Zithea (Published under Indie...

By blue_maiden

2.2M 117K 36.8K

POLARIS BOOK 2 Akala ni Xiang Serenity ay tapos na ang lahat simula nang matalo nila ang hari ng kasamaan ngu... More

Pagpapakilala
Simula
Kabanata 1: Bagong tahanan
Kabanata 2: Anino sa gabi
Kabanata 3: Katotohanan
Kabanata 4: Hando
Kabanata 5: Muling Pagkikita
Kabanata 6: Manggagamot
Kabanata 7: Reyna Weiming
Kabanata 8: Ang pagbabalik mundo
Kabanata 9: Misteryo
Kabanata 10: Paghihinala
Kabanata 11: Pag-amin
Kabanata 12: Pagseselos
Kabanata 13: Natatangi
Kabanata 14: Kaibigan
Kabanata 15: Chaun
Kabanata 16: Isipiya
Kabanata 17: Punong Doktor
Kabanata 18: Kasunduan
Kabanata 19: Ugnayan
Kabanata 20: Hari ng Lobo
Kabanata 21: Earth
Kabanata 22: Bundok ng Deri
Kabanata 23: Halik
Kabanata 24: Yuppa
Kabanata 25: Bundok ng Zeryu
Kabanata 26: Pag-amin
Kabanata 27: Halik
Kabanata 28: Pagbalik
Kabanata 29: Pagbagsak
Kabanata 30: Hari ng Soka
Kabanata 31: Paghihiganti
Kabanata 32: Naulilang Ama
Kabanata 33: Pagbaba sa Trono
Kabanata 34: Pagsakop
Kabanata 35: Heneral Baxia
Kabanata 37: Pamamaalam
Kabanata 38: Huling pagkikita
Katapusan

Kabanata 36: Koronasyon

31.9K 2.2K 456
By blue_maiden


KULAY pula ang mga mata ni Rushin. Galit siya at hindi lang sa mata niya 'yon nakikita kung hindi pati sa buong mukha niya.

Nasa likuran niya sina Bonjo.

"Sumuway kayo sa kasunduan, Bonjo!" Sigaw ko. Hindi ko rin matago ang inis ko.

Nagtiwala ako sa kanila pero nilinlang nila ako. Akala ko talaga ay iba sila at gusto nilang tulungan ang Hari nila.

"May mali sa kasunduan, aking reyna." Singit ni Rushin. "Hindi naman Jia ang iyong pangalan, hindi ba? Ikaw si Xiang Serenity."

Kaya pala malakas ang loob nila at kaya pala buhay pa rin sila hanggang ngayon. Hindi na pumasok sa isip ko ang bahay na iyon.

"Ngayon, bumalik na tayo sa palasyo, aking reyna. Maaga ang koronasyon bukas."

"Hindi ako sasama sa'yo, Rushin!"

Mas lalong lumabas ang mga ugat sa mukha niya. Isinara niya ang dalawang kamay niya.

"Hindi iyon isang paki-usap, isa iyong utos!"

Pagsigaw niya ay isa-isang nagsulputan ang mga puting lobo sa paligid.

"Hindi ko na ito uulitin pa, sumama ka na sa amin o hindi mo magugustuhan ang mangyayari."

Bigla akong napa-isip. Kung susuwayin ko siya ay maari niyang patayin si Scion.

Nasira ko ang plano. Sinira ko ang nag-i-isang chance na matalo namin si Rushin at Jun.

Hinawakan ni Scion ang kamay ko, "Hindi siya sasama sa'yo! Hindi ka niya mahal kaya tigilan mo na ang ilusyon mo!"

Tumawa nang malakas si Rushin.

"Sige nga, sino ang mahal niya, ikaw?"

Sabay silang tumingin sa akin, hinihintay ang sagot ko. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Scion.

"Oo, ako ang mahal niya."

Kusang lumabas ang malaking ngiti sa labi ko. Proud na proud kasi si Scion habang sinasabi ang mga salita na iyon.

"Walang ibang pwedeng mahalin si Jia, kung hindi ako lamang!"

Inangat si Rushin ang kamay niya at inituro niya kami. Isa-isang lumapit sa amin ang mga lobo niya at ang kasama niyang mga sundalo.

Agad naming iniwasan ang atake nila. Gayon pa man, masyado silang marami kumpara sa bilang namin. Hindi rin ganoon naka-atake ang mga ahas ko.

Habang nakikipaglaban ay may humili sa akin mula sa likod ko. Pagtingin ko sa leeg ko ay may nakatutok na sa akin na patalim.

Lahat sila kahit na si Rushin ay natigilan at napatingin sa amin.

"Jun, anong ginagawa mo?"

Siya pala. Hindi na ako nagulat sa ginawa niya. Inaasahan ko nang isang araw ay ta-traydurin niya rin si Rushin.

Alam kong may iba pa siyang binabalak kaya niya kami dinala rito. Hindi lang siya basta maghihiganti. May iba pa siyang plano.

At kung tama ang hinala ko, may kinalaman ito sa dahon ng Sequioa.

"Ibigay niyo sa akin ang dahon ng Sequioa, ngayon din! Kung hindi ay papatayin ko si Xiang!"

Tama nga ako... gusto niya pa rin maghari sa mundo. Hindi pa rin siya tapos sa kasamaan niya.

"H'wag niyong ibigay sa kanya!" Mabilis kong sigaw.

Humakbang siya patalikod habang hila-hila ako.

"Tumahimik ka, Xiang! Hindi ko hahayaan na masira mo ulit ang plano ko! Hindi 'yon mangyayari!"

Mas lalo niyang idiniin sa leeg ko ang punyal. Nakaramdam ako nang hapdi at may kaunting dugo ang tumulo sa leeg ko.

Nataranta silang lahat, lalo na si Rushin at Scion.

"Ibibigay namin sa'yo ang puno, pakawalan mo lang si Xiang!" Sigaw ni Scion.

"Nasa inyo ang puno ng Sequioa?" Angal ni Rushin. "Kung hindi niyo sana kinuha 'yan, hindi mangyayari 'to!"

"Tama na, Rushin! Wala na tayong panahon para magtalo! Nakasalalay dito ang buhay ng babaeng pinakamamahal natin!"

Natahimik si Rushin.

Lumapit sa amin si Heneral Baxia, hawak-hawak niya ang puno. Kulang na mga dahon pero sapat pa ang tira para magkaroon ng kakaibang kapangyarihan si Jun.

Sinubukan kong ipalapit ang mga ahas sa kinakatayuan namin para tahimik na atakihin si Jun pero may enerhiyang nakaharang sa paligid namin. Mautak talaga siya at talagang planado niya ang lahat.

"Ibaba mo ang dahon! Ang mga ahas na ang kukuha rito!" Sigaw niya. "Lumayo kayong lahat kung hindi mamamatay si Xiang!"

Ginawa nila ang utos ni Jun. Pagkababa ng puno ay nagsilabasan ang mga ahas na kulay pula.

Hindi ko na-ko-kontrol ang mga ahas na ito dahil ilalim na sila ng kapangyarihan ni Jun.

Dinala ng mga ahas ang puno papunta sa bibig ni Jun.

"Masasakop na rin ang mundo na ito ang mundo natin, Xiang." Bulong niya sa tainga ko. "Makakamit ko na rin ang hustisya para kay Zhao!"

Isa-isa niyang kinain ang mga dahon.

Nakaramdam agad ako nang matinding init sa likuran ko. Kay Jun nanggagaling ang init na iyon.

Itinulak niya ako at sumigaw nang malakas. May kulay dilaw na enerhiyang pumapalibot sa kanya. Sunod-sunod ang pagsigaw niya na tila ba hindi niya kinakaya ang kapangyahirang bigay ng mga dahon.

Lumapit sa akin si Scion at agad akong inilayo sa nagwawalang Jun.

"Mabuti pa ay lumayo na tayo bago niya tuluyang makuha ang kapangyarihan ng mga dahon!" Sambit niya.

Tumakbo kami palayo. Ilang hakbang na rin ang nagagawa namin nang biglang umangat ang mga paa namin.

"Saan ka pupunta, Xiang?"

Mabilis akong bumalik sa tabi ni Jun. Kinokontrol niya ako at nakalutang kong pumunta sa kanya.

Parang nakabalot sa sa kung ano ang buong katawan ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makawala sa pag-control sa akin ni Jun.

"Bitawan mo siya!" Sabay na sigaw ni Rushin at Scion.

"Magaganap na ang koronasyon ngayong gabi! At ako ang tatanghalin na bagong hari!"

Confident na confident si Jun sa sinabi niya. Para bang walang makakapigil sa kanya, na posible ngang mangyari.

Ramdam ko ang lakas niya at sa totoo lang, nakakatakot ito.

"Nahihibang ka na ba–" hindi naituloy ni Rushin ang sasabihin niya. Hinawakan niya ang leeg niya na para bang may sumasakal sa kanya. Maaring si Jun ang may kagagawan nito dahil nakatutok kamay niya rito.

"Tumahimik ka! Tapos na akong sundin ka! Ngayon, ako naman ang susundin mo at ng mga tauhan mo!"

Hanggang ngayon ay nakalutang pa rin ako sa lupa. Pareho na kami ni Rushin ng kalagayan. Wala siyang magawa kahit na ang mga puting lobo niya.

"Scion, sumunod ka sa akin, lahat kayo! Kung hindi mamatay ang dalawang ito!" Utos ni Jun.

Walang pagbabagong dinulot ang pagmakatay ni Liam sa tatay niya. Mas lalo lang siyang sumama at naging sakim. Akala ko ma-ri-realize niya ang mga pagkakamali niya.

Habang pababa kami bg bundok ay inutusan ko ang mga ahas para hanapin si Dria at sabihin ang nangyari.

May isang bagay pa akong naiisip para matalo si Jun pero nakasasalay ito kay Dria at Doktor Guryo.

Kailangan nilang mapapunta rito sina Kuya Sanchi at iba pang mga puting salamangkero. Sila lang ang tanging makakatulong sa amin. Sila at ang libro ng Polaris.

Kakaiba na ang lakas ni Jun ngayon at kahit sina Scion ay mahihirapan siyang talunin. Ang libro lang ang makakapag-alis ng kapangyarihan ni Jun.

Sana lang talaga ay nakuha ni Dria ang libro na pinapahanap ko.

Lahat ay sunod-sunuran kat Jun. Ayaw nilang mapahamak ang Hari nila. Sina Scion ay hindi rin gumagalaw dahil sa akin.

"Tuloy ang koronasyon pero ngayon, ako na ang tatawagin niyong hari!"

Nahihibang na talaga siya. Pati ang mundo na hindi naman niya kinabibilangan ay sasakupin niya. Nilamon na siya ng kasamaan at wala na siyang pag-asa na magbago pa.

"Mamaya, makikita ng lahat kung paano ko papatayin ang dalawang tinuturing nilang hari!"

Umalma kami nina Bonjo pero agad na may pumulupot na ahas sa leeg nila.

"Sa lahat ng sasagot o susuway sa akin ay mamatay. Naiintindihan niyo ba?"

Pinakawalan niya rin ang mga ito pero alam kong kayang kaya niyang pumatay.

"Nahihibang ka na, Jun! Tingin mo ba matutuwa si Liam sa mga ginagawa mo?" Angal ko.

Binalibag niya ako sa sahig. Nakaramdam ako nang matinding sakit sa likuran ko.

"Tumigil ka, Xiang! H'wag mong idamay ang anak ko rito! Kayo ang dahilan kaya siya namatay!"

Sinubukan ni Scion na lapitan ako pero maski siya ay tumilapon papalayo. Triple ang lakas na nabigay ng dahon kay Jun.

"Walang makakapigil sa akin, kahit sino!" Sigaw niya habang humahalakhak. "Kahit kanino pang hukbo ito!"

Sa pagtapak namin sa labas ng palasyo ay sinalubong kami ng mga Mogwai. Mga halimaw na akala ko ay napatay na namin noon.

"Binalik ko na ang mga halimaw niyo. Dapat kayong magbunyi! Sa unang pagkakataon ay sumusunod na sila sa isang tao! Walang iba kung hindi sa akin!"

Wala silang ipinagbago. Malaki at mababangis pa rin sila katulad noong isinulat ko sila. Mas naglalaway nga lang sila ngayon. Mas natatakam siguro silang pumatay at kumain ng mga buhay.

Hindi ko alam kung paano pa ba mapipigilan nina Scion o kahit ng kampo ni Rushin si Jun at ang mga halimaw na ito.

Wala na talagang ibang paraan pa kung hindi ang tapusin sila sa pamamapagitan ng libro.

Ang Polaris na lang ang tanging pag-asa namin.


Itutuloy....
Last 3 chapters!

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
96.7K 4.8K 61
(On-Going)
198K 306 16
⚠️ MATURE CONTENT !TAGALOG SMUT! Are you ready to enter the World of Pleasure? ___________________________ A COLLECTION OF EROTICA ONE SHOT STORIE...
406K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...