Kabanata V - Chapter 5

24.6K 596 44
                                    

Chapter 5- Royalties
Written by yeexizx

Charlie's POV

Nagising ako dahil sa katok na naririnig ko mula sa pintuan, kaya naman nag-ayos muna ako ng sarili ko bago tumayo.

Binuksan ko na ang pinto at tumambad sa'kin ang magandang babae na may kulay-puti na buhok at may kulay-abong mga mata.

Kumunot naman ang noo ko. "Sino ka?"

"Ka-dormmate mo 'ko, ayieee! Balita ko kasi may bago raw dito!" sigaw naman niya, mapaghahalataan mo siyang masiyahin. Obvious naman.

"Alright." malamig ko namang turan rito.

Pumasok na siya sa dorm namin at nahiga kaagad, kaya pala dalawa ang kama rito.

Bwisit na Headmaster 'yon, talagang binigyan pa ako ng kasama, tss.

"Wait, anong kapangyarihan mo?" kunot-noo niyang tanong.

"Unidentified"

"I'm an ice manipulator." aniya habang may kinakalikot sa bag niya. Hindi ko nalang siya pinansin. I'm not interested din so I mind my own business nalang.

"Kumain ka na ba?"

Napatingin naman ako rito at ngiti na ngiti siya. "Not yet." simpleng tugon ko.

"Tamang-tama, may dala akong pagkain na pang-dalawahan, tara samahan mo 'ko!" masiglang pag-aaya niya.

Tatanggi pa sana ako nang bigla niya akong hinila papunta sa kusina. Ang daldal ng babaeng 'to, hindi man lang kayang itikom ang bibig kahit ilang segundo lang. Natapos na kaming kumain nang hindi ako umiimik. Inilagay niya na ang pinagkainan namin sa lababo.

"Pasok na tayo! Saang section ka ba?" nakangiting tanong niya sa'kin.

Hindi pa nga ako nakakapagpahinga ng sapat, may pasok kaagad.

Hindi bale, iinom nalang ako ng potion para magkaroon ako ng sapat na lakas at enerhiya.

Tiningnan ko naman siya. "Rare section."

"I'm from Royalties section nga pala, but  konektado naman 'yang section niyo sa section namin kaya makakapag-usap pa rin tayo." she smiled so wide.

"Prinsesa ka?" kunot-noong tanong ko rito.

Siguro, siya na nga ang prinsesang tinutukoy sa libro, siya ang prinsesa ng Iceyland Kingdom.

Prinsesa pero ang daldal.

"Yes." pagsang-ayon niya. I knew it, halata naman.

"Tara pasok na tayo baka mahuli pa tayo!" aya niya, nakaligo nanaman ako pero wala akong uniporme.

"Don't worry, may dala akong uniporme for you." aniya sabay abot sa'kin ng uniporme na pang-rare section.

Wait, nakakabasa siya ng isip?

"Yeah, I can read your mind."

"O-Okay." nauutal na sambit ko.

Naalala kong hindi ko pa nga pala naiisarado 'tong isipan ko kaya kailangan ay mas maging maingat ako sa mga kinikilos at iniisip ko.

Nagbihis na ako sa may comfort room. Inobserbahan ko naman ng mabuti ang unipome nila. Maganda ang pagkakatahi nito, kaso napakaigsi naman. 'Yung palda, bukod sa hanggang hita na nga ito, naka-heels pa ng limang pulgada. Baka mapilay ako nito dahil hindi naman ako sanay sa mga ganitong suot. May katernong ribbon din ang uniporme nila na mas ikinaganda nito. Itinago ko naman ang kwintas na bigay sa'kin ni ina, itago ko raw ito palagi at huwag iwawala na siyang tutuparin ko.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon