Kabanata XXXVIII - Chapter 38

10.8K 267 8
                                    

Chapter 38- Together

Written by yeexizx

Charlie's POV

Nagising ako dahil sa nararamdaman kong may naglalaro sa buhok ko. Unti-onti kong iminulat ang mga mata ko at bumungad naman sa'kin ang mukha ni Coldy na tahimik lamang pinaglalaruan ng buhok ko.

"Oh... I'm sorry..." bungad na usal niya sa'kin.

"Ha? Para saan?" kunot-noo kong tanong.

"I'm sorry for waking you up, I just can't resist touching your soft hair..." malambing nitong tugon.

"Sa'yo na lang, gusto mo?"

"I want you." banat niya. Napataray nalang ako ng palihim. He's flirt, alam kong pinaglalaruan niya lang ako.

"Style mo bulok."

"I'm corny and cheesy because I've fallen..." bulong niya pero hindi ko 'yon narinig.

Hindi niya naman siguro ako sinisiraan palihim, 'no?

Kamusta na kaya ang mga Royalties? Sana lang, makarating sila sa kweba ng ligtas at buhay.

Konti nalang ang panahon ko. Kailangan ko nang kumilos at baka maunahan pa ako ng mga Royalties. Pinababa ko na ang sarili ko mula sa hangin, lumingon ako kay Coldy at nakita siyang kumakain. Kumalam naman bigla ang sikmura ko.

"Do y-you want to eat? Come w-with me." aniya habang nabubulol pa dahil sa pagkaing nasa bunganga niya.

"Nguyain mo muna 'yang kinakain mo, mabulunan ka pa eh.l" siga kong saad dito.

"Are you concern with me, Charlie?"

Napailing nalang ako. "Concern ako kung anong gagawin ko kapag nabulunan ka... Tss."

"Really?" malambing nitong sambit, hindi na ako sumagot at tinarayan na lamang si Coldy.

Ngayon lang yata ako nakakita ng lalaking sobrang takaw. Hindi ko inaasahang gan'tong katakaw si Coldy. Hindi naman uubusan ng pagkain!

Malas ang magiging asawa niya.

Lumapit naman ako sa kan'ya at tumikim ng isang putahe. Masarap nga, kaya siguro patay gutom kung kumain.

"Where did you get these foods?" kalmado kong tanong.

"I saw a goat hiding behind the tree earlier, of course, I killed it. My power is fire that's why I cooked it easily." mayabang nitong usal at ngumisi, napatango nalang ako.

Ginagamit mo din pala 'yang isip mo, kahit papaano.

I smiled. "Naalala mo pa pala 'yung ginawa natin sa training room?"

"How can I forget that? We touched hands... Uhh, no... You hold my hand, right?"

Sinamaan ko na lamang siya ng tingin.

"Did I make you impressed and amazed at me?"

"Actually, no. Mas masarap luto ko. Practice ka pa." pagmamayabang ko rin sa kaniya.

Pinigilan kong hindi mautal dahil kung nautal ako, iisipin niyang napabilib ako sa kan'ya. Bigla naman siyang sumimangot kaya natawa ako ng marahan.

"Why are you laughing? Tss... You always tease me." nakasimangot nitong usal.

"Nothing." tugon ko at may pahabol pang tawa, sumimangot lang siya at bumalik sa pagkain.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon