Vampire Academy

By AsawaNiJeonJungkook

27.3K 1.4K 1K

[COMPLETED] Former: School Of Vampires: Vhaxeinus Academy "Hi! Im Zeiah. And guess what? I entered this Acada... More

VAMPIRE ACADEMY
INTRO
INFO
PROLOGUE
Chapter One
Chapter Two
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
CHAPYER TWENTY FOUR
TOUCH OF MEMORIES
CHAPTER TWENTY FIVE
CHPATER TWENTY SEVEN
CHAPTER TWENTY EIGHT
CHAPTER TWENTY NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY ONE
CHAPTER THIRTY TWO
CHAPTER THIRTY THREE
CHAPTER THIRTY FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY SIX
CHAPTER THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY EIGHT
CHAPTER THIRTY NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY ONE
CHAPTER FORTY TWO
CHAPTER FORTY THREE
CHAPTER FORTY FOUR
CHAPTER FORTY FIVE
EPILOGUE
💌

CHAPTER TWENTY SIX

212 11 0
By AsawaNiJeonJungkook

CHAPTER TWENTY SIX

ZEIAH

"Kuya, ayos ka lang ba talaga?" tanong ko sa kaniya habang kumakain kami ng agahan. Kaming dalawa lang dahil may ginagawa iyong iba.




Tumango lang siya sa akin. Nitong mga nakaraang araw, parang may kakaiba kay Kuya. Minsan ko nalang siya makita tapos parang mailap pa siya. Hay! Ewan ko. Ayaw naman niya magsabi sa akin.




Pagkatapos niyang kumain ay nagpaalam na rin siya sa akin na may gagawin daw siya. Iyon ang ginagawa niya tatlong araw na ang nakakalipas. Panigurado bukas ng umaga ko ulit siya makikita.





Naglakad-lakad ako hanggang sa may makita akong isang magarang sasakyan. At dahil gustong-gusto ko talaga ng mga magagandang sasakyan ay nilapitan ko ito at namamanghang tiningnan ito. Nakakatakot hawakan dahil baka magasgasan ko.




Napatingin ako sa papalapit na si Luxrill na may kasamang dalawang babae at isang lalaki. Hindi nila ako napansin dahil kausap nila si King. Sa kanila kaya itong magarang kotse?





"Stop that fucking truck and make sure the mortals are safe," rinig kong sabi ni King. Bigla akong inatake ng kuryusidad kaya binuksan ko ang compartment sa likod ng sasakyan at nagtago roon.





Maya-maya umandar na ang kotse at para akong malalagutan nang hininga sa bilis ng patakbo nito. Grabe, hindi naman kami siguro nakikipaghabulan 'di ba? Sobrang bilis ng takbo ng kotse nang bigla itong lumiko at tumigil. Nangudngod tuloy ako at nauntog sa kung saan.






Hawak ang ulo, lumabas ako sa sasakyan at natigilan ako sa nakita. Sila Luxrill at ang mga kasama niya napapalibutan ng venom vampires. Kita ko kung paano nagpalabas ng kung anong umuusok na likido mula sa kamay nito na nakapagpatunaw sa ibang bampira. Ang isa naman ay hawak ang ulo nito at iniikot iyon.





Wala sa sariling napaatras ako. Mali yata ang desisyon kong sundan sila. Ito yata ang gagawin nila, ito ang ibig sabihin ni King. Bigla akong nakaramdam ng takot, naalala ko ang nangyari kay Macey dahil sa mga pangit na bampira na iyon. Tumalikod ako at tumakbo papunta sa kagubatan. Palayo roon. . .





Pero biglang may tumutok sa sa tagiliran ko kaya napatigil ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko aakalaing ako ang magdadala sa sarili ko sa panganib.





"Saan ka pupunta, Miss?" tanong sa akin at maslalong idiniin sa likod ko ang hawak nitong baril. Napapikit ako at ikinalma ang sarili ko, inalala ko ang lahat ng itinuro sa akin ni Luxrill noon.




Pagkadilat ko ay agad akong umikot at tumalon at sinipa ang kamay niya dahilan para mabitawan niya ang baril. Bago pa siya makakilos ay sinuntok ko siya sa panga and sinipa siya sa dibdib kaya napahiga siya. Napaubo siya at napahawak sa dibdib. Habang namimilipit pa siya sa sakit at tumakbo ulit ako palayo pero biglang humarang sa akin ang tatlong venom vampire.




Naramdaman kong may kung anong tumama sa akin sa likod ko. Bigla akong napaluhod dahil para akong nanghihina. May tumama ulit sa balikat ko na nakapagpahiga sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Namamanhid ang buong katawan ko at unti-unti akong nawawalan ng lakas. Papalapit sa akin ang tatlong venom vampires.




Napapikit ako. Ito na ba ang katapusan ko?




Napadilat ako ulit at nakita ko ang isang lalaking nakamaskara na tinapos ang dalawang bampira. Siya. . . Siya rin ang nagligtas sa akin noon. Nanlalabo ang mga mata ko at bumibigat ang talukap ng mga mata ko nang humarap siya sa akin. Sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya at tinanggal ang maskara sa mukha niya.




"Damn it! Fuck, Zei! Don't close your eyes, okay?" Patuloy siyang nagmura habang buhat-buhat ako. Ngumiti ako pero gusto ko talagang pumikit.




Ipinikit ko ang mga mata ko. Patuloy niya akong tinatawag pero masyado akong mahina para buksan ang mga mata ko.




"I still don't confess my love for you, Zeiah. I'm fucking inlove with you, so don't leave me."

CLAIR


Damn. Bakit ba itong dalawang 'to ang kasama ko? Napakaingay.



"Jacob. Ba't ba panay ang tingin mo riyan sa cellphone mo? Andito naman ako," sabi ni Rogue kay Jacob habang sumisilip sa cellphone nito.





"Gago." Jacob showed him his middle finger then continue typing on his phone. "Si Rain kasi hindi sumasagot. Masama ang pakiramdam ko."





"Hala. Baka pinagpalit ka na no'n kay Von," pagbibiro ni Rogue kaya sinamaan siya ng tingin ni Jacob.





Napairap nalang ako sa dalawa at itinuon ang tingin sa sinusundan namin ngayon. Si Xenon, ang kanang kamay ni Magnus. Inutusan kami ni King na bantayan si Xenon at ang mga gagawin nito o kung magagawa namin, we could kill him. Kapag pumalpak kami sa mission na 'to. Kasalanan ng dalawa kong kasama.





I don't even know kung bakit pa sila kasama. I can work alone. Pabigat lang sila eh. Napatayo ako nang nakita kong tumayo si Xenon. Humarap ako sa dalawa na nagmumurahan na naman.





"Could you please focus on our mission?" malamig na sabi ko sa dalawa. Tumayo si Rogue at inakbayan ako na agad ko namang tinanggal.





"Eto naman si mylabs. Selos ka naman agad. Huwag kang mag-alala. Ikaw lang nagmamay-ari ng puso ko."





Hindi ko siya pinansin. What was he talking about? Tsk. I put on my shades and get my things. Narinig kong tinatawag na kami para sa flight namin. Kasabay namin sa plane si Xenon at papunta kami ngayong Europe, sa Spain. Hindi namin alam kung anong gagawin niya roon and that's what we need to know.





Sumunod sa akin ang dalawa hanggang sa makasakay kami sa eroplano at lumipad ito. Nasa harapan lang namin si Xenon at tatlong upuan ang pagitan namin sa kinauupuan niya. Nang makalapag ang eroplano sa airport sa Spain, kinuha muna ni Xenon ang bagahe na dala niya bago dumiretso sa banyo.





Naghintay naman kami malapit sa restroom. Inilabas ko ang cellphone ko at kunwaring may tinitext. Habang si Jacob at malayo at kunwaring may tinatawagan. Si Rogue ay nasa tabi ko na biglang nagpaalam na umalis.





"May pupuntahan lang ako," sabi niya at umalis na. Pipigilan ko pa sana siya pero nawala na lang siya bigla.




Bwisit talaga. May ginagawa kami ngayon pero kung saan-saan na naman siya pumupunta?





Inalis ko siya sa isipan ko nang lumabas na si Xenon. Nakasumbrero na siya ngayon. Sinunsan naman agad namin siya ni Jacob. Sumakay kami sa kotse at sinundan ang kotse kung saan sumakay si Xenon. Hindi na namin hinintay si Rogue. Bahala siya sa buhay niya.





Nakarating kaminsa isang luxury hotel. Bumaba si Xenon at pumasok sa loob. Sinenyasan ko si Jacob na maghintay nalang siya rito at ako ang bumaba sa kotse para sundan si Xenon. Hinubad nito ang sumbrerong suot at bahagyang tumahilid ang ulo kaya nakita ko ang itsura niya. Napamura na lang ako.




Damn it. Naisahan kami.




Inis akong bumalik sa sasakyan. Nagtataka namang tumingin sa akin si Jacob. I take off my shades and look at him.




"Naisahan tayo. Hindi si Xenon ang nasundan natin," inis na sabi ko sa kaniya.




"What? Paano nangyari 'yon?" gulat na tanong niya.





"Hindi ko alam," sagot ko pero may hinala akong nagkasalisihan kami noong nag-rest room si Xenon. Damn. Bakit ba hindi ko nahalata? Kasalanan 'to ni Rogue eh.





"Kailangan nating siyang mahanap," he said then started the engine of the car. Bigla namang tumunog ang cellphone ko so I answered it.





"Hi, my labs," si Rogue agad ang bumungad sa amin.





"Tsk. Nasaan ka ba, Rogue?" I asked. "Nasalisihan kami. Kailangan natin mahanap si Xenon."





"I know," cool na sabi niya. "I'm actually following Xenon's car right now."



"What?" gulat na tanong ko.




"Ang sabi ko sinusundan ko si Xenon ngayon. Galing ko 'di ba, my labs?" naramdaman ko ang pagmamayabang sa boses niya.





"How did that happen?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Tell me your location."




"Just track my phone, my labs. Huwag kang masyadong bumilib sa akinakin—" pinatay ko na agad ang tawag at tinack ang phone niya.




"Anong sabi?" tanong ni Jacob. Sinabi ko naman sa kaniya at pinuntahan na namin si Rogue.

ROGUE

Pinagmasdan ko si Clair na kunwaring nagte-text habang hinihintay si Xenon na lumabas mula sa restroom. Ganda niya talaga, lalo na kapag nagsusungit siya. Kaya gustong-gusto ko kapag naaasar siya.



Si Jacob naman aligaga sa pagtawag sa girlfriend niya. Kabado bente yan. Kasama kasi si Rain ang bestfriend nito, si Von, na may gusto rin kay Rain. Tsk. Tsk. Ang komplilado talaga ng lablayp. Buti pa ako single but happy.




Napatingin ako sa pintuan ng restroom. May lumabas roon na maong pants at white shirt. Napakunot ang noo ko dahil parang so Xenon ang lumabas o namamalik mata lang ako? Hindi naman ganun ang suot ni Xenon.




"May pupuntahan lang ako," paalam ko at sinundan iyong lalaki. Mahirap na at hindi namin alam ang mga galawan ni Xenon.





Dumiretso siya sa parking lot at sumakay sa kotse. Medyo humarap ang mukha niya sa akin at si Xenon nga! Takte! Dahil wala akong sasakyan, pumili na lang ako sa mga sasakyan na nakaparada para gamitin ko saglit. Ibabalik ko naman eh.



Pinili ko ang isang simpleng sasakyan. Para hindi nakakaakit ng pansin. Binuksan ko ang pintuan at hindi man lang naka-lock? Ano ba yan. Nilabas ko sa bulsa ko ang keychain na may nakakabit na susi nang iba't ibang sasakyan. Buti na lang at meron akong susi kapareha ng sasakyan na gagamitin ko. Pinaandar ko ang sasakyan at dali-daling sinundan si Xenon.





Wala kang kawala sa'kin, tol. Panigurado bilib na naman si my labs nito.



Kinuha ko ang selpon at tinawagan si my labs na agad naman nitong sinagot. Tsk. Si mylabs talaga kunwari pa.




"Hi, my labs," bungad ko habang ang mga mata ay nasa sasakyan pa rin ni Xenon.




"Tsk. Nasaan ka ba, Rogue?" tanong niya. Hay. Miss na niya siguro ako.  "Nasalisihan kami. Kailangan natin mahanap si Xenon."




"I know," cool na sabi ko. Hindi na ako nagulat dahil sinusundan ko ang totoong Xenon ngayon. "I'm actually following Xenon's car right now."





"What?" gulat na tanong niya kaya napangisi ako.




"Ang sabi ko sinusundan ko si Xenon ngayon. Galing ko 'di ba, my labs?" pagmamayabang ko.



"How did that happen? Tell me your location."




"Just track my phone, my labs. Huwag kang masyadong bumilib sa akin—" biglang namatay ang tawag. "—my labs." Napailing na lang ako at napangisi. Kahit kailan talaga.





Kaya ayokong pumag-ibig eh. Napakakumplikado. Lalo na kapag ang minahal mo, komplikado rin.

XIENA


"Xiena, Mahal kita. I love you, my Love."


"Mahal din kita, Vhax,"


"I will love you and protect you, our family. I promise."


"Vhax, I'm pregnant. You're going to be a Dad!"



Biglang akong napabangon at napahawak sa ulo ko. Ano iyon? Nitong mga nakaraang araw may mga imahe na lang na sumusulpot sa isipan ko. Hindi ko makita ang mukha noong lalaking kasama ko palagi pero sigurado akong ako iyong babae.






Biglang tumulo ang luha ko. Sa tuwing may naalala ko, sumasakit ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Nakakaramdam ako nang matinding kalungkutan at pangungulila. Kung sino man ang lalaking iyon, alam kong hindi si Magnus iyon. Iba. . . at kailangang kong makaalala.






"Baby, are you okay?" Agad kong pinunasan ang mga luha ko nang pumasok si Magnus sa k'warto ko.






Tiningnan ko lang siya at tumango. Hindi ko sinasabi sa kaniya ang mga naaalala ko. Pakiramdam ko hindi dapat, hindi ko siya mapagkalatiwalaan. Sabi niya asawa ko siya, pero hindi ako sigurado roon. Ngayon pa lang wala akong nararamdaman para sa kaniya.







Kailangan kong makaalala. Kailangan kong malaman ang totoo.






Sabay kaming lumabas at nagtanghalian. Nang matapos ako ay umalis siya dahil may pupuntahan daw muna siya. Palagi naman siyang umaalis.





"Babalik din ako agad, Xiena." Akmang hahalikan niya ako sa labi nang umiwas ako. He sighed and kissed me on my forehead instead.






Napagpasyahan kong maglibot-libot sa mansyon at baka may makita akong makakapagpaalala sa akin. Wala naman si Magnus kaya malaya ako ngayong araw. Gusto ko sanang puntahan ang opisina ni Magnus kaya lang may password ang pintuan. Dumiretso ako sa lang likod nang bahay kung saan may nakakonekta pang isang malaking bahay. Hindi pa ako nakakapunta roon at hindi ako dinadala ni Magnus roon.






Agad akong nagtago sa halamanan nang may paparating ng kotse. Lumabas ang mga lalaking may baril. Ang isa ay may buhay na babaeng walang malay at nakatali ang mga kamay at paa. Pumasok sila sa kabahayan kaya hindi ko na nakita ang ginagawa nila.





Oh god. Anong gagawin nila? Bakit may dala silang babae na walang malay? Shit. Magnus, ano ba talagang tinatago mo?




• • •

Continue Reading

You'll Also Like

132K 5.7K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...
54.3K 7.2K 73
Once upon a time, the story never started... Red Ridinghood was expecting death. But it looks like fate gave her something worse than that---being dr...
568K 16.9K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...