Vampire Academy

By AsawaNiJeonJungkook

27.5K 1.4K 1K

[COMPLETED] Former: School Of Vampires: Vhaxeinus Academy "Hi! Im Zeiah. And guess what? I entered this Acada... More

VAMPIRE ACADEMY
INTRO
INFO
PROLOGUE
Chapter One
Chapter Two
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
CHAPYER TWENTY FOUR
TOUCH OF MEMORIES
CHAPTER TWENTY FIVE
CHAPTER TWENTY SIX
CHPATER TWENTY SEVEN
CHAPTER TWENTY EIGHT
CHAPTER TWENTY NINE
CHAPTER THIRTY ONE
CHAPTER THIRTY TWO
CHAPTER THIRTY THREE
CHAPTER THIRTY FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY SIX
CHAPTER THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY EIGHT
CHAPTER THIRTY NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY ONE
CHAPTER FORTY TWO
CHAPTER FORTY THREE
CHAPTER FORTY FOUR
CHAPTER FORTY FIVE
EPILOGUE
šŸ’Œ

CHAPTER THIRTY

216 13 0
By AsawaNiJeonJungkook


CHAPTER THIRTY

HEYLIL

I gasped and exclaimed in disgust with what we saw. Sa ilang araw naming paghahanap, nakita na namin ang tabing dagat kung saan tinatapon ng mga vampire hunters ang walang buhay na katawan ng mga mortal.


Sa isang bangin, nagkalat ang mga patay hanggang sa dagat na puno ng mga bangkay. Malayo pa lang kami, naaamoy na namin ang kakaibang amoy ng mga ito, lalo na't malakas ang pang-amoy naming mga bampira. May mga katawan na wala ng ulo, laman loob, may mga kagat ang buong katawan, ang iba pa nga ay inuuuod na.

"Shit naman," Lucifer exclaimed, he closed his eyes na para bang hindi niya kayang makita ang nasa paligid niya.



I remained myself in a stoic expression, even though my heart was pounding abnormally because of what we saw and of course, Lucifer was here.




Yes, he's my partner in this mission. Sa lahat ba naman kasi nang mabubunot ko bakit siya pa? Siya ang pinakaayaw kong kasama, pero pinaglalaruan yata ako dahil pinagtatagpo yata kami kahit na anong gawin ko.



"Ang dedemonyo ng mga gumagawa nito," he commented. Hindi ako sumagot, nanatili akong tahimik.




Kanina pa siya nagtatangkang kausapin ako pero hindi ko siya pinagbibigyan. Ayoko. Ayokong bigyan siya ng pag-asa dahil aasa rin ako. Mas maganda nang ganito kami. Nakasunod lang siya sa akin palagi, kung magsasalita man ako ay iyong mga important lang. Hindi naman siya nagrereklamo o nagpupumilit na ikinatuwa ko naman.



"I'll just inform King about this," sabi niya makalipas ang ilang minuto.




Tumalikod siya sa akin at lumayo muna habang patuloy ako sa pagtingin-tingin sa paligid. Malinis ang pagkakagawa, wala man lang nag-iwan ng bakas na maaari naming magamit. Kahit maputik ang paligid wala ring bakas ng mga paa na may nanggaling rito.



Napatigil ako nang may naramdaman ako sa paligid. Agad akong lumingon sa likod pero ang gumagalaw na halaman lang ang nakita ko. Sigurado akong may nagmamatyag sa amin. Shit. Bakit hindi ko naisip na pwedeng maging patibong para sa amin ito?




Agad akong kinabahan, hindi para sa sarili kun'di para kay Lucifer. Lumayo siya kanina sa akin dahil mahirap din ang signal sa lugar na ito. Baka kung anong nangyari sa kaniya. Hindi pa siya masyadong malakas ngayon dahil kakaparusa pa lang sa kaniya. Paniguradong mahina pa ang kapangyarihan niya. Hindi ko alam kung anong ginawa sa kaniya. Walang nakakaalam dahil walang nakakakita kun'di ang tagapagparusa at ang pinaparusahan.



"Lucifer!" tawag ko sa kaniya.



Naglakad-lakad ako para hanapin siya. Nang hindi ko siya makita, nagsimulang kumabog ang dibdib ko sa pag-aalala. Lalo na't ramdam kong may nagmamatyag sa akin. Nasa paligid lang sila at binabantayan ang mga kilos ko, siguro iniisip kung kailan aatake.



Pero dahil sa pag-aalala ko, ramdam kong nanghihina ako. Parang nablanko ang isip ko, nanginginig ang mga kamay at tuhod. May narinig akong kung ano sa likod kaya napatingin ako roon. Nanlalaki ang mga mata ko kung ano ang nakita ko.



Venom vampire na papalapit sa akin. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Namumula ang mga mata nito at nakalabas ang mga pangil. Napapikit na lang ako at hinintay na lapain ako nito pero wala akong naramdaman.



"Heyl!"



Napadilat ako nang marinig ko iyon. Hindi ako makagalaw nang makita ko si Lucifer na iniharang ang katawan niya para sa akin. Hawak-hawak niya ang kaniyang balikat na may kagat ng venom vampire. No. . . tumulo ang mga luha ko dahil sa nakita. Nakatingin siya sa akin at napatitig ako sa mga mata niya. Lungkot. . . takot. . . pagmamahal. . . iyan ang nakita ko.


"Run, Heyl! Run!" he shouted.



Kahit na naririnig ko ang sinabi niya, hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ako. Hindi. . . ayoko. Ayokong iwan siya. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa. Hindi ako ganito, isa akong wizard vampire. Hindi dapat ganito. Mas lalo akong natulos sa kinatatayuan nang malakas na itinulak ng bampira si Lucifer kaya tumilapon ito sa kung saan.





"Lucifer!" I cried. No! Bumagsak siya sa lupa, paharap sa akin. May tumulong luha sa mga mata niya habang patuloy na bumubulong na tumakbo ako.




Napahawak ako sa tainga ko nang marinig ko ang mga sinabi ni Mama sa akin dati. Lahat bumubulong sa akin. . .



"Siya ang kahinaan mo, Heyl. . ."


"Hindi kayo pwede dahil ikababagsak niyo ang isa't isa. . ."



"Darating ang araw na wala kang magagawa para sa kaniya lalo na sa bingit ng kamatayan. Katulad noong wala akong nagawa para sa papa mo. . ."



"Ikaw ang magiging dahilan ng kamatayan niya balang araw. . ."



"No. . ." I whispered. My lips were quivering and my body was trembling. "Hindi!"



Hindi iyon totoo. Hindi! Ayokong maniwala noon. Hindi dahil nangyari sa iba, mangyayari rin sa akin. Papatunayan kong p'wede kaming magmahal nang walang nararamdamang takot. Si Lucifer, siya ang kahinaan ko pero siya rin ang lakas ko.



Nandidilim ang pangingin ko. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko pero isa lang ang nararamdaman ko, galit. Galit sa nanakit kay Lucifer. Wala akong ibang gustong gawin kun'di ang ipaghiganti siya. Parang nanumbalik ang lakas ko at isipan, sobra-sobra pa nga. Napatingin ako sa paligid. Napapaligiran na kami ng maraming venom vampires.



Sabay-sabay silang sumugod sa akin. Inihanda ko ang sarili ko. Kating-kati na akong pumatay. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Matinding galit. Ngayon lang.



"Harik vendismasrim," I whispered. Automatikong mat bumalot sa akin na parang shield na hindi nila ako magagalaw. I smirked. Lumapit sa akin ang lima pero sabay-sabay lang silang tumilapon.




Mabilis akong pumunta sa kanila at isa-isa silang pinugutan ng ulo. Para akong nasisiraan ng bait at walang ibang gustong gawin kun'di patayin silang lahat. I kicked, punched, bruised them with my nails and took of their heads. Galit na galit ako. Hindi nila ako masaktan dahil sa shield na inilagay ko.



Hanggang sa, ako na lang ang mag-isa. Hinihingal na tiningnan ko ang paligid, wala nang venom vampire, halos lahat sila ay naging abo na. Hinihingal na tumakbo ako kay Lucifer na wala nang malay. Inihiga ko siya sa hita ko at nagsimula na naman akong umiyak. No, not him please. Hindi ko kayang mawala siya.



"L-lucifer. Wake up, please. 'Wag mo akong iiwan," I said crying. Tinapik-tapik ko ang pisngi niya.



Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata niya at nanghihinang tiningnan ako. I let out a weak smile.



"H-heyl, m-mahal kita," he whispered. "I want to h-hear you say i-it back t-to me b-before—"


"N-no! Hindi ko sasabihin! Kailangan mong mabuhay okay? Kung gusto mong marinig iyon mula sa akin. Hold on, please," I said to him. My heart was aching and I am afraid to lose him. Nakagat siya ng venom vampire kaya may lason ngayon sa katawan niya. Kailangan ko siyang dalhin pabalik sa V.A. para magamot.




Dahan-dahan akong tumayo at inilagay siya sa likod ko. Napapikit ako sa bigat niya pero kaya ko naman. Kakayanin ko.



"Y-you don't need to do this, H-heyl," bulong niya.




"Just shut up, Lucifer! Huwag na huwag mo akong iiwan, okay?"



Mabilis akong tumakbo pabalik sa V.A. Hindi ko inalintana kung nanghihina na ako, kung nabibigatan ako, kung napapagod na ako. Ang importante sa akin, si Lucifer. Kailangan ko siyang mailigtas. I don't want to lose him. I can't.


ARCHELLE

Kakalabas lang naman mula sa office ni King dahil nagreport kami tungkol kila Kimmy at sa ama niya. Tumakbo na kasi sila palayo dahil nalaman na ni King ang mga plano nila. Tsk. Tsk. Hindi man lang nagtago ng maayos dahil alam din namin kung nasaan sila ngayon.




"Gutom ka?" I asked Arthur and looked at him. Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay.




Napaiwas ako ng tingin. I could feel my heart pounting and my cheeks heated. Ang totoo niyan, gusto ko lang siya makasama nang matagal. Ngayong parang tapos na ang mission namin, panigurado lalayo na ulit kami sa isa't isa. Wala na ulit siyang pakialam sa akin, wala naman talaga siyang pakialam.


"Let's go to cafeteria," sabi niya kaya napangiti ako.





Sabay kaming pumunta sa cafeteria. Para akong sira na ngingiti-ngiti habang naglalakad. Kinikilig ako. Inaamin ko na mahal ko pa rin siya. Pero nakakatakot na kasi. Nakakatakot umasa ulit. Nakakatakot masaktan. Si Arthur lang ang may kakayahan na saktan ako ng ganun. Siya lang.





Napahinto ako nang makita ko si Zeid, kasama iyong babae niyang nililigawan. Naiwan din kasi sila dito dahil wala na silang babalikan,pinatay din kasi ang mga magulang nila. Napangiti ako nang makitang masaya silang dalawa. Mukhang hindi na torpe si Zeid. Hihi.





"That mother-fucker," nawala ang ngiti ko nang marinig ko si Arthur.




Galit siyang nakatingin kay Zeid sa hindi ko malaman na dahilan. Para niya itong susugurin at gustong saktan. Agad kong hinawakan ang braso niya dahil baka kung ano ang magawa niya.





"May problema ba?" I asked.





"I thought he's your boyfriend? Then why is he with another girl?!" galit na tanong niya at bumaling sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. Ano bang pinagsasabi nito?





"Boyfriend? Sino? Wala akong boyfriend!" giit ko.




"What?" hindi makapinawalang tanong niya. "Don't lie. I saw both of you!"




"Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Sinong kami?" Naguguluhan na tanong ko. Hindi ko siya ma-gets talaga!




Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papasok sa isang k'warto para makapag-usap kami ng maayos. Parang tungkol kasi sa amin ang sinasabi niya kaya gusto kong malaman. Sinong boyfriend ko naman ang sinasabi nito? Saang balita naman niya nasagap 'yon at mali-mali naman!





Sa tagal-tagal ko siyang sinusuyo at hinahabol, hindi pa ba niya gets na siya ang ang gusto ko maging boyfriend?




"Linawin mo nga ang mga sinasabi mo!" sabi ko sa kaniya. Nakasandal siya sa isang lamesa habang ako ay nilock ang pintuan ng room. Humarap ako sa kaniya. Nandoon pa rin ang naguguluhan niyang tinig.




"I saw you with that guy!" Giit niya. His voice was still calm kahit na mukha siyang galit.



"Who's guy?"




"That guy!" sabay turo niya sa may blackboard. Nakakunot ang noo niya na para bang hindi maalala kung anong pangalan ng sinasabi niya.





Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin. Si Zeid.




"Si Zeid ba?" tanong ko. Mas lalong nadagdagan ang galit at sakit sa mga mata niya kaya sa tingin ko ay tama ako.





"Magkaibigan lang kami no'n," dagdag ko pa.





"He heard him said he loves you," bulong niya at yumuko na parang nag-iisip.




Napaisip din ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na mahal ako ni Zeid? Eh, iba ang gusto no'n. Nagpapatulong lang naman sa akin y'on—OMG! Ang tinutukoy niya ba ay yung nagpra-practice si Zeid para sa comfession niya? Nako naman. Ito ba ang dahilan kaya nagkagulo-gulo kaming dalawa.





Hindi ko mapigilang mapangiti. Kung iyon nga ang dahilan, ibig sabigin nagselos siya roon? Nagseselos ba siya kay Zeid? Gosh! Gusto na ba niya ako? May nararamdaman na ba siya tungkol sa akin? Nagbunga na ba talaga paghihirap ko?




Tiningnan ko siya. Mukha siyang gulong-gulo na at hindi makapaniwala. Walang kung ano-ano'y nilapitan ko siya at hinalikan sa labi. Mabilis lang iyon at humarap sa kaniya nang nakangiti. Bakas ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko.





"Hindi ko siya boyfriend. Wala siyang nararamdaman sa akin at ganoon din ako sa kaniya," I chuckled. "Umamin ka na, Arthur. May nararamdaman ka ba para sa akin?"




He looked at me intently. Kinakabahan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. My heart was pounding loudly. Napalunok ako at hindi na makapaghintay sa sagot niya. Kung hindi niya pa rin ako gusto, desidido na ulit akong huwag siyang susukuan.




Ilang segundo kaming nagtitigan, pero wala akong nakuha na sagot sa kaniya. Imbes ay hinawakan niya ang leeg ko papalapit sa kaniya at hinalikan ako nang mariin. Napapikit ako at agad na tinugon ang halik niya. Ramdam ko ang gusto niyang ipahatid sa akin sa pamamagitan ng mga halik niya.





Hinihingal ako nang maghiwalay ang mga labi namin. Namamanhid ang mga labi ko dahil sa halik niya. Paniguradong namumula rin ang pisngi ko. Mahigpit ang kapit ko sa t-shirt niya at hindi makatingin sa kaniya. Pero inangat niya ang ulo ko para magpantay ang tingin namin.



"Ako lang dapat, Archelle," bulong niya, sapat para marinig ko.



Paglabas namin ng k'warto ng iyon bumungad sa amin si Heylil at na buhat-buhat si Lucifer sa likod niya na walang malay. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at pag-aalala. Agad akong lumapit sa kaniya nang muntikan na siyang matumba. Si Arthur naman ay binuhat si Lucifer at agad na dinala sa clinic.






"Si L-lucifer. . . save him," huling sambit ni Heyl bago siya nawalan ng malay.



• • •

Continue Reading

You'll Also Like

515K 15.7K 60
[COMPLETED] [UNEDITED] Highest Rank: #1 in Action [September 25,2020] Highest Rank: #2 in Action [September 24,2020] Story Description: Maraming gust...
64.5K 1.7K 34
Top #2 On Werewolf Genre Rachelle Mae Arce, Inampon ng kinikilalang magulang ngunit siya mismo ang nag sisisi niya inampon siyang mga ito dahil sa pa...
124K 3.3K 63
My name is Ripper. I was one of the special assassin in Black Sanctuary. I was raised by them and they teach us how to kill. But because I found out...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...