Kabanata XXII - Chapter 22

14.5K 343 3
                                    

Chapter 22- SGS
Written by yeexizx

Charlie's POV

Nagising ako nang dahil sa sinag ng araw na tumatama sa'king mukha, kaya dali-dali akong bumangon para magluto na ng umagahan ko.

Hanggang ngayon ay nagtsatsaga pa din ako sa masikip na dorm na ito, sapagkat ayokong lumipat sa dorm ng mga Royalties. Ayokong mapalapit sa kanila.

Once na umamin ako na ako ang prinsesa, alam kong manganganib silang lahat, pati na rin ang ibang mga estudyante.

Nagsisimula ng maghasik ng lagim ang hari ng Darkenians, lagi kong nararamdaman na mayroong paparating na panganib na mangyayari.

Nagluto na ako ng aking kakainin. Kumain na ako, hindi kalaunan ay natapos na din ako sa pag-kain ko. Gumamit nalang ako ng mahika upang hugasan ang aking pinagkainan dahil ako'y nagmamadali.

Naligo muna ako, pagkatapos ng tatlongpung minuto ay natapos din ako. Naglagay na din ako ng light makeup, ipinuyod ko na ang mahabang buhok ko. Isinuot ko naman 'yung ibinigay ng bata sa'kin kaninang umaga.

Ang igsi nga...

"Drade at Bluse, lumabas kayo mula sa inyong mga brilyante." malamig kong usal, lumabas naman sila sa aking palad na lumiliwanag.

"Simula ngayon ay kayo na ang magbabantay sa dorm ko, kapag may naramdaman kayong kakaiba ay maging alerto kayo. Kapag naman masasamang nilalang ang pumunta rito ay walang ano-ano'y inyong patayin. Kung ito naman ay may mabuting kalooban ay huwag niyo itong papaslangin, humayo na kayo upang magbantay." utos ko sa mga 'to, tumango naman sila.

Napagpasyahan ko din na tatlo lang ang aking ilalabas mamaya sa seal guardians.

Sina Eil, Rainasus, at si Niked.

Alam kong may limang guardians si Coldy dahil nga sya'y malakas. Lumabas na ako mula sa aking dorm at dumiretso lang ulit sa gymnasium upang simulan ang seal guardians. Nakita ko namang naka-hilerang nakaupo ang mga Royalties sa bench. Nakita naman nila ako't tinawag. Pumunta na ako doon sa bench at umupo na, nahuli ko namang tinititigan ako nina Coldy at Marky ngunit umiiwas sila sa tuwing ako'y tumititig din sa kanila.

They're both weird.

"Ngayon ay matutuklasan natin ang mga guardians ng iba't ibang mga estudyante. Magsisimula muna ito sa Beginner section, sunod ay sa Emergence section, sunod naman ay Rare section at ang pang-huli ay Royalties section." ani ng Emcee.

Nagsimula na ang seal guardians, nauna na ang Beginner section. Ang lumalabas lang na mga Guardians sa mga estudyante na hindi Royalties ay mga purong normal na mga hayop lamang.

Hindi mawawala sa'kin ang pagkakaba, tss.

Nandito ang mga reyna at hari mula sa iba't ibang kaharian na nagpakaba lalo sa'kin, lalo pa't nandito din ang mga nilalang na nagsilang sa'kin.

Ang aking mga magulang...

Ang mga reyna at hari ay umupo na sa kanilang trono. Nagsimula na ang seal guardian, dalawang oras nang matapos ang seal guardian summoner ng Beginner section. Tatlong oras naman sa Emergence section at apat na oras naman sa Rare section. Nagpakitang gilas naman ang mga estudyante sa iba't ibang seksyon para lang sila'y mapuri.

Hindi kalaunan ay natapos na ang seal guardian summoner ng iba't ibang seksyon. Dumating na ang pinaka-hihintay ng lahat. Ang paglabas ng mga guardian ng mga Royalties.

Tinawag naman si Kian, hudyat na siya ang pang-unang maglalabas ng guardians. Naglakad na siya papunta sa gitna at nagpokus.

Unti-onting may lumabas na liwanag galing sa kan'yang kamay. Lumabas naman ang dalawang kulay-rosas na mga ahas. Imbis na katakutan ay masasabi kong ito cute dahil may mga pakpak ito. Umalis na si Kian sa gitna nang may ngiti at bumalik na sa bleacher na kan'yang kinakaupuan.

"Wow! Ang ganda ng iyong ipinakita, Prinsepe Kian. Congratulations! Dalawang kulay rosas na ahas na mayroong pakpak!" sigaw ni Emcee at nagpalakpakan naman ang mga nandito sa gymnasium.

Tinawag naman si Larry, hudyat na siya na ang pangalawang maglalabas ng guardians. Naglakad na siya papunta sa gitna at nagpokus.

Lumiwanag ang kan'yang palad at mayroong lumabas na tatlong sireno at sirena mula sa kanyang palad. Masasabi kong maganda at gwapo ang mga sirena't sireno na kanyang inilabas. Umalis na si Larry sa gitna nang may ngiti at bumalik na sa bleacher na kan'yang kinakaupuan.

"Wow! Ang rikit ng iyong ipinakita, Prinsepe Larry. Congratulations! Tatlong sirena't sirenong maamo tingnan!" sigaw ni Emcee at nagpalakpakan naman ang mga nandito sa gymnasium.

Tinawag naman si Marky, hudyat na siya ang pangatlong maglalabas ng guardians. Naglakad na siya papunta sa gitna at nagpokus.

Lumiwanag ang kan'yang palad at lumabas rito ang metal man, halos ang katawan nito ay
kulay-silver na matingkad. Umalis na si Marky sa gitna nang may ngiti at bumalik na sa bleacher na kan'yang kinakaupuan.

"Wow! Ang bangis ng iyong ipinakita, Prinsepe Marky. Congratulations! Isang metal man na matingkad!" sigaw ni Emcee at nagpalakpakan naman ang mga nandito sa gymnasium.

Tinawag naman si Kuya Alex, hudyat na siya ang pang-apat na maglalabas ng guardians. Naglakad na siya papunta sa gitna at nagpokus.

Nagliwanag naman ang kan'yang palad at lumabas rito ay ang kulay-abo na lobo na may dalawang ulo at isang katawan. Masasabi kong maamo tingnan ang guardian niya. Umalis na si Alex sa gitna nang may ngiti at bumalik na sa bleacher na kan'yang kinakaupuan.

"Wow! Ang ganda ng iyong ipinakita, Prinsepe Alex. Congratulations! Isang kulay-abong lobo na may dalawang ulo!" sigaw ni Emcee at nagpalakpakan naman ang mga nandito sa gymnasium.

Tinawag naman si Trisha, hudyat na siya na ang pang-anim na maglalabas ng guardians. Naglakad na siya papunta sa gitna at nagpokus.

Nagliwanag naman ang palad ni Trisha at lumabas rito ang kulay-dilaw na bakunawang umiikot-ikot pa sa kan'ya. Umalis na si Trisha sa gitna nang may ngiti at bumalik na sa bleacher na kan'yang kinakaupuan.

"Wow! Kaakit-akit ang iyong ipinakita, Prinsesa Trisha. Congratulations! Isang dilaw na bakunawang umiikot-ikot pa!" sigaw ni Emcee at nagpalakpakan naman ang mga nandito sa gymnasium.

Tinawag naman si Kenneth, hudyat na siya ang pang-anim na maglalabas ng guardians. Naglakad na siya papunta sa gitna at nagpokus.

Lumiwanag ang palad ni Kenneth at lumabas rito ang tatlong halimaw sa kaniyang tabi na
kulay-itim, kayumanggi, at pula. Umalis na si Kenneth sa gitna nang may ngiti at bumalik na sa bleacher na kanyang kinakaupuan.

"Wow! Nakakabighani ang iyong ipinakita, Prinsepe Kenneth. Congratulations! Tatlong halimaw na kulay itim, kayumanggi, at pula!" sigaw ni Emcee at nagpalakpakan naman ang mga nandito sa gymnasium.

Tinawag naman si Kimmy, hudyat na siya ang pang-pitong maglalabas ng guardians. Naglakad na siya papunta sa gitna at nagpokus.

Lumiwanag ang palad ni Kimmy at lumabas rito ang limang agila, masasabi kong maganda ito sapagkat nailaw ang mga agila ng iba't ibang kulay. Umalis na si Kimmy sa gitna nang may ngiti at bumalik na sa bleacher na kan'yang kinakaupuan.

"Wow! Ang ganda ng iyong ipinakita, Prinsesa Kimmy. Congratulations! Limang agila na may iba't ibang kulay!" sigaw ni Emcee at nagpalakpakan naman ang mga nandito sa gymnasium.

Tinawag naman si Corey, hudyat na siya ang pang-walong maglalabas ng guardians. Naglakad na siya papunta sa gitna at nagpokus.

Nagliwanag ang palad ni Corey at may lumabas rito na malalaking ulap na nagalaw at mayroong mga mata na sadyang nakakatakot. Umalis na si Corey sa gitna nang may ngiti at bumalik na sa bleacher na kan'yang kinakaupuan.

"Wow! Ang rikit ng iyong ipinakita, Prinsepe Corey. Congratulations! Malalaking ulap na mayroong mata na siyang nakakapagpabagabag at nakakatakot!" sigaw ni Emcee at nagpalakpakan naman ang mga nandito sa gymnasium.

Tinawag naman si Divina, hudyat na siya ang pang-siyam na maglalabas ng guardians. Naglakad na siya papunta sa gitna at nagpokus.

Lumiwanag ang palad ni Divina at lumabas rito ang dalawang malalaking dragon na kulay-asul at pula, masasabi kong magaganda ito dahil sa kulay-pula at asul na magkakonektadong kulay. Umalis na si Divina sa gitna nang may ngiti at bumalik na sa bleacher na kan'yang kinakaupuan.

"Wow! Ang angas ng iyong ipinakita, Prinsesa Divina. Congratulations! Dalawang kulay asul at pulang dragon!" sigaw ni Emcee at nagpalakpakan naman ang mga nandito sa gymnasium.

Tinawag naman si Freya, hudyat na siya ang pang-sampung maglalabas ng guardians. Naglakad na siya papunta sa gitna at nagpokus.

Lumiwanag ang palad ni Freya at lumabas rito ang limang malalaking paniki sa kan'yang tabi na kulay-dilaw, itim, puti, asul, at pula. Masasabi kong magaganda ito dahil na rin sa iba't ibang kulay nito. Umalis na si Freya sa gitna nang may ngiti at bumalik na sa bleacher na kan'yang kinakaupuan.

"Wow! Ang ganda ng iyong ipinakita, Prinsesa Freya. Congratulations! Limang paniki na
kulay-itim, dilaw, puti, asul, at pula!" sigaw ni Emcee at nagpalakpakan naman ang mga nandito sa gymnasium.

Tinawag naman si Ahri, hudyat na siya ang pang-labing-isang maglalabas ng guardians. Naglakad na siya papunta sa gitna at nagpokus.

Lumiwanag naman ang palad ni Ahri at lumabas rito ang malalaking dahon na may patusok-tusok na alam kong pag mayroong tumama doon na kalaban ay s'yang mapapaso o malalason. Umalis na si Ahri sa gitna nang may ngiti at bumalik na sa bleacher na kan'yang kinakaupuan.

"Wow! Nakakabighani ang iyong ipinakita, Prinsesa Ahri. Congratulations! Malalaking dahon na may patusok-tusok!" sigaw ni Emcee at nagpalakpakan naman ang mga nandito sa gymnasium.

Tinawag naman si Yannie, hudyat na siya ang pang-labing dalawang maglalabas ng guardians. Naglakad na siya papunta sa gitna at nagpokus.

Lumiwanag na ang palad ni Yannie at lumabas rito ang limang ibon sa kan'yang paligid na nagiging invisible at nag-iiba ng kulay. Umalis na si Yannie sa gitna nang may ngiti at bumalik na sa bleacher na kan'yang kinakaupuan.

"Wow! Ang ganda ng iyong ipinakita, Prinsesa Yannie. Congratulations! Limang ibon na nag-iiba iba ng kulay!" sigaw ni Emcee at nagpalakpakan naman ang mga nandito sa gymnasium.

Tinawag naman si Zoe, hudyat na siya ang pang-labing tatlong maglalabas ng guardians. Naglakad na siya papunta sa gitna at nagpokus.

Lumiwanag ang kan'yang palad at lumabas rito ang tigre at leon sa na kulay-puti at itim. Masasabi kong mabangis ito base palang sa mukha. Umalis na si Zoe sa gitna nang may ngiti at bumalik na sa bleacher na kan'yang kinakaupuan.

"Wow! Ang ganda ng iyong ipinakita, Prinsesa Zoe. Congratulations! Tigre at leon na kulay puti at itim!" sigaw ni Emcee at nagpalakpakan naman ang mga nandito sa gymnasium.

Tinawag naman si Silky, hudyat na siya na ang pang-labing apat na maglalabas ng guardians. Naglakad na siya papunta sa gitna at nagpokus.

Lumiwanag ang kan’yang palad at lumabas rito ang malaking puno sa kan'yang tabi na may mga patulis na sanga. Masasabi kong mapanganib ang sanga nito. Umalis na si Silky sa gitna nang may ngiti at bumalik na sa bleacher na kan'yang kinakaupuan.

"Wow! Ang rikit ng iyong ipinakita, Prinsepe Silky. Congratulations! Malaking puno na may matutulis na sanga!" sigaw ni Emcee at nagpalakpakan naman ang mga nandito sa gymnasium.

Nagsimula ng tawagin si Coldy na pinakahihintay ng lahat. Tinawag naman si Coldy, hudyat na siya ang pang-labing limang maglalabas ng Guardians. Naglakad na siya papunta sa gitna at nagpokus.

Nagulat ako nang bigla siyang nag-teleport sa gitna at umupo para makapag-pokus. Tinitigan niya muna ako at nginitian bago siya pumikit.

Tss. Ang yabang mo talaga.

Nagliwanag naman ang kan'yang palad at lumabas ang kulay-asul na ma-yelong bakunawa, malaking dragon na kulay-pula, malaking ibon na kulay-itim, malaking ahas na kulay-puti, at ang pang-huli niyang guardian ay isang lobo na kulay-dilaw. Iminulat na niya ang kan'yang mga mata at unang tumitig sa'kin, nakikita ko naman ang mangha sa mata ng mga estudyante. Naramdaman ko naman ang pag-ilaw ng aking marka nang dahil sa kapangyarihang inilabas niya.

Ito nanaman ang marka namin... 'Wag ngayon!

Umilaw naman ang mata niya ng matingkad na kulay-asul, kasabay ng pagwala ng kulay sa kaniyang mata ang pagsabay ng pagkawala ng mga guardians niya. Umalis na si Coldy sa gitna nang may ngiti at bumalik na sa bleacher na kan'yang kinakaupuan at tumabi sa'kin.

Tinawag naman ako, hudyat na ako ang pang-huling maglalabas ng mga guardians. Madaming bulong-bulungan at mga pagtataray, hindi ko na lamang iyon pinansin at pumunta na sa gitna ng gymnasium.

Kinakabahan ako... Na dapat hindi naman.

"You can do it, Charlie." bulong sa'kin ni Coldy sa aking isipan at tiningnan ko naman siya. Nagkasalubungan ang tingin naming dalawa, napaiwas naman ako ng tingin nang ngitian niya ako. May kung ano namang gumagalaw sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag, pati ang pagtibok ng puso ko ay bumilis.

Bwisit! Bakit ba ganito 'yung nararamdaman ko sa'yo?

"Why are you wearing that kind of short? Revealing, tss." he said.

"Tss. None of your business." malamig kong tugon at nag-pokus lamang kaysa kausapin siya sa isip ko.

Coldy is nothing but a distraction.

Coldy's POV

Charlie walked to the center and sat down as I did. I can see the stare of the queens and kings in what she's doing. I could clearly see the frowns and whispers of other students. I don't know kung bakit siya pinag-iinitan. She's absolutely nice. How come?

I know you can, I have trust on you, Charlie.

He raised his palm but nothing happened. We were just waiting for what would happen to her, kumunot naman ang noo ng mga reyna at hari as if Charlie did not know what she was doing.

A minute past, but nothing has changed in her position and nothing is happening yet, the Emcee was about to speak nang lumiwanag ang guhit sa palad ni Charlie. Unti-onti naman siyang lumutang na ikinagulat namin as she closed her eyes. Naka-pokus lang kaming lahat sa kan'yang magiging galaw.

Why can you float?

Soon, her three Guardians came out, bumungad sa'min ang mga legendary Guardians. If I'm not mistaken.

How did she freaking do that!?

Bumungad sa'min ang kulay-asul na lobo, kulay-pulang phoenix, at ang pinakamakapangyarihan sa lahat...

Ang rainbow pegasus.

Reyna Tamana's POV

Tama ba ang nakikita ko? Tatlong legendary guardians ang inilabas ng batang iyon!

"Silveo, Nakikita mo ba ang nakikita ko!?" pasigaw kong usal rito.

Kaagad naman itong tumango. "Oo, kung hindi ako nagkakamali, iyan na ang mga legendary guardians." namamangha nitong tugon.

"Papaano niya kaya 'yan nagawa? Tanging ang nawawalang prinsesa lang ang kayang magpalabas ng ganiyang mga guardians."

"Hindi ko alam, Tamana. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang iyong tanong, basta ang alam ko'y malakas ang batang 'yan." simpleng sagot ng asawa ko.

Hindi ako umimik at pinanood na lamang ang batang nagpalabas ng legendary guardians, ang ibang mga reyna at hari ay nagugulantang sa kanilang nakita. Hindi mailalabas ng isang estudyante ang legendary guardian kung walang silang sapat na lakas.



Charlie's POV

Naramdaman ko namang lumabas na ang aking guardian kaya naman idinilat ko na ang aking mata, nagulat ako sa kinalabasan nito. Nalutang at nagliliwanag ang mga guardians ko pati na rin ako. Nakikita ko sa mga mukha ng mga estudyante at hari at reyna ang gulat at pagkagulantang.

Bakit kaya sila gulat na gulat?

Naramdaman kong umilaw ng kulay-pula ang aking mga mata, kasabay nu'n ang pagkawala ng aking mga guardians katulad lang ng kay Coldy. Umalis na ako sa gitna ng walang ipinapakitang emosyon at bumalik na sa bleacher na aking kinauupuan kanina. Halos malaglag naman ang panga ni Coldy, ang mga Royalties naman ay nanlaki ang mga mata. Hindi ko alam kung bakit nakatitig lang sa'kin si Freya na para bang sinusuri ang bawat galaw ko.

"W-Wow! A-Ako'y hindi makapaniwala na may maglalabas ng legendary Guardians ngayon, Binibining Charlie. C-Congratulations! Tatlong legendary guardians ang nailabas!" sigaw ni Emcee at nagpalakpakan naman ang mga nandito sa gymnasium.

Nakatingin lang sa'kin ang mga Royalties na may pagkamangha, lalo na si Coldy na nakikita ko kaninang nakatitig sa'kin habang ako'y nag-seseal guardian. Hindi kalaunan ay pinapunta na kami sa aming mga dorm, kaagad naman akong umalis dahil marami nanamang itatanong sa'kin ang mga Royalties na dapat kong iwasan.

Pumasok na ako sa k’warto at kaagad nang humiga sa aking kama upang magpahinga. Matutulog na sana ako nang pumasok si Divina sa aking k’warto. Napabangon naman ako.

Tss, kay Divina naman ako 'di makakaligtas.

"Charlie!" pasigaw na tawag sa'kin ni Divina.

Kumunot naman ang noo ko. "Why?"

"Paano mo nagawa 'yon!?" tanong niya habang niyuyugyog ako.

"Did what?" malamig kong usal rito.

"'Yung pagpapalabas mo ng legendary guardians mo!" masaya niyang sigaw.

"Is it big deal?" tanong ko.

"Hindi mo ba alam na mga legendary guardians 'yang inilabas ng katawan mo!?"

"I don't think so." malamig kong tugon sa kaniya.

"Paano mo muna nagawa 'yon? Titigilan na kita pag sinabi mo sa'kin, promise!" pangungulit niya sa'kin.

Nakakairita talaga 'tong babaeng 'to.

"Don't ask me, I don't know the answer either." malamig kong tugon.

"Nakakainggit ka! Bukas nalang ha? Tutulog na ako, goodnight!" masiglang tuwiran ni Divina at agad na umalis papalabas sa k'warto ko. Napabuntong hininga naman ako.

Hanggang kailan kaya ako magsisinungaling?

Matutulog na sana ako nang may nahagip ako na nakadikit sa cabinet ko na tulip nanaman, napakunot naman ang noo ko.

'You're so good earlier, do your best more okay? Take care my baby, I love you as always...'

"Imposibleng kay Divina na 'to, pang-dalawang beses na 'to, damn." utas ko sa sarili ko.

Sino naman kaya ang nagsusulat nito sa'kin?

Hindi ko na pinansin 'yon at itinago ko na lamang 'yon sa drawer ko ulit. Naramdaman ko na ang antok kaya ipinikit ko na ang aking mata. Dumilim na ang paningin ko, hudyat na ako'y nakatulog na.

Headmaster's POV

Kasalukuyang nandito sina Reyna Tamana at Haring Silveo, ang namumuno sa buong Arteya Kingdom. Mayroon akong gustong ihayag sa kanila na impormasyon.

"Nagbigay na ng mga salita ang libro ng propesiya." seryoso kong saad sa kanila na nagpakunot ng noo nila.

"Anong nakasaad do'n, Headmaster? Sabihin mo sa'min." ma-awtoridad na tugon ni Reyna Tamana.

Napatango ako. "Malapit na dumating ang magtataksil at magdudusa ang walang sala."

"Iyon ang nakasaad doon Reyna Tamina at Haring Silveo. Mas’yadong malalim ang mga pinapahiwatig ng propesiya, para itong nagbibigay ng lohika." magalang kong sambit.

"Sino naman ang magtataksil?" tanong ni Reyna Tamana.

Napailing naman ako. "Hindi ko din alam, mahal na reyna. Mas'yadong mapaglaro ang propesiya."

"Nakakapagtaka lang, sino naman ang magdudusa ng walang sala? Mayroon ba kayong ideya?" tanong ni Haring Silveo.

Nagkatitigan kami ni Reyna Silveo, pareho kaming umiling sa hari.

-
The Long Princess. Chapter 22. Fantasy.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon