Epilogue

10.8K 228 13
                                    

EPILOGUE
Written by yeexizx

Napadaan naman ang isang batang babae sa isang kasalan o pagkakaisang dibdib ng sinasabing pinakamalakas na prinsesa at prinsepe na siyang kan'yang hinahangaan.

Ang mga mata ng batang babae ay humahanga dahil sa kagandahang anyo ng dalawang kinakasal.

Dahan-dahan namang naglakad ang ikakasal na babae habang nakahawak ang kamay niya sa braso ng isang Hari na sa tingin ng bata ay ang kan'yang ama, ang isa namang braso ay nakahawak sa kamay ng isang Reyna.

Kitang-kita mo ang pagtulo ng luha ng lalaking ikakasal nang makia niya ang kan'yang iniibig.

Hindi kalaunan, nakarating na ang babaeng ikakasal sa harap. Tinulungan naman ng groom ang kan'yang bride na umupo. Ang nagsisilbing tagapagpakasal sa kanila ay ang may pinakamataas na posisyon sa pagiging healer.

Ngumiti muna ang healer bago sinimulan ang kasalanan. "Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Prinsepe Coldy at Prinsesa Charlotte. Tayo'y magbigay respeto para sa kanilang kasalan." ma-awtoridad na ani healer.

Kitang-kita mo ang mga ngiting hindi maikubli ng mga nilalang na nakakakilala sa dalawa. Halos lahat na yata ng estudyante ay nasa kasalan ng dalawa. Hindi naman mawala ang ngiti ng dalawang kinakasal.

"Prinsepe Coldy, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Prinsesa Charlotte, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Bathalang ating kinasanayan?" kalmadong saad ng Healer.

Tumango naman ang lalaki. "Yes. I do,"

Ngumiti naman ang Healer at idinako ang tingin sa babae. "Prinsesa Charlotte, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Prinsepe Coldy,
na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Bathalang ating kinasanayan?"

Tumango rin ang babae. "Opo." simpleng sagot sa babae.

Napangiti naman ang Healer. Pumunta naman ang isang prinsesa na si Divina sa harap upang ilagay ang singsing sa lamesa, ang isa naman ay isang prinsepe na si Alexander.

Ang unang kumuha ng singsing ay ang prinsepe. Humarap naman ang dalawang nag-iibigan sa isa't isa na bakas ang saya sa mga mata.

"As some of you here may know, Charlie and I started off as strangers and enemies. Naturally, I tried my best to not fall in love with her, I really did. She is a selfless person who is always thinking of others." nakangiting usal ng prinsepe sa minamahal niyang si Charlie.

Tiningnan naman ng prinsepe sa mga mata ang prinsesa. "She knows me inside and out and never once ran away screaming. I literally love her so much that I don't find other girls attractive anymore. Like, I want her physically and emotionally. Charlie is all I want, and no one can ever replace that."

"My Charlotte, Hazel and Charlie. I cannot believe how far we have come. Sometimes it still has me in shock, just thinking about how lucky I am to be able to wake up knowing that I have you in my life. Thank you for marrying me and for being my wife." nakangiting sambit ng prinsepe at tuluyan nang tumulo ang luha.

Unti-onti naman niyang isinuot ang singsing sa daliri ng prinsesa, napangiti naman ng marahan ang prinsesa.

"Ang sarap balik-balikan kung paano tayo nagsimula bilang estranghero, ngayon bilang mag-asawa. Sa isang simpleng away at titigan, minahal kita. Hindi naging madali ang lahat, pero nalagpasan at kinaya natin 'to nang magkasama. Ang dami mong isinakripisyo para sa akin, kahit ang buhay mo ay itinaya mo na." nakangiting usal ng prinsesa habang nakatingin sa mga mata ng prinsepe.

"From this day on, I choose you to be my husband. I promise to laugh with you in good times, to struggle with you in bad, to comfort you with my words, to mirror you with my soul, to fight with you, and still loving you without limitations until to my last breath."

"And it's always been you, baby..." nakangiting turan ng prinsesa bago isuot ang singsing sa pinakamamahal niyang lalaki.

"Ngayon ay ganap na kayong mag-asawa, nawa'y magtagal ang inyong pamumuhay at magkaroon kayo ng sobrang sayang pamilya." magalang na saad ng healer.

"Maaari mo nang halikan ang iyong asawa, Prinsepe Coldy." nakangiting pahabol na usal ng Healer.

Hinawakan naman ng prinsepe ang pisnge ng prinsesa at dahan-dahang inilapit ang kanilang mga mukha hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi.

"Mabuhay ang bagong kasal! Magbigay pugay!" masayang sigaw ng healer, tumayo at nagsipalakpakan naman ang mga nilalang at bisita.

Halos lahat naman ng mga bisita ay nakangiti. Hinalikan muna ng prinsepe ang noo ng prinsesa bago humarap sa mga bisita. Hinawakan naman ng prinsepe ang bewang ng babaeng minamahal niya. Ngumiti naman silang dalawa bago naglakad sa gitna.

Napangiti naman ang bata dahil sa magandang nasaksihan na kasal. Napagtanto ng bata mahirap at malupit ang dinanas ng dalawa, ngunit sa huli ay sila pa din ang nagsama.

And in the end, THERE'S NO IMPOSSIBLE IF YOU TRULY LOVE SOMEONE. Love never fails, and Charlie & Coldy proved that.

Charlotte Elizabeth Lucienne Gloriette-Maxlins & Coldy Maxlins unconditional love story.

Ang batang babaeng nagsalaysay ng pag-iisang dibdib ng pinakamalakas na prinsesa at prinsepe ay si Myra na matatagpuan sa 'Kabanata XXI - Chapter 21'.

-
The Lost Princess. Epilogue. Fantasy.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon