Kabanata XIII - Chapter 13

18.1K 429 7
                                    

Chapter 13 - Apologies
Written by yeexizx

Charlie's POV

"Ikaw ang babaeng nasa propesiya at ang nawawalang prinsesa! Dapat kang mamatay!" sigaw ng isang nilalang na nakabalabal sa'kin.


Hindi ko makita ng klaro ang kanyang mukha ngunit mahahalata mo rito ang galit na kanyang nararamdaman.


"Ang mga magulang mo ang pumatay sa ama ko! Kaya karapa't dapat ka ring mamatay bilang pananagutan sa pagkamatay ng aking nag-iisang pamilya! Dapat na kitang patayin sapagkat ayokong maunahan mo ako sa darating na labanan... Mayroong isang nilalang na para sayo at kayo'y konektado sa iba't ibang paraan, kayo lamang ang makakapaslang sa'kin kaya dapat ay hindi na ako nagsasayang ng panahon na patayin ka CHARLOTTE!" malakas na sigaw niya sa'kin, ang boses niya naman ay nag-eecho sa paligid.


"Anong ibig mong sabihin na may nilalang na para sa akin at mag-kakonektado kami? At bakit mo kilala ang mga magulang ko!?" malakas na tanong ko rito.


"Huwag ka nang maraming tanong! Kailangan mo nang mamatay!" sabik na sabik niyang sambit.


Tiningnan ko naman siya ng matalim. "Bakit ka ba galit na galit sa'kin!? Hindi naman ako ang pumatay sa iyong ama! At isa pa, nababagay lang din na pinatay ng mga magulang ko ang iyong ama sapagkat masasama kayong mga nilalang na dapat magdusa upang maging kapalit ng inyong kasalanan!"


"Walanghiya ka! Isa kang lapastangan para sabihin iyan sa amin!"


Sasaksakin na sana niya ako ng kanyang espada nang magising ako.


Panaginip lang pala lahat nang 'yon...


Ramdam na ramdam ko ang pagkapawis ng katawan ko at ang aking pamumula. Tiningnan ko si Divina pero wala siya sa higaan niya, hindi na niya siguro ako ginising. Mabuti na lamang, maaga siyang pumasok, ayokong makita niya ako na nagkakaganito ngayon.


Bumangon na ako dahil may pasok pa ako at bawal at ayokong mahuli sa klase. Simula ngayon, Royalties na ang aking seksyon. Paghihiwalayin na rin daw ang silid ng Rare at Royalties Section kaya naman puro Royalties na lamang ang makikita ko. Napagpasyahan kong maligo at huwag nang kumain.


Hindi kalaunan, natapos na ako sa aking pagligo at lumabas na para magbihis. Ang isusuot ko na uniporme ay iba na dahil nag-iba na rin ang seksyon ko.


Ang uniporm ng Royalties ay masyadong elegante tingnan. Ang palda nito ay kulay ginto, ang uniporme ay kulay itim at mayroon itong pulang ribbon.


Isinuot ko na ang hoodie ko para itago nanaman ang mukha ko. Mahahalata ako kapag hindi ko tinago ang buhok at mga mata ko. Maaari rin nilang katakutan ang magiging itsura ko na pinakakinakatakutan kong mangyari ulit.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon