Kabanata XXIV - Chapter 24

13.4K 321 2
                                    

Chapter 24- Meeting
Written by yeexizx

Charlie's POV

Nagising ako nang dahil sa tunog ng alarm clock, sinilip ko naman ito para tingnan kung anong oras na, nakita ko namang alas-singko na ng hapon kaya naman napagpasyahan ko nang kumilos at mag-ayos na ng sarili.

Naligo na ako at halos tatlongpung minuto din ang itinagal ko bago matapos. Nagsimula na akong mag-ayos habang naka pang-ligong balabal ako. Inipitan ko ng mala-bulaklak na tirintas ang aking pulang buhok at nag-make up upang magmukha akong prensentable mamaya sa aming pagpupulong.

Pagkatapos nu'n ay isinuot ko na ang bestida at bota ko na binili kanina sa pamilihan.
Tiningnan ko ang orasan, napagtanto kong ala-sais na at limangpung limang minuto na ang nakalipas. Limang minuto na lamang ay mag-aalas-syete na't mahuhuli na ako sa aming pagpupulong.

Dali-dali akong lumabas mula sa aking dorm at napagtantong hindi ko alam ang eksaktong lokasyon ng pagpupulungan namin. Sa kabilang dako, pana'y titig at taray naman ng mga nilalang na nadadaanan ko.

Kung nakakamatay lang talaga ang pagtitig, kanina pa akong patay.

"Napakaganda niyo po, mahal na prinsesa." saad ng isang nilalang sa tainga ko kaya naman tumalikod ako upang malaman kung sino 'yon.

Ang nilalang sa ball na doon ko unang nakita't nakilala, doon na rin ang huli naming pag-uusap, hindi na siya nagpakita pang muli pagkatapos ng pangyayaring iyon.

"Blase?" nakakunot-noo kong tawag.

Ang itsura ni Blase ay maliit na parang kasing-liit lang din ng darili ng isang nilalang. Mayroon itong mga pakpak na parang tutubi ngunit mayroon itong katawang pang-tao. Masasabi kong fairy ito base sa pagkakalarawan ko rito.

"Opo, mahal na prinsesa! Ako nga po!" masigla niyang tugon habang kumakaway-kaway pa.

"What are you doing here?"

"Binabantayan ko po kayo, mahal na prinsesa. Tungkulin ko pong bantayan kayo, kahit saan pa po kayo pumunta!" nakangiting usal naman ni Blase.

Hindi mo na dapat ako bantayan, kaya ko ang sarili ko. Nawa'y mag-pokus ka na lamang sa buhay na ipinagkaloob sa'yo, 'wag sa'kin.

"Huwag mo na muna ako intindihin, magpahinga ka na muna o magpakasaya sa buhay mo." nagpakawala naman ako ng buntong hininga.

"Talaga po!? Salamat po! Pero paano po kayo? Bawal ko pong iwanan ang aking tungkulin sa inyo, mahal na prinsesa." malungkot nitong tugon.

Nginitian ko siya. "Huwag mo na muna ako aalahanin, Blase. Mas intindihin mo ang iyong sarili, dapat mong sulitin at tamasin ang buhay na ipinagkaloob ng bathala sa iyo."

"Salamat po ngunit kayo po ba'y sigurado?"

Tumango ako rito. "Oo, may sarili kang buhay na dapat sulitin habang maaga pa. Enjoy your life, Blase." nakangiti kong sambit rito.

"Nako! Maraming salamat po!" sigaw niya nang dahil sa tuwa, napangiti na din ako dahil lubhang nakakahawa ang saya na nararamdaman niya.

Ngumiti muna siya bago naglaho't umalis. Nakatayo lamang ako at napagpasyahang kausapin si Divina sa aking isip upang alamin ang lokasyon nila.

"Divina, where are you!?" natataranta kong tanong rito ngunit sa malamig na paraan pa rin.

"Second floor sis, Number 38. Ikaw nalang ang kulang, lahat kami nandito na kasama ang mga reyna at hari!"  aniya. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.

Ang malas naman, nakakahiya.

"Okay, wait for me. I'll be hurry."  nagmamadali kong usal sa utak ko habang nahihingal pa.

Inalis ko na ang pag-uusap namin ni Divina sa aming isip, mabilis naman akong umakyat sa ikawalang palapag at hinanap ang pintong may nakalagay na numero na 38. Hindi kalaunan ay nahagip ko na din ng mga mata ko ang pintong mayroong numero na 38.

Hindi na ako kumatok at kaagad na binuksan ang pinto dahil sa pagmamadali. Tumambad sa'kin ang mga nakangiting Royalties at mga reyna at hari.

What happened here?

"Annyeong hashimnikka." malamig kong pagbati sa mga ito.
(Translation: Good evening)

Napakunot-noo naman silang lahat maliban kay Coldy.

"She said, good evening." malamig na turan ni Coldy, napawi naman ang pagkalito sa mga mukha nila at bahagyang tumango.

"Oh, okay. Sit down, Charlie." pormal na ani Headmaster.

Naghanap naman ako ng bakanteng upuan, nakahagip naman ng mga mata ko ang bakanteng upuan na katabi ni Divina at Coldy. Umupo na ako doon, napaggitnaan ko naman silang dalawa na nagpailang sa'kin. Kinalabit naman ako ni Divina, tumingin ako rito ng may confusion sa mukha.

"Bakit ka na-late?" pabulong na tanong nito.

"Your brother, Corey. He's stubborn, he didn't even tell me the exact location of our meeting place." iritado kong usal.

"I agree. He's very stubborn and bastard." mahina naman siyang tumawa.

Nakita ko si Coldy sa peripheral vision ko na nakatitig sa'kin at pinapanood ang bawat paggalaw ko. Napaiwas ako ng tingin nang dahil sa pagsasalita ni Headmaster.

"Good evening, Royalties. Thank you for coming to our meeting tonight together with the queens and kings of different kingdoms. I'll start this meeting with announcing very important thing. Kailangan niyo makuha ang kristal na makakapag suporta sa buong Arteya Kingdom at iba pang mga kaharian. Alam ko't nararamdaman niyong pakilos na ang mga Darkenians, sa susunod na linggo niyo sisimulan ang misyon na ito." ma-awtoridad na pagpapaliwanag ni Headmaster.

"Mag-iingat kayo, madaming kalaban at kakaibang nilalang na nasa labas ng Arteya Kingdom. Iba na ang madadatnan niyong lugar kapag kayo'y lumabas na, mapanganib at mapanglaw." matalim na sabi ni Haring Silveo.

"Isa pa, ang pinakamakapangyarihan lang sa inyo ang makakapasok sa kweba ng De Los Syete, lugar kung saan nakatago ang Crystal Lebanon." seryosong ani Reyna Tamina.

"What if we failed?" sabat na tanong ni Coldy.

"What if we do not succeed?" pasunod niyang saad.

"May tiwala kami sa inyong mga Royalties na kaya niyo. Kayo pa ba, 'di ba? Mga malalakas kayo." ani Reyna Tamina.

Halos kalahating oras na din ang aming pagpupulong, nag-kek'wentuhan lamang ang mga Royalties at mga hari't reyna. Napagpasyahan kong pumunta sa banyo dahil sobrang naiilang ako.

"Mag-ccr lang ako, excuse me." sabay naming sambit ni Reyna Tamina.

Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi nalalayo amg itsura ko kay ina.

Tumango naman ang iba, tumayo na ako pati na rin si Reyna Tamina upang pumunta sa banyo. Nakarating na kami sa loob at naghugas lamang siya ng kamay.

"Paano mo nagawa iyon?" nakangiti niyang tanong sa'kin.

"Ang alin ho, mahal na reyna?" magalang na saad.

"Huwag mo na akong tawaging mahal na reyna. Tawagin mo nalang akong ina." ngiting usal niya na nagpalaglag sa panga ko

Alam niya kaya!?

Napatawa naman siya ng mahina. "Huwag kang magular. Naalala ko lang si Charlotte sa'yo, iha."

Ako nga kasi si Charlotte, ang anak mo! Ako 'yon!

"Ah ganu'n ho ba?" binigyan ko siya ng isang malaking pekeng tawa.

"Papaano mo nagawa ang pagpapalabas ng mga legendary guardians?" tanong nito.

Big deal na kaagad sa ibang nilalang iyon, tss.

"H-Hindi ko din po alam, ina. Tara na po, baka hinahanap na po nila tayo." nakayukong saad ko.

Aalis na sana ako ng hawakan niya ang aking braso na nakakapagpagulat sa akin.

"Charlie, 'yung kwintas mo nahulog." aniya, kinuha't pinagmasdan niya ng maiigi ang kwintas.

"Ang ganda ng kwin— k-kanino 'yan galing?" nauutal niyang tanong sa'kin na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Mabuti nalang ay 'yung nadala ko'y 'yung kwintas na bigay sa'kin ni Inang Tamara. Ang pinakaiingatan na kwintas ni Inang Tamara.

"Sa ina ko po..." pagsisinungaling ko.

Kumunot ang noo niya. "Anong pangalan ng ina mo?"

Inangat ko ang ulo ko. "Si Inang T-Tamara po."

Unti-onting tumulo ang luha niya. "Nasaan na siya?"

"Pinatay siya ng mga Darkenians..." malamig kong tugon at tumingin sa kawalan.

"S-Siya ay matalik kong kaibigan, mali ako... M-Mali ako. Alam kong hindi siya ang may balak na pumatay sa'kin, ngayon ay n-nagsisisi pa din ako sa aking pagkakaakusa ko kay Tamara." nauutal niyang sambit sa'kin.

"Tahan na ho, tiyak na napatawad ka na ni Inang Tamara." ngiting usal ko sa kaniya at umamba naman ito ng yakap sa'kin na nagpabilis sa puso ko.

Damn, mother's touch is so comfortable.

"Salamat, tara na't humayo na tayo."  ani nito at humiwalay sa pagkakayakap namin.

"You reminds me of my daughter, Charlotte." mahinang bulong nito bago kami bumalik sa aming upuan.

Kailangan ko nang umalis papunta sa mundo ng mga tao upang mabisita ang namayapang si Inang Tamara na nakalibing sa likod ng aming bahay. Kinausap ko na si Headmaster gamit ang aking isip upang magpaalam.

"Headmaster, I need to leave right now."

"Humayo ka na, gumawa ka nalang ng rason upang makaalis."  aniya sa akin.

Napaisip naman ako ng magiging rason ko.

"Aalis na ho ako ha, may kailangan lang ho kasi akong ayusin sa aking dorm." pagpapaalam ko, napatango lang sila. Tumalikod na ako patalikod.

Hindi kalaunan ay nakarating na ako sa dorm, inimpake ko na lahat ng gamit ko at itinago na ang mga ito gamit ang aking mahika. Nagpalit na din ako ng damit, napangiti naman ako nang dahil sa aking kapayatan. Naglagay na din ako ng maskara dahil baka may makakita sa'king tao at matakot ito dahil sa aking panlabas na anyo. Nag-suot na din ako ng makapal na balabal.

Oufit: Oversized t-shirt, maong shorts, at ankle boots.

Kaagad naman akong nag-teleport papunta sa lokasyon ng portal at sinabi na ang mahiwagang bibigkasin upang ako'y makapunta na sa modernong mundo.

"Alarte Ascendare monmentum adaviria de portal" usal ko habang nakatutok ang purselas ko rito.

Nagsimula nang lumiwanag at umilaw na ang purselas, nagkaroon rito ng isang bilog na tiyak kong portal papunta sa mundo ng mga tao. Pumasok na ako rito, isang kurap ko lang ay bumagsak ako sa isang damo.

Marahil ay nandito na ako sa mundo ng mga tao. Pupunta na dapat ako sa aming bahay nang may humarang sa'king lobo at leon.

Mapapalaban nanaman ako ng wala sa oras.

Napadako naman ang aking mga tingin sa isang babalang nakalagay na danger.

Kaya naman pala may leon at mga lobo dito, nasa liblib o nasa gitna ako ng gubat.

Napagpasyahan ko na lamang kausapin ang dalawang mabangis na hayop upang wala ng mangyaring away at gulo.

Tinitigan ko naman silang mabuti. "Huwag kayo humarang sa'king dinadaanan, ako'y inyong padaanin." malamig kong usal.

"Ito'y aming tahanan, huwag mo kaming guguluhin upang hindi ka namin saktan. Labanan mo muna kami upang ika'y makadaan." mapaglaro sambit ng leon.

Tch. Magsasayang lang ako ng oras sa inyo.

"Ako ang pinakamalakas na prinsesa sa buong mundo ng mahika." ngising saad ko.

Umilaw naman ng pulang-pula ang mga mata ko at nagpalabas ng apoy sa'king palad na s'yang ikinagulat ng dalawang mababangis na hayop.

"Huwag kayong humarang sa'king dinadaanan, kung gusto niyo pang mabuhay. Nakakaawa naman ang inyong mga pamilya kung sakaling mapapalaslang ko kayong dalawa."

Lumayo naman sila at yumuko sa'kin na siyang nagpalawak ng ngisi ko.  "Pasensya na po, mahal na prinsesa. Maaari na po kayo dumaan."

"Ayos lang. Mag-iingat kayo at lalong-lalo na ang mga hayop na nasasakupan niyo." nakangiti kong tugon na nagpangiti sa kanilang dalawa.

Naglakad-lakad lang ako at hindi kalaunan ay nasa harap na ako ng bahay namin ni Inang Tamara. Mabuti nalang ay nandito pa ang aming mga gamit, napaupo ako sa couch namin at nakatulog nang dahil na rin sa sobrang pagod.

I miss our home so much.

-
The Lost Princess. Chapter 24. Fantasy.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon