Kabanata XXVIII - Chapter 28

12.2K 300 8
                                    

Chapter 28- Comeback


Written by yeexizx



Charlie's POV



Kinabukasan, nagising ako nang dahil sa pagyugyog sa'kin ng kung sino man, naalimpungatan naman ako sa mukhang bumungad kaagad sa'kin.



"Coldy?"



"Let's go back home." bungad nitong usal.



Napabangon ako at kinusot ang mga mata ko saka kumunot ang noo. "What time is it?"



"Uhm..." tiningnan niya ang orasan. "10:00 am."



"Uhh, okay. You pack our things first then maliligo na ako." ani ko rito at tumango naman siya.



Pumunta na ako sa banyo upang maligo, inabot din ako ng tatlongpung minuto dito sa loob. Nang natapos na ako ay lumabas na ako at nadatnang handa na si Coldy para sa pagbalik naming mundo ng mahika at sa Arteya Kingdom.



"I guess you can teleport right?" tanong niya.



Wala sa sarili akong tumango. "Yes, I can."



Hinawakan ko naman siya sa braso at nag-teleport papunta sa puno ng tandang, isang puno na portal na nagbibigay ng daan papunta sa mundo ng mahika na nagbibigay pagsubok bago padaanin ang isang nilalang.



"Coldy, nandito tayo sa puno ng tandang na nagbibigay daan pabalik sa Arteya Kingdom, ako lamang ang nakakaalam ng lagusan na ito kaya ibinahagi ko na sa'yo." I explained.



"How did you find this portal?" kunot-noong tanong ni Coldy.



I grinned. "Don't ask too much, akin nalang 'yon."



"Puno ng tandang, ikaw ay lumabas d'yan at inuutusang ibalik mo kami sa Arteya Kingdom." utas ko sa isang puno, lumiwanag naman ito't nagkaroon ng isang malaking mukha.



"Upang kayo ay makapasok ay bibigyan ko kayo ng pagsubok, kalabanin niyo ang sampung pulang lobo na aking ilalabas." the tree said with its echo voice.



Laban nanaman.



Bigla namang nagliwanag ang lupa at lumabas mula roon ang sampung pulang lobo na sa amin ay ipapakalaban.



"Tig-lima tayo para patas." sabi ko kay Coldy.



Nauna akong lumaban.



"Air splash!" sigaw ko upang maibaling ang atensyon ng mga lobo sa'kin. Tumakbo naman ang mga ito papunta sa'kin.



Pinagsasaksak ko ito sunod-sunod at nag-tumbling patalikod, naging abo naman lahat ng pinagsasaksak ko.



Hindi na masama.



Si Coldy naman ang sumunod na sumugod, hindi niya ito ginamitan ng pisikal na pakikipaglaban bagkus ang kan'yang salamanka ang ginamit niya upang mapatumba ang limang pulang lobo upang siguro ay maging madali nalang ang pakikipag-laban niya.



Itinapat niya ang kamay doon sa mga lobo at sumabog naman lahat. Katulad ng akin ay naging abo din ang mga lobo pagkatapos paslangin.



"Magaling! Kayo ay pinahihintulutan ko nang pumasok sa Arteya Kingdom." ani puno.



Nakarating na kami kaagad sa kulay gintong gate ng Arteya Academy. Nagniningning ang gate na nagpabilib sa'ming dalawa.



"I'll going to be invisible, I hate attentions." aniya.



Napatango nalang ako. "I hate attentions also, gawin mo din akong invisible." nakatinging tugon ko sa kan'ya.



Actually, kaya kong maging invisible if I want, kaso makakahalata siya na ako ang prinsesa kapag ginamit ko pa ito. Hindi kalaunan, naging invisible na kaming dalawa.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon