Kabanata XXXIII - Chapter 33

12.5K 276 5
                                    

Chapter 33- I'm


Written by yeexizx



Kimmy's POV



Nananabik na akong makapunta muli sa Explodery Kingdom, kung saan kami nagkakilala ng pinakamamahal kong si Kian.



Kailan kaya ulit ako makakapunta doon?



Hindi ko pa pala nababanggit na magkapatid kami ni Coldy, I'm his stepsister.



Nagka-anak kasi si Mommy Thunderea at si Haring Blasty pero hindi naman iyon ikinagalit ni Reyna Firey dahil p'wedeng mag-asawa ng dalawa o higit noon pang kapanahunan nila, ngayong panahon ay ipinagbabawal na rin iyon sa aming kultura.



Napangiti na lamang ako nang maalala ko kung paano kami nagkakakilala ni Kian noong bata pa lamang kaming dalawa.



Flashback:



Kasalukuyan akong pangiti-ngiti sa kawalan dahil napag-alaman kong ngayon ko na makikilala ang lalaking papakasalan ko sa hinaharap na taga ibang kaharian.



Ilang taon na kaya siya? Sana'y malapit lamang ang aming edad sa isa't isa...



Bumukas naman ang pinto sa aking kwarto at inuluwa nito si Mommy kaya napabalikwas ako ng higa. "Kimmy, Kian is here..." nakangiting sinabi nito sa'kin. Napangiti naman ako ng malawak.



Wala pang ano-ano'y tumakbo na kaagad ako palabas sa k'warto ko habang dala-dala ko ang teddy bear na pinangalanan kong Polly. Pagkababa ko, bumungad sa'kin ang isang g'wapong batang lalaki na may matangos na ilong, mapupungay na mata, makapal na kilay, at kulay-rosas na labi.



Sinuri ko naman ang kan'yang suot, siya ay galing sa Machinery Kingdom.



"He's the prince of Machinery Kingdom..." bulong ko sa'king sarili.



Kaming dalawa lamang ang naiwan dito sa sala, marahil ay nagluluto si Mommy ng aming kakainin sa hapon.



"Hi?" naiilang niyang bati sa'kin habang kumakamot pa sa kan'yang ulo.



Sumilay naman ang ngiti sa labi ko. "Hellooo!!!"



Bata pa kaming dalawa, I think we're just seven years old.



"Ilang taon kana, Kimmy?"



Kumunot naman ang batang ako. "How did you know my name?"



"Mommy Goldea and Daddy Bronzeo told me." aniya.



"Oh... I'm just seven years old."



Yes, aaminin ko... Una palang kaming nagkakilala ay nagustuhan ko na siya kaagad without any reasons. I just like his attitude, the way he respected me was rare.



"I'm seven also!" sigaw niya.



Naalimpungatan kaming dalawa nang sumigaw si Mommy. "Kimmy! Kian! Come here first and go eat these snacks I have prepared!" tumakbo naman kami sa kinaroroonan ni Mommy. Amoy na amoy ko na kaagad ang mabangong paborito kong pagkain.



"Oh! This is my favorite snacks! Tuna sandwich and lychee juice." natutuwa kong ani kay Kian.



Kumuha naman ako ng isang sandwich at nginuya ito, nag-aalinlangan namang kumuha si Kian ngunit hindi kalaunan ay kumuha na rin s'ya marahil sa inggit.



Tinikman na niya ito at napanganga nalang sa kawalan. "How could this snack really taste good? Tastes great."



"Thank you, Kian. But, did you already know why you're here?"

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon