Kabanata II - Chapter 2

30K 687 20
                                    

Chapter 2- Suffered

Written by yeexizx

Tamara's POV

Paglipas ng labing-pitong taon...

Narinig ko ang pagkausap sa'kin ni ina sa'king isip. Hindi ko pa din nakakalimutan ang mga salita na kan'yang tinuran kahit ilang dekada pa ang lumipas.

"Anak, nasa labas ang prinsesa, alagaan mo siya, sapagkat hinabilin siya sa'kin ng mahal na reyna. Nawa'y naibigay ko ito sa may mabuting puso, huwag mo itong papabayaan bagkus turuan mo siyang lumaban. Ilayo mo siya sa mga Darkenians, sapagkat siya ang magliligtas sa mga nilalang na naninirahan sa mundo ng mahika. Hanggang dito na lamang ako, salamat mahal kong anak." emosyonal na usal ni ina sa isipan ko.

Kaagad naman akong lumabas at nakita ko nga na may sanggol sa harap ng pintuan ng bahay ko, ito na siguro ang sinasabi sa'kin ni ina na prinsesa. Nangako ako sa sarili ko na papalakihin ko siyang mabuti at mayroong busilak na puso.

Na-diskubre niya na din ang kanyang mga kapangyarihan noong sampung taon siya, mahina pa ito ngunit unti-onti itong nalakas. Konting panahon nalang ay dadalhin ko na siya sa kan'yang pinanggalingan, papaaralin ko na rin siya sa isang makapangyarihang akademiya roon.

Lagi ko itong tinuturuan na makipaglaban at matutong gumamit ng kapangyarihan. Palagi rin siyang nag-tetraining, minsan nga ay mag-isa nalang din siyang nag-eensayo. Pinawalang bahala ko nalang 'yon, sapagkat alam kong kaya niya nang mag-isa at malaki ang tiwala ko sa kung paano ko pinalaki ang anak ko.

Pinangalanan ko siyang Charlie Lany Lotte, inilapit ko ito sa kan'yang totoong pangalan na Charlotte.

Sana lamang ay hindi matuloy ang nasa propesiya.

Sana.

Katapusan ng pagbabalik alaala.

Charlie's POV

Napabalikwas naman ako nang buhusan ako ng malamig na tubig ng matandang 'to.

Bwisit talaga 'tong lola ko na 'to!

Alam niyo ba kung bakit lola ang tawag ko sa kan'ya? Dahil tinatawag niya akong "baby" paminsan-minsan, s'yempre babawi ako. Malamig naman talaga ang pakikitungo ko at walang pakialam sa mundo, maliban na lamang kung ang kausap ko ay ang pinakaimportanteng nilalang sa buhay ko, si Inang Tamara.

"Ano ba 'yan, Lola! Natutulog pa 'yung tao!" sigaw ko rito

"Nakakalimutan mo bang hindi ka tao!? Magbihis ka na, may pasok ka pa!" pang-aasar nito.

Napasimangot ako nang sabihin niyang hindi ako tao, all these years, all I want is to be a normal person. Wala na akong mahihiling pa. Gusto ko na simple lang ang buhay ko katulad ng ibang tao. Ang hirap lumaki na wala man lang kaibigan dahil sa ganito ako.

"Anong klaseng panggigising 'yan!? Alas-kwatro palang! Alas-syete pa pasok ko!" sigaw ko rito.

"Mag-tetraining tayo bago ka pumasok 'di ba? Kaya bumangon ka na d'yan. Go! Go! Go!"

Napilitan akong maligo, kumain na rin ako. Pagkatapos kong gawin lahat ng everyday routine ko ay may pinindot akong button sa bookshelf ko, may lumalabas naman na elevator doon kaya pumasok na ako.

Tumingin ako sa paligid at makitang wala siya na ikinasimangot ko.

Bakit pinapunta niya na kaagad ako!? Sayang ang pagmamadali ko!

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon