.

Alam kong nandoon na silang lahat, kaya naman nag-teleport na ako papunta sa gymnasium kung saan gaganapin ang Arteya Ball. Hindi kalaunan ay nasa likod na ako ng gymnasium. Nakita kong kumpleto na ang mga Royalties. Tinitigan ko sila isa-isa at masasabi kong ang elegante ng mga Royalties ngayon, ngunit mayroong lalaki ang mas nakapukaw kaagad ng atensyon ko.

Si Coldy...

Narinig ko naman ang mga pinag-uusapan ng mga Royalties, hinahanap na ako ng ibang Royalties.

"Divina, nasaan na ba si Charlie? Excited na akong makita siya!" sigaw ni Ahri.

"P'wede ba? Maghintay ka na lang? May ginawa akong kalokohan sa ball gown nu'n!" humalakhak naman siya.

Letche ka, Divina.

"Anong kalokohan?" kunot-noong tanong ni Marky.

"Ginupit ko 'yung lower part ng gown niya, 'yung cleavage ba. Hihihi!" masigla niyang sambit na para bang masaya pa siya sa ginawa niya.

Nagulat naman ang ibang Royalties at mga estudyante nang hampasin ni Coldy ang lamesa ng malakas, kahit ako ay nagulat.

"What did you do to her gown?" matalim na tanong ni Coldy.

"Ginupit ko 'yung gown niya para maipakita 'yung cleavage niya. Why are you mad, Coldy?" mapangasar na tugon ni Divina.

"Nothing..." nakayukong usal ni Coldy habang nakayukom ang kamao.

"Ang tagal naman ni Charlie! Nasaan na ba siya!?" sigaw ni Zoe.

"Oo nga, nasaan na ba 'yung babaeng 'yon?" kunot-noong tanong ni Freya.

"I want to see Charlie na!" sigaw ni Trisha.

Lumingon-lingon naman si Divina na para bang may hinahanap, hindi kalaunan ay nahagip niya ang kinaroroonan ko. Lumapit naman siya sa gawi ko at sumigaw.

"Oh? Anong ginagawa mo d'yan? Lumabas ka, Charlie! Madami nang naghihintay sa'yo." malakas na usal niya.

"N-Natatakot ako." nauutal kong bulong rito.

"Bakit naman?"

"Natatakot ako... Kasi baka katakutan niyo din ako." kinakabahang tugon ko.

"Hindi ka namin kakatakutan, kaya magpakita ka na! Pagbilang ko ng limang segundo at hindi ka pa lumabas d'yan, isisigaw ko sa mic 'yung pangalan mo para lumabas ka lang d'yan sa lungga mo!"

"Isa!"

Hanep! Anong gagawin ko...

"Dalawa..."

Tulungan niyo ako...

"Magpakita ka na... Magtiwala ka lang sa sarili mo." bulong sa'kin ng hindi ko alam kung anong nilalang.

Napakunot naman ang noo ko. "Sino ka?"

"Ako ang partner guardian mo!" masigla niyang pagpapakilala.

"Tatlo!"

"Anong pangalan mo?" tanong ko naman rito.

"Ikaw na ang bahalang magpangalan sa'kin, mahal na prinsesa..." masaya niyang ani.

Ngumiti ako rito. "I want to name you... Blase."

Maliit lamang si Blase na para bang taong-alitaptap na lumilipad at umiilaw.

"Apat't kalahati!"

"Maganda po iyon! Maraming salamat po! Lumabas na kayo at magpakilala! Huwag niyo pong kakalimutan na lumabas! Salamat po ulit!" masigla niyang tugon.

"Lima!" sigaw pa ni Divina, akmang kukunin niya na ang mic nang lumabas ako.

Tumingin sa'kin ang lahat, pati ang mga Royalties at mga estudyante. Pinipigilang kong mahiya. Lumapit ako sa gawi ni Divina. Halos malaglag naman ang panga niya nang tinitigan niya ako.

"C-Charlie?" nauutal na tanong ni Divina.

"Uhh... Yes?" nagulat ako nang yakapin niya ako.

"Halika! Pumunta na tayo sa table namin, panigurado akong hindi ka nila makikilala! Natotomboy ako sa'yo!" malakas siyang tumawa, humiwalay na din siya pagkakayakap.

Lumapit na kami sa lamesa ng mga Royalties, nakikita ko pa rin ang gulat at pagkamangha sa mga mata nila.

"Wah! Ang ganda niya huhu! Sana ako din!" namamanghang sigaw ni Ahri.

"The heck? Sino 'yan, Divina?" pasigaw na tanong ni Freya.

Seryoso, hindi nila ako nakikilala?

"Sabi sa'yo e', hindi ka makikilala ng mga 'yan. Mga OA pa!" bulong ni Divina sa'kin at mahinang humalakhak.

"Wow! Ang ganda mo!" nakangiting usal ni Yannie.

"Wow, you look beautiful..." kalmadong saad ni Kimmy.

"Ang ganda mo, miss..." malanding ani Silky, kinagat niya naman ang labi niya. Nasapak naman siya sa mukha ni Zoe.

Landi pa!

"Naliligaw ka ba, miss?" maharot na tanong naman ni Alex at kumindat.

Magkapatid kami for Pete's sake.

Marami pang mga positibong komento ang sinabi ng mga Royalties na nagpagaan ng loob ko. Napatigil naman ang ibang mga estudyante na nakatitig lang sa'kin at halos wala nang masabi.

"Sino ka nga pala, miss?" tanong ni Kian.

"Hoy Divina! Nasaan na ba si Charlie!? Ang tagal naman nung babaeng 'yon!" pasigaw na usal ni Zoe.

"Hey... I am Charlie." mahina kong saad na nagpagulat sa kanila.

"Weh!? Hindi ka si Charlie! Kung saan ka man nanggaling na lugar, inuutusan kitang bumalik sa iyong pinanggalingan!" sigaw naman ni Ahri.

Bullshit.

"Proof that you're Charlie, huh?" pagtataray ni Freya.

"Mga bugok! Si Charlie 'yan." nakangiting usal ni Divina at humalakhak.

Napabuntong hininga ako. "I am from mortal world. Okay?"

Mga siraulo 'tong mga 'to, halata naman akong si Charlie e'. Mas'yadong ignorante.

"CHARLIEEE!!!" sigaw ng mga babaeng Royalties at dinambahan ako ng yakap.

"H-Hey... I-I c-can't breathe!" sigaw ko sa kanila, sabay-sabay naman silang humiwalay sa pagkakayakap.

"You're so beautiful tonight..." ani Marky at ngumiti.

Napangiti na lang ako rito.

"Unique..." ani Coldy.

Isang salita lang ang sinabi niya pero milyon-milyon ang impact sa'kin. Bakit ganito?
Naramdaman ko naman ang pag-init ng pisnge ko.

Umupo na kami at nakinig sa mga pinagsasasabi ng Emcee. Nararamdaman ko pa rin ang titig ng mga nilalang sa'kin lalong-lalo na si Coldy, pinipilit ko nalang na hindi pansinin.

"Good evening, ladies and gentlemen. It is an honour to be your Emcee again. I'd like to congratulate our Arteya Ball Committee that has done another splendid job. And I'd particularly like to congratulate our debutantes and their partners without whom there would be nothing to celebrate tonight. Thank you to each and every one of you for being here with us today. We are pleased to be able to welcome those of you that have been with us for years now as well as those of you who are new to the Arteya School. I hope everyone would enjoy every moment of happiness. Thank you." masiglang sambit ng Emcee, pumalakpak naman kami.

"Ang unang gaganapin ay ang ball dance, everyone is allowed to dance and to party. There are foods and drinks that present on this ball. Students are allowed to eat and drink. 'Yun lang, maraming salamat." pahabol nitong saad.

Ginanap na ang ball dance, s'yempre wala naman akong alam sa sayaw kaya napagpasyahan kong sa isang tabi na lang at umupo sa isang tabi. Balak kong hintayin na matapos ang ball bago ako umuwi.

"Miss, can I dance with you?" pormal at nakangiting usal ng lalaking hindi ko naman kakilala.

Hahawakan niya na sana ang kamay ko nang hawakan ng isang pamilyar na lalaki ang braso niya at pabagsak nitong nilayo ang kan'yang kamay.

"Don't touch her, I am her partner. Stay away from us." malamig na usal niya, nagulat naman ako nang mapagtanto kung sino 'yon.

"O-Okay po... S-Sorry po." utal-utal na tugon ng lalaki at mabilis na umalis papalayo sa gawi namin.

"I wanna ask you..." umigting ang panga niya. "Can I dance with you, Charlie?" nakangiting pagyayaya niya na nagpakaba sa'kin ng sobra.

*DUG* *TUG* *DUG* *TUG* *DUG* *TUG* *DUG*

Why do I feel this shit when you're around me?

-
The Lost Princess. Chapter 17. Fantasy.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon