Kabanata XLVIII - Chapter 48

8.6K 256 33
                                    

Chapter 48- Life


Written by yeexizx



Charlie's POV



"Maayos na ba ang pakiramdam mo, binibini?" kunot-noong tanong ng diwata.



Tumango ako. "Magaling na ang aking mga sugat at medyo bumabalik na ang aking lakas. Maraming salamat, mahal na diwatang Hiraya."



"Marahil ay ikaw ang babaeng binabanggit sa propesiya ng mundo ng mga mahika. Nagagalak akong makilala ka, Prinsesa Charlotte."



Tipid naman akong ngumiti rito. "Ako nga, Diwata. Nagagalak rin akong makilala ang diwata ng kalikasan."



"Alam mo bang mayroong iba't ibang mundo ang kalawakan?" nakangiti nitong usal.



Kumunot naman ang noo ko. "Anong mga mundo?"



"Madaming mundo ang kawalakan... Ang pang-una ay ang mundo ng mga tao, sumunod ang mga bampira at lobo, mga mahika, at mga bathala at diwata lamang ang aking nalalaman..."



"Kayo ay may dugong diwata ngunit mas mataas lamang ang posisyon namin dahil kinikilala kami bilang Bathala ng mga elemento." pahabol nitong sambit habang nakangiti.



Tumango lang ako. "Sadyang napakalaki nga ng kalawakan, diwata." hindi naman siya sumagot.



"Binibini?" tawag nito sa'kin.



Kumunot naman ang noo ko. "Bakit, Diwatang Hiraya?"



"Nararamdaman kong umiibig ka..." nakangiti nitong tugon.



Napayuko nalang ako. "Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko, diwata."



Hinawakan naman nito ang kamay ko. "Nararamdaman kong sigurado ka sa nararamdaman mo dahil binubunyag ito ng tibok ng puso mo at pati na rin ang mga ningning na nababatid sa'yong mga mata."



Napaangat naman ang ulo ko rito. "Hindi muna ako maniniwala sa iyong mga sinasambit, diwata. Nais kong patunayan ito sa aking sarili."



"Naiintindihan ko... Hindi mo matanggap ang nararamdaman mo para sa kan'ya dahil sa iyong mga responsibilidad. Ayaw mo siyang madamay, hindi ba?"



"Maybe? Hindi ko alam ang nararamdaman ko..."



"Mag-isip-isip ka muna, Prinsesa. Palaging nasa huli ang pagsisisi. Hindi mo naman sigurong nanaisin na mapahamak ang iyong minamahal." nakangiti nitong usal.



Tumango ako. "Oo, gagawin ko ang iyong sinasabi. Nararamdaman ko din ang lungkot sa iyong mga mata, diwata."



Tipid naman siyang ngumiti. "Huwag mo akong alalahanin. Mas intindihin mo ang sarili mo, sa gaganaping digmaan ng inyong kaharian."



Napayuko ako. "Hindi ko alam kung saan ako magsisimula... W-Wala akong p-pinagkukunan ng l-lakas..." nauutal kong tugon.



"Magtiwala ka lamang sa sarili mo. Ikaw ay humayo na sa iyong tirahan at magpahinga." nakangiti nitong usal.



Nagkibit balikat ako. "Hindi pa sapat ang lakas at kapangyarihan ko upang humayo, mahal na diwata."



"Ang ipinainom kong likido sa iyo na mayroong halong halamang gamot ay hindi pang-karaniwan. Diwata ako at nagagawa kong posible ang mga imposible. Bukas ay babalik ang iyong lakas, nakakatiyak ako." mahaba nitong pagpapaliwanag.



Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nito, ngunit unti-onting napalitan ang labi ko ng isang malaking ngiti. "Maraming salamat, Diwatang Hiraya. Lubos akong nagagalak na makilala ka. Kung wala ka ay sa tingin ko'y baldado pa din ako."

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon