Kabanata XIV - Chapter 14

16.7K 390 12
                                    

Chapter 14- Anger
Written by yeexizx

Charlie's POV

Bumalik na ako sa upuan ko nang tawagin ako ng taong hindi ko inaasahang kakausapin ako.

"Uhh... Charlie?" tawag sa'kin ni Coldy.

Kumunot naman ang noo ko. "Bakit?"

"Do you to share your ingredients with me?" he whispered.

May ibabait ka pa rin palang damuho ka.

"Okay." malamig na tugon ko rito.

Hindi ko ikinakaila na ang gaan ng loob ko sa kanya, may kakaiba akong nararamdaman na para bang mag-kakonektado kami sa hindi ko maipaliwanag na paraan.

Nauna naman itong gumawa ng spell. Pinapanood ko lang siya sa kanyang pinaggagagawa pero sablay-sablay pa rin. Pinipigilan kong matawa ng bahagya dahil 'yung mga hayop na nagagawa niya ay malayo sa pinapagawa sa amin.

"Akin na nga 'yan, susubukan ko lang." ani ko rito, he just nodded.

Nakakaisang oras na sila ngunit hindi pa rin nila naitatama ang spell para sa potion, kaya naman sinubukan ko na. Naglagay na  ako ng balahibo sa nagbubulang likido, kailangan din ng dugo sa potion. Nakita ko lamang sa libro ito kaya sana ay gumana. Hindi rin ako sigurado kung totoo ba ang mga nakalagay doon.

Wala namang masama kung susubukan ko

"Ser un conejo rana, ese es mi comando." kalmado kong sambit na spell at itinaas ang kamay.

Nagulat naman si Coldy sa ginawa kong paghiwa sa palad ko.

"What did you do to your palm?" malamig niyang tanong.

"Hiniwa, nakita mo naman 'di ba?" mapang-uyam kong saad.

"But why? For what?"

Tiningnan ko naman siya. "To complete the potion." simple kong sagot.

Hindi na ako umimik at inikot na ang magic wand papunta sa tapat ng potion tube. Hindi ko inaasahan na magiging matagumpay ang aking mga naisip at nakalagay lamang sa libro na mga kasangkapan.

Nabigla naman si Coldy. "How did you do that?"

"Nabasa ko lang sa libro 'to." simple kong sagot. Hindi naman nito inalis ang tingin sa akin na nagpailang sa akin. Mabuti nalang at nagsalita ang guro namin.

"Wow! Congratulations, Charlie! Ikaw lang ang nakakuha ng spells at ingredients para sa potion na ito! At dahil ikaw ang nanalo ay gagatimpalaan kita..." malakas na sambit ni Ms. Cecil na nakapukaw din ng atensyon ng ibang Royalties.

"Kayo namang mga Royalties, pumunta na kayo sa cafeteria't kumain na." nakangiting saad ni Ms. Cecil. Napatango naman sila at tumayo na't nagsilabasan.

Naiwan na lamang ako mag-isa kasama si Ms. Cecil, nginitian niya naman ako ng abot tainga.

"Lalo pa kitang papalakasin. Mayroon akong ibibigay sa'yong kwintas na tiyak na ikakatuwa mo. Kahit pa... Hindi ko nakikita ang mukha mong masaya, ramdam kong magiging masaya ka sa kaloob-looban mo."

"Nasaan ang kwintas na sinasabi mo?" kunot-noong tanong ko rito.

May dalawa akong kwintas, 'yung isa ay bigay ni inang Tamara, at 'yung isa ay hindi ko alam kung kanino galing pero ang paalala lang sa'kin ni Inang Tamara ay huwag ko raw 'yon iwawala dahil may importanteng gampanin iyon sa buhay ko.

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon